Ilang araw akong nagbusy-busyhan sa trabaho ko para hindi ko maisip ang tungkol sa amin ni Marco. Hindi rin ako tinatanong ni dino tungkol doon dahil alam niyang magagalit ako. Maaga akong umaalis ng bahay at late na umuuwi para di ko makasalubong sina papa. Busy rin naman sina papa sa mga businessess namin kaya hindi rin kami nagkikita. Lumipas ang dalawang linggo at paulit-ulit lang ang routine ko. habang si Marco naman ay pumunta muna ng Batangas para asikasuhin ang ipinapatayong building doon. Magkasama naman sina Samantha at Dana pumunta ng modelling agency para pirmahan ang contract ni Dana sa Skin care Brand nang maabutan nila si Patsie Kasama ang assistant nito na nakaupo sa waiting area. “Ohhh and the seducer is here.” Biglang sabi ni Patsie ang napatigil ako sa paglakad. “Pretending to be innocent but the truth is she’s a slut.” Dugtong niya at hinarap ko siya. “Ako ba ang pinaparinigan mo patsie?” nilingon naman niya ako. “Yes. I thought that you’re brainless and arrogant but i didn’t expect that you’re good in grabbing others property. I overestimated you Dana.” napataas naman ang kilay ko at lumapit sa kanya. “Pumunta ka ba dito para sabihin sa akin yan? Kung wala ka namang ibang gagawin dito, you can leave. You’re not welcome here.” Ayoko na siyang patulan dahil masyado na akong maraming iniisip. “Bakit mo naman pinapaalis si Ms.Patsie eh pinapunta siya dito ng Manager ng Skin care.. Wala kang karapatang paalisin siya dito.” Singit ng assistant ni Patsie. “Hoy! Mukhang palaka. Huwag kang sumabat kung ayaw mong hatakin ko yang dila mo.” Saway ni sam sa assistant nito at natahimik siya. “Too bad that alfred didn’t fall for your charms. Hindi mo nakuha si Alfred kaya inakit mo din si Marco.” nanliit naman ang mata ko at tiningnan siya ng diretso. “I’d never try to catch any man.” Tugon ko at tumayo naman siya at hinarap ako. “You can’t accept the truth? Luckily, your parents doesn’t know how you behave. Otherwise they will have a heart attack. If they finds out that their lovely daughter is catching a man like this.” Tumawa naman ako at napakamot sa aking leeg at tiningnan siya. “I won’t be surprised why you came back here in the country this instant. Because you have been vomitted by New york because of your attitude. A nasty habit and a disgusting behavior. I’m not surprised of your downfall like this. But not as shocking, that the Famous Patricia, a supermodel is a low class woman, who hang out aimlessly and leech off men.” Sumbat ko at napatayo siya ng maayos at hindi maipinta ang itsura. “Hey! You’re too much.” Inis niyang sabi. “Yes. Because you’re too much. I want to warn you out of good will. Don’t just bark anywhere. Dahil baka hindi mo gugustuhin ang makakabangga mo.” Taray ko. “Save it! And don’t lecture me. I’ll be more famous than ever. Just wait and see!” pinanlakihan naman niya ako ng mata at hindi naman ako nagpatalo. “I’ll wait and see. Don’t just boast. Do as you say.” Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa at tinaasan ng kilay bago kami umalis ni Sam at pumasok sa Loob. Nanginginig naman sa galit si Patsie at sinundan ng matalim na tingin ang dalawa habang papasok sa loob. Gabi na ng makauwi ako ng bahay dahil kumain pa kami ni Sam sa labas. Hinahanap ko ang cellphone ko sa purse ko habang papasok ng bahay ng madatnan ko si Marco kasama si kuya at papa na nakaupo sa couch. Bumuntong-hininga naman ako bago lumapit. “What are you doing here?” I ask marco. “Hi Dan.. Kakamustahin lang sana kita…” I rolled my eyes at napahinto siya sa pasgsasalita. “Well I’m not okay.. ” tumayo naman si kuya at lumapit sa akin. “Dana.. Careful with your words.. Marco is your soon to be husband. You should talk to him nicely.” Napatingin naman ako kay kuya. “At sinong nagsabing magpapakasal ako sa kanya?” napalunok naman si Marco sa sinabi ng dalaga at napangiwi naman ang kanyang kuya na salubong ng kilay. “Dana.. Tumigil ka na. Magpapakasal kayo ni Marco sa ayaw at gusto mo.. He’s the only answer for this problem.” Napanganga naman ako sa sinabi ni papa. “Are you forcing me to marry him?” lumapit naman si marco sa ama nito. “Tito.. I think it’s not the right time to talk about this. Let’s give her time to think.” Suhistiyon niya pero pinigilan ko siya. “No! Kailangan na nating pag-usapan ito ngayon para matapos na ito. Ayokong magpakasal. Ipapakasal niyo ako sa kanya para lang malinis ang pangalan ko sa bintang na hindi naman totoo. Ipapakasal niyo ako without considering my feelings? Ako ang agrabiyado dito but why do I have to pay for the sin that I didn’t commit? It’s unfair!” lumapit naman sa akin si papa. “Ok. Let’s say… this is for your future anak. I want to see you happy and have a wonderful family at alam kong magiging mabuting asawa sayo si Marco.” Napapailing naman ako at nasasaktan dahil sarili kong ama hindi ako maintindihan. “No! I won’t marry him.” At akma sana akong papanhik sa hagdan ng magsalita si kuya. “Papa has a cancer!” pumikit at lakas loob namang sinabi ni Daniel at napahinto sa paghakbang ang dalaga. Nakatingin naman sa kanya si Marco na malungkot na nakatingin sa dalaga. Dahan-dahan kong nilingon si kuya at hindi makapaniwala sa narinig ko. “What did you say kuya?” tiningnan naman muna ni Daniel ang kanyang ama bago sinagot ulit si Dana. “Papa has a liver cancer. Stage 4..” parang may sumabog na bomba sa harapan ko sa sinabi ni kuya at napatingin ako kay papa. Nag-unahan namang tumulo ang luha ko. Lumapit si papa sa akin at hinawakan ang kamay ko. “Anak. I’m sorry kung hindi namin sinabi sayo agad ang totoo. Alam kong mahihirapan kang tanggapin at ayoko ring biglain ka. Ito ang dahilan kung bakit gusto kong makasal ka kay Marco. Gusto ko sanang bago ako mawala sa mundo ay makita kitang settled and have a good partner. Ito lang ang hiling ko sayo anak. Marry Marco para mapanatag ang loob ko.” Nanghina naman ang tuhod ko at napaupo ako sa daghan. Agad akong nilapitan ni papa at kuya. Sa sobrang sakit ng nararamdaman ko ay hindi na ako makapagsalita at bumuhos na lang ang luha ko. Awang-awa naman si marco na nakatingin sa dalaga. Masyado nang maraming problema si Dana at ngayon naman ay may cancer ang papa niya. Niyakap siya ng kanyang ama pero di pa rin siya makapaniwala. Pati ang kanyang kapatid ay naiiyak sa naging reaksyon ni Dana. Hinatid naman muna ni Daniel ang kapatid niya sa kanyang kwarto para makapagpahinga ito. Naiwan naman sa living room ang Papa nila kasama si Marco. Maya-maya pa ay bumaba na rin si Daniel. “Pa, hindi kaya masyadong nabigla si Dana sa sinabi natin?” tanong ni Daniel. “Mabuti na rin iyon anak ng makapag-isip siya.” Sambit ng ama habang papaupo siya. “Tito..hindi po ba parang ang unfair naman po nun kay Dana? Paano po pag nalaman niyang nagsisinungaling lang po kayo?” si Marco at napatingin naman sa kanya si Daniel. “Oo nga Pa. siguradong di tayo mapapatawad ni Dana pag nalaman niyang hindi totoong may sakit kayo.” Alala naman nito. “Huminahon muna kayo. Hindi niya malalaman kung walang magsasalita sa inyo. Hayaan niyo siyang maniwala nang sa ganun ay mapapayag natin siya.” Saway ng ama. Natatakot naman si marco sa plano ng matanda. Pinagplanohan nilang magpanggap ang kanyang ama na mayroon cancer para mapapayag nila si Dana na magpakasal kay Marco. Kasama nila sa Plano Ang kanyang ina, pati si maurielle. Pagkatapos nilang magplano ay umuwi na rin sa kanilang bahay si Marco. Buong gabi namang umiiyak si Dana dahil sa kanyang nalaman. Ilang araw din siyang hindi lumalabas ng kanyang kwarto. Hinahatidan lamang siya ni Jelly ng pagkain at iniiwan sa labas ng kwarto niya dahil ayaw niyang pagbuksan ang pinto kahit ang kanyang mga magulang. Madalas ay hindi rin kinakain ng dalaga ang mga pagkaing hinahatid sa kanya ni Jelly. Naging busy rin naman si Marco sa pag-aasikaso sa kanilang business. Nagpasya naman si Dana na pumunta sa photoshoot niya sa Makati kasama si Dino. Magkasama sila ni Kamila sa photoshoot. Pagdating ni Dana sa venue ay napansin ni Lia na namumutla siya. “Dana are you okay?” I look at her at nod my head. “Yes Ms.Lia..” sagot ko. “Your face is so pale and you look so stressed. Sigurado ka bang okay ka lang?” “Napuyat lang ako kagabi. Kaya siguro maputla ako.” Hinawakan naman niya ako at pinaupo muna. “Have a seat first..” at nakatingin lang siya sa akin. Hindi na rin siya tinanong pa ni Lia dahil alam niyang maraming pinagdadaanan si Dana these days. Lumabas naman muna si Dino para kunin ang naiwang gamit ng dalaga sa sasakyan ng Makita niya ang mga lumalabas na news tungkol sa di mamatay-matay na ini-issue kay Dana. “Hay naku! Araw-araw na lang ganito ang chismis. Mga sira ulo!” sambit ni Dino ng makasalubong niya si Kamila. “Sir Dino..why is your face saggy? Anong problema?” tanong nito pero hindi siya sinagot ni Dino. Sa halip ay tinitigan niya lang ito. Tumawa naman si Kamila. “If I were to guess. It’s about Dana’s news isn’t it? What’s up with that anyway?” pangiti namang tanong ng dalaga na may kasamang pang-iinis. Ngumiti naman si Dino at kunwaring Ok lang sa kanya na kinakausap siya nito. “Well, it’s nothing! Dana is fine. She’s not the kind of person that will pay attention to lice out there.” Simpleng ngiti naman si Kamila na nagcross ng kanyang kamay. “But I heard that many sponsors aren’t happy about the news. If Dana always have negative news, it probably won’t just affect Dana. Isn’t that right? Di naman nakasagot agad si Dino. “Your face is sagging that it’s about to hit the ground. Come on! Don’t think too much okay? Pull yourself together.” Dugtong ni Kamila na tumawa at agad na pumasok sa loob. Huminga naman ng malalim si Dino sa inis nito sa dalaga. Maayos naman nilang natapos ang photoshoot at agad na umuwi si Dana. Wala itong ganang makipag-usap kaya tahimik lang siyang hinatid ni Dino sa kanilang bahay. Ilang araw pa ang lumipas at hindi pa rin hinaharap ni Dana ang kanyang mga magulang. Binabalitaan na lang ng papa nito si Marco sa mga ginagawa ng dalaga. Sa loob ng ilang araw ay pinag-iisipan ng dalaga ang kanyang desisyon hanggang sa mapagpasyahan niyang tawagan ang binata. Nasa Construction site naman si Marco at kausap ang kanyang engineer ng Mag-ring ang cellphone niya. “Excuse me.” Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagulat siya ng makita ang pangalan ng Dalaga. Agad niya itong sinagot. “Hello..” narinig naman niyang bumuntong-hininga ang dalaga. “Where are you? We need to talk. Magkita tayo.” Di naman malaman ni Marco ang kanyang gagawin dahil gusto siyang makausap ng dalaga. “Andito ako sa Batangas pero pauwi na rin ako ng Manila.” Tugon niya. “OK. 5pm sa restaurant ng hotel namin.” sambit ng dalaga. Di na niya hinintay ang sagot ng binata at agad na pinutol ang linya. Hindi alam ni marco kung matutuwa ba siya o kakabahan sa pagkikita nila ng dalaga. Mabilis niyang tinapos ang kanyang trabaho sa site at agad na bumalik ng Manila. Naghanda naman si Dana para sa kanilang pagkikita. Wala sa kanilang bahay ang kanyang mga magulang. Mabilis namang nakarating si Marco ng Manila at Dumaan muna ito sa kanilang bahay para magpalit ng damit bago pumunta sa hotel. Napansin naman siya ng kanyang pinsan na si Ella habang bumababa ng hagdan. “Aalis ka ulit kuya? kakarating mo lang ah.” Tanong nito. “Yes. Magkikita kami ni Dana.” Nagulat naman ang pinsan sa sinabi niya. “Really kuya? sige alis ka na baka mainip yon. Goodluck kuya..” masayang sabi ng dalaga at nginitian siya ng binata. agad din umalis si Marco..