Pagdating namin sa condo ay hinawakan ako ni marco sa kamay at napahinto ako sa paglakad. “Mauna ka na sa kwarto para makapagpahinga ka. Sa library room muna ako. May importante lang akong tatawagan.” Sambit niya at tumango naman ako. “Okay.” Sagot ko at dumiretso na ako sa kwarto. Binuksan naman agad ni marco ang kanyang laptop at tiningnan ang kanyang email at tiningnan ang mga information na pinadala sa kanya ng kanyang private investigator tungkol kay Paolo Arevalo. si Albert ang katext ni marco kanina nang magpaalam sa kanya si Dana na pupunta lang ng banyo. Binasa ni marco ang Full background ni Paolo at 15 years ago ay magkasama sila ni Dana na nag-aral sa isang pribadong paaralan. Pati ang mga litrato nilang dalawa na magkasama noong highschool ay nakita ni marco. halatang sobrang

