Maagang nagising si Marco at agad na lumabas ng kwarto para tumungo sa kitchen. Habang palabas siya ng kwarto ay nakasalubong niya ang kanyang in laws. “good morning po tito, tita..” “Good morning din hijo.” Sagot naman ng dalawang matanda. Napansin naman ni Marco ang luggage na hawak ni Jelly. “Mukhang aalis po kayo.” Nilingon naman ng father in law nito si jelly para paunahin na sa baba. “ Yes. We have a Business conference in Macau for 3 days. Kayo na muna ni Dana ang bahala dito sa bahay. Okay lang ba?” tumango naman si Marco. “Sige po tito.” Napatingin naman sa pintuan ng kanilang kwarto ang ina ni Dana. “Gising na ba si Dana?” “tulog pa po tita. Hindi ko na po muna ginising kasi himbing na himbing pa.” Sagot niya at pilya namang nakangiti ang kanyang mother in law. “Ganun ba? kapag gising na siya ay ikaw na lang ang magsabi sa kanya na umalis na kami. Alam din naman niya ang tungkol sa conference sa macau.” Inakbayan naman ni Ferdinand ang asawa. “O sige hijo. Mauna na kami at baka mahuli kami sa flight namin. Mag-iingat kayo dito sa bahay. Tawagan niyo kami kapag may problema. Okay?” saka lumapit ang matandang lalake at binulungan siya. “Wala kami dito ng tatlong araw. Dapat pagbalik namin ay may balita na kami sa magiging apo namin.” Nagulat namang napatingin si Marco sa kanyang Father in law na nakangiti sa kanya. Bahagya namang namula ang kanyang pisngi sa hiya. “Don’t be shy. Mag-asawa na kayo. Kaya Fighting!” Dugtong pa ng matanda at tinapik siya ulit sa balikat. “Oh paano. aalis na kami.” Paalam nila. “Hatid ko na po kayo sa labas.” Presinta naman niya at bumaba na sila sa hagdan. “Ingat po kayo.” At itinaas naman ni ferdinand ang kanyang kamay para sumenyas. Nang makaalis na ang sasakyan ng kanyang in laws ay pymasok na rin si Marco at tinungo ang kusina. Binuksan niya ang fridge para tingnan kung ano ang pwede niyang lutuin para sa breakfast. Eksakto namang may nakita siyang paborito niyang lutuin noong nasa Italy pa siya. Kinuha niya iyon at niluto. Nag-aassist naman si Jelly sa pagluluto ni Marco. Ilang sandali pa ay nagising na si Dana. pagmulat niya ng kanyang mata ay wala na si Marco sa kanilang kama. tiningnan niya ang oras at eksaktong Alas otso na ng umaga. bumangon agad siya at sandaling umupo bago siya tumayo para mag toothbrush. Pagkatapos niyang mag toothbrush ay inayos niya lang ang kanyang sarili at lumabas na ng kwarto. Pagdating niya sa Dining area ay nadatnan niyang naghahanda ng breakfast si Marco sa lamesa. Napahinto naman si Dana ng makita ang kanyang asawa na nakasuot pa ng Apron. Napaangat naman ng tingin si Marco ng mapansin ang kanyang asawa at nginitian. “Good morning babe.” Bati niya at kilig na kilig naman si Jelly sa gilid. “Good morning..ikaw lahat nagluto niyan?” tanong ni Dana. tumango naman si Marco. “Yes babe. Maaga akong gumising para ipagluto ka ng breakfast mo.” Napataas naman ng kanyang dalawang kilay si Dana sa narinig. Kinilig siya sa sinabi ng kanyang asawa pero hindi siya nagpahalata. Lumapit naman siya sa table at tiningnan ang mga niluto nito. “It looks delicious.” Sambit ni Dana at napangiti naman si Marco. “Umupo ka na at kakain na tayo.” tugon naman ni Marco at inalis na niya ang kanyang Apron at ibinigay kay jelly. “Sina papa?” “Maagang silang umalis ni tita papuntang Macau. Hindi ka na nila ginising dahil himbing na himbing ka pa.” Naalala naman ni Dana na nabanggit sa kanya iyon ng kanyang ina. “Oo nga pala.” Nilagyan naman ni Marco ng kanin ang plato ni Dana pati ulam. Lihim namang nakatingin sa kanya si Dana. May pagka-sweet din pala ang mokong na ito. Sa isip niya. “Let’s eat.” Sambit ni marco at nag-umpisa na silang kumain. Nagulat naman si Dana ng kainin niya ang niluto nito. Infairness! Masarap siya magluto. nilingon naman ni marco ang kanyang asawa na napapatango habang kumakain. “You’re excellent in cooking. Hindi ka lang pala businessman, you’re also able to cook and delicious too.” Puna ni Dana sa kanya. Napapangiti naman si marco. “Hindi naman masyado. When i was in Italy, i had to take care of myself hindi katulad dito na may katulong para gumawa sa lahat ng gawaing bahay.” Nakikinig lang si Dana sa kanya at patuloy lang sa pagkain. Nasa gilid naman si Jelly na nakatayo at sumabat sa kanilang usapan. “Naku, buti pa po kayo sir magaling magluto. si Mam Dana po walang alam sa gawaing bahay.” Ani jelly at napatingin sa kanya si marco. Napaangat naman ng tingin si Dana sa sinabi nito. “Aww. I don’t have to do anything because this is my house at isa pa andyan ka naman, i don’t need to do the household chores.” Sumbat naman ni Dana kay jelly. natawa naman si Marco sa reaksyon ng kanyang asawa. “Hey! Why are you laughing?” saway ni Dana kay marco. “Well, you’re just cute kapag naiinis ka.” Inis namang nakatingin sa kanya si Dana. binalingan naman niya si Jelly na natatawa din sa kanya. “Jelly..bumalik ka na doon sa kusina.” Utos ni Dana at agad na tumugon si Jelly. Ilang saglit silang natahimik ng magsalita si Marco. “May lakad ka ba ngayon?” napasulyap naman sa kanya si Dana. “Yes, may photoshoot ako ngayon para sa isang magazine. Bakit?” “Ihahatid na kita. Pupunta rin ako ng batangas ngayon. bibisitahin ko lang ang site.” Hindi na sumagot si Dana at tinapos na lang nila ang kanilang breakfast saka bumalik sa kwarto para maligo. Nauna na siyang naligo dahil may kausap pa sa phone si Marco. Saglit lang naligo si Dana at lumabas na. Sunod namang naligo si Marco. Habang nagsusuklay ng buhok si Dana sa dressing table ay nag-ring ang phone ni Marco na iniwan niya sa Kama. nilapitan ni Dana para makita niya kung sino ang tumatawg ng makita niya ang pangalan ni Patsie. Napataas naman ng kilay si Dana. why is she calling marco? Bulong niya sa sarili. Hinayaan na lamang ni Dana iyon at pumasok na sa kanyang walk in closet para magbihis. Pagkatapos magbihis ni Dana ay kakalabas lang din ni Marco sa banyo na naka tuwalya. Iniwas naman ni Dana ang kanyang tingin dahil naiilang ito. Sandali pang tumayo si marco sa harap ng kama at tumayo si Dana para kunin ang kanyang cellphone sa kama ng mapansin ni marco ang paglingon nito sa kabila habang kinukuha ang kanyang cellphone. Bahagya namang lumapit si marco sa kanya at napasigaw naman si Dana ng makita niya na nasa tabi na niya si Marco. “Aaahhh.. ano ka ba? bakit ka ba nanggugulat?” sigaw ni Dana sa kanya. Nagtaka naman si Marco. “Wala naman akong ginawa ah.” tugon niya. “Bakit ka kasi bigla-biglang sumusulpot sa tabi ko?” iniiwas pa rin ni Dana ang kanyang tingin. “well, na curious lang ako kung anong nangyari sa leeg mo? Na stiff neck ka ba?” napalingon naman siya sa sinabi ni Marco at nanlaki ang mata ng tumingin siya sa baba. “Ahhhhh!!” padabog naman siyang nagsisisigaw at lumayo kay Marco. Nagtataka naman si marco sa kanyang asawa. “Anong problema?” nagtatakip naman ng kanyang mukha si Dana. “Ano ka ba..magbihis ka na nga doon..” utos ni Dana at doon lang napagtanto ni Marco kung bakit ganoon ang reaksyon ni Dana ng lumapit siya. Tumingin siya sa kanyang ibaba at napapailing na tumawa. “bilis na..magbihis ka na..” dugtong pa ni Dana at nakapameywang namang nakatingin sa kanya si Marco. Nang hindi pa rin siya umaalis ay kinuha ni Dana ang unan at ibinato sa kanya. Napasalo naman si marco na tawang-tawa. “Ok fine..Magbibihis na ako.” Dumiretso na sa closet si Marco para magbihis. Maya-maya pa ay paalis na sila ng bahay ng tumunog ulit ang cellphone ni Marco. Napalingon sa kanya si Dana ng sagutin niya ito. “Hello Engineer..yes, pupunta ako d’yan..ihahatid ko lang ang asawa ko.” sambit ni marco at nagpatuloy na sa paglakad si Dana. ang akala niya ay si Patsie na naman ang tumatawag. Sandali lang nag-usap sina marco at engineer. Agad ding pumasok sa kanyang kotse si Marco ng makita niyang nakasakay na si Dana. tahimik lang silang nagbiyahe. Mabilis lang silang nakarating sa Venue ng photoshoot. Pababa na sana si Dana ng hawakan siya ni Marco sa Braso. “Wait Dan..” nilingon naman siya nito. “Why?” “Susunduin kita mamaya. Tumawag sa akin si Daddy. Gusto niya sanang doon tayo mag dinner sa bahay. Okay lang ba sayo? don’t worry, hindi sa mansyon umuuwi si Max.” Sambit ni Marco. Tipid na ngiti naman ang ginanti ni Dana at tumango. “Mauna na ako.” Paalam ni dana at bumaba na siya. Nakatingin naman si Marco sa kanyang asawa habang papasok ito sa building. Nang masiguro niyang nakapasok na ito ay umalis na rin siya agad. Dumiretso namang pumasok si Dana sa kwarto kung nasaan ang photoshoot. Marami ang andoon na staffs at may iilang reporter para i-capture ang photoshoot para sa launching ng isang magazine. agad na inayusan ng make-up artist si Dana. makalipas ang mahigit kalahating oras ay natapos din siyang ayusan at agad na isinuot ang kanyang gagamiting dress para sa photoshoot. Nang magbigay na ng cue ang photographer para simulan na ang kanilang trabaho ay agad na lumabas na si Dana sa dressing room. Habang papalabas siya ay nagulat siya ng makita si Patsie na nakasuot din ng dress. Hindi niya alam na si Patsie pala ang makakasama niya sa photoshoot. Huminto naman sa kanyang harapan si Patsie at inilibot niya ang kanyang mga mata saka tumuloy sa area. Sinundan lang siya ni Dana ng tingin at umismid. Lumapit naman siya at binangga sa balikat si Patsie. Nasaktan si patsie sa ginawa niya dahil napahawak ito sa kanyang balikat pero tinaasan niya lang ito ng kilay. Nagsimula na ang kanilang photoshoot. Professional naman silang nagtrabaho at naging maayos naman ang lahat. Nang matapos na ang photoshoot ay lumapit naman sa kanila ang ilang reporter para kuhanan sila ng litrato at interviewhin. Magkatabi naman silang tumayo at nagpakuha ng litrato. “This way please, smile.” Sambit ng reporter at ngumiti naman silang dalawa. “Finally, we fully meet. This show will be very entertaining. right Dana?” Sambit ni Patsie habang nakangiti itong nakaharap sa camera. Lumingon naman konti sa kanya si Dana at kunwaring masaya lang sila ni Patsie. “that’s right. I’m very happy for the chance to improve my skills. cause i heard you’re very good in faking attitude.” Mabilis namang napalingon sa kanya si Patsie na nakangiti pa rin. “Excuse me Ms. Dana, Ms. Patricia.. totoo po bang may alitan kayong dalawa simula pa noon.?” Tanong ng reporter. “That’s not true. It’s just a gossip. We both love and admire each other’s skills very much. Right Dan?” pilit na ngiti naman siyang lumingon kay Dana at umakbay siya sa braso nito para ipakita sa reporters na Okay silang dalawa. “That’s right. And everyone knows how patsie’s personality is really like.” Ngumiti naman si Dana at hinawakan ang beywang si Patsie kahit na gustong-gusto na niyang hatakin ang buhok nito. Matalim na tingin naman ang inilingon ni Patsie sa kanya dahil may laman ang kanyang binitawang salita. Humarap naman silang dalawa sa mga reporters at ngumiti para sa huling litrato. Pagkatapos nilang magpa-interview ay pumasok na sila sa kani-kanilang dressing room at agad na naglagay ng Alcohol si Patsie sa kanyang katawan ganoon din si Dana dahil diring-diri silang dalawa sa pagkakahawak sa isa’t-isa. “Ahhhhh!...Dana! may araw ka rin sa akin.” Inis na sigaw ni Patsie at napapatingin lang sa kanya ang kanyang assistant at make-up artist. Dumating naman at pumasok sa Dressing room ni Dana si Dino at naabutan nitong naliligo na sa alcohol si Dana. sa sobrang tapang ng amoy ay napahawak si Dino sa kanyang ilong. “Ano ba naman yan Dana..ang sakit na sa ilong, bakit ka ba naliligo ng alcohol?” tanong ni Dino. “Nakakadiri..hinawakan ako ni patsie kaya kinailangan ko maligo sa alcohol baka mamaya mahawa pa ako sa ugali niya.” tugon ni Dana na naliligo pa rin sa alcohol. Inagaw naman ni Dino ang alcohol sa kanya. “Tama na nga yan..naubos mo na ang isang bote ng alcohol. Pambihira!.” Umupo naman si Dana at salubong ang kilay. Habang sa kabilang kwarto ay sumasabog na din sa inis si Patsie. “You wait and see Dana.. I will do everything to make you have no where to stand. I’ll do more than use dirty methods.” Inis ni Patsie at nanginginig sa galit habang napapakuyom ng kanyang kamay.