Pagpasok ni Dana sa pinto ay nakabukas ang lahat ng ilaw sa kanilang unit. Nagtaka naman si Dana at biglang nakaramdam ng takot. Wala namang tao sa kanilang unit dahil nasa Batangas si marco pero nakabukas ang ilaw. Dahan-dahan na humakbang si Dana papalapit sa living room at nakahinga naman siya ng malalim nang makita si marco na nakaupo sa couch. “Umuwi ka pala. Kanina ka pa? Akala ko sa penthouse ka na magpapagabi.” bungad ko at dahan-dahan niya akong nilingon. Blanko lang ang mukha niyang nakatingin sa akin. “Bakit parang gulat ka na umuwi ako?” Sagot niya at nagtaka naman ako sa kanya. Bakit parang galit siya. “ano’ng ibig mong sabihin?” hindi niya ako agad sinagot at ibinaling niya ang tingin niya sa basong nasa harapan niya. Umiinom siya? “Alam mo ba kung anong oras na? At saan ka galing? I tried to call you bago ako umuwi dito pero ang mama mo ang sumagot. Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sayo? Hinanap kita kahit hindi ko alam kung saan kita hahanapin. Halos mabaliw ako sa kakaisip na baka may nangyari sayong masama. I tried to looked for you in all the bars I knew that I might see you there but you were not there.” Napatingin ako sa kanya dahil may halong lungkot ang kanyang boses. “I went to my parents’ house and I didn’t notice that I left my phone. And I also had dinner outside with a friend.” Paliwanag ko naman at bigla siyang ngumisi pero nakatingin pa rin sa kanyang baso. “A friend? Or your First love?” tugon niya at nagulat naman ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na si Paolo ang kasama ko? Taranta ko. “May asawa kang tao at hating gabi ka na umuuwi. Nakikipaglandian ka sa kanya habang wala ako? Bakit Dana..ganun mo ba siya ka-miss?” nagsalubong naman ang kilay ko sa sinabi niya. “Nakikipaglandian? Anong sinasabi mo? Hindi sinasadyang nagkita kami kanina sa mall at niyaya niya akong kumain sa labas. Hindi ako makatanggi kaya pumayag na lang ako. Hindi ko naman alam na uuwi ka pala.” Sagot ko at bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. “kumain sa labas? Hanggang alas onse ng gabi? Nakita ko kayo sa park. Ang ganda ng tawanan niyo habang ako nasisiraan na ng bait sa pag-aalala sayo. Siguro masaya ka na ngayon at nakita mo na siya ulit. Nanghihinyang ka ba dahil kasal ka sa akin? At ngayong single na siya ulit pwede niyo na ituloy ang naudlot ninyong romance? Hindi ka na ba makapaghintay na makasama siya at kahit kasal pa tayo ay nakikipaglandian ka na sa kanya?” para akong nabibingi sa mga sinasabi niya at hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya. “Ganyan ba kababa ang tingin mo sa akin? I never thought you would look down on me like that. You know what, I don’t know why my parents want me to marry you. Hindi pa man tayo nagtatagal pero nakikita ko na ang masama mong ugali. And to tell you, you have no right to speak to me like that because you do not own me and no one owns me. I have the right to talk to others even to Paolo because this is my life. And don’t pretend to be good. Lest you forget, you cheated on me and lied. You have no right to judge me. Yes, we’re married. But we are only married under an agreement. You may forget that we are only married on paper.” Hindi ko na mapigilan ang emotions ko. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang sakit ng nararamdaman ko at halos maiyak ako sa harapan niya pero bago pa man tumulo ang luha ko ay humakbang na ako papasok sa kwarto pero bago pa man ako makapasok ay bigla siyang nagsalita. “Do you regret marrying me?” mahina niya tanong pero hindi ko siya nilingon saka nag-unahang tumulo ang luha ko. Sandali ako nanatiling nakatayo pero hindi ko siya sinagot at dumiretso na lang akong pumasok sa kwarto. Pagpasok ko ay hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak. Nanghina ang tuhod ko at napaupo sa kama sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Dinig ko naman ang pagwawala niya at pagbasag ng kung ano pa man sa labas at dahil doon ay mas lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan ako nasasaktan, sa mga binibintang niya sa akin o dahil wala siyang tiwala sa akin. I don’t know why I’m hurting like this. Umiyak lang ako ng umiyak. Maya-maya pa ay wala na akong naririnig na ingay sa labas. Nanatili lang akong nakaupo sa kama. Alas dos na ng madaling araw pero hindi pa rin siya pumapasok sa kwarto. Hinayaan ko na lang muna siya. Naghilamos na lang ako sa banyo at nagpalit na rin ng damit. Nagpasya na lang akong matulog at baka papasok din siya mamaya. Alas otso na ng umaga ng magising ako at nilingon ko siya sa tabi ko pero wala na siya. Bigla naman akong nakaramdam ng lungkot. Masyado ko ba siyang nasaktan kagabi? Pero hindi na rin kasi maganda ang mga sinasabi niya sa akin kaya nasabi ko ang mga iyon. Dito din kaya siya natulog kagabi? Mga tanong sa isip ko. Bumangon ako agad at pumasok sa banyo saka ako lumabas sa kwarto para tingnan kung nasa kusina ba siya. Paglabas ko sa kwarto ay nagulat ako at malinis ang buong bahay. Naririnig ko sa kwarto ang pagwawala niya kagabi at marami akong naririnig na nababasag na bagay. Tiningnan ko ang mga vase at iba pang mga babasagin na gamit sa living room at wala na ang mga ito. Siguro ay nasama sa mga binasag niya kagabi pero malinis naman ang buong bahay. O baka nilinis din niya lahat ng mga binasag niya. In fairness, responsible naman siya sa mga pinaggagawa niya at nilinis niya rin ang kalat niya kaya lang ay sayang naman yung mga binasag niya. Ang gaganda pa naman ng mga iyon. Wala naman akong naririnig na ingay sa kusina kaya sinilip ko siya sa kanyang library room baka nandoon siya pero pagsilip ko ay wala siya doon. Sinubukan ko sa fitness room niya at baka nag e-exercise siya pero wala din siya doon. Napabuntong hininga na lang ako at naglakad na lang papunta sa kusina. Baka pumasok na siya sa office. Pagdating ko sa kusina ay nakita kong may nakahanda ng breakfast. Pinagluto niya ako? at may nakita akong papel na idinikit sa baso. Agad ko iyong kinuha at binasa. I made you breakfast. Sa Batangas muna ako magse-stay for how many days, may kailangan lang trabahuhin. You can stay at your parents’ house kung hindi mo kaya mag-isa dito sa condo. Hindi na kita ginising at nagpaalam sayo dahil himbing na himbing ka pa. Don’t skip your breakfast and take care. Napanguso naman ako at nainis sa nabasa ko. “May kailangang trabahuhin o iniiwasan mo ako?” sa sobrang inis ko ay ginusot ko ang papel at itinapon. Tiningnan ko ang hinanda niya para sa akin pero nawalan na ako ng gana. Hahakbang na sana ako pabalik sa kwarto ng biglang sumagi sa isip ko ang bilin niya. Don’t skip your breakfast. Napapikit na lang ako at napasabunot sa buhok ko. Bumalik na lang ako sa mesa at umupo. Kinain ko na lang ang hinanda niya sa akin kahit wala na akong gana. I tried not to be affected of what happened last night. May schedule ako ng photoshoot ngayon kasama si kamila kaya maaga akong umalis ng condo. mabuti na rin iyon para hindi ko maisip ang mga nangyari. Mabilis kong pinatakbo ang kotse papunta sa location and Dino called me na nauna na sila doon. Pagdating ko sa parking area ay sinalubong ako ni Diana. “Dan..anong nangyari sa mata mo? Umiyak ka ba?” tanong niya pagkababa ko sa kotse. “Hindi. Late na kasi ako nakatulog kagabi kay medyo maga. Ready na ba ang set?” pagdadahilan ko habang naglalakad papasok sa building. “Yes. Ikaw na lang ang hinihintay para maayusan.” Sagot niya at naabutan namin sa lobby si Kamila na nagba-vlog at napalingon siya sa amin. “My beauty competitor for today’s photoshoot. Hey, Dan. Please greet my fans around the world.” Wika ni Kamila sabay lapit sa akin. Fans around the world? Meron ba siya nun? Sa isip ko at pilit na ngiti na lang ako at nakisakay sa trip niya. “Hello everyone.” Bati ko sa vlog niya. “I want to tell you that the gossip that we don’t get along and fighting each other over being the number 1 model in the country is very untrue. Truth is, the two of us are close friends.” Pagsisinungaling naman ni kamila sa kanyang vlog. Talagang magaling magpakitang-tao ang babaeng ito. “Hey Dan..tell my fans what we’re doing here today?” dugtong niya at ngumiti naman ako. “Today we’re doing a photoshoot for a magazine.” Sagot ko naman at pilit na ngiti naman siya sa akin. “Which the concept for today is #1 rivals.” Dugtong niya at napalingon naman ako sa kanya at sinasakyan siya ka-plastikan niya. “But someone like me doesn’t know the word ‘Lose’.” Dagdag niya at muntik na ako mapasabog sa tawa. “In that case, you’ll get to know it today.” Wika ko at nawala ang ngiti sa kanyang mukha at napatingin siya sa akin. “I’m just kidding!” dugtong ko at nginitian siya ng pilya. Nagpaalam na rin ako sa vlog niya at naiwan siyang inis na nakatingin sa akin. Pinagtawanan naman siya ni Diana na lalo niyang kinainis. Kahit kailan ay pakitang-tao talaga ang babaeng iyon. Buti nga sa kanya ang mapahiya siya sa sarili niyang vlog. Nagpatuloy lang ako sa paglakad papasok sa kwarto para magpalit at mag-ayos. Pagkatapos naming mag-ayos ay lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa Garden kung saan ang photoshoot at lumapit sa akin ang ibang mga nanonood doon. “Ms. Dana. Can we take a photo with you?” “Alright.” sagot ko at agad silang pumwesto sa tabi ko. Kita naman ni kamila ang mga nagpapakuha ng litrato kay Dana at sobra siyang nainis dahil ni isa walang pumansin sa kanya. “Ms.Dana. ang ganda niyo po pala sa personal. Bakit hindi po kayo sumasabak sa aktingan. Gumawa ng drama o movie? Sa ganda niyo pong yan siguradong mas sisikat po kayo.” Tanong ng dalaga at napangiti naman ako. “I have a lot of work and I don’t have time. And also, I might not good at it.” tugon ko at mukhang nanghinayang naman sila sa sagot ko. “Not good at it? Or you don’t know how to act?” singit naman ni kamila at napatingin ako sa kanya. “Uyy! Nagsalita ang magaling umarte. Bakit hindi na lang ikaw ang sumubok. Baka kunin ka pa ng director na bestfriend ng bida or di kaya ex-girlfriend ng bida o pwede ding kontrabida. Bagay kasi sayo ang mga second lead. At kung si Dana naman ang pag-uusapan. Sigurado akong siyang ang Female Lead.” Sumbat ni Diana at napapakagat naman sa kanyang labi sa inis si Kamila. “Tama na yan Diana. The set is ready. Let’s go.” Pigil ko at binalingan ko ang mga nagpakuha ng litrato sa akin. “I’ll have to go.” Paalam ko at masaya naman silang nagpaalam sa akin. Hapon na ng makaalis ako sa photoshoot. Niyaya ako nila Dino pumunta sa bar pero pagod na ako at mas gusto ko ng umuwi. 5:30 na ng dumating ako sa condo. pumasok ako sa bahay at binuksan ang ilaw. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Sobrang tahimik ng buong bahay at sa ganitong oras lagi umuuwi si marco. Pero ngayon ay wala siya. Umupo ako sa couch at inikot ko ng tingin ang buong bahay. Somehow I miss his presence. His smile, his scent and his handsome face. I know I did something wrong last night. I made him worried and hurt his feelings. I even reprimanded him badly. Sobra akong naging harsh sa kanya. I want to apologize to him but I do not know how to do it. I’m sure he’s still angry by now. Napasandal na lang ako sa couch at napahilamos ng kamay ko.