“Hi..oh everyone is here..” bati ni Kamila pero hindi kami sumagot at nakatingin lang sa kanila. “Oh hi Patsie..” bati ni kamila habang papalapit ito sa kanya at nagbeso naman sila. “Nagsama ang dalawang demonya.” Bulong ni sam. “Hi sir Dino..I haven’t seen you for a long time. I miss you..oh! Hi Marco Sandoval.. you’re big than i expected..” wika ni Kamila at tumingin ito sa asawa ko. at hindi lang basta-basta tingin kundi sa harapan ng asawa ko nakatingin. Di naman ako nagpakita ng reaksiyon sa sinabi niya at tumingin lang ako sa kanya. “I mean, you have a big and perfect body than i expected.” Dugtong nito. At talagang nilalandi niya pa si marco sa harapan ko. “My gosh Kamila...watch your words. Don’t forget that marco is Dana’s husband now. If Dana hears, she’ll over think about your little admiration.” Saway ni Patsie sa kanya pero pang-iinis niya yon sa akin. Napakislot naman ang kilay ko at hindi rin nagsasalita si Marco na nasa tabi ko. ngumiti naman ako at lumapit ng konti sa kanila. “it’s alright! I don’t think anything. Because i know some people’s words are just like trash. So it belongs in the trash. Don’t worry.” Sagot ko at napataas naman ng kilay si Patsie. “i hope so.” Pangiting sabi niya at nginitian ko naman siya. Binalingan naman niya si Sam. “Hey sam..i haven’t seen you in the runway for a long time. Nalalaos ka na ba o wala nang gustong kumuha sayo? You sure you can still do it?” tumawa naman si Sam. “I just take a break. Masyado na kasing maraming toxic sa modelling industry. Pero naisip ko mas masaya pala kapag kasama mo ang mga toxic. Seeing them become losers, It’s more exciting! And I’m still famous as before. I wouldn’t be standing here if i wasn’t.” Taray ni sam at hindi nakasagot si Patsie. Napayuko naman ako at napatawa. Tumingin naman ako kay patsie. “Why patsie..are you afraid dahil andito kami ni sam?” salubong naman ang kilay niya at napataas ng kanyang kilay. “Ofcourse not!” sagot niya. “I hope so.” Wika ni sam. ilang sandali namang natahimik si patsie at nagtitigan lang kami. Pinilit naman niyang ngumiti para ipakitang hindi siya affected. At napalingon siya sa gawi ni Karina. “Oh karina..you’re here too?. I didn’t see you. You didn’t stand out. Well, i don’t pay attention to some trying hard designers.” Kumulo naman ang dugo ko ng balingan niya si karina. Hindi sanay si karina sa mga ganitong sumbatan kaya madalas ay tumatahimik lang siya. Pero hindi ko hahayaang apihin ng iba ang kaibigan ko. “she’s a talented woman. She’s a rising designer not just here but also abroad. Her designs are good and unique that’s why the management chose her. But for some people, the management chose them because they can act good infront of others but the truth is they’re behavior is damn wicked.” Wika ko at salubong naman ang kilay nilang dalawa na nakatingin sa akin. “Oh dana..you’re so capable..no wonder you’ve been in this industry for so long..” sambit ni Kamila at tiningnan ko naman siya ng diretso. “Kamila, there’s no other people here. You don’t have to act.” Seryoso kong sabi at natahimik siya. Tinawanan naman sila nina Dino at sam. “Buti nga sa inyo.” Ani Dino at pumasok na rin kaming lahat sa loob. Hinatak ko naman sa kamay si Marco at naiwan lang na nakatayo sa labas sina kamila at Patsie na halos sasabog na sa inis. Dumiretso na rin kaming lahat sa meeting room at naupo. Sumunod naman pumasok sina kamila at Patsie. Sa kabilang side naman sila ng mesa naupo kaharap namin. Pumasok naman sa room ang may-ari ng hotel na si Mr. Del castillo at una nitong nakita si marco at nilapitan ito. “Marco..i’m so happy to see you here. Teka bakit ka nga ba nandito.?” Tanong nito. “I’m with my wife Dana Marie. Sinamahan ko siya dito.” Tugon niya at nilingon ako ni Mr.Del castillo at tumayo naman ako. “Hi. Congratulations! Finally, nagkaroon na rin ng partner itong kaibigan ko. akala ko ay tatandang binata na lang ito.” Nginitian ko naman siya at kinamayan. “Thank you Mr. Del castillo.” Wika ko. “Huwag mo na akong tawaging Mr. Del castillo. Ivan na lang..your husband is my friend. just call me Ivan.” Pangiti niyang sabi at ngumiti naman ako. “Okay, Ivan.” At ginantihan naman niya ako ng ngiti. Nahagip naman ng mata ko ang matalim na pagtingin sa amin ni patsie pero hindi ko na iyon pinansin. Naupo na rin kaming lahat at magsisimula na sana sa meeting nang bigla pumasok si Maxine. “Sorry i’m late.” Nakangiti siya habang papasok. Napatigin naman kaming lahat sa kanya. Nawala naman ang ngiti sa labi niya nang makita niya kami at umismid siya. “take your seat Max.” Wika ni ivan at papunta na sana siya sa kanyang upuan ng mapansin niya ang kanyang kuya at napahinto siya. Hindi naman siya nagsalita at dumiretso na lang sa upuan niya. nagsimula na rin kami sa aming meeting.medyo natagalan din bago kami natapos. At nang ok na ang lahat ay lumabas na rin kaming lahat. Nauna na sa labas sina Sam, karina, Dino at Diana. Nagpaalam akong pumunta muna ng banyo. Hindi alam ni Dana na sinundan siya ni Marco papunta sa comfort room. nakita ni Maxine ang pagsunod ng kuya niya kay Dana kaya sinundan niya ito. Naghihintay sa labas ng comfort room si marco ng lumapit sa kanya si Maxine. “kuya..masyado ka namang devoted sa asawa mo. Sinamahan mo na siya dito sa meeting at talagang sinundan mo pa siya dito sa comfort room. why kuya? Are you afraid that other man will snatch your wife? Or are you afraid that she’s easy and will leave you for another man?” wika niya. “Max tumigil ka na. Tigilan mo na rin ang pang-iinsulto kay Dana. i’m still your brother and Dana is my wife. You should treat her well because she’s your sister in law.” Saway sa kanya ni marco. “sister in law? No way! After what she done with us? She Keeps on dreaming!” Galit namang napatingin sa kanya si Marco. bigla namang lumabas si Dana sa banyo at nadatnan sina Maxine at Marco. napahinto siya at huminga ng malalim. “Let’s go Marco.” yaya ni Dana. aalis na sana siya ng harangin siya ni Maxine. “Nakakasuka..” sambit ni Maxine at napahinto ako. Umatras naman ako at hinarap siya. Hinawakan naman ako ni marco sa braso. “Dan..no!” pigil niya pero di ko siya pinansin. “I hope you can maintain what you have here. Not that you’re here with my brother today but with another rich man next.” Nagpipigil naman ako sa mga sinasabi niya dahil kasama ko si marco at kapatid niya si Maxine kaya hindi ko na muna siya papatulan. . “Hey, i know that you’re a public figure. But you don’t have to sleep around with everyone.” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya at hindi na ako nakapagtimpi pa dahil sobra na siya. “What did you say?!” galit kong sabi sabay tulak ko sa kanya. Napahawak naman agad si Marco sa akin para pigilan ako pero itinulak din ako pabalik ni Maxine. “Why? Isn’t true?” sambit niya at sinugod ko naman siya ulit kaya nagpang-abot kami. Humarang naman sa gitna namin si Marco para pigilan kami pero di niya kami maawat hanggang sa itinulak ni Marco si Maxine at dinuro ito. Nagulat naman ako at napahinto sa ginawa niya. Maxine is his sister, dapat kinakampihan niya ito. But he protects me more than his sister. “Enough! Don’t touch Dana Max.. huwag mo hintaying makalimutan kong kapatid kita.” Napahinto naman si Maxine sa banta ng kanyang kapatid. “Are you seriously siding her kuya?” tanong niya kay Marco. “Yes. Because you’re too much Max. Hindi na kita kilala.. hindi na ikaw ang kapatid ko.” Napakuyom naman ng kanyang kamay si Maxine at halos naluluha. “Why kuya..how special is she that you even hurt me for her? What i’m saying about her is the truth.” “Stop it Maxine.” Pigil ni Marco at nilingon niya ako. “Dan, you go first.” Utos niya at nauna na rin akong umalis. “Let me warn you max..when you repeat this and you haven’t stopped. I will tell dad what you’re doing. And when you hurt Dana again whether physical or emotional, you will be fascinated by me.” banta ni Marco sa kapatid at natahimik naman si Maxine. Tumalikod na si marco pero bigla siyang humarap ulit kay maxine at lumapit. “If you think what you’re saying makes other people look low then you’re wrong Max. Because the more you talk the more low you are. Itatak mo yan sa isip mo. You’re too different..hindi na ikaw ang kapatid kong si Maxine. I don’t even know you.” Dugtong ni Marco at tumalikod na rin ito at lumabas. Napaiyak naman si Maxine sa sinabi ng kanyang kuya. Nasaktan siya dahil mismo ang kapatid niya ay pinagmukha siyang kawawa sa harapan ni Dana. sa sobrang inis niya at ibinato niya sa dingding ang kanyang bag. Sumunod naman lumabas si Marco at nagpaalam na kami kina Sam, karina at Dino. Yumakap na rin ako sa kanila at sumakay na kami ni marco sa kotse. Umalis na rin agad ang sasakyan nina Sam. Hindi naman agad pinaandar ni marco ang sasakyan, tahimik lang akong nakaupo at nakatingin sa daan. Sinusulyapan naman niya ako. “Are you okay?” tanong niya pero hindi pa rin ako lumingon. “Yeah! Let’s go home. I’m tired. I want to rest.” Tugon ko at dinig ko namang bumuntong hininga siya. Maya-maya pa ay inistart na rin niya ang sasakyan at bumalik na kami sa condo. Wala kaming imikan hanggang sa pagdating namin sa condo. Dumiretso na akong pumasok sa kwarto. Nakasunod lang siya sa aking nakatingin. Hindi naman siya sumunod sa akin sa kwarto. Baka sa library room na muna siya dumiretso. Umupo ako sa gilid ng kama. I can’t believe what I heard kanina. He’s very different from what I’m thinking about him. Ilang sandali pa akong nakaupo sa kama at nag-isip. I was angry with him but why now…. Naguguluhan na ako. sa dinner ay tahimik lang kaming dalawa. Nakikita ko naman na palagi siyang nakasulyap sa akin na para bang gusto akong tanungin pero wala siyang lakas ng loob. Hanggang sa matulog na kami ay wala din kaming imikan. Nahiga na ako at tumalikod sa kanya. I want to thank him sa ginawa niya kanina pero nahihiya ako at pinipigil ako ng pride ko. It was 11pm and I’m still awake. Dahan-dahan ko siyang nilingon at tulog na siya. Tinitigan ko ng mabuti ang mukha niya. Bigla naman siyang tumaligid paharap sa akin pero nakapikit pa rin siya. Dahan-dahan kong inilapit ang kamay ko sa mukha niya at hinawakan. “why are you so kind to me? Kahit na iba ang pakikitungo ko sayo. Maxine is your sister but you chose me over her. Why?” Bulong ko sa kanya. Ilang sandali ko pa siyang tinitigan. And I kiss him on his cheek as a reward para sa pagtatanggol niya sa akin kanina. Lumayo ako sa kanya ng konti at bumalik na sa pagkakahiga pero nakaharap pa rin ako sa kanya hanggang sa nakatulugan ko na ang pagtitig ko sa mukha niya.