Bumyahe na kami papunta sa restaurant at mabilis lang namin narating iyon dahil hindi naman masyadong ma-traffic. Pumasok kami sa restaurant at umupo malapit sa glass wall. Pinaupo muna ako ni marco bago siya umupo. “So how was your work in batangas?” tanong ko at tumingin naman sa akin si marco. “Maayos naman. Nasa 40% pa lang ang building. Kung hindi lang sana gumuho ang kalahati noon baka tapos na sana ngayon.” tugon niya. “Matatapos din yan. Masipag naman ang mga manggagawa mo.” Dugtong ko at ngumiti naman siya. “Siya nga pala. L.E enterprise wants me to be their presenter for their company’s campaign.” napatigil naman siya sa pagtingin sa menu. “It’s Montilibano’s company. Did you accept it?” tanong niya. “Not yet. I would like to let you know first before i accept it.” Sagot ko at ng

