Chapter 32

2163 Words
Pumasok na rin sa kanyang opisina si Marco pagkatapos nilang magtalo ni Dana. pagsapit ng hapon ay nauna ng umuwi ng kanilang bahay si Dana. sumunod na lamang doon si marco pagkatapos ng kanyang trabaho. Inabutan naman ni Marco ang Papa ni Dana na nasa Garahe kasama ang kanilang driver. “Good evening po Tito.” Bati niya habang papalapit sa matanda. “Good evening. Bakit hindi kayo magkasabay ni Dana umuwi dito?” “May tinapos pa po kasi akong trabaho sa opisina. Kanina pa po ba siya dumating? Tanong niya sa kanyang father in law. “Kani-kanila lang. Sige na pumasok ka na at nang makapagpahinga ka. Maya-maya lang ay maghahapunan na rin tayo.” utos ng matanda. Pumasok na rin siya agad at nakasalubong niya ang Mama ni Dana. “Good evening po Tita.” Masaya namang ngumiti ang kanyang mother in Law. “Good evening din hijo. Mukhang pagod na pagod ka sa trabaho. Sige na umakyat ka na sa kwarto niyo at ng makapagpahinga ka. Ipapatawag ko na lang kayo kapag kakain na.” Sambit ng kanyang mother in law. Tatalikod na sana si Marco para umakyat ng magsalita ulit ang kanyang mother in law. “Siya nga pala hijo. May gusto ka bang ulamin ngayong gabi? Ipagluluto kita kung gusto mo.” Napakamot naman ng kanyang noo si marco sa hiya. “Naku huwag na po tita. Nakakahiya naman po sa inyo. Okay lang po sa akin kahit ano.” Lumapit naman sa kanya ang matandang babae. “No, i insist.” Tugon nito at wala na rin nagawa si Marco at sinabi na lang niya ang kanyang paborito. Pagkatapos nun ay bumalik na rin sa kitchen ang kanyang mother in law at dumiretso na rin siya sa kwarto ni Dana. kumatok muna siya bago pumasok. Nasa balkonahe ng kanyang kwarto si Dana at nakaharap sa kanyang laptop, nilingon lamang niya ang pagpasok ni Marco saka ibinalik ulit ang kanyang atensyon sa kanyang laptop. Hinatid naman ni Barnie ang kanyang boss na si maxine sa kanilang Condo ng tumunog ang kanyang message tone. Binuksan niya ito at nakita ang leaked photo nina Dana at Alfred. Napatingin naman si Barnie sa kanyang amo na umupo sa couch at napasandal sa stress dahil hindi nito makontak si Alfred ilang araw na. Lumapit naman si Barnie sa kanya. “Mam Maxine. Nakita mo na ba itong bagong balita?” sambit ni Barnie at napalingon sa kanya si Maxine. “What news?” nag-aalangan namang magsalita si Barnie nang titigan siya ng amo dahil salubong ang kilay nito. “hindi mo di ba makontak si Sir Alfred? Andito siya.” Inabot naman ni Barnie ang kanyang cellphone kay Maxine at nanlaki ang mata niya sa nakita. Napahawak naman sa kanyang noo at napapikit si Maxine sa sobrang stress. Nag-alala naman ang kanyang assistant. “Mam Maxine ok lang po ba kayo? Pasensya na po, sana di ko na lang pinakita sa inyo ang news.” Liningon naman siya ng kanyang amo. “It’s alright. You can go home now Barnie. Salamat sa paghatid.” Sambit ni Maxine at tumugon naman ang kanyang assistant. Pagkaalis ni Barnie ay agad na tinawagan ni Maxine ang kanyang kuya. Ilang beses nang tumatawag si maxine bago makalabas ng banyo si Marco. Nag-ring ulit ang kanyang phone. Lumapit siya dito para sagutin ng makita niyang rumihistro ang pangalan ni Maxine kaya sinagot niya ito agad. “Kuya..why are you just answering now? Kanina pa ako tumatawag sayo.” sigaw na sabi ni maxine sa kabilang linya at napahinto naman si Marco sa paglakad. “Nasa banyo ako kaya di ko agad nasagot ang tawag mo. What’s wrong? Hey! Calm down first.” “How can i calm down? You didn’t see the news? Your wife is getting involved with my husband again.” Galit namang sabi Ni Maxine. “Why are you saying that? Dana was just at the agency and Alfred came to see her.” Pagtatanggol naman ni Marco sa kanyang asawa at napalingon sa kanya si Dana na nasa balkonahe dahil narinig nito ang pagsambit ni Marco sa kanyang pangalan. “and what did Dana do to lure my husband? And why is he holding dana’s hand and hugging her? Is she trying to seduced my husband again?” nagsalubong naman ang kilay ni Marco sa narinig. “That’s enough Maxine..don’t throw the blame to Dana. i think you should go talk to your husband and ask him more. He shameless came to Dana, asking her to talk to him and kneeling down in front of Dana at the agency. What does he want?” tugon naman ng kanyang kuya. “And where is Alfred? Dana took Alfred. Tell Dana to return my husband to me right now!” Singhal ni Maxine. “That’s going too far Max. How would Dana know where alfred gone? Because right now Dana is with me at her parents house.” “That’s not true. You’re lying kuya..” naiiyak namang boses ni maxine. “Max..listen to me...” hindi na natuloy ni Marco ang kanyang sasabihin. “You’re protecting Dana. you don’t love and pity me anymore kuya, right? How did you manage to exchange me for Dana?” nagulat naman si Marco sa sinabi ng kapatid. “Max. It’s not like that. I love...” hindi na nito natuloy ang kanyang sasabihin dahil pinutol na ni Maxine ang linya. Napahilamos naman sa kanyang mukha si Marco. Bahagya naman siyang nagulat nang makita si Dana na nakatayo sa likod niya. “Kanina ka pa ba d’yan?” tanong ni Marco. “Yes. I heard everything you said. Thanks for protecting me to your sister. Nagtatampo ba siya sayo?” Dana ask. Umupo naman si Marco sa couch. “Yes. She’s thinking na pinagtatakpan kita at kinalimutan ko ng kapatid ko siya.. Maxine is not that Bad Dan. Marami lang talaga siyang pinagdadaanan. Hindi ko alam ang totoong nangyari sa inyo at bakit hate niyo ang isa’t-isa pero Maxine is a kind person.” Paliwanag naman ni Marco. Bumuntong-hininga naman si Dana. “Let’s not talk about her. Bumaba na tayo at magdi-dinner na.” Pag-iwas naman ni Dana. ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila ni maxine dahil impossible na silang magkakabati pa. Isang suntok sa buwan. sakto namang pababa na sila at naghahanda na ang kanyang mama kasama si Jelly ng hapunan at napalingon sa kanila ang kanyang ina. “Anak andito na pala kayo. Tamang-tama at maghahapunan na tayo. Jelly, tawagin mo na ang Sir Ferdinand mo at kakain na.” Sambit ng ina at agad na tumugon si Jelly sa utos nito. “Anong ulam Ma?” tanong ni Dana habang papaupo siya. Umupo na rin si Marco sa tabi niya. “Nagluto ako ng paborito mong Sinigang anak at pinagluto ko rin si Marco ng paborito niyang kare-kare.” Tugon ng ina at napalingon si Dana kay Marco. Napinsan naman ito ng kanyang ina. “Tinanong ko si Marco anak kung ano ang paborito niyang ulam kaya ipinagluto ko rin siya.” Paliwanag naman ng kanyang ina at nginitian ni Marco ang ina. Hindi naman makapaniwala si Dana sa naririnig. Kailan pa sila naging close ni Mama? Tanong ni Dana sa kanyang isip. Dumating na rin ang kanyang ama at umupo na sa kanyang pwesto. “Hmmm. Ang bango naman ng mga ito. Bakit ang dami nating ulam honey?” tanong ni ferdinand sa asawa at umupo sa tabi niya si Maria. “Gusto ko kasing ipagluto ng paborito nilang ulam si Dana at Marco kaya marami akong niluto. Alam ko namimiss mo na rin ang paborito mong menudo kaya ipinagluto din kita.” Lambing naman niya sa asawa at nakangiting nakatingin lang sa kanila ang dalawa. “Naku! Ang sweet naman ng asawa ko.” ganti naman ni Ferdinand. “O siya.. kumain na tayo at hindi na ito masarap kapag malamig na.” Dugtong pa niya at nag-umpisa na silang kumain. “Dana ano ang plano niyo ni Marco ngayong kasal na kayo? Hindi naman sa ayaw kong andito kayo sa bahay pero kailangan niyo rin ng sariling tahanan for your privacy bilang mag-asawa. Are you going to buy a house?” napatingin naman si Dana sa kanyang ama. “Actually we haven’t plan it Pa. Isa pa kahapon lang kami kinasal.” tugon ni Dana pero tinapik ni Marco ang kanyang kamay at napalingon sa kanya si Dana. sininyasan naman niya si Dana na siya na ang bahala. “Ang totoo po niyan tito. May Condo po ako sa Makati, balak ko po sanang doon kami tumira ni Dana.” nanlaki naman ang mata ni Dana sa narinig. “What are you saying?” bulong ni Dana sa kanya. “Sssshhh.” Pigil naman ni Marco. “kailan niyo ba balak lumipat doon?” tanong ng kanyang ama. “Nextweek po sana tito.” Tugon niya at tumango naman ang matanda habang kumakain. “Kung ganun, malalayo na sa akin ang anak ko.” malungkot namang sambit ng kanyang ina at hinawakan ni Ferdinand ang kanyang kamay. “Honey, may asawa na ang anak natin. Isa pa, dadalaw din naman siya dito lagi.” Malungkot namang nakatingin sa kanya ang kanyang asawa. “Don’t worry Ma. Dadalasan ko po ang pagpunta dito.” Dugtong naman ni Dana at napalagay naman ang kanyang ina. Nagpatuloy naman sila sa pagkain. Pagkatapos nilang kumain ay sinamahan ni Marco ang kanyang father in law sa garden para magpahangin. Dala nila ang isang bote ng wine. Nauna namang umakyat sa kanyang kwarto si Dana para tapusin ang kanyang ginagawa. “kamusta ang ugali ng anak ko? sana ay habaan mo ang pasensya mo sa kanya. Matigas ang ulo niya at hindi mo siya mapipigilan sa mga gusto niya. intindihin mo na lang siya kapag nagtatantrum siya. she’s really a stubborn kid kaya minsan ay hindi na namin siya nakokontrol.” Paunawa naman ni Ferdinand. “I understand tito. Sa konting panahon na nakilala ko si Dana ay kabisado ko na ang ugali niya. I can manage her tito. Don’t worry.” Tumingin naman sa kawalan ang matanda ang ininom ang wine sa kanyang baso. “Simula nang maaksidente si Dana ay madalas siyang hindi nakakakilala ng tao. Ni ayaw niyang makipag-usap sa hindi niya kilala. But when it comes to you, nag--iba ang anak ko.” napalingon naman si Marco sa sinabi nito. Napatingin sa malayo si marco at ininom din ang kanyang wine. Ilang sandali pa silang nag-usap at nagkwentuhan. Nang lumalim na ang gabi ay nagpasya na rin silang pumasok sa loob at diretso na silang umakyat sa taas. Kumatok naman at pumasok sa kanilang kwarto si Marco at kakalabas lang ni Dana sa banyo pero hindi niya pinansin ang binata at dumiretso sa kanyang dressing table. Umupo naman sa kama at humarap kay Dana si marco. Nagsusuklay naman siya ng kanyang buhok ng makita niya sa salamin na nakatingin sa kanya sa kanyang likod si Marco at napahinto siya sa pagsusuklay. “What?” tanong niya. nakapatong naman ang isang paa ni marco sa kanyang kabilang legs at nakatukod sa kama ang kanyang dalawang kamay. “Wala lang..gusto lang kitang titigan.” Napalingon naman sa kanya si Dana. “Nang-aasar ka ba? o baka may binabalak kang masama?” tumayo naman si Dana at humarap sa kanya. “No, it’s not like that.” Sagot naman ni Marco. Binato naman ni Dana ang tuwalya sa mukha ni marco “maligo ka na nga lang doon at umalis ka na d’yan sa bed, matutulog na ako.” Itinulak naman ni Dana si marco paalis sa kama. pagkatapos siya ipagtulukan ni Dana ay pumasok na rin sa banyo si Marco at naligo. nagbabasa naman ng libro si Dana habang nakasandal sa headboard ng bigla siyang makaramdam ng antok. agad niyang inilagay ang kanyang libro sa side table at nagsimula ng mahiga. Papalabas na ng Banyo si marco ng mahiga si Dana. lumapit naman si marco at nagsimula na ring umupo sa kama at sumandal sa headboard si Marco ng maramdaman ni Dana na lumubog ng konti ang kama. napadilat si Dana at napabalikwas ng makita si marco sa kanyang tabi. “Hey! What are you doing?” tanong ni Dana at napatingin naman sa kanya si marco. “sleep.” Tugon ni marco. “Go sleep elsewhere.” Inis namang sabi niya. “Where do you want me to go Dan? There’s only one bed here. Isa pa nasa balkonahe ang couch. Mamatay ako sa lamig doon. And one thing, we’re husband and wife so we should sleep on the same bed.” “No, we can’t! May agreement tayo na matutulog tayo sa isang kwarto but separate spots.” Naupo naman ng maayos si Marco at humarap sa asawa. “Babe pwede bang alisin na lang natin yon? Palitan mo na lang ng kahit anong gusto mo. Huwag lang yon. Sumakit ang likod ko kagabi sa couch. Please...” napanganga naman at nagtaas ng kilay si Dana. “Babe mong mukha mo. Anong tingin mo sa agreement natin, palengke na pwede mong palitan ang binili mo kapag hindi mo gusto?” lumapit naman sa kanya si Marco. “Just this week Dan. Nextweek kapag nakalipat na tayo sa Condo. We’ll sleep on different spots. Please..” napahinga naman ng malalim si Dana at inilagay ang isang unan sa gitna nila. “Fine! huwag kang lalagpas dito sa unan kung hindi malalagot ka sa akin.” Pagbabanta niya at agad na humiga at tumalikod. Napapangiti naman sa saya si marco dahil pinagbigyan siya ng kanyang asawa. “Goodnight Babe.” Sambit ni Marco. “Matulog ka na..” tugon naman ni Dana na lihim na napapangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD