Chapter 25

2002 Words
Lumabas ako sa venue at pumunta sa Hallway para umiwas sa kanya. Di ko mapigilan ang sarili kong huwag magalit. He fooled me. I was walking papalayo ng bigla siyang sumunod sa akin. “Dana wait..” tawag niya sa akin at napalingon ako. Mabilis naman akong naglakad papalayo pero hinabol niya pa rin ako. “Dana please..let’s talk.” Habang hawak niya ang braso ko pero iniwaksi ko iyon. “Don’t touch me! Di ba sabi ko sayo huwag mo na akong kakausapin?” i said at he sighed. “Dana please..listen to me first. About what i said yesterday.” Itinaas ko naman ang kamay ko para pigilan siyang magsalita. “I don’t want to hear it anymore.” “But Dana..i’m serious!” natigilan naman ako sa sinabi niya. “Gusto kitang tulungan para malinis mo ang pangalan mo sa pagpapahiya sayo ng kapatid ko. I know Mali ako dahil itinago ko sayo ang totoo. But please let me help you.” He said. “Enough Marco. Ayoko na ma-involve pa sa inyong magkapatid. I’m too tired.” Tumalikod naman ako pero hinarang niya ako ulit. “Just give me a chance to prove to you na sincere ako sa pagtulong sayo. Oo kapatid ko si Maxine pero hindi ko tino-tolerate ang ugali niya.” i look at him pero hindi ako nagsalita hanggang sa dumating ang staff ng hotel. “Excuse me po ma’am Dana. hanap na po kayo ni Sir ferdinand. Mag-uumpisa na daw po ang party.” Sambit ng staff at sinulyapan ko siya saglit at naglakad pabalik sa loob at iniwan siya. Hindi ko na alam kung sumunod ba siya sa akin o hindi. Habang nagkakasayahan sa loob ay panay ang tingin ni Marco sa dalaga na umiiwas ng tingin sa kanya. Hanggang sa umakyat na ang birthday celebrant na si Ferdinand sa Stage para sa kanyang speech. “I just want to thank all of you for coming tonight as i celebrate my 59th Birthday. Isang taon na lang senior citizen na ako.” Tawanan naman ang mga bisita sa sinabi nito. “Gusto ko rin magpasalamat sa aking pamilya. Sa aking lovely wife, Maria Riza. And to my two precious gifts from heaven Daniel and Dana Marie at sa aking daughter in Law na si Maurielle who did all of this. Sila ang lakas ko, ang kaligayan ko. my family is everything to me. Maraming salamat din sa mga nag-abalang magbigay ng Regalo. Sa aking mga kumpare na walang sawang sumusuporta sa akin. Gusto ko ring i-grab ang opportunity na ito para ipakilala sa inyong lahat ang aking Future Son in Law..Marco Sandoval.” Nagulat naman si Dana at nanlaki ang mata ng marinig ang sinabi ng Ama. Ganoon din si Marco na napatayo ng tuwid sa narinig. Katulad nila ay nagulat din ang pamilya ni Dana at ang pamilya ni Marco. Palakpakan naman ang mga tao at masayang nagbubulungan. Nanigas naman sa kanyang upuan si Dana na napansin ng kanyang kuya. Tatayo sana siya ng pigilan siya ng kanyang kapatid. “Dana NO!..” Pigil nito at wala na siyang nagawa. Umakyat naman silang lahat sa stage para magpa-picture. Inutusan naman ni Ferdinand ang staff na paakyatin si Marco sa stage para sumali sa picture taking. “Excuse me sir. pinapasabi po ni sir ferdinand na umakyat daw po kayo sa stage para magpakuha ng litrato kasama sila.” Sambit ng staff. Nilingon muna ni Marco ang kanyang Ama at tumango ito sa kanya. Saka sumunod si Marco papunta sa stage. Inis na inis naman ang mukha ni Dana ng makitang papalapit ang binata sa kanila. Katabi ni Dana si Daniel pero lumipat agad si Daniel sa kaliwa ng kanyang asawa para makatabi si Marco ky Dana. tumabi naman siya sa dalaga pero di siya nilingon ni Dana. “Closer please..” utos ng photographer. “Ok, one more..ahh excuse me sir Marco pero pwede niyo po ba hawakan sa waist si Ma’am Dana para maganda po ang kuha.” Nainis naman si Dana at nagtaas ng kilay napansin siya ng kanyang kuya kaya kinalabit siya nito. Hindi na rin siya pumalag at hinawakan na lang siya ni Marco sa kanyang beywang. Nanginginig naman sa galit si Dana sa mga nangyayari pero nagpipigil lang siya. Pilit na ngiti lamang siya habang si Marco naman ay hindi niya maitago ang saya sa kanyang mukha dahil halos yakap niya na si Dana. Pagkatapos ng pictorial ay mabilis na bumaba ng stage si Dana at naiwan si marco kasama ng pamilya ni Dana. napansin naman iyon ng kanyang kuya Daniel at nilapitan si Marco. “Pasensya ka na sa kapatid ko. Give her some time. Hindi madali sa kanya ang mga nangyayari.” Sambit ni Daniel at tumango naman siya. “Naiintindihan ko. kasalanan ko rin naman kasi.” Tugon ni marco. “What you did is right Marco. Hayaan mo at kakausapin ko siya.” Kahit paano ay nakaramdam ng konting kaginhawaan si Marco sa sinabi ng kuya ni Dana. lumabas naman agad ng venue si Dana dahil hindi na nito mapigilan ang galit niya. masaya namang nakikipag-usap sa kanilang mga kaibigan ang mga bisita ni Ferdinand kaya ng makahanap siya ng pagkakataon ay sumunod siya kay Dana kasama ang kanyang asawa at inabutan nila si Dana na nagpupunas ng luha sa hallway. “Anak..” lumingon naman si Dana at kitang-kita sa mukha niya ang dissapointment. “Anak..I’m sorry kung hindi kita in-aware. Alam ko nabigla ka pero sana maintindihan mo na this is for your own good.” Napapanganga naman ako sa naririnig ko. “For my own good pa? Niloko ako ng lalakeng iyon. Sa tingin mo pagkakatiwalaan ko pa siya? And he’s maxine’s brother papa. The woman who accused me having an affair with her husband..mas lalo lang lumala ang sitwasyon.” Lumapit naman sa kanya ang kanyang ama at hinawakan ang kamay niya. “Anak please.. kilala mo ako. Hindi naman kita ilalagay sa sitwasyon kung alam kong mapapahamak ka. Trust me anak.. Marco is not what you’re thinking. Besides marco is a good man. At alam kong hindi ka niya pababayaan. Si Marco lang ang gusto kong mapangasawa mo anak. Please!” pakiusap naman ng ama. “I want you to marry him anak.” Dugtong ng ama at hindi makapaniwala si Dana sa naririnig. “You want me to marry him? But Papa. I don’t love him. And i don’t think i can love him in this state. Isa pa..marriage is living as a couple. We didn’t love each other. How can we get married? Even animals choose their partners. We must choose our partner from love and from the understanding of two person not like this. That’s impossible. ” Hinawakan naman siya ng kanyang ama sa balikat. “Why is it impossible anak? You’ll love each other after marriage.” Kunot noo naman at salubong ang kilay niya sa sinasabi ng kanyang ama. “It’s not that easy Pa..this is real life and not a movie.” Lumapit naman sa kanya ang ina. “Anak..we believe that goodness will win against Hatred and fear. and another thing, We don’t trust anybody aside from Marco. And we really want Marco to be your husband. We don’t want anybody.” “But Ma..Marriage for me is far from my plans and impossible.” “alam mo ba anak. Nang pinakasalan ko ang papa mo. Katulad mo rin ako mag-isip. Pero nang magsama na kami ng papa mo unti-unti ko na siyang natututunang mahalin. Love isn’t hard. At naniniwala kami ng papa mo na darating ang panahon at matututunan niyo ring mahalin ang isa’t-isa.” Paliwang naman ni mama at hindi na ako nakapagsalita pa. Tahimik namang nakikinig si Marco sa usapan nila at natutuwa siya dahil gusto siya ng mga magulang ni Dana. alas dyes na ng gabi ng magsiuwian ang mga bisita at palabas na sila sa hotel ng salubungin sila ng reporters. kasunod lang ng pamilya ni Dana ang pamilya ni Marco. At nasa likod lang ni Dana ang binata. “Excuse Mr. Dela fuente..pwede po ba namin kayo ma-interview? Ano po ba ang masasabi ninyo sa pag-aanunsyo ni Mr.Sandoval sa pagpapakasal nila ng anak ninyong si Dana?” tanong ng reporter. “Well, i’m glad that my Daughter choose him to be her husband. Besides kumpare ko ang daddy ni Marco at gusto rin naming ang mga anak namin ang magkatuluyan.” Masaya naman ang mga reporter sa sagot nito. “How about you Sir Marco.. Ano po ang masasabi niyo na gusto po kayo ng parents ni Ms. Dana?” tanong ng isa pang reporter. “I’m glad that tito Ferdinand likes me to be his son in law and i promise him to love his daughter like how they love her.” Nagulat naman si Dana ng halikan siya ni Marco sa kanyang buhok at inakbayan siya. kinilig naman si Ella at Maurielle sa ginawa nito. Pati ang mga reporters ay kinilig. Pigil na pigil naman si Dana sa kanyang inis at inapakan ang paa ni Marco kaya napabitaw ito sa kanya. “Kailan niyo po ba balak magpakasal? At ano po ang masasabi niyo tungkol sa kapatid niyong si Maxine? Sa tingin niyo po ba ay magkakaayos pa sila ni Ms.Dana ngayong magiging sister in law niya ito?” di naman makasagot si Dana at Marco sa tanong kaya sumingit ang Daddy ni Marco. “We want them to get married As soon as possible. But for now please excuse us.” At agad na umalis na ito at tinungo ang kanilang sasakyan. Hindi na nila sinagot ang tungkol sa issue nila Maxine. Hinarang naman ng mga security ng hotel ang mga reporters para makaalis na ang dalawang pamilya. Nagpaalam naman sila sa isa’t-isa at Pinasakay naman muna ni Marco si Dana sa kanilang van bago siya sumakay sa kanila sasakyan at agad na umalis. Pagdating sa kanilang mansyon ay dumiretso na paakyat si Dana papunta sa kanyang kwarto. Pero agad siyang tinawag ng kanyang ama. “Anak..” huminto naman siya pero hindi siya lumingon.  “I’m tired Pa. Gusto ko na magpahinga.” Sambit niya at tumuloy na siya sa pag-akyat. Hinawakan naman ng asawa nito ng kanyang kamay. “Hayaan mo muna siya honey. Masyado siyang nabibigla sa mga nangyayari. Bigyan mo muna siya ng time para mag-isip. Matalino ang anak natin. Magtiwala ka lang sa kanya.” At huminga naman ng malalim si Ferdie at tumango sa asawa. Umakyat na rin sila at pumasok sa kanilang kwarto para makapagpahinga na rin. Tahimik naman si Marco na pumasok sa kanilang bahay kasunod nito si Ella. Nagulat sila ng madatnan nila si Maxine na nakahiga sa couch at lasing na lasing. “Maxine anak.. Anong nangyari sayo.” Patakbo naman siyang nilapitan ng ina at paunti-unting bumangon. “Mom.. San kayo galing? Bakit ngayon lang kayo?” inayos naman ng ina ang kanyang buhok sa sobrang gulo. “Galing kami sa birthday ni Ferdinand. Kanina ka pa ba dito? Bakit dito ka umuwi? Asan ang asawa mo.?” Sunod-sunod na tanong ng ina. “Ayokong umuwi sa condo mom.. Dito lang ako.” At pilit siyang tumayo at muntik ng matumba pero nasalo agad siya ni Marco. “ihahatid ko na lng siya sa kwarto niya mom para makapagpahinga siya.” At inalalayan siya ng kapatid paakyat. Sumunod sa kanya ang kanilang kasambahay para linisan ang lasing na amo. Inihiga na niya si Maxine sa kanyang kama.  Naaawa naman si Marco sa nangyayari sa kanyang kapatid. “Kailangan ko ng makausap si Alfred.. Hindi na maganda ang ginagawa niya sa kapatid ko.” Bulong ni marco sa kanyang sarili. “Ya..ikaw na ang bahala sa mam Maxine mo.” Utos niya sa kasambahay saka siya lumabas sa kwarto ng kapatid at tumuloy sa kanyang kwarto. Galit namang inihampas ni Dana ang kanyang purse sa kanyang kama. Hindi niya alam kung bakit gusto ng mga magulang niyang ipakasal siya kay marco samantalang alam naman nilang impossible iyon dahil sila ang dahilan kung bakit siya nasisira ngayon. “Hindi pwede ito.  I need to do something! I’ll talk to Papa tomorrow.” Sambit niya habang nakaupo sa couch sa kanyang kwarto. Magdamag namang dilat si Marco dahil sa announcement ng papa ni Dana at sa mga narinig niyang sinabi nito sa kanya. nakaramdam naman siya ng konting sakit dahil wala man lang nararamdaman ang dalaga sa kanya kahit kaunti. Sa halip ay galit na galit ito sa kanya. Napapabuntong hininga na lang siya sa iniisip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD