Chapter 42

1862 Words
Nagising lang ako ng gisingin niya ako para maglunch. “Babe.. wake up! Let’s eat.” Wika niya at dahan-dahan naman akong dumilat at inalalayan naman niya akong bumangon. “What time is it?” tanong ko. “It’s 12:00 noon babe. Tara mag lunch na tayo.” yaya niya at tumayo na rin siya. Bumaba na rin ako sa kama at tumayo. Sabay na kaming lumabas ng kwarto. And the table is ready. Nakahain na rin ang foods. “Ikaw nagluto ng lahat ng yan?” sabay lingon ko sa kanya at ngumiti naman siya. “Yes. It’s our first day here in our house kaya nagluto ako.” Sambit niya at di ako agad nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya. Why is he so romantic? Sa isip ko. “Upo na tayo.” wika niya at hinatak niya ang upuan para paupuin ako. “Thank you.” Pagkatapos ay umupo na rin siya kabilang side kaharap ko. “Let’s eat!” at nag-umpisa na rin kaming kumain. “Do you have any plans today?” napaangat naman ako ng tingin sa tanong niya. “Nope. I just want to rest today dahil bukas may meeting kami with the owner of the hotel para sa fashion show nextweek.” Tugon ko at huminto naman siya sa pagkain at tiningnan ako. “What fashion show? Where?” tanong niya pero patuloy lang ako sa pag slice ng ulam. “it’s an opening of a hotel In Mandaluyong. Karina is invited too to showcase her designs.” Sagot ko naman. “Okay. Anong oras ka pupunta bukas? Sasamahan kita.” Napahinto naman ako at napatingin sa kanya. “Why? Wala ka bang trabaho bukas?” ngumiti naman siya. “The owner of that hotel is my friend. Ivan Del castillo.” Napataas naman ang isang kilay ko. “Really? Okay, ikaw ang bahala..1pm ang meeting bukas.” Wika ko at tumango naman siya. Pagkatapos namin kumain ay sabay na naming niligpit ang kinainan namin. Pumasok din siya agad sa library room niya dahil may tatapusin lang daw siya na trabaho hanggang sa pagkatapos namin mag dinner ay trabaho din agad ang ginawa niya. nauna na ako sa kwarto at naligo para makapagpahinga na. Pagkatapos kong maligo ay wala pa rin siya sa kwarto. Siguro ay marami talaga siyang tinatrabaho. Sabagay, siya na kasi ang namamahala sa lahat ng family business nila kaya masyado siyang busy. Umupo na lang ako sa kama at kinuha ang laptop ko para i-check ang email ko, baka may mga messages ako. I got messages from oliver. the same lang din ang message niya sa akin. He’s still waiting for my decision about sa offer niya but i can’t decide lalo na ngayon na kasal ako ky Marco. nagreply naman ako sa message ni oliver but i told him na i’m still thinking of it. Pagkatapos nun ay isinara ko na ang laptop ko at ibinalik sa table. Binuksan ko naman ang tv na nasa harapan para manood. Hanggang sa nakaramdam  ako ng pagka-antok at nilingon ko ang orasan. It’s already 10 pm na. At hindi pa rin siya pumapasok dito sa kwarto. Hindi rin naman ako mapakali sa pag-iiisip kung ano ang ginagawa niya sa kabilang kwarto kaya tumayo ako at lumabas para i-check siya. Hindi naman nakasara ang pinto sa library room niya kaya sumilip ako at nakaupo siya sa kanyang table at nakahawak ng ballpen habang kaharap niya ang kanyang laptop. Naitulak ko naman ng konti ang pinto kaya nakagawa ito ng ingay at napaangat siya ng tingin sa akin. Hindi naman ako nakagalaw agad sa hiya. Tumingin siya sa akin habang pinaglalaruan niya ang ballpen sa kanyang kamay. Pumasok na lang din ako total ay nakita naman niya ako. Nakasunod lang siyang nakatingin sa akin na nakangiti ng konti hanggang sa umupo ako sa couch. Inabot ko naman ang magazine sa mesa at kunwaring nagbasa. “You’re still not sleeping?” tanong niya. “not yet. If you’re sleepy then go sleep.” I said. Pero ang totoo ay antok na antok na ako. Tumahimik naman siya at sinulyapan ko siya. Nakatingin pa rin siya sa akin. “Am i bothering you?” dugtong ko. “No.” Sagot niya at bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. “i’ll soon get used to it.” Sambit niya at napatingin naman ako sa kanya ng diretso. “What do you mean?” tanong ko at umupo siya sa tabi ko. “well..in the past i live my life alone in italy the entire 10 years. But now i have you living with me. I need to understand that there’s another person to share the personal space in my life.” Sagot niya at nakaramdam naman ako ng konting kilig sa sinabi niya. “Don’t worry, anyhow..i will share the cost of water and electricity.” Wika ko at bigla siyang tumawa. “that’s not what i meant.” Bumuntong-hininga naman ako at tumingin sa ulit sa magazine. tumayo naman siya at bumalik ulit sa table niya. “Tatapusin ko lang ito tapos matutulog na rin tayo.” sambit niya. ilang sandali pa ay tahimik na kaming dalawa. Pinilit ko na lang din magbasa sa magazine habang hinihintay siya pero sa sobrang antok ko ay nakatulog ako habang hawak ang magazine sa aking dibdib at napasandal sa couch. Napahinto naman si Marco sa kanyang ginagawa ng makita niyang nakatulog na sa couch ang kanyang asawa. Tumayo naman siya at nilapitan ang natutulog na si Dana. Umupo siya sa lamesa at tinitigan ang magandang mukha nito at napapangiti. Ilang sandali niya pang tinitigan si Dana at binalikan niya ang kanyang trabaho sa table para iligpit. Bumalik siya ulit kay Dana at binuhat ito papunta sa kanilang kwarto. Inihiga na niya si Dana sa kama at kinumutan sabay halik nito sa noo ng asawa. “Good night Babe..thank you for coming into my life. Sweetdreams!” bulong ni Marco. maya-maya pa ay tumayo na rin siya at tinungo ang banyo para maligo at nang makapagpahinga na rin. Kinabukasan ay maagang nagising si Marco para maghanda ng breakfast para sa kanila ng kanyang asawa. Sakto namang naghahanda na siya sa mesa ng lumabas si Dana. “Good morning” bati ni marco habang naglalagay ng plato. “Good morning. Maaga ka pa nagising.” Tugon ko. “Yeah! Gumising talaga ako ng maaga para makapagluto ng breakfast. Upo ka na, kakain na tayo.” umupo na rin ako at nag-umpisa na kaming kumain. Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko. “Thank you.” Sambit ko at tipid na ngiti naman siya. “Pupunta muna ako ng office mamaya. May urgent meeting lang. 1pm pa naman ang meeting niyo hindi ba? babalikan na lang kita dito 12nn. Maglunch ka na rin muna.” Wika niya at tumango naman ako. “Okay!” sagot ko at kumain na rin kami. pagkatapos naming kumain ay nagpresinta na lang akong magligpit ng kinainan namin para makapaghanda siya at baka ma-late siya sa meeting nila. Pagpasok ko sa kwarto ay tapos na rin siyang magdamit at nilingon niya ako. Napansin ko namang tabingi ang kanyang necktie kaya nilapitan ko siya para ayusin. “Stay still.” Sambit ko at hinawakan ko ang necktie niya at inayos. Pansin ko namang nakatingin siya sa akin dahil sobrang lapit lang ng mukha namin sa isa’t-isa pero hindi ako nag-angat ng tingin dahil siguradong maiilang lang ako. “Okay na..” pinagpag ko naman ng konti ang balikat niya at napaangat ako ng tingin sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko. our eyes meet again. Ilang sandali pa kami sa ganoong sitwasyon. “Thank you.” Sabay halik niya sa noo ko. hindi naman ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. nanlamig ang buong katawan ko sa ginawa niya at ang bilis ng pintig ng puso ko. “I’ll be going. See you later.” Paalam niya at kinuha na niya ang car key at diretso na siyang lumabas ng kwarto. Napalingon lang ako sa kanya at walang nasabi. Paglabas niya sa kwarto ay napaupo na lang ako sa kama. What is happening to me? Why my heart beats so fast? Napahilamos na lang ako sa mukha ko. pumikit ako saglit at huminga ng malalim. Tumayo na lang ako at pumunta sa closet para maghanap ng maisusuot mamaya. 10:30 na ng maligo ako at pagsapit ng 11:30 ay tapos na rin akong mag-ayos. Pumunta ako sa dressing table para ayusin ang make-up ko ng tumunog ang phone ko. si Marco, he said he’s on his way here.. hindi na rin ako naglunch dahil busog pa ako sa kinain kong mango pie na nakita ko kanina sa fridge. Eksatong 12nn ay bumaba na ako sa lobby at tamang-tama ay kakarating lang ni marco. hindi na siya bumaba pa ng sasakyan dahil lumapit na din ako agad. “Hi” bati ko pagpasok ko at ngumiti naman siya. napansin ko namang inalis na niya ang kanyang suit at tanging ang white polo lang niya na nakatiklop ang manggas ang suot niya. “How was your meeting?” tanong ko habang naglalagay ako ng seatbelt. “Okay lang din. May mga problema lang sa ibang resorts ni dad but we can manage.” Tugon niya. “So shall we?” dugtong niya at tumango naman ako. Nagbiyahe na rin kami papunta ng mandaluyong. As always, tahimik lang din kaming nagbiyahe hanggang sa makarating kami sa hotel. Bumaba na rin kaming dalawa at kasabay lang namin dumating si Karina kasama si Sam. “Hey guys!” tawag ko at lumapit naman sila sa akin at nagyakapan kami. “How are you? How’s married life?” tanong ni rina. “Okay lang..wala namang nagbago.” Sagot ko at ngumiti lang si Sam. “Hi Marco.. ang sweet mo naman, sinamahan mo pa talaga si Dana dito.” Bati din ni rina sa kanya at napangiti siya. “Hi. Wala din kasi akong trabaho kaya sinamahan ko na lang siya.” Tugon naman niya at kinalabit ako ni sam. “Ano ba ‘to? Nagdadrama pa ba kayo o totohanan na?” bulong niya sa akin. Nilingon ko siya at binigyan lang ng makahulugang tingin. Maya-maya pa ay dumating na rin ang manager kong si Dino kasama si Diana. Agad naman silang lumapit sa amin at nagbeso. “Oh my god! Namiss kita Dan.. kamusta ka na?” sambit ni Dino. “I’m ok. Namiss ko rin kayo.” Ngumiti naman sa akin si Dino at napatingin naman siya kay Marco. “Oh hi Marco. kamusta ka na? Kamusta ang maging asawa ni Dana Marie?” tukso sa kanya ni Dino at inirapan ko naman siya at napangiti lang siya. “It’s fine. Being Dana’s husband is fun.” Sagot naman niya. nilingon ko siya at  binigyan ko siya ng matalim na tingin. Tumawa naman si Dino pati ang mga kaibigan ko. lumapit naman sa amin ang isang lalake at nagpakilalang manager ng hotel. “Excuse me..kayo po ba ang models para sa show?” tanong nito. “Yes..sila nga..and this is Karina she is one of the designers for the show.” Pakilala naman ni Dino. “Kayo lang po ba ang dumating?” dugtong nito. “Yung iba siguro ay papunta na dito.” Sagot ulit ni dino. “Okay. Ganito na lang..when everybody is here, come meet me in the meeting room.” paalam nito. “Alright! We will wait for others first.” At tumalikod na rin ang manager at bumalik sa loob. Napalingon naman sa amin si Dino. “Wait, why is Kamila and patsie aren’t here yet. I heard kasali din sila dito.” Wika niya at napalingon kaming lahat sa dumating na dalawang sasakyan. It’s kamila and patsie’s car. Bumaba naman sila agad at lumapit sa amin kasama ang kanilang mga Assistant. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD