Pagkatapos magpalit ni Dana ay Nagpahatid siya kay Dino sa Condo ni Samantha dahil namimiss na nito ang kaibigan. Si Karina naman ay nasa probinsya at sinamahan si Francis sa kanyang lolo at lola. pinagbukas naman ni sam ng pinto ang kaibigan. “Hey! Mrs. Sandoval..” pang-aasar ni Sam. “Tseeee.” Sabay halik niya kay Sam. Sabay naman silang pumunta sa Living room at umupo. “So how was life after marriage?” tanong ni sam at sumandal naman si Dana sa couch. “Ganun pa rin. Still bored of this life.” Tugon niya at humarap naman sa kanya si sam. “What do you mean bored? Don’t tell me hindi pa kayo nag...” hinampas naman ni Dana si Sam kaya di na nito natuloy ang sasabihin. “That’s impossible.” Lumapit naman ng konti si Sam. “Why? Mag-asawa na kayo. Sandali..huwag mo sabihing nahihiya ka?” sinulyapan naman niya ang kaibigan. “we’re not a real couple..sa papel lang kami mag-asawa.” Sambit niya at hindi agad nakapagsalita si Sam. “Napilitan lang akong magpakasal sa kanya because of my father. Papa is sick at hiniling niyang magpakasal kami ni Marco. I want him to be happy, so I did it! I sacrificed my own happiness just to see my father happy. Ayoko makitang stress ang papa ko.” napapanganga naman si Sam at hindi makapaniwala. “Are you crazy Dan? Kasal ang pinasok mo. Alam ba ni marco?” tumango naman siya. “Yes. We both agreed to this bago kami nagdesisyong magpakasal. Our Marriage will only last for 6 months.” Di naman nakapagsalita si Sam at nakatingin lang sa kanya at nilingon niya ito at napataas siya ng kilay. “Why are you looking me like that?” huminga naman ng malalim si Sam. “Dan naisip mo ba na sa loob ng 6 months na magkasama kayo ni Marco pwede kang ma-fall sa kanya? Marami pang pwedeng mangyari sa inyo. What if after 6 months maghihiwalay na kayo then you realize na mahal mo na pala siya? What will you do? And what if malaman ng parents mo na nagpapanggap lang pala kayong dalawa?” bumuntong-hininga naman siya. “Nag-usap na kami tungkol sa fake marriage namin. Wala namang ibang nakakaalam nito. Tayo lang tatlo. Tsaka malabong ma-fall ako sa kanya. You knew me Sam.” Tugon niya at umismid naman si Sam. “Are you sure about that? How about Marco? Wala ba siyang feelings sayo just like you to him?” nagkibit-balikat naman siya. “Siguro..wala naman siyang pinapakitang kakaiba sa akin. Talagang gentleman lang siya.” Umiling-iling naman si sam. “Ano yang iling na yan?” curious niyang tanong sa kaibigan. “Well, i can’t imagine how can you manage this situation. I mean..you with Marco on the same roof at magkasama sa kwarto. I don’t think hindi kayo mafo-fall sa isa’t-isa.” Pananaw naman ni sam at tinaasan naman siya ni Dana ng kilay. “Huwag na nga natin ‘to pag-usapan.” Pigil niya. “Wait Dan. Alam ba ni karina yan?” sam ask. “Not yet. Hindi na rin kami nagkita simula noong kasal. Nasa probinsya sila ni Francis. For now, sa atin na lang muna ito sam. Okay?” nakanguso namang tumango si sam. “As you wish. Pero mag-iingat ka Dan. Nasa inyo ang atensyon ng tao dahil kapatid ni Maxine ang asawa mo. Everybody knows na hindi kayo okay ni Maxine. konting pagkakamali mo lang ay pag-uusapan ka na naman ng madlang people. ” Tumango naman siya. Ilang sandali pa silang natahimik ng tumunog ang cellphone ni Dana. kinuha niya ito sa kanyang purse at nakitang si Marco ang tumatawag. Hinarap naman niya kay Sam ang kanyang phone. “Speaking of.” Huminga naman ng malalim si Sam sa stress sa kaibigan. “Oh?” sagot niya. “Asan ka? Pabalik na ako ng Manila. Susunduin kita para diretso na tayo sa mansyon.” Inikot naman niya ang kanyang mata. “Andito ako sa condo ni Sam. Dito mo na lang ako sunduin.” Ibinigay naman niya ang pangalan ng condo ni sam. After 1 hour ay dumating na rin si Marco sa harap ng building at nagpaalam na rin si Dana sa kanyang kaibigan. “Mauna na ako. Kita na lang tayo ulit.” Paalam niya at nagbeso sa kaibigan at tinungo ang elevator. Paglabas niya sa elevator ay natanaw niya agad ang sasakyan ni Marco na naghihintay sa kanya sa labas. Mabilis siyang humakbang palabas at sumakay. Agad din pinaandar ni Marco ang sasakyan. “How’s your work?” tanong ni marco habang nagmamaneho siya at naglalagay naman ng seatbelt si Dana. “Ok lang naman. Maaga kaming natapos kaya naisipan kong puntahan si Sam. So kamusta ang punta mo ng batangas?” she said. “Ok lang din. Nasa 50% na ang construction. Dumaan nga pala ako sa penthouse. Tinanong ka ni manang sa akin. She’s happy that we’re married. Gusto ka na daw niya makita ulit.” Tugon naman ni Marco at natuwa siya sa sinabi nito tungkol sa kanyang kasambahay sa batangas. “How is she?” nilingon naman siya saglit ni Marco. “She’s fine. Excited na nga siyang makita ka. Kasama niya ngayon sa penthouse ang Apo niya. bakasyon kaya doon muna siya nagbakasyon.” Tumango naman si Dana at hindi na sumagot. Ilang sandali pa ay nasa labas na sila ng mansyon. Bumusina siya ay agad na binuksan ng security ang gate. Sakto namang naghahanda na ng dinner ang mommy ni Marco kasama ang kanilang kasambahay at si Ella. “Andito na po kami.” Bungad ni Marco at napatakbo naman sa tuwa si Ella sa kanila. Mabilis ding lumabas ng dining area ang kanyang mommy. “Kuyaaaa.... Hi Ms.Dana.” nakangiting sambit ni Ella at nahihiya. natatawa naman sa kanya ang kanyang kuya pati si Dana sa reaksyon nito. “Hi ella. Huwag mo na akong tawaging Ms. Dana.. ate na lang ang itawag mo sa akin.” Nakangiting sabi naman ni Dana sa kanya at napapatalon naman sa tuwa si Ella. “Talaga po? Ate na ang itatawag ko sayo? oh my god!” kinikilig namang napahawak sa kanyang bunganga si Ella. Tuwang-tuwa naman sa kanya si Dana. lumapit naman ang kanyang mommy. “Hi mom..” sabay halik ni marco sa kanyang ina. “Good evening po tita.” Bati ni Dana at lumapit naman siya para magbeso. “Welcome to the family hija. I’m so happy that you’re my daughter in law now.” Sambit ng ina at hindi nito maitago ang saya. Nakatingin naman si marco sa kanyang asawa na hinahawakan ng kanyang ina. Maya-maya pa ay bumaba naman ang kanyang daddy mula sa kanyang study room. “Finally, my daughter in Law is here.” Sambit ng kanyang ama. “Good eveing po tito.” At nagmano naman si Dana. “Good evening din hija..mabuti naman at pinagbigyan niyo kami ng mommy mo anak.” Sabay tingin nito kay Marco.”Ofcourse Dad. Kayo pa ba.” tugon naman niya. “So, tayo na sa Dining area at nakahanda na ang pagkain.” Yaya ng ina at hinawakan niya si Dana sa braso at inakay sa Dining area. Ngumiti naman si Dana at sumunod. Inakbayan naman ng kanyang ama si marco. “Let’s go son.” Yaya ng ama at sumunod na rin sila. Magkatabing umupo si Marco at Dana. si Ella naman ay nasa tabi ng kanyang tita at nakaharap kay Dana. hindi mawala ang ngiti sa labi ni ella dahil kaharap niya ang kanyang idol. Napansin naman iyon ni Marco. “Huy Ella. Baka matunaw na ang Ate Dana mo sa kakatitig mo sa kanya.” Tukso ni Marco. Tumingin naman sa kanya si Ella. “Well, i just can’t help it kuya..dati sa social media at magazines ko lang siya nakikita pero ngayon nasa harapan ko na siya at cousin in law ko pa. Nakakakilig lang.” Masayang sabi naman ni ella at napapangiti sa kanya si Dana sa tuwa. “Thank you for Admiring me.” Sambit naman ni Dana at malapad na ngiti naman ang tinugon ni ella. “O siya..kumain na tayo at lumalamig na ang pagkain.” Utos ng ama at agad na sila kumain. Masaya silang nagkukwentuhan ng biglang dumating si Maxine at dumiretso sa Dining. “Hi everyone.” Bungad ni Maxine at napalingon naman silang lahat. “Ate Max..” sambit ni Ella. Napabuntong-hininga naman si Dana at napansin iyon ni Marco. “What are you doing here anak?” tumayo at lumapit naman ang kanyang ina sa kanya. “Well, i just came to see my husband’s mistress..oh! Mali, my brother’s wife pala..” napapikit naman si Dana at napabuntong-hininga. tumayo naman si Marco. “What are you doing Max?” lumapit naman si Maxine sa table. “Hindi niya nakuha ang asawa ko kaya pinakasalan na lang niya si Kuya para maisalba niya ang sarili niya sa kahihiyan..how wonderful.” Hinarap naman niya si Dana. “falling like that must be painful. And so, how are you now that you’re my brother’s wife?” tinaasan naman ni Dana ng kilay si Maxine pero nanatili lang itong nakaupo. “I’m getting better now that i have Marco as my husband.” Tumawa naman si Maxine. “Great. Gusto ko lang ipaalala sayo ang sinabi mo sa akin noon. Na hindi mo matatanggap ang mga taong malapit sa akin. But you’re here, Mrs. Sandoval. Oo nga pala, naaksidente ka nga pala kamakailan. I want to make sure that your brain isn’t so affected that you also forgot what you said before. In case you forgot your rejections, that now you’re going back against your word. Whether you may be called forgetful or unreliable.” Pinag-cross naman ni Maxine ang kanyang kamay sa dibdib pagkatapos niyang sabihin iyon. “Max..Stop that.” Saway ni Marco sa kapatid. Napapatingin naman sa kanila ang kanilang mga magulang. “Why kuya? I’m just warning that thing to be born like a human. She should have dignity and keep her words. To be good or bad depends on her performace. You know what i mean right?” tumingin naman siya kay Dana. napatayo naman si Dana at hindi na nakapagtimpi. “Are you alright Maxine? I think you should go see a doctor.” Sambit ni Dana at napatayo naman siya ng maayos. “What do you mean?” nag-cross naman ng kanyang kamay sa dibdib si Dana at bumuga ng hangin. “keep talking about the same thing. Mistress, malandi, grabber..back and forth, back ang forth. You’re so consistent on that. Did you see me lying on the same bed with your husband? Why you keep accusing me as his mistress? If not, then stop that nonsense.” sa sobrang inis ni Maxine ay sinugod niya si Dana pero pinigilan siya ni marco. Napatayo naman ang kanilang Ama. “that’s enough Maxine!” saway ng kanyang ama. “No dad, she’s insulting me. And you’re telling lies with a pouty face. Cause you want to play the game of increasing your value, right?” singhal ni Maxine kay Dana. “You see that my dad and my brother is siding with you, so you’re trying to mess with their heads.” Nagpipigil naman sa galit si Dana sa pang-iinsulto ni Maxine sa kanya. Ayaw niyang patulan si Maxine dahil kasama nila ang mga magulang nila at ayaw niyang sumama ang tingin nila sa kanya. Nanahimik lang siya ng hawakan ni Marco ang braso ng kapatid. “Max..Dana and I loved each other.” Napaangat naman ng tingin sa kanya sa Maxine. “That’s not true! This girl never thought that you’re her lover, But a toy.” Sambit ni Maxine habang nakatingin sa kanyang kuya. “She is not like that.” Iniwaksi naman nito ang kamay sa pagkakahawak sa kanya ni Marco. “Are you blind kuya? Ginagamit ka lang niya for her personal interest. She wants to be more famous kaya ka niya pinatulan. She didn’t get alfred kaya ikaw naman ang pinunterya niya.” napapakagat naman ng kanyang labi si Dana at nanginginig na sa galit. Hinawakan naman ni Dana ang kamay ni Marco kaya napalingon siya kay Dana. “Don’t you get that Marco?. Maxine doesn’t insult me just her words. And She does it everytime she sees me.” Liningon naman ni Marco si Maxine. “What did you do to Dana?” napanganga naman si Maxine sa gulat dahil pinagmukha siya ni Dana na masama sa harap ng kanyang pamilya. “Liar!” tugon niya and Dana smirked at her. “What’s the meaning of that smirk?” dugtong ni Maxine at susugurin niya si Dana ng pagilan siya ulit ng kanyang kuya. “I’m taking Max out.” Sambit ni Marco pero nagwawala si Maxine. “Bitawan mo ako kuya..hindi pa ako tapos sa kanya.” Napuno naman ang kanyang ama sa inaasal ni Maxine. “Enough.. I said enough!” sigaw ng kanilang ama at nagulat naman silang lahat at napahinto sa pagwawala si Maxine. “I never thought that you’re mean to her this much. Don’t be rude. Hindi ka namin pinalaking ganyan. Hindi mo na kami nirespeto bilang magulang mo. At ang kuya mo hindi mo na nirespeto. Dana is her Wife.. how could you insult her infront of him? You solve your own problem with your good husband. And not blaming others.” Dugtong ng Ama at napaiyak naman si Maxine dahil sa sinabi ng ama at dahil na rin sa si Dana ang kinakampihan nito. Sa sobrang inis niya ay sinubukan ulit niyang balingan si Dana pero mabilis siyang napigilan ni Marco. “Stop it Maxine and you get out of this house!” pasigaw na sabi ng kanyang ama at natigilan siya. Nilingon naman niya ang kanyang ama. Naiiyak naman ang kanyang ina na nakatingin sa kanya. Halong awa at galit ang nararamdaman niya sa ginagawa ni Maxine. “You’re chasing your daughter out for this shameless woman? Alright! If you think that stranger is better than you daughter.” Naiiyak namang sabi ni Maxine habang nakatingin sa ama. Saglit niya pang tinitigan ang ama bago siya lumabas ng Dining at diretsong lumabas ng bahay. “Max anak..Max..” tawag ng kanyang ina habang sinundan ito pero hindi niya pinakinggan ang ina at dali-daling umalis. Napalingon naman si Marco sa kanyang asawa at bumuntong-hininga. Napa-upo naman si Dana sa sobrang stress. At Napapailing na napaupo naman ang kanyang ama. Nang dahil sa nagyari ay nawalan na sila ng ganang kumain.