Chapter 53

2053 Words
Isang linggo pagkatapos ng Pool party sa hotel ni Ivan Del castillo ay naging busy ako sa mga photoshoots at appearances ko sa mga events. Wala akong trabaho ngayon. buka pa naman ang schedule ng isang photoshoot ko at pumunta muna si Marco sa Batangas para makita ang development ng pinapagawa nilang building doon kaya naisipan kong dalawin sina Mama sa Mansyon. Buong linggo ko rin iniisip ang sakit ni papa dahil sa ikinuwento sa akin ni Paolo tungkol sa pumanaw niyang asawa. Dumaan muna ako sa isang cake shop para ibili si mama ng favorite niyang blueberry cake. Dumiretso na rin ako papunta sa bahay. Pagdating ko sa harap ng gate ay pinagbuksan ako agad ni manong at nakita kong nakaparada din sa garahe ang sasakyan nila kuya. Mukhang andito din sila. Bumaba ako agad at kinuha ang binili kong cake. Pagpasok ko sa bahay ay wala sila sa living room. lumapit naman agad sa akin si Jelly. “Mam Dana.. mabuti naman po at dumalaw kayo dito. Na-miss ko po ang beauty mo mam.” Masayang wika naman nito at hinawakan ko siya sa balikat. “Ako din na-miss ko kayo dito sa bahay. Kamusta kayo dito?” tanong ko. “Simula po nung lumipat kayo sa condo ni sir marco naging sobrang tahimik po dito sa mansyon. Kaya nga po sobrang na-miss ko po kayo.” Tugon niya at napangiti naman ako. “Sobrang busy lang talaga kaya ngayon lang ako nakadalaw. Nasaan nga pala sina mama? Andito din ba sina kuya?” tumango naman siya. “Opo mam. Nasa Garden po sila. Kani-kanila lang din po dumating sina sir Daniel at mam Maurielle dala ang baby nila.” Sagot naman niya. “Sige paki-ayos na lang muna nitong cake at dalhin mo lang sa garden. Pupuntahan ko muna sila.” Utos ko at tumugon naman siya. Tinungo ko ang garden at nakita ko silang masayang nilalaro si Baby Maurice. Napansin ni Maurielle ang paglabas ko sa pinto. “Dana...” tawag niya at napalingon naman silang tatlo sa akin. “Anaaaak..” sambit ni Mama at lumapit ito sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit. Kahit papaano ay namiss ko ang yakap ni mama. “Kamusta ka na anak? Sobrang namiss kita. Bakit ngayon ka lang dumalaw dito? Kasama mo ba ang asawa mo?” my mom ask at umiling ako. “Ako lang po Ma. Pumunta po ng batangas si Marco para tingnan ang construction site nila. Sorry ngayon lang ako nakadalaw Ma. Sobrang hectic lang po ng schedule. Kamusta po kayo?” tugon ko naman at lumapit sa amin si Papa. “Okay lang naman kami dito anak. Kayo? Kamusta kayo ng asawa mo?” tanong ni papa at lumapit naman si kuya at maurielle dala ang baby nila. “Ayos naman po. Ikaw Pa kamusta na po ang pakiramdam niyo? Nagpapa-check up po ba kayo regular sa Doctor about sa sakit niyo? Ano po sabi ng Doc? Can it still be treated?” sunod-sunod kong tanong. I been so worried about my father these days. Natigilan naman silang lahat sa tanong ni Dana sa kanyang Ama. Alam nilang lahat na hindi totoong may sakit ang papa nila at nagpanggap lang itong may cancer para lang pumayag si Dana na magpakasal kay Marco. napatingin naman si Dana sa kanilang lahat at nagtataka sa mga naging itsura ng mga ito. Salubong naman ang kilay ko at nagtataka sa kanila. Bakit bigla silang natahimik. “May Problema ba? bakit ganyan ang mga mukha niyo?” curious ko at tiningnan ko si papa. “We went to Doctors hospital the other day and Doc jerry said Dad’s cancer is not serious yet but we must not be complacent.  For now Doc jerry needs to monitor papa first. And papa is being given medicine. So Don’t worry.” Mabilis namang sagot ni Kuya at tumango naman si Papa para sumang-ayon. “Monitor? Bakit hindi na lang natin siya ipatingin sa america para malaman natin agad ang lagay ni papa at maagapan pa hangga’t maaga pa.” Suggestion ko at para silang nagulat sa sinabi ko. “Hindi na anak. Hindi pa naman malala eh. Isa pa lagi naman ako nagpapa-check up.” Pigil naman ni papa at niyakap ako sa braso at naglalambing. “But Papa.. you need to be treated as soon as possible.” Sambit ko sabay lingon sa kanya. “Okay fine..Magpapatingin ako sa america soon. Pero bago yun maupo muna tayo at magkwentuhan. Ngayon lang ulit tayo naubo dito sa bahay simula nang ikasal ka. Isa pa unang beses pumunta dito ni baby Maurice kaya huwag na muna natin pag-usapan ang sakit ko.” tugon naman ni papa. Inilapit naman ni Maurielle sa akin si Baby Maurice at natuwa ako sa sobrang cute niya. umupo kami sa mini cottage sa garden at nilaro si Baby Maurice at hindi na rin namin napag-usapan ang tungkol kay papa. Maya-maya pa ay hinatid na ni Jelly ang binili kong blueberry cake. “Blueberry cake..” sambit ni mama at nginitian ko siya. “Dumaan ako sa cake shop para ibili ka nyan Ma. I know it’s your favorite.” Hinawakan naman ako ni Mama sa kamay. “Thank you anak. Alam mo talaga ang mga gusto ko.” simple lang ang mama ko. hindi siya materialistic. Napapasaya na siya kahit na sa simpleng bagay lang. Maghapon lang kaming nagkwentuhan sa Garden nang bigla bumuhos ang ulan kaya pumasok na kami sa loob. Alas kwatro na ng hapon kaya nagpaalam na ako kina Mama at papa para umuwi na sa condo. Sina kuya ay dito na muna matutulog sa mansyon. Hinatid naman nila ako sa labas para tingnan ako sa pag-alis ko. pagka-alis ni Dana ay bumalik na sila sa loob ng bahay at tahimik na umupo sa couch. “Anong plano mo Pa? How long will you lie to her? Because when she finds out that you’re just lying. I’m sure she will get angry.” Sambit ni Daniel at napahinga naman ng malalim ang kanyang ama. Mukha namang nagworry ang kanyang ina sa sinabi nito. “Let her believe that i have cancer until she finally learns to love her husband. And if that happens i will tell her the truth.” Tugon naman ng kanyang ama. “But Pa. She will still be angry with us. We cheated on her just to get what we want. You know how hard and sensitive my sister is. To think that, we’re her family but we ourselves cheated on her and when she finds out Marco also knew that you were just pretending and hiding the truth from her, do you think she would still love and forgive marco? Dad, this is a big sin. And i’m not sure Dana can forgive us.” Wika naman ni Daniel at natahimik silang lahat. Nag-aalala na ang kanilang ina dahil sa ginawa nilang pagsisinungaling. Pati si maurielle ay nakakaramdam na rin ng guilt para sa kanyang sister in law. Bago naman umuwi si Dana sa condo ay dumaan muna siya sa mall to buy something. Habang naglalakad siya sa mall ay nakasalubong niya si Paolo. Una siyang nakita ni Paolo. “Dan..” tawag niya at napatingin naman ako sa kanya. “Paolo..who’s with you?” tanong ko. “Ako lang. May binili lang ako para sa birthday ng pamangkin ko. ikaw, kasama mo ba ang asawa mo?” tugon naman niya at napayuko ako konti. “Ako lang. Dumaan lang ako dito to buy something. Nasa batangas ang asawa ko.” wika ko. “Kung ganun pwede ba kitang yayain kumain sa labas? Hindi naman siguro magagalit ang asawa mo.” Paolo ask. Gusto ko sanang humindi dahil hindi ako sigurado kong uuwi o hindi si Marco. kaya lang ay nahihiya akong tumanggi dahil ngayon lang din kami nagkita ni Pao after 10 years. “Sige..” sagot ko na lang. Quarter to six na rin at naghanap kami ng restaurant sa malapit para mag dinner. Dala ko din ang sasakyan ko kaya magkasunod lang kami. Si Marco naman ay balak sanang doon na lang matulog sa Penthouse niya ngayong gabi kaya lang ay sa tuwing maiisip niyang mag-isa lang ang kanyang asawa sa condo ay hindi niya maiwasang mag-alala. Sinubukan niyang tawagan si Dana para kamustahin siya kaya lang ay ang mama nito ang nakasagot. “Hello marco. si tita maria mo ito. Naiwan ni Dana ang cellphone niya. dumalaw kasi siya dito kanina.” Bungad ng ina. “Ganoon po ba? Nakauwi na po ba si Dana sa condo?” tanong naman niya sa manugang. “Oo hijo. Kanina pa siyang 4pm umuwi. Baka nasa condo na iyon. Asan ka na ba?” sagot niya. “Pabalik na rin po ako ng manila tita. Sige po baka nasa bahay na rin po siguro iyon. Dadaanan ko na lang po ang cellphone niya d’yan.” Tugon naman ni Marco. “O sige hijo. Mag-iingat ka sa biyahe.” bilin ng manugang niya at ibinaba na ang tawag. Nagpatuloy lang sa pagmamaneho si Marco at pagkalipas ng dalawang oras at kalahati ay nakarating din siya sa maynila. Dinaanan na muna niya ang cellphone ni Dana sa bahay ng parents niya bago siya dumiretso sa Condo pero pagdating niya doon ay nakapatay ang lahat ng ilaw. Pina-ilaw naman niya ang buong bahay at tiningnan sa kanilang kwarto ang kanyang asawa pero wala ito doon. Sinubukan niya ring tingnan sa closet room at sa banyo pero wala din. “Where did she go?” bulong ni marco. naisip niyang tawagan si Sam at karina baka sakaling sa kanila pumunta si Dana pero pareho lang ang sagot nilang dalawa. Hindi daw nagagawi si Dana sa kanila. Kahit si Dino at allison ay tinawagan niya rin pero wala din ang sagot nila. Umupo muna siya sa living room at naghintay baka pauwi na rin si Dana pero makalipas ang isang oras ay wala pa din siya kaya tinawagan na rin niya ang mama ni Dana para tanungin kong bumalik ba ito sa mansyon pero hindi daw siya bumalik doon sabi ng kanyang ina. Hindi na mapigilan ni Marco ang kanyang sarili na hindi mag-alala. 7:30 na at wala pa rin si Dana. hindi rin nito matawagan dahil nasa kanya ang cellphone nito. Habang nag-aalala si Marco sa paghihintay kay Dana ay masaya naman siyang nakikipagkwentuhan kay Paolo habang kumakain sa isang restaurant. Hanggang sa nagkayayaan sila na mamasyal sa isang parke. Masaya nilang inalala ang mga nakakatawa at di malilimutang mga gawain noon. Si marco naman ay hindi na nakapaghintay kaya nagpasya siyang lumabas para hanapin ang kanyang asawa kahit na hindi niya alam kong saan ito hahanapin. Pinuntahan niya lahat ng Bar na alam niyang pwedeng puntahan ni Dana bakasakaling umiinom na naman iyon. Inabot na ng dalawang oras ang paghahanap niya sa asawa niya pero wala siyang nakita. Hanggang sa inabot na siya ng 10:30 sa kakahanap kaya nagpasya na lang siyang umuwi at baka nasa condo na si dana. Sa sobrang kwentuhan nina Dana at Paolo ay hindi na nila namalayan ang oras. Bigla namang sumagi sa isip ni Dana si Marco. hinanap niya agad ang cellphone niya at baka kanina pa iyon at nagtetext at tumatawag sa kanya pero hinalukay niya ang kanyang bag at wala doon ang kanyang cellphone at napaangat siya ng tingin. “What’s wrong?” tanong ni paolo. “I think i left my phone in my parents house.” Sagot niya at bigla siyang nakaramdam ng takot. Sa hindi naman inaasahang pagkakataon habang pabalik ng condo ay napadaan si Marco sa parke at nahagip ng kanyang mata ang kanyang asawa at ang masama pa ay nakita niya itong kasama si Paolo. Napahinto siya at tiningnan ang dalawa. Nag-igting ang kanyang panga at galit na napahawak ng mabuti sa manibela. Parang gusto niyang bumaba sa sasakyan at basagin ang mukha ni Paolo pero pinigil niya ang kanyang sarili at nagpasya na lang siyang mauna sa condo at hintayin na lamang doon si Dana. “Pao, mauna na ako. Masyado na rin kasing late. Thank you sa time.” Paalam niya. “Ako dapat ang mag thank you. namiss ko ang ganitong bonding natin Dan..sana maulit pa ‘to. sige, mag-iingat ka.” Tugon naman ni Paolo at hinatid naman siya ni Paolo sa kanyang sasakyan. Nginitian niya ang kaibigan bago siya umalis. Malapit na rin ang parke na iyon sa kanilang condo kaya mabilis siya nakarating doon. Ipinarada na muna ni Dana ang kanyang kotse sa parking area at dumiretso ng sumakay ng elevator papunta sa kanilang unit. Wala siyang kaalam-alam na umuwi pala si Marco. hindi rin naman kasi niya sigurado kong uuwi ba siya o hindi. ang akala niya ay sa penthouse na niya ito magpapagabi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD