“let’s go!” sambit niya at napalingon naman ako sa kanya agad. “Saan tayo pupunta?” tanong ko. napapansin ko naman ang ilang taong nakatingin sa akin. Do i look weird on this outfit at nagbubulungan sila? Sa isip ko at halos gusto ko na lang magpalit ulit ng dress ko. “Balik na tayo sa pool.” Tugon niya. “What? Can we just go home? I don’t want to go back there.” Mahina kong sabi at hinarap naman niya ako. “Are you not enjoying the party?” tanong niya at salubong naman ang kilay ko. Manhid ka ba? is it not obvious that i don’t want to go back there because i’m too embarassed with this outfit? This man is ridiculous. Napapikit na lang ako at napabuntong-hininga. “It’s not like that. I just...” hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla kong nakita si paolo na patungo sa gawi namin. Napatingin ako sa kanya kaya napalingon si Marco. isinuot ko naman agad sa katawan ko ang dress ko para hindi niya makita ang suot kong swimsuit. “Hey! what are you doing here guys?” tanong ni paolo habang lumalapit sa amin. Hinawakan naman ako agad ni marco sa kamay. “May inayos lang kami. Aalis ka na ba?” tugon ni marco sa kanya. “Not yet. I’ll just get something in the car.” Tugon ni paolo. “I see..” pangiti namang tugon ni Marco. “Pao, we haven’t talked for a long time. If you have time. Can we invite you for a tea?” wika ko at napasulyap sa akin si Marco. tumango naman si Paolo at ngumiti. “Yeah sure.” Sagot niya. pumunta naman kami sa cafe ng hotel at umorder ng tea. Magkatabi kaming umupo ni Marco at sa harap namin si Paolo. Tahimik lang kaming tatlo habang iniinom ang tea. Ilang sandali pa ay nagsalita si Paolo. “So, how’s life Dan? We haven’t seen each other for a long time. I think.. two years before our graduation we started not seeing each other, right?” wika ni paolo at napatingin naman ako sa kanya. Ang sinasabi niya ay nung time na sobra akong nasaktan sa nakita ko sa condo niya. doon nagsimula na hindi na ako nakipagkita sa kanya. “Yeah! It’s been a long time.” Sagot ko. tahimik lang ding nakikinig sa amin si Marco.“I’m still upset at you until now.” Dugtong niya at kunot-noo naman ako. “Upset with me? Why?”pagtataka ko. “Because you didn’t attend our wedding before. I thought you were hurt so you did not attend.” Sagot niya at ramdam ko namang namula ang pisngi ko. napatingin naman si Marco kay Paolo sa sinabi nito. Hindi naman ako agad nakapagsalita. “So Dan.. tell me how you and marco met. I don’t know much about you since we lost our communication. Magkwento ka naman. Matagal na tayo hindi nag-uusap eh.” Napatingin naman ako kay Marco at nginitian niya ako. His question reminded me of why marco and i got married. I thought that because of that question my hatred for Marco would return. But i wondered why now i can no longer feel that i hate my husband and that i married him beacuse i was just forced. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko nang tawagin ni Paolo ulit ang pangalan ko. “Dan?” agad naman akong napatingin sa kanya. “Well, Marco and I met at one of our Fashion shows he attended. He’s also Maxine Sandoval’s Brother.” Tugon ko at mukha namang nagtaka si Paolo sa narinig niya. “Hindi ba’t..you and maxine did not get along even before? Well, i’m glad that you get along now since her brother is your husband.” Tanong niya at nginitian ko lang siya. “Actually, Maxine and I still do not get along until now but even so..my husband and I do not have any problem as long as maxine does not exceed the limit.” Paliwanag ko naman. “I see.. maxine has nothing to do with your relationship. The dispute between the two of you is a different story.” Paolo said. “how about you? You said two years ago janelle died. What happened to her? If you don’t mind.” tanong ko naman sa kanya. “after our wedding, we decided to migrate in Canada and 3 years after we got married. She suddenly felt pain in her breast. I took her to the doctor to have her checked up and we discovered that she had breast cancer and was in stage 4. I treated her with good doctors in U.S. i did everything just to keep my wife alive. She was undergoing chemotherapy for 5 years just to make her life long but her body couldn’t handle it anymore, maybe she was tired too. She died after 5 years of treating her.” Mahabang kwento naman ni paolo at nakaramdam ako ng awa para sa kanya. At dahil sa sinabi niya ay bigla kong naisip si Papa. He has a cancer too. Iniisip ko pa lang na mawawala si papa ay parang hindi ko kakayanin. Hinawakan ko naman sa kamay si Paolo at binigyan siya ng tipid na ngiti at tinapik niya rin ang kamay ko. napahinga naman ng malalim si marco ng makita niyang hinawakan ni Dana ang kamay ni Paolo. Nakaramdam siya ng takot at selos sa kanyang nakita. “I’m sorry. Hindi ko alam na naging mahirap pala ang naging kalagayan niyo ni janelle. Ni hindi man lang kita nadamayan sa mga oras na kailangan mo ng kaibigan.”wika ko. “It’s okay Dan. Kasalanan ko rin naman kung bakit nawala ang communication natin. Pinagpalit kita sa iba.” Tugon naman ni Paolo at napataas ng dalawang kilay si Dana at nagulat sa narinig. Mabilis namang napatingin si Marco kay Paolo. Nakatingin naman ng diretso si Paolo kay Dana kay nagsalubong ang mata nila. Napapakuyom naman ng kamao si Marco sa paraang ng pagtitig nito sa asawa niya. ilang sandali pa ay bumitaw si Dana sa pagkakahawak sa kamay ni Paolo at nilingon si Marco. nanatili namang nakatingin si Paolo at nginitian lang siya ni Dana. pakiramdam ni Marco ay Display lang siya sa kanilang dalawa. Taas baba naman ang kanyang dibdib sa sobrang inis. Ilang sandali pa silang natahimik. “So, how long have you been married?” tanong ulit ni Paolo. “It’s been 3 months since we got married.” Si Marco na ang sumagot sa tanong niya. “How was Dana’s husband? You are lucky that you are the one she married.” Sambit naman ni Paolo at sa kabilang parte ay naging proud si Marco sa kanyang sarili dahil pinakasalan siya ni Dana at siguradong maraming gustong umagaw sa posisyon niya. “If i hadn’t been a fool then. I would have been her husband by now.” Dugtong ni Paolo at napaupo naman ng tuwid si Marco sa narinig. Mabilis namang napa-angat ng tingin si Dana kay Paolo at nilingon si Marco. kita niyang nag-igting ang panga ni Marco at salubong ang kilay na nakatingin kay Paolo. Nakipagtagisan naman ng tingin sa kanya si Paolo. Nakita din ni Dana na nakakuyom ang kamay ni Marco sa ilalim ng mesa kaya agad niya itong inabot at hinawakan. Napatingin naman si Marco sa kanya at nginitian siya ni Dana para pakalmahin. Marco suddenly calmed down because of her smile and the tension between them also subsided. “I think...we Should go back to the party. Maybe they’re already looking for us.” Sambit naman ni Dana. niyaya na lang niya ang dalawa dahil mukhang nagkakainitan na ang mga ito. Maya-maya pa ay tumayo na si Marco at inabot ang kamay ni Dana kaya mabilis na rin siyang tumayo. “Let’s go babe.” Yaya niya dito saka tiningnan si paolo. “Mauna na kami sa party. Hindi ba’t may kukunin ka pa sa kotse mo?” wika ni Marco at tipid na ngiti lang ang tinugon ni Paolo. “Mauna na kami. Thanks for the time.” Sambit naman ni Dana at nginitian niya ito. Hinawakan naman ni marco ng mahigpit ang kamay ni Dana at nag-umpisang maglakad palabas ng cafe. Napatingin na lang sa kanila si Paolo. Paglabas nila Marco sa Cafe ay nakasalubong naman nila si Kamila na papasok din sa cafe na iyon pero hindi siya pinansin ng dalawa at nagpatuloy lang sa paglakad. Nagtaka naman si Kamila pero hindi na rin niya pinansin. Pagpasok niya sa loob ng cafe ay nakita niya si Paolo na nakatingin sa dalawa. Kaya napalingon siya ulit kina Dana na naglalakad palayo at ibinalik agad ang tingin kay Paolo. Napansin naman ni Paolo ang pagpasok ni Kamila at binigyan niya ito ng ngiti. Yumuko naman ng konti si Kamila at tinugon din siya ng ngiti. Dumiretso na lang si Kamila sa counter para umorder. Maya-maya pa ay tumayo na rin si Paolo at lumabas sa cafe. Napatingin lang sa kanyang si kamila habang naglalakad palabas. Habang naglalakad naman pabalik ng pool sina Marco at Dana ay napansin ni Marco na suot pa rin ni Dana ang dress niya. “Won’t you take off your dress? I thought you wanted to wear a swimsuit? You’re beautiful with the swimsuit that i gave you. Don’t you want to show it?” tanong niya at napangiwi naman ako. Who wants to show it? They will just laugh at me when they see me wearing it. I would rather wear a dress all night than they see me wearing this.. Sa isip ko. “Hindi na. Nilalamig na rin kasi ako. Isa pa ayoko na rin makisali sa pool masyado ng maraming naliligo.” Pagdadahilan ko at nakatingin lang siya sa akin. “Okay. Kung yan ang gusto mo. Mas okay na rin yan para hindi rin malantad ang katawan mo.” Tugon naman niya at napataas ako ng kilay. Inakay na rin niya ako palabas sa pool at nadatnan namin ang nagkakasayahan na naliligo sa pool. Dumiretso naman kami sa table namin at inabutan namin ang mga kaibigan ko doon na umiinom ng wine. “Where have you been? We’ve been looking for you. I thought you were just going to wear your swimsuit but why are you still wearing your bohemian dress?” Sam ask at napatingin naman sa amin ang mga kasama namin sa table. “Marco and i were walking around the hotel so i forgot to change. Isa pa nilalamig na rin ako kaya nagpasya na lang akong huwag ng magpalit.” Pagdadahilan ko. “You’re missing the party Dan..” wika naman ni Mark. “Oo nga. Mukhang si Marco lang ata ang gusto kasama ni Dana eh. Mas na-eenjoy silang dalawa.” Tukso naman ni Dino at nagtawanan sila. Pati si marco ay napatawa din. “huy hindi ah.” nahihiya ko namang sagot. “Ok, ok..Umupo na kayo dito and join us.” Yaya naman ni sam at umupo na rin kami. Everybody is having a great night. Halos tawanan at tuksuhan lang ang naririnig ko sa table namin. Ang ibang bisita ay nagkakasiyahan sa pool. Napansin ko ring nakikisali din sa mga naliligo sa pool sina Patsie, Maxine at alfred. Hindi ko na rin mahagilap si Paolo sa pool area. Mukhang hindi na siya bumalik. Hanggang sa lumalim na ang gabi at isa-isa na ring nagpapaalam ang mga tao at lasing na rin ang mga kaibigan ko. nagpaalam na rin kami kay Ivan dahil malalim na rin ang gabi. Hindi naman masyadong nakainom si Marco at kaya pa naman daw niya mag drive. Mabuti na lang din at mahirap din malasing mga nobyo nila Sam at Karina tanging ang mga kaibigan ko lang ang hindi na kayang maglakad sa sobrang kalasingan. Tinulungan din namin silang ihatid sina sam at karina sa kanilang sasakyan at nauna na rin silang umalis. “Paano Dan. Mauna na rin kami. Mag-iingat kayo ng asawa mo.” Wika ni Dino at umalis na rin sila. Paalis na kami ng makita namin sina Maxine at alfred na palabas ng hotel. Pero Hindi ko nakitang lumabas ng hotel si Patsie. Hindi ko na rin sila inisip pa at gusto ko na rin umuwi dahil sa sobrang pagod. Gusto ko na mahiga sa kama. hindi na rin masyadong traffic dahil hatinggabi na kaya mabilis kaming nakarating sa condo.