Maagang pumasok ang doctor sa kwarto ng dalaga para ipaalam ang result ng findings sa kanyang ulo. “You’re head is Ok. Wala naman akong nakitang iba. Mabuti na lang at sa noo ka lang nasugatan. You can go home anytime you want Ms. Dela fuente.” Sambit ng doctor. “Thank you doc.” Maya-maya pa ay lumabas na ang doctor. Agad namang inasikaso ni Marco ang mga kailangan sa pag discharge kay Dana. dumating din ang mga magulang ni Dana para sunduin siya. Diretso na silang umuwi kasunod nila si Marco dala ang kanyang sasakyan. Pagdating sa harap ng kanilang bahay ay agad na bumaba ang ama ni dana para alalayan siya dahil masakit pa rin ang paa ng dalaga kaya gumamit siya ng saklay pero agad na lumapit ang binata. “Ako na po tito.” At binigyan naman ng espasyo ng matanda ang binata at inakay na lang ang asawa at nauna nang pumasok sa loob. Hinawakan ni Marco ang kamay ni Dana at napatingin siya sa binata. Iniwas niya ang kamay niya habang pababa ng sasakyan pero inabot pa rin ni marco ang kamay nito. Tinaasan naman niya ng kilay ang binata habang nakasaklay at lumakad . “Let me go. I can walk by myself!” bulong niya at napabitaw sa kamay niya si marco dahil hinatak niya ang kamay niya. “Come on.” Kinuha ulit ni marco ang kamay niya. “You don’t have to.” Hatak niya ulit at pinabayaan na lang siya ni marco. Naglakad siya papasok ng bahay kasunod niya si marco ng bigla siyang matumba dahil hirap siyang i-hakbang ang isang paa niya sa hagdan sa harap ng bahay nila. “Araayyy!” sigaw ng dalaga at agad na lumapit sa kanya si Marco. “ayan ang napapala mo sa tigas ng ulo mo.” Tiningnan naman siya ni Dana na inis ang mukha. “Bakit kaya di mo na lang ako tulungan? Dami mo pa sinasabi.” Napataas naman ng kilay si Marco. “Dana don’t be like that. Nag-offer na nga ako para Tulungan ka pero ayaw mo. Tapos magagalit ka sa akin kapag nasaktan ka?” matalim naman na tingin ang ibinigay niya sa binata at pinilit na tumayo. Pero bago pa siya nakatayo ay binuhat na siya ni Marco. “hey! Let me go. Ibaba mo ako.” Inilapit naman ni marco ang kanyang mukha sa dalaga. “Stop! Kung hindi ka ititigil itatapon kita ngayon.” nanlaki naman ang mata ni Dana. “Hey Marco..” seryoso naman ang mukha ng binata. “Hindi ka titigil?” akma namang itatapon ni Marco ang dalaga ng mapapikit siya at napakapit ng mahigpit sa binata. Lihim namang natatawa ang binata sa ginawa ng dalaga at nang mapansin ni Dana na nakangiti ang binata at hinampas niya ito. “Oyyy!” sambit ng binata. “You’re crazy! Ipasok mo na nga ako.” Utos ng dalaga at pumasok na rin sila. Hinatid na niya hanggang sa kwarto niya ang dalaga at inilapag sa kama. nakatayo naman sa gilid ng kama si Marco ng mapansin ni Dana at napaangat siya ng tingin. “Why are you still standing there? You can go home now.” Utos ng dalaga. “hindi ka man lang ba Magte-thank you?” tanong ng binata at natawa naman ang dalaga. “Yon lang ba ang hinihintay mo? Okay.. Thank you Marco.! And pwede ka ng umalis.” Nakangiti naman ang binata na nakatingin sa kanya. “Ok boss. See you on our wedding.” Napapikit naman ang dalaga sa narinig at tinaasan niya lang ng kilay ang binata. Lumabas na rin ng kanyang kwarto ang binata at nagpaalam na rin sa mga magulang ni Dana. lumipas ang dalawang araw at sumapit na ang araw ng kanilang kasal. Hinatid na lang ni Allison ang kanyang isusuot na dress dahil hindi na rin siya nakapunta sa shop dahil sa nangyari. Inayusan na rin ni Diana si Dana at tinulungang isuot ang kanyang white dress. Pumasok naman ng kanyang kwarto ang kanyang ina kasama si Maurielle at humarap sa kanila si Dana. “Oh my god anak. You’re so beautiful. The most beautiful in the world.”sambit ng ina na napahawak sa kanyang pisngi. Lumapit naman siya dito at hinawakan ang kamay ng anak. “Hindi ko akalain na darating ang araw na ito anak. Masayang-masaya kami ng papa mo dahil sa wakas ay ikakasal ka na.” It feels so good seeing my mother happy like this lalo na si Papa kahit na sa loob ko ay sobrang sakit ng nararamdaman ko. Marrying Marco isn’t easy because he is the brother of the person i hate the most but i need to do this for my father. I need to sacrifice my own happiness just to see them happy. “I’m so happy for you too Dan..you’re so pretty!” naiiyak naman na sambit ni Maurielle. Sa bahay naman ng mga Sandoval ay naghahanda na rin sila para pumunta na ng City hall para sa Civil wedding nina Marco at Dana. hindi a-attend si Maxine sa kasal ng kanyang kapatid dahil hindi niya matanggap na si Dana ang magiging asawa ng kanyang kuya. Nasa Hallway na ng city hall sina Marco ng dumating ang sasakyan nila Dana. napalingon si Marco ng pumasok ang kanyang bride sa pinto ng City hall kasama ang kanyang magulang. Tulala namang nakatingin ang binata sa dalaga. Wala naman reaksyon ang mukha ng dalaga na nakatingin sa kanya. Nang makalapit na sila Dana sa kanilang pwesto ay nakakatitig pa rin si Marco. Kinalabit naman ni Francis ang kaibigan. “Pare..baka matunaw ang bride mo kakatitig mo sa kanya.” Sambit ni francis at napalingon siya dito. “Tara na sa loob at naghihintay na si Mayor.” Sambit ni Antonio ang daddy ni Marco. Tanging kaibigan at malapit lang na kaibigan ang umattend sa Civil wedding. Andoon din sina Dino, Diana at Allison. Sabay na silang humarap kay mayor at nag-umpisa na ang seremonya. “I, Marco Sandoval take you Dana Marie Dela Fuente to be my wife, to have you and to hold from this day forward, for better, for worst, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish , till death do us part, according to god’s holy law, and this is my solemn vow.” Habang sinasambit ni Marco ang mga katagang iyon ay napatitig si Dana sa mga mata nito. At isinuot ni Marco ang singsing sa kanyang kamay. Kinuha naman ni Dana ang isang sinsing at isinuot kay Marco. “I, Dana Marie Dela Fuente take you Marco Sandoval to be my Husband, to have you and to hold from this day forward, for better, for worst, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish , till death do us part, according to god’s holy law, and this is my solemn vow.” Titig na titig naman si Marco kay Dana habang isinusuot nito sa kanyang kamay ang singsing. Pagkatapos nitong masuot ay tiningnan siya ni Dana kaya nagkasalubong ang kanilang mga mata. Tuwang-tuwa naman ang both parents nila at naiiyak ang ina ni Dana pero inaalo siya ng kanyang asawa pati ang mga kaibigan nilang nakangiting nakatingin sa kanila like they’re real lovers. “I Present to you Mr. & Mrs. Marco and Dana Marie Sandoval. You may now kiss the bride.” Bigla namang nagulantang si Dana at napatingin sa Mayor. Kiss? Sa isip ng dalaga. Kinikilig naman ang kanilang mga kaibigan. Pinilit na lang ni Dana na tumingin kay Marco. Lumapit naman si Marco kay Dana at hinalikan siya sa noo. Hindi akalain ni Dana na iyon ang gagawin ng asawa. Pero kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. Humarap naman sila sa kanilang mga bisita at nagpalakpakan ang mga ito at nakangiti sa kanila. Sa hotel lang din ang reception nila at tanging sila-sila lang din ang andoon. Masayang nagsasayawan ang mga kaibigan ni Dana kasama sina Ella, maurielle at Daniel. Nasa isang table naman ang kanilang mga magulang na masayang nag-uusap habang si Marco ay Kausap si Francis. Nakaupo naman sa isang table sa harapan si Dana at pinapanood ang mga kaibigan. Tahimik lang ito at nakasimangot. Hanggang sa sumapit na ang hating gabi at nagdesisyon ng umuwi ang kanilang mga bisita. Nagpaalam na rin ang mga magulang ni Marco pati ang mga magulang ni Dana kasama ang kanyang kapatid at sister in law. Maiiwan sila sa hotel dahil doon sila matutulog sa kanilang first night bilang mag-asawa. Nagpaalam na rin sina Karina at Sam pati sina Dino. Nang makaalis na silang lahat ay dalawa na lamang sila. Nilingon naman ni Dana ang binata at nakangiti sa kanya ito. “Tseeeee” sabay talikod ng dalaga sa kanya at umakyat sa kwarto. Gulat naman nakasunod lang ng tingin ang binata. “Problema nun?” turo niya sa asawa. Nagpaiwan naman muna si Marco sa baba at uminom ng konti. Pagpasok niya sa kwarto ay kakalabas lang ni Dana sa banyo at nakapagpalit na ng night gown. Hindi niya pinansin ang binata at dumiretso sa dressing table para magsuklay ng buhok. Dumiretso namang maligo sa banyo si marco. Pagkalabas nito ay naghahanda na rin si Dana para mahiga ng lumapit siya sa kama pero pinigil siya ng asawa. “what are you doing?” napatingin naman sa kanya si Marco. “I’m going to sleep.” sagot nito. “Doon ka matutulog.” Turo ni Dana sa couch. “Dana naman..ang lapad ng kama. why are you so possesive? At isa pa ang liit lang ng couch at malapit sa bintana, Malamig.” Nag cross naman ng kanyang kamay sa dibdib si Dana. “bagay lang yan sa mga katulad mong sinungaling at manloloko. You can chose, between sleeping in the couch or sleep outside.” Napalingon naman si Marco sa pinto na binuksan ni Dana. “Okay. I’ll sleep on the couch.” Saka kinuha ni Marco ang isang unan at tinungo ang couch. Napapangiti namang nahiga si Dana. ilang sandaling tahimik ang kwarto ng biglang magsalita si Marco. “Babe?” napakislot naman ang kilay ni Dana sa tinawag sa kanya ni Marco..Babe? bulong niya. pero di niya ito nilingon. “Babe tulog ka na ba? itatanong ko lang sana kung ano ang mga favorites mo and mga likes mo para aware ako. Mag-asawa na tayo ngayon kaya dapat alam ko kung anong gusto at ayaw mo.” Sambit ni Marco pero hindi niya pa rin pinapansin. Ilang sandali pang natahimik si Marco. “Favorite color, Royal blue. Favorite sports, Archery. Favorite food Sinigang.” Nilingon naman siya ni Dana at nakitang nakatingin ito sa kanyang Cellphone at nagbabasa. “Anong ginagawa mo?” tanong niya. “well, hindi mo ako sinasagot and i want to know you so i googled it. I’m your husband now. Hindi pwedeng hindi ko alam ang mga gusto mo.” Tugon naman ni Marco. Bumalik naman sa Paghiga si Dana at natatawang tumalikod. “Hey! Are you really No boyfriend since birth?” napaupo naman si Marco mula sa pagkakahiga at lumapit sa gilid ni Dana. “is it true?” nagulat naman si Dana ng hawakan ni Marco ang braso niya at napaupo sa kama. “What are you doing?” napatingin lang sa kanya si marco. “I just want to know if it’s true. Kung totoo nga. So ako ang first Boyfriend mo kung nagkataong hindi pa tayo kasal.” Napapikit naman si Dana at napakagat sa kanyang labi sa kulit nito. “Are you gonna sleep or not? if not, then go out.” Inis naman niyang sabi at natahimik naman si Marco at napatingin ulit sa pinto. “I’ll sleep now.” Tugon niya at tumayo na pabalik sa couch. Bumalik na rin sa paghiga si Dana at napapangiting ipinikit ang kanyang mga mata. Itigil na rin ni Marco ang pagbabasa at tumingin naman sa gawi ng asawa si Marco hanggang nakatulog na ito.