Chapter 41

1873 Words
Maagang akong nagising at tulog pa si Marco. una na akong bumaba sa kitchen at naabutan ko si Jelly na nagluluto. Gusto ko sana siyang tulungan kaya lang ay patapos na rin siya kaya naupo na lang ako sa table at nagkape. Maya-maya pa ay inihain na rin ni jelly ang breakfast at sakto namang pababa na sina mama at papa. “Morning Ma, pa.” Bati ko. “Good morning anak.” Sabay nilang tugon. Umupo na rin sila. “Asan ang asawa mo anak?” tanong ni mama. Sasagot na sana ako ng makita ko si marco na papalapit. “Good morning.” Bati ni Marco. “Good morning.” Tugon ni papa at nginitian naman siya ni mama. “Umupo ka na..” yaya ni mama. Nagulat naman ako ng halikan niya ako sa buhok ko. “Good morning babe.” Wika niya. sinulyapan ko naman siya at nginitian ng tipid. umupo na rin siya sa tabi ko at nag-umpisa na rin kaming kumain. “Ngayon na ba ang lipat niyo sa condo mo hijo?” tanong ni papa. Huminto naman sa pagkain si marco at tiningnan si papa. “Yes tito. Gusto na rin sana namin bumukod ni Dana.” tugon niya at napahinto naman ako sa pagnguya at nilingon siya saglit. “Kung ganun. Dalasan niyo ang pagdalaw dito sa bahay, okay?” wika ni mama. “Ofcourse ma. Di ko naman kayo matitiis na hindi makita. Kung pwede nga lang eh dito na lang ako.” Sambit ko. “Hindi naman pupwede iyon anak. May asawa ka na. You should be with your husband.” Si papa. Kung may choice lang talaga ako. Ayoko rin tumira sa condo niya na kami lang dalawa. Pero kailangan kong tiisin. 6 months lang naman ‘to. After 6 months babalik na rin ako sa dati kong buhay. Pagkatapos naming mag-almusal ay umakyat na rin kami ni marco para maghanda. Pagkalipas ng ilang oras ay nagpatulong na kami kay jelly at sa driver namin para ibaba ang dala naming luggage. Una ng lumabas si marco at nagpaiwan muna ako saglit sa kwarto. Iniikot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Mamimiss ko ang kwarto ko. see you after 6 months my room. sa isip ko. huminga na muna ako ng malalim bago ako lumabas ng kwarto. Nasa labas na rin sina Mama at papa para magpaalam sa amin. Lumapit naman ako kina mama. “Anak.. take care of yourself okay? Be a good wife to your husband. Ingatan niyo ang isa’t-isa.” Bilin ni mama sabay haplos sa likod ko. “Yes ma. Mamimiss ko po kayo.” Tugon ko sabay yakap ko sa kanya. “O sige na..tama yan. Settled na ang gamit niyo sa sasakyan. Sige na umalis na kayo at baka ma-traffic pa kayo sa daan.” Singit ni papa. Lumapit naman ako sa kanya para humalik at yumakap ganoon din kay mama. Nagpaalam na rin sa kanila si Marco. ito ang unang beses na mahihiwalay ako sa mga magulang ko. mas masakit pala sa pakiramdam iyong ikaw ang aalis. Sumakay na rin kami ni Marco. nginitian ko naman sina mama bago kami umalis at kumaway naman sila. Parang gusto kong maluha habang tinitingnan ko sila ni Papa. Hinawakan naman ako ni marco sa kamay. “Are you okay?” tanong niya at napatingin ako sa kamay ko na hinawakan niya. “Yeah!.” Tipid kong ngiti. Inistart na rin niya ang engine at bumisina hudyat na aalis na kami. Ilang sandali pa ay umalis na rin kami. Tahimik lang kaming nagbiyahe papunta ng condo niya sa makati. Paminsan-minsan ay nahahagilap ng mata ko na sinusulyapan niya ako pero wala din naman siyang sinasabi. Nakatingin lang din kasi ako sa window. Di rin nagtagal ay dumating na kami sa makati at nasa harap na kami ng building ng Condo niya. nagpatulong naman siya sa mga staffs para i-akyat ang luggage namin. Sumakay na rin kami sa elevator papunta sa unit niya. maya-maya pa ay bumukas na ang elevator at kaharap lang niyon ang kanyang unit. Nauna na siyang lumabas at sumunod naman ako. Pinindot niya ang password at bumukas ang door. Nakayuko lang ako habang papasok sa unit niya. pero namangha ako ng i-angat ko ang ulo ko at nakita ang magandang kulay at disenyo ng kanyang bahay. The walls was painted with terracotta color. The color creates a gentle and natural shade. It matches very well with the different shades of colors in the room and the lights. At ang mga nakasabit na paintings lahat abstract paintings. Ang sarap sa mata. Wala akong alam sa paintings pero alam ko lahat ng paintings dito ay may kahulugan. Nanatili lang akong nakatingin sa mga paintings. “Do you like it?” wika niya. hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala siya. “It’s beautiful! Mahilig ka pala sa abstract paintings.” Sambit ko at humarap naman siya sa paintings na tinitingnan ko. “Yeah! Abstract paintings are beautiful. Kung titingnan mo parang wala lang Dahil puro kulay lang. But it has a deep meanings.” Tugon niya at napalingon naman ako sa kanya at nilingon niya rin ako. Agad din akong umiwas sa tingin niya ng magsalubong ang mga mata namin. Naglakad ako sa living room at napansin ko ang mga muwebles at ang mga gamit sa living room yung iba mga antiques. At ang umagaw sa atensyon ko ay ang staggered wooden blocks na wall kung saan nakalagay ang 86 inch flatscreen TV. At ang coffee table na gawa din sa staggered wooden blocks. The whole living room is combined with Terracotta, brown, black, gray and white colors. Habang iniikot ko ang paningin ko ay lumapit naman siya sa akin at sobrang lapit niya sa akin kaya napaatras ako. Nakangiti lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko sa ginagawa niyang pagtingin sa akin. “Ahmmm..saan ang kwarto ko? gusto ko muna magpahinga.” Tanong ko para makaiwas din sa kanya. “That room.” turo niya sa kwarto sa may right side at tumingin naman ako. “In my room.” dugtong niya at napalingon ako sa kanya ng mabilis. “What?! No! I can sleep in the other room.” mabilis kong sabi. “What other room? there’s only one bedroom here.” Wika niya. nagpalinga-linga naman ako at may nakikita naman akong mga pinto. “but there’s so many doors. How can there only be one bedroom? Wait! Are you having a bad thoughts with me?” tumawa naman siya sa sinabi ko. pinaikutan ko siya ng mata saka ko nilapitan at binuksan ang mga nakikita kong pinto. Una kong nabuksan ang kanyang library room, sunod ay fitness room at ang huli ay ang masters bedroom. Napahinto at isinara ko agad ang pinto. Napapikit na lang ako sa inis.”Hey! there’s really only one bedroom here.” Huminga muna ako ng malalim bago siya hinarap. “Akala ko ba may sarili akong kwarto dito sa condo mo? Ang sabi mo sa akin kapag umuwi na tayo dito magkahiwalay na tayo ng kwarto.” Inis kong sabi. “Sinabi ko ba yon?” bumagsak naman ang balikat ko sa tanong niya. “Ofcourse you do.” Umiinit na ang ulo ko sa kanya. “Well, andito na rin naman tayo.wala na rin tayong magagawa. We’ll be sleeping on the same bed. Isa pa natutulog naman tayo na magkatabi sa kwarto mo ah.” aniya. “Magkaiba yon. Pinatulog lang kita sa kama ko dahil malamig sa couch. Nag-usap tayo na pagdating natin dito magkahiwalay na tayo ng kwarto.” Tugon ko. “So paano yan, iisa lang ang bedroom dito?” napahinga na lang ako ng malalim at pinaikutan siya ng mata. Hindi na rin ako nagsalita pa at nagcross na lang ako ng kamay ko sa aking dibdib sa sobrang inis ko. nameywang naman siya at tumingin ng diretso sa akin. “So what will it be? Will you just stand there? Or you want me to carry you? Or it will be more like our wedding night?” wika niya sabay lapit sa akin. Napaatras naman ako at dinuro siya. “No, stop! Don’t.” Huminto naman siya na may pilyong ngiti sa kanyang labi. “Make yourself comfortable. This is your house now.” Sambit niya habang nakangiti pero tinaasan ko lang siya ng kilay. “No! I’m just living here for 6 months. It’s not my house.” Wika ko sabay upo sa couch. “hey! why are you so serious? I didn’t forget our agreement. I’m just saying this because i want you to make at ease. Because when you’re alone with me, you won’t be so tense.” Sambit niya habang papalapit sa akin at umupo sa tabi ko. napatingin naman ako sa kanya sa sinabi niya at nagsalubong ang kilay ko. “what? Who is tense? There’s nothing about you to make me feel tense.” Pagmamatigas ko kahit ang totoo ay nanlalamig na ang kamay ko kanina pa. “Really?” at inilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Inilayo ko naman ang mukha ko. “I’m not!” sabay galaw ko naman ng kamay ko at nakita kong tumawa siya ng malakas. “Ok. Alright then!” at umupo naman siya ng maayos. Napapakagat naman ako ng labi ko sa ginagawa niyang pang-iinis sa akin. “In that case... you want to shower?” dugtong niya at awtomatiko naman akong napalingon sa kanya at nanlaki ang aking mga mata. “p*****t! Pervert....” sabay hampas ko sa kanya at sinasalubong naman niya ang bawat hampas ko para pigilan ako hanggang napahiga siya sa couch at napadagan ako sa ibabaw niya. napatigil lang ako ng mapansin ko ang aming position. Nagsalubong ang mga mata namin at halos naaamoy ko na rin ang mabango niyang hininga. Ilang sandali pa kami sa ganoong sitwasyon ng bigla akong may naramdaman sa ibaba ko. dahan-dahan akong napatingin at napanganga ako ng mapagtanto ko ang kanyang harapan. Pasigaw akong bumangon at lumayo sa kanya. “Bastos ka!” singhal ko. bumangon naman siya at tumayo. “What? Anong ginawa ko?” tanong niya. napakuyom na lang ako ng kamay ko at napahampas na lang sa hangin. Akma sana siyang lalapit sa akin pero umatras ako. “Huwag kang lalapit sa akin.” Banta ko at tumigil naman siya sa paghakbang. Binigyan ko siya ng matalim na tingin bago ako tumalikod at diretso ng pumasok sa kwarto. Naiwan namang napapailing at natatawa si Marco sa kanyang asawa. “She’s so cute!” sambit niya at umupo ulit sa couch. Napaupo naman si Dana sa kama sa sobrang inis nito pero bigla siyang natigilan ng makita niya ang malaki nilang llitrato kuha sa kanilang wedding at nakalagay ito sa wall sa may headboard. Nagpasadya pa talaga siya ng wedding picture namin para magmukhang totoo ang kasal namin. Well, maganda ang kuha. We both look happy on that picture. Pansin ko. nagkibit-balikat naman ako at tumayo na para ayusin ang mga gamit ko. inilabas ko lahat ng damit ko para ilipat sa closet. Sinilip ko naman ang isang kwarto malapit sa banyo para tingnan kung ano ang meron doon. At nakita kong isa iyong walk in closet. Pumasok ako para tingnan kung may paglalagyan ba ako ng gamit ko. at saktong may bakante pa. Mukhang sinadya niya talaga iyong ibakante dahil sa right side ay puro gamit niya at ang sa left side ay bakante. Siguro ay para sa mga gamit ko. well, infairness..may initiative siya. Agad kong kinuha ang gamit ko at nilagay na sa closet. Inilagay ko rin sa hanger ang mga dala kong dresses. Medyo napagod ako kaya naisipan kong bumalik muna sa kama at magpahinga. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD