Chapter 29

1947 Words
Agad na isinugod nina Karina at Francis si Dana sa hospital na dumudugo ang kaliwang bahagi ng kanyang noo na tinamo niya mula sa pagkakabaguk. Tanging ang sugat lang sa kanyang noo at ilang galus sa katawan ang kanyang natamo dahil sa pagkatumba nito dahil mabilis itong umiwas sa paparating na kotse. Dumiretso na sila sa emergency room para magamot agad ang sugat ni Dana. Nag-aalala naman si Karina sa nangyari sa kaibigan. Nakapameywang naman si Francis ng maisip niyang tawagan ang kaibigan na si Marco. Kasalukuyang bumabiyahe at Pabalik na nang Manila si Marco ng mag-ring ng phone niya at agad niyang sinagot dahil connected din ito sa car niya. “Hello...” “Marco where are you now?” hinihingal na boses ni francis. napakunot noo naman si marco dahil sa boses ng kaibigan. “I’m on my way back to manila. Bakit ganyan ang boses mo? May problema ba?” huminga muna ng malalim si Francis bago nagsalita. “Si Dana….” Bigla namang napaayos ng upo si Marco ng banggitin ng kaibigan si Dana. “What happened to her?” “Dinala namin siya sa hospital. na hit and run.” napa-hinto naman ng kanyang sasakyan si Marco sa gilid ng kalsada sa narinig. “What did you say?” gulat ng binata. “dumiretso ka na lang dito sa hospital..” utos ni Francis at mabilis niyang pinatakbo ang kanyang sasakyan. Kasalukuyan namang nasa emergency area si Dana at ginagamot ang kanyang noo at ang ibang galus. Pagkatapos ng ilang minuto ay ipinasya ng Doctor na i-confine si Dana dahil tinawagan ng doctor ang kanyang Personal doctor at sinabi ang tungkol sa history ni Dana sa kanyang ulo para maobserbahan din siya. Inilipat din siya agad sa isang private room at tinawagan na rin ni Karina ang mga magulang nito para ipaalam ang aksidente. Maya-maya pa ay dumating na ang mag-asawang Dela Fuente at dali-daling hinanap ang kwarto ng Anak. Kasunod din nilang dumating si Daniel at sabay na silang hinanap ang room ni Dana. pagpasok nila sa kwarto ay nakita nila si Dana na nakaupo sa kama at sa couch naman sina Karina at francis na napatayo agad sa pagpasok ng mga magulang ni Dana. Alalang lumapit naman sa anak ang kanyang ina at ama. “Anak.. kamusta ang pakiramdam mo?” tanong ng ina at hinawakan siya sa kamay. “I’m ok Ma. Konting galus lang naman po ‘to.” Tugon ng dalaga. “Nakilala mo ba kung kaninong sasakyan ang bumangga sayo anak?” tanong ng ama. “Hindi Pa. hindi ko rin nakuha ang plate number dahil sa bilis ng patakbo ng driver.” Iling naman niya. “Don’t worry ipina-check ko na ang kuha sa CCTV footage sa front ng hotel baka sakaling Makita ang plate number at matuntun natin ang may-ari.” Dugtong ni Daniel. “May nararamdaman ka bang masakit sa ulo mo?”ang kanyang ina. “Nothing Ma. I’m just Dizzy.” sagot niya. “Ang mabuti pa ay magpahinga ka muna anak.” Tinulungan naman siya ng kanyang ina na ihiga siya para makapagpahinga. Nilingon naman ng kanyang ama sina Karina at Francis. “Ikaw si Karina hindi ba? Ang laging kasama ni Dana noon na natutulog sa bahay?” tanong nito. “Opo tito.” Pangiti nitong sabi. “Maraming salamat sa tulong niyo sa anak ko. Kung hindi dahil sa tulong niyo ay baka napano na si Dana. Siya nga pala sino itong kasama mong lalake?” hinawakan naman ni Karina si Francis sa Braso. “This is Francis Samonte tito, my fiancé..” pakilala ni Karina at napakunot noo naman ang matanda. “Nice meeting you sir…I’ve heard so much about you even in abroad.” Natuwa naman ang matanda sa narinig. “Really? By the way, are you related to Manuel Samonte?” napangiti naman si Francis. “Yes sir. He is my father.” “Oh.. Magkasama kami noon sa isang convention sa Vienna 10 yrs. Ago. How is he? Matagal na akong walang balita sa kanya.” Napatingin naman si Karina sa kanyang fiancé. “He died 2 years ago In Cancer sir.” Nagulat naman ang matanda sa nalaman. “Oh I’m sorry..hindi ko alam.” Paumanhin naman nito. “It’s ok sir..” maya-maya pa ay nagpaalam na rin sina Francis at karina dahil alas Otso na rin ng gabi. Natutulog pa rin si Dana ng lumabas sina karina sa kanyang kwarto. Mabilis namang tinungo ni Marco ang hospital at ipinark ang sasakyan. Patakbo siyang pumasok sa hospital ng makasalubong niya sina Francis. “Pare where Dana is? How is she?” hinawakan naman ni Francis ang braso niya dahil alalang-alala ang mukha ng binata. “Hey calm down. She is fine now. Konting galus lang naman. Nasa room 201 siya. Andoon din ang parents’ niya. Paalis na rin kami ni Rina. Gabi na rin kasi.” Sambit ni francis at tumango naman siya. “Sige Pare. Rina, thank you sa tulong.” Nginitian naman siya ni Karina. “Sige pare mauna na kami” paalam nila at umalis na rin sila. Hinanap naman ni Marco ang room 201 at nang Makita niya ay agad siyang pumasok. Sa sobrang alala nito ay hindi na siya nakakatok pa. nagulat naman si Daniel at napatingin sa pagpasok niya. Kakagising lang ni Dana pagdating niya at agad niyang nilapitan. “Dan..are you okay? What happened? May masakit ba sayo? Kilala mo ba kung sino ang gumawa niyan sayo? Anong sabi ng doctor? Wala bang nabali sayo?” natulala naman ang mga magulang ni dana sa sunod-sunod na tanong ng binata at salubong naman ang kilay ni Dana na nakatingin sa kanya. “Ang dami mong tanong. Alin ba doon ang gusto mong unahin kong sagutin?” inis na sabi ng dalaga. napatayo naman ng maayos si Marco. “I’m sorry. I’m so worried about you.” Napangiti naman ang mga magulang ni Dana pati ang kanyang kuya At napansin niya iyon. “Hey! I’m ok. huwag kang Oa d’yan. Tsaka tumigil ka nga sa drama mo. Hindi ako natutuwa.” Bulong ng dalaga. “But I’m really worried about you.” And she rolled her eyes. “Fine!” tumawa naman sa tabi ng binata si Daniel. “She’s Ok now. Konting galus lang naman ang tinamo niya. Kailangan lang obserbahan ang ulo niya dahil sa pagkabaguk. Kaya don’t worry, your bride to be is fine.” Tukso naman nito sa binata at binigyan siya ng dalaga ng matalim na tingin. “Kuyaaaa…” nagtaas naman ng dalawang kamay ang kapatid bilang surrender. Lumapit naman ang kanyang ama. “Anak, I think from today’s incident Marco needs to be with you everywhere you go.” Mabilis naman siyang napalingon sa ama. “What? Pa…hindi na kailangan. Isa pa busy si Marco sa mga business nila. Hindi ko kailangan ng taga bantay dad.” “But there’s no reason for you not to want Marco be on your side.” Dugtong ng Ama. “Of course there is Papa. I told you what happened today was my fault. Di ako tumitingin sa dinadaanan ko. It was an accident.” Pagdadahilan naman ng dalaga. “But Dan… you knew it wasn’t an accident. Nasa harapan siya ng hotel at hindi sa main road para patakbuhin niya ng ganun ang sasakyan niya.” Dugtong ng kanyang kuya. “But kuya...” lingon niya sa kapatid. “Enough! You listen to me anak. You’re lucky this time dahil yan lang ang natamo mo. Paano kung maulit pa ito? You need Marco to be with you everywhere you go. Para mapanatag din kami ng mama mo.” Inis naman ang mukha ng dalaga sa pagpupumilit ng kanyang ama. “Paano niya iyon gagawin dad. He’s a businessman at busy siyang tao. Almost every day akong may lakad. Sa tingin niyo kaya niya yong gawin? I don’t think so.” Tugon niya. “It’s Ok. I can do it. I have my Secretary naman to do my works.” Sambit ni Marco at napatingin siya dito at tinaasan niya ng kilay. “Kung gusto niyo talaga akong pabantayan. Bakit di na lang kayo kumuha ng bodyguard kaysa si marco ang ipasama niyo sa akin? Masyado naman nating inaabala si Marco.” Sagot niya sa ama. Ayaw niyang kasama si Marco kaya siya nagdadahilan. At bigla niyang nilingon si Marco sa kanyang gilid. “Is this all your plan?” bulong niya sa binata. “Of course not.” Sagot naman nito. “I won’t let you be with me all the time.” Inis na sabi ng dalaga. Napapatingin naman ang kanyang mga magulang at kapatid sa kanilang dalaga na nagbubulungan. “Anak just let Marco look after you during this period.  If by then nothings happen in the future, we don’t have to bother him anymore, okay?” napabuntong-hininga na lang si Dana at wala ng nagawa. “Fine. Do whatever you want but only this period.” Tugon ni Dana at sumandal sa unan. Ilang sandali pa ay nagpaalam na rin ang kanyang mga magulang kasama si Daniel para umuwi na.  pagkaalis nila ay sumandal si Dana sa bed para abutin ang kanyang phone sa side table nang biglang pumasok ang nurse para painumin siya ng gamot. nakaupo naman sa couch si Marco habang binabasa ang kanyang ang mga messages sa email niya. Ipinainom naman ng nurse ang kanyang gamot. “Thank you.”  Kasalukuyan namang inaayos ng Nurse ang iba pa niyang gamot ng lingunin ni Dana ang binata. “Hey.” Tawag ng dalaga pero hindi siya nilingon ng binata. “Hey!” sunod nitong tawag pero hindi pa rin siya pinapansin ng binata. “Hey!! Di mo ba ako naririnig? Kanina pa kita tinatawag.” Napa-angat naman ng tingin ang binata sa kanya na nakataas ang dalawang kilay na nagtataka sa kanya. “Ako ba ang tinatawag mo? Puro ka kasi Hey, hey, Hey...Ang akala ko ay ang nurse ang tinatawag mo.” Inis namang napapikit ng kanyang mata ang dalaga. “Hindi ka ba marunong makiramdam? Tinatawag ko lang ng Hey, hey, hey ang tao kapag ayokong tawagin siya sa pangalan niya.” Inilapag naman ni Marco ang kanyang cellphone at lumapit sa dalaga. “Then I’ll tell you that I’m your fiancé no other people and you should call me by my name not Hey.” Nanggigil naman sa kanya ang dalaga at pinanlakihan niya ito ng mata. Tiningnan naman ni Marco ang nurse na nasa gilid niya. “Excuse me nurse. Pwede mo bang i-check ang ulo niya. Mukhang nakalimutan na niya ata kung ano niya ako.” Pangiting sabi nito sa nurse at napatingin lang sa dalaga ang nurse ng lingunin siya nito. Tumingin din siya ulit kay Marco na napapakagat ng labi sa inis. “Okay, okay...I’ll call you Marco. Masaya ka na?” taray niya at ngumiti lang ang binata. “And when are you going home?” nagcross naman ng kanyang kamay sa dibdib ang binata at nag-isip. “I probably sleep here tonight.” Tugon ng binata at napanganga at biglang napabalikwas ng upo ang dalaga. “No you can’t! You can’t sleep here!” Pasigaw niyang sabi at nagulat ang nurse. “Of course I can! Hooo... You act like we never slept together before.” Dugtong naman  ni Marco na nagpagulantang sa dalaga at napanganga. Sa sobrang hiya nito ay napalingon siya sa nurse na nakatingin sa kanila. “Anong sinasabi mo?” nagkibit balikat naman ang binata at nakangiting bumalik sa couch. “Excuse me po Ms.Dana. iiwan ko na lang po dito ang gamot niyo. Kailangan niyo po ito inumin after 4 hours.” Sambit ng nurse. “Okay. Thank you.” Tugon naman niya at lumabas na ng kwarto ang nurse. Paglabas ng nurse ay ibinato ni Dana kay Marco ang isang unan at nasalo naman ito ng binata. “Hey! What do you mean by what you said earlier? Hindi mo ba alam kung sino ako?” “Well…Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Ano naman ang masama doon?” napakagat naman ng labi ang dalaga. “Okay. Ayoko na makipagtalo sayo. Umuwi ka na lang.” utos niya. “Me too. Ayoko na makipagtalo sayo kaya matulog ka na dahil kailangan mo magpalakas.” Ibinalik naman ni Marco ang unan sa dalaga. Mukhang wala ring balak umuwi ang binata kaya Kinuha na lang niya ang unan at inis na nahiga patalikod sa binata. Napapailing na lang ang binata sa ugali ng dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD