Chapter 40

1928 Words
Tinuruan ako ni Jelly magluto ng kare-kare dahil iyon ang paborito ni Marco. Gusto kong bumawi sa kanya kaya susubukan kong magluto. ngayon lang ako magluluto sa tanang buhay ko. nag-eenjoy din naman ako sa ginagawa namin ni jelly and finally luto na rin ang kare-kare. Tinikman ko muna ang lasa and i’m happy na masarap naman siya. It’s already 5:45 pm at hinanda na rin ni Jelly ang dining table. Naglagay na rin siya ng mga plato at baso. Isinunod naman niya ang kanin at ako na ang nagdala ng kare-kare sa mesa. Madalas ganitong oras umuuwi si Marco galing sa trabaho. Paglapag ko sa lamesa ay narinig kong may bumusina sa labas. It’s him! Dumating na siya. Inayos ko naman agad ang sarili ko at tinanggal ang suot kong apron. Papasok naman ng masyon si marco nang salubungin siya ni Dana sa may Dining entrance. “You’re here.” Sambit ko at napalingon naman siya sa akin. I was stunned when he look at me. Ang guapo niya sa suot niyang Royalblue longsleeve at nakatiklop ang manggas nito. Ngumiti naman siya at lumapit ako sa kanya. “You look tired.” Dugtong ko. “Yeah! Marami lang trabaho sa opisina. Wait, ok ka na ba?” tugon niya. “Yeah! Thanks sa hinanda mo for me. Nawala agad ang hangover ko.” wika ko at nanatili lang siyang nakangiti habang nakatingin sa akin. “ahmm. Mukhang gutom ka na. Dinner is ready! Let’s eat.” Yaya ko at tumango naman siya. Sabay na kaming pumasok sa dining area at umupo na. Napansin ko namang napatingin siya sa kare-kare. “You must eat this. Paborito mo yan diba?” sabay abot ko sa kare-kare. “It looks delicious.” wika niya habang kumukuha ng ulam. Sumubo siya ng isang kutsara and he looks satisfied naman sa lasa. “delicious or not?” tanong ko sa kanya at tumingin siya sa akin. “It’s delicious. Sinong nagluto?” lumapad naman ang ngiti ko sa puri niya sa luto ko. “I cooked it.” Tugon ko at mukha namang nagulat siya sa sinabi ko. “Really? You can cook well. Ang akala ko ay inorder pa sa restaurant.” Napapangiti naman ako sa puri niya. “I cook it myself but jelly is the one who mix the ingredients.” Sagot ko naman. Tumango-tango naman siya at ngumit at kumuha pa ulit. “Kain ka na rin.” Dugtong niya. masaya ako na kahit papaano ay nasarapan siya sa niluto ko para sa kanya. Ilang sandali kaming tahimik na kumain hanggang sa bigla siyang nagsalita. “Babe.. pack your things dahil lilipat na tayo sa condo bukas.” Wika niya at napalingon naman ako sa kanya. “Bukas?” tumango naman siya. “Yes..i told your parents about it na. We need to have privacy babe.” Dugtong niya. napatingin na lang ako sa kanya. Gusto kong tumutol pero pinigil ko na lang ang sarili ko. It’s Ok self! This will only last for 6 months. Sa isip ko. hindi na lang din ako sumagot at nagpatuloy na lang kami sa pagkain. patapos na rin kami sa pagkain ng biglang dumating sina Mama at Papa. Lumapit naman sila sa amin. “Hi ma..pa.” sabay tayo ko at humalik sa kanila. Tumayo din si Marco para mag-mano. “Kumain na po ba kayo? Ipapahanda ko ulit kay jelly ang table.” Wika ko. “No anak. Nag dinner na rin kami ng papa mo sa labas.” Tugon ni Mama. “Aakyat muna ako sa kwarto para magpalit.” Dugtong ni Mama at agad na tumalikod at umakyat sa taas. Si Papa naman at Marco ay nagkayayaan munang tumambay sa Garden kaya minabuti kong umakyat na muna sa kwarto. Pagpasok ko sa kwarto ay inayos ko na rin ang luggage ko at inihanda ang mga dadalhin kong gamit bukas sa paglipat sa condo. kinuha ko rin ang luggage niya at ang mga gamit niya para ayusin sa luggage. Pagkatapos kong magligpit ay naligo na rin ako para makapagpahinga. Habang sa baba naman habang kumuha ng maiinom ang kanyang ina ay ipinaalam sa kanya ni jelly ang tungkol sa pagluto ni Dana kay Marco ng paborito niyang kare-kare. Sakto namang palabas ng banyo si Dana ng kumatok sa pinto ang kanyang ina. Agad niya itong pinagbuksan ng pinto. “Ma..may problema ba?” tanong ko. “Wala naman anak. Pwede ba akong pumasok?” tugon ni Mama. “Sure ma. Come in.” At niluwagan ko naman ang pinto. Umupo naman si Mama sa couch. Isinara ko naman ang pinto at umupo sa kama. “What brings you here Ma? Do you need anything?” pagtataka ko dahil hindi naman ginagawa ni Mama ang puntahan ako sa kwarto ko. Naninibago lang ako. “Well, i just want to stay at your room. Wala akong magawa sa kwarto namin ng papa mo eh. Nasa garden pa rin sila ni Marco.” Dahilan ni mama pero alam ko may gusto siyang itanong sa akin kaya siya nandito. “Is that all? You have something else talk with me, right?” tanong ko at nilingon naman ako ni mama. “Dan..Actually, we haven’t talked together for quite a long time.” Wika niya at tumayo naman ako at lumipat sa tabi niya. “And what do you want to talk about?” humarap naman ng upo si mama sa akin at huminga muna ng malalim. “Jelly told me that you made Kare-kare for Marco. why did you cooked for him? Hindi ka naman marunong magluto. may nilagay ka ba sa pagkain niya?” napakunot-noo naman ako sa tanong ni Mama at tumawa. “Nothing at all! Except my intention to cook for him.” Tugon ko naman at inilagay ni mama ang kamay niya sa noo ko para i-check kung may sakit ba ako. “Are you sick anak?” inalis ko naman ang kamay niya. “Ma..i’m ok. I’m not sick.” I see na naninibago si mama sa akin dahil sa pagluto ko but i did it because i want to. “Is that strange that i did something good to him?” salubong naman ang kilay ni mama na nakatingin sa akin. “Very much anak! I mean..never mo naman yan ginawa even sa amin ng papa mo.” Sagot ni mama at bigla naman akong natigilan sa sinabi niya. She’s right! I never done it kahit sa parents ko. sa kanya pa lang.. ilang sandali pa akong natahimik nang bigla akong hawakan ni mama sa balikat. “Anak..sana ay tuloy-tuloy na yang ginagawa mo sa asawa mo. Take care of him. Marco is a good man. And we’re happy na siya ang naging asawa mo. Keep up the good work. I’m so proud of you anak.” Wika ni mama at niyakap niya ako. Namiss ko ang mayakap si mama ng ganito. Ilang sandali pa kami sa ganoong posisyon ng bumitaw si mama sa pagkakayakap sa akin. “O siya..lalabas na ako para makapagpahinga ka. Baka biglang dumating ang asawa mo. Goodnight anak.” Paalam ni mama at tumayo na rin. Diretso siyang lumabas ng kwarto. naiwan naman akong nakaupo sa couch at iniisip ang sinabi ni mama. Naghahanda na akong mahiga ng pumasok si Marco sa kwarto. Napalingon naman ako sa pinto at ngumiti siya. “Matutulog ka na ba?” tanong niya. “Hindi pa ako inaantok. Magbabasa na lang muna ako.” Tugon ko at tumango naman siya. “Maliligo na muna ako.” Wika niya. tipid na ngiti naman ang ginanti ko sa kanya.nakasunod lang akong nakatingin sa kanya habang papasok siya sa banyo. Siguro kong sa ibang sitwasyon lang tayo nagkakilala at hindi kayo magkapatid ni Maxine. Hindi malabong magustuhan din kita. Romantic, gentleman, kind, understanding, Caring at higit sa lahat Guapo na, mayaman pa. You already have all the qualities that a woman looks for in a man. We are just unlucky because we met in this situation. but why i can’t be angry with you even though i know that you’re maxine’s brother? I should be angry with you not only because you are maxine’s brother but also because you also lied to me and hid the truth. Why is it like this? I’m confused! sa isip ko habang nakatingin ako sa banyo. Napasandal na lang ako sa headboard at napabuntong-hininga. Hindi ko na alam kung ano ang nangyayari sa akin. Kinuha ko na lang ang libro at sinubukang magbasa. Ilang sandali pa ay lumabas na si Marco sa banyo at nakatuwalya lang ito. Nahagip lang ng mata ko ang paglabas niya at hindi na ako tumingin pa dahil baka ano pa ang isipin niya. dumiretso naman siya sa closet para magbihis. Maya-maya pa ay lumabas na siya at lumapit sa kama. “Nakapag-impake ka na pala?” wika niya habang papalapit sa kama. tiningnan ko naman siya. “Yes. Para wala na akong gagawin bukas. Inimpake ko na rin ang gamit mo.” Sagot ko. “Thank you.” Sambit niya sabay higa na sa kama. nilingon ko naman siya konti. “Mukhang pagod na pagod ka.” Sinulyapan naman niya ako saglit. “Medyo. Marami lang trabaho kanina sa office.” Sagot niya. sandali naman kaming natahimik. Gusto ko sana siyang tanungin tungkol sa nangyari kagabi. Kung may nagawa ba ako sa kanya. Wala kasi akong maalala pero nahihiya akong magtanong. Nilingon ko siya pero nakapikit siya. Gising pa naman siya dahil ginagalaw niya pa ang mga daliri niya na nasa dbdib niya. “Marco?” tawag ko at dumilat naman siya at tumingin sa akin. “Hmmmm?” pumikit naman muna ako at humugot ng lakas para magtanong. “about last night.. may  ginawa ba akong hindi maganda?” tanong ko at dahan-dahan ko siyang nilingon. “Last night? Well, you just kissed me.” Sagot niya at napanganga naman ako sa gulat. Sinadya ni Marco na magsinungaling na hinalikan siya ni Dana para subukan kung wala ba talaga itong naaalala. “What?! I did that?” sabay harap ko sa kanya. Bumangon naman siya at hinarap ako. “Yes. Why babe? Bakit parang gulat ka. Buti nga at ako ang nahalikan mo at hindi yung mga lalake sa bar.” Nanlumo naman ako sa narinig ko. i kissed him? My god! Nakakahiya.. “Yun lang ba ang ginawa ko sayo?” dugtong ko. “Actually marami.. but don’t worry, you didn’t r**e me last night.” Wika niya at tahimik lang ako na nakatingin sa kanya. “Bakit natahimik ka? Dahil ba walang nangyari sa atin? You must be regretting it, right?” pang-iinis niya at nagsalubong naman ang kilay ko at napakagat ng labi sa inis sa sinabi niya. pinaghahampas ko naman siya ng kamay ko tinamaan siya sa balikat at braso. “Ouch” sambit niya habang umiilag sa akin at pinagtatawanan ako. “Ano ba..nagbibiro lang ako.” Dugtong niya. napahinto naman ako sa paghampas sa kanya at binigyan siya ng matalim na tingin. “I’m just kidding.” Sabay hawak niya sa braso ko pero iniwaksi ko ang kamay niya. “Tseeeeeee!” sabay talikod ko sa kanya at inilagay ko ang binabasa kong libro sa sidetable at diretso ng nahiga. Lumapit naman siya sa akin at ramdam ko ang pagtawa niya. “Hey! nagbibiro lang ako. Sorry na babe.” Nainis naman ako kaya kinuha ko ang isang unan at inihampas sa kanya. “Babe.. it hurts!.” Sambit niya pero hindi ko siya nilingon. “Matulog ka na.” Pagalit kong sabi at bumalik na rin siya sa pwesto niya. ilang sandali pa ay tahimik na rin siya. Sinubukan ko siyang lingunin para makita kong ano ang ginagawa niya. pero nang lingunin ko siya ay tulog na pala siya. He must be very tired. Bumangon naman ako para kumutan siya. Pagkatapos ko siyang kumutan ay tinitigan ko ang mukha niya. kahit natutulog siya guapo pa rin siya. And i found myself smiling while looking at him. Bigla akong nakaupo ng maayos. Napayuko na lang ako at napangiti. “it’s ridiculous. he can make me annoy and laugh at the same time.” Napapailing na lang ako at bumalik na rin sa pwesto ko. Hindi ko na namalayan na nakatulog na rin ako. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD