Pagdating sa hotel ay agad na pumasok si Marco papunta sa restaurant ng hotel. Nakitang naka upo si Dana sa may counter banda at agad siyang lumapit. Napatingin naman sa kanya si Dana. “Have a seat.” Yaya nito at umupo naman siya. Diretso siyang tiningnan ni Dana sa mata pero walang reaksiyon ang mukha ng dalaga. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita. “I won’t beat around the bush..pumapayag na akong magpakasal sayo.” nagulat naman si Marco sa sinabi ng dalaga at hindi makapagsalita. “I’m only doing this because my father is sick and it’s his wish. I’ll marry you for 6 months and we’ll only be married in name.” Napaupo naman ng maayos si Marco. “Only 6 months?” napataas naman ang kilay ni Dana. “Yes. After 6 months we’ll file an anullment. Gusto mo lang naman akong tulungan diba? I need to sacrifice my own happiness for my father’s happiness. So pumapayag na ako. Payag ka ba?” salubong naman ang kilay ni Marco at nakatingin lang sa dalaga. “Ok. Agreed!” Napasandal naman siya sa upuan. “Good. And i have 3 rules. First, You can’t touch me unless we’re in public. Second, we’ll sleep in the same room but separate spots. and third you can’t demand, seek any rights and do anything. Is that clear?.” “Call. But you need to promise me, that you will listen to me and trust me.” pinag-cross naman ng dalaga ang kanyang kamay sa dibdib at sumandal sa upuan. “Do you think I can still trust you matapos mo akong lokohin?” lumapit naman ang binata sa mesa at ipinatong ang kanyang kamay. “Dana..hindi kita niloko. Ayoko lang masira ang pagkakaibigan natin ng dahil sa away niyo ng kapatid ko.” bumuntong-hininga naman ang dalaga. “Fine. Whatever! Nakalimutan ko nga pa lang sabihin. Wala dapat makaalam ng agreement natin even our family and our friends. Do you understand?” “Ok. Promise!” matapos nilang mag-usap ay isinama ni Dana si Marco sa kanilang bahay para ipaalam na nagkasundo na silang dalawa. Nasa Dining table Ang mga magulang ni Dana ng dumating sila ni Marco. Bago pumasok sa kanilang bahay ay kinuha ni Dana ang kamay ni Marco para makipag-holding hands. Gulat naman si marco sa ginawa ng dalaga. “What are you doing?” I rolled my eyes and look at him. “Kailangan ko lang gawin ‘to para mapaniwala ang papa ko na Ok na tayo.” Tumingin naman siya sa akin na nakangiti. “Huwag kang assuming! As if namang gustong-gusto kong hawakan ang kamay mo.” Natawa naman si Marco. “I didn’t say anything. Masyado ka namang seryoso.” Sinimangutan ko naman siya at pumasok na kami sa bahay. Inabutan namin sa Dining area sina mama at papa na kumakain. Agad naman kaming nahagilap ni papa habang papasok at kita sa mukha niyang gulat siya sa amin. “Am I hallucinating?” sambit ni papa habang nakatingin sa kamay namin ni marco at tumayo silang dalawa ni mama at lumapit sa amin. “Anak. What is the meaning of this?” mama ask. Pinilit ko namang ngumiti at tiningnan muna si marco na pilit din ang ngiti. “Well, Marco and I got to know each other. It’s hard to believe that we both feel the same way and we decided to get married soon.” nanlaki naman ang mata ng kanyang ina at tuwang-tuwa ang kanyang ama. “Talaga anak? Naku.. this is a good news at sa wakas ay magpapakasal na kayong dalawa.” Sambit ng ama at lumapit naman sa kanya ang ina at bumitaw si Dana sa kamay ng binata. “I’m so happy for you anak. Welcome to the family Marco.” At niyakap ni Mama si Marco. And I feel disgusted. “Kung ganoon. We need to celebrate.. Dito ka na kumain Marco.” Yaya ni Papa at inakbayan niya ito papunta sa dining table. Nakita ko namang masaya si Papa sa fake announcement namin kaya hinayaan ko na lang sila. Masaya namang nakipagkwentuhan si Papa Kay Marco. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. “kailan niyo balak magpakasal ng anak ko?” tanong ni papa. “Gusto po sana namin ni Dana na As soon as possible po.” Awtomatiko naman akong napalingon sa kanya sa sinabi niya. ASAP? Sira ulo ba ‘to? Hindi pa ako ready! Sa isip ko. Sinulyapan ako saglit ni Marco pero binalik niya ulit ang tingin niya kay papa. “I just need to tell my parents first na magpapakasal na po kami ni Dana before we decide sa date ng wedding.” Dugtong ni Marco. “Naku..Excited na ako sa kasal niyo. Gusto ko enggrande ang kasal niyo ng anak ko. May alam akong magandang simbahan.” Suhestiyon ni mama at napatingin ako kay mama na salubong ang kilay. “No! I mean.. ayoko ng enggrandeng kasal Ma. Napag-usapan na namin ni Marco na Civil wedding nalang.” Mabilis kong sabi at nilingon ako ni Marco na nagtatanong ang itsura. Nginitian ko naman siya at tumawa naman siya para kunwaring sang-ayon din siya. Helloooo.. Ayokong idamay ang simbahan sa pagpapanggap namin. “Pero anak. Minsan ka lang ikakasal at ang gusto namin ng papa mo ay maikasal ang unica hija namin ng maayos.” “Pero Ma. Hindi naman mahalaga sa amin ni Marco ang enggrandeng kasal. Ang mahalaga sa amin ay makasal kami. Right Marco?” sabay lingon ko sa kanya at tumango naman siya. “Yes po tita. Gusto po sana naming simple lang ang kasal. Tanging ang pamilya lang natin at malapit na kaibigan ang dadalo.” Sagot ni Marco at malungkot naman ang mukha ni Mama. “Hayaan mo na honey. Hayaan na natin sila sa gusto nila. Ang importante ay maikasal silang dalawa.” Nakahinga naman ako ng maayos sa pagsang-ayon ni papa. Matapos kaming kumain ay nagpaalam na rin si Marco para umuwi dahil gabi na rin. Hinatid namin siya sa labas ng bahay. “Mauna na po ako tito, tita.” Paalam niya. “Osige. mag-iingat ka at huwag niyo ng patagalin ang kasal.” Sambit ni papa at napapikit naman ako sa inis at nakita iyon ni Marco. “Sige po tito. Bye babe..See you tomorrow.” Sabay halik niya sa noo ko at di ako agad nakagalaw sa ginawa niya. Binigyan ko naman siya ng matalim na tingin at ngumiti lang siya saka niya tinungo ang kotse niya at umalis. Pagkaalis niya ay nagpaalam na ako kila papa na aakyat na ako sa kwarto ko. “Ma, Pa... akyat na po ako sa kwarto ko. Pagod na po ako, gusto ko na po magpahinga.” Naka-akbay naman si papa kay mama habang nakatingin sa akin. “Osige anak. Umakyat ka na.” tugon ni papa at tumalikod na ako. Pagdating ko sa kwarto ko ay padabog akong umupo sa kama ko at gusto konng sumabog sa inis. At talagang nakahirit pa siya sa akin kanina. napasabunot na lang ako sa buhok ko at nahiga. Pagdating naman ni Marco sa kanilang bahay ay nadatnan niyang nasa living room silang lahat at andoon din si Maxine. “Marco anak. Where have you been? Mukhang masaya ka ata ngayon.” Napatingin naman ako kay mommy. “Galing ako kina tito Ferdie and Dana and I are getting married.” Napatayo naman si daddy sa pagkabigla. “Really anak.? Magandang balita yan.” Napahawak naman sa kanyang pisngi si Mommy at masayang-masaya pati si Ella maliban lang kay maxine na tumayo at inihampas ang hawak nitong magazine sa couch. “What are you doing kuya? You know I hate her tapos pakakasalan mo siya? Are you kidding me? She’s a slut kuya. Nasisira kami ng asawa ko nang dahil sa kanya at kahit anong gawin niya hindi ko siya matatanggap. Hindi mo pwedeng pakasalan ang katulad niyang babae. p****k at bayaran. Nakakadiri siya at nakakasuka.” Galit na sabi ni Maxine at nagulat ang kanyang mga magulang. “Maxine.. Huwag mo pagsalitaan ng ganyan si Dana. She is your brother’s soon to be wife. Have some respect to your brother. At isa pa, itigil mo na ang kakasisi mo kay Dana sa nangyayari sa inyo ng asawa mo. She has nothing to do with your husband.” Saway ni daddy. “At isa pa. Dana will be your sister in law soon.” Napanganga naman si Maxine sa narinig. “Sister in law? No way! I won’t accept her as my sister in law. Never!” sabay talikod niya at umakyat papunta sa taas. “Maxine..” tawag ng kanyang ama pero hindi ito lumingon at diretso lang sa pag-akyat. “Hayaan mo na lang siya Dad. Hindi natin mapipilit si Maxine.” Bumuntong-hininga naman si Dad at mommy at lumapit sa akin si Mommy at hinawakan ako sa pisngi. “I’m so happy for you anak. Finally, ikakasal na kayo ni Dana. We’ve waited so long na dumating ang araw na ito. I’m so excited.” Gigil na gigil naman si mommy na pinisil ang pisngi ko. “Kailan niyo ba balak magpakasal anak?” nilingon ko naman si dad. “As soon as possible po dad pero ang gusto namin ni Dana ay Civil wedding lang. Ayaw din kasi ni Dana ng enggrandeng kasal. Pamilya lang at malapit na kaibigan lang ang gusto niyang dumalo.” I said at tumango din si daddy. “Simbahan man o civil wedding, walang problema anak. Ang importante ay makasal kayo. I’m so proud of you son.” At hinawakan ako ni daddy sa balikat at niyakap. Hindi ko ma-explain ang sayang nararamdaman ko. Sa tuwing iisipin kong ikakasal kami ni Dana ay parang gusto kong sumigaw at tumalon sa sobrang saya. Iyon lang at may mga rules ang marriage namin. Pero Ok na yon atleast sa Akin na si Dana and no one can touch my wife. Pumasok ako sa kwarto at ibinagsak ko ang katawan ko sa kama. Para akong lumulutang sa hangin sa sobrang sarap ng pakiramdam ko. Habang nagsasaya si Marco ay Nanggagalaiti naman sa galit si Maxine. “I won’t allow you to marry my brother. I’ll do everything mawala ka lang sa buhay namin.” Tukoy ni Maxine kay Dana. Sa sobrang galit nito ay itinapon niya ang Vase sa gilid ng kanyang kama at nabasag. Tinawagan naman ng papa ni Dana si Daniel para ipaalam ang magandang balita. tuwang-tuwa naman si Daniel sa sinabi ng ama. Narinig ni Dana ang pagbalita ng kanyang ama sa kuya Daniel niya dahil kasalukuyan itong nasa kusina para uminom ng tubig. “Hindi ko alam kong tama ba itong ginagawa ko? Pero bahala na! Gagawin ko ang lahat makita ko lang si papa na masaya. Ayoko ng ma-stress pa siya lalo na ngayong may sakit siya.” Bulong ng dalaga sa kanyang sarili. Masaya namang umakyat sa kanyang kwarto ang matanda at pasipol-sipol. Nang makapasok na ito sa kanilang kwarto ay umakyat na rin si Dana sa kanyang kwarto para makapagpahinga.