Chapter 44

1948 Words
Nagising ako na wala na si Marco sa tabi ko. hindi muna ako bumangon at nanatiling nakahiga. Nilingon ko naman ang orasan at 9am na pala. Masyadong napasarap ang tulog ko. dahan-dahan akong bumangon at pumasok sa banyo. Pagkatapos ay lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kitchen. Wala din doon si marco pero may nakahanda ng pagkain sa mesa. Siguro ay maaga pa siyang umalis. Nagtimpla na muna ako ng kape bago ako umupo sa dining table at nag-umpisa ng kumain. Kumuha naman ako ng hotdog at saktong isusubo ko na ito ng biglang lumabas si Marco sa fitness room niya. naka pajama lang siya at walang damit. natulala naman ako at napahinto sa pagsubo habang nakatingin sa kanya. My god! He has a very sexy abs. Kitang-kita ang ganda ng hurma kahit pawis na pawis ang katawan niya. sa isip ko. napalunok naman ako at di ko namalayang nahulog sa plato ko ang kinuha kong hotdog. Natatawa naman si Marco sa naging reaksyon ni Dana paglabas niya sa room. lumapit naman siya ng konti kay Dana at tulala pa rin ito. Natauhan lang si Dana nang mabitawan niya pati ang tinidor. Tawang-tawa naman sa kanya si Marco. “Mukhang nag-eenjoy ka sa magandang tanawin ah?” tukso ni Marco at taranta naman siyang umupo ng maayos at hindi makatingin ng diretso kay Marco. “Akala ko pumasok ka sa trabaho dahil di kita mahagilap dito.” Pag-iwas ko at sinulyapan siya sandali. Kita ko namang nagpupunas siya ng pawis niya at iniwas ko agad ang tingin ko. ano ba naman ‘to. Dito talaga siya magpupunas ng pawis niya sa harapan ko? “It’s Saturday Babe kaya wala akong trabaho.” Tugon niya at napalingon naman ako sa kanya. Oo nga pala. Bakit di ko agad naisip yon? Salubong naman ang kilay ko at lumingon ako sa kabila. “We’re going to Patsie’s birthday tonight.” Wika niya at napatingin ako sa kanya. “What do you mean we? Are you really going there?” tanong ko. “Yes. Babe, patsie is my friend. And she invited us. Nakakahiya naman kung tatanggi tayo. personal pa naman niyang binigay ang invitation.” Tugon niya. “She invited you. Not us! Isa pa, tumatayo ang balahibo ko sa sinasabi mong aattend ako sa birthday niya. it’s impossible. You already knew that she hates me.” Inis ko. “But you are my wife. You should be with me. You’re going with me and that’s final..” magsasalita pa sana ako ng pigilan niya ako. “ah-ah-ah! i don’t like buts Babe. I already called Allison for your dress tonight.” Wika niya at hindi na ako nakapagsalita pa. He already prepared everything. “Papasok na muna ako sa kwarto para makakain ka ng maayos. Hindi ka mabubusog kung tititigan mo lang ako.” pilyo niyang sabi and i was like what? Ang kapal din ng mukha neto. Hindi ko na siya pinatulan pa sa halip ay pinaikutan ko na lang siya ng mata. Umalis na rin siya at nagpupunas ng pawis na pumasok sa kwarto. Nagpatuloy na rin ako sa almusal ko. at pagkatpos kung magligpit ay tumambay naman ako sa balkonahe para magpahangin. Naupo ako sa rattan chair at nag unwind. Ilang sandali pa ay napalingon ako ng marinig kong bumukas ang pinto sa kwarto. Lumabas siya at nakapagpalit na siya ng kanyang damit at pumasok sa kanyang Library room. He seem busy simula nang umuwi kami dito sa condo. Bumalik naman ako sa dating pwesto ko at sandali pang tumambay. Nang mapansin kong medyo matagal na akong nakaupo sa balkonahe ay tumayo na rin ako at pumasok sa kwarto para maligo. Lumabas lang ulit ako sa kwarto nang yayain niya akong maglunch. Pagkatapos naming kumain ay bumalik din siya ulit sa library room. umupo na lang din muna ako sa living room dala ang laptop ko para mag check ng social media accounts ko. maghapon siyang nasa library lang. At nang mapagod na ako sa social media ay pumasok na rin ako sa kwarto para mahiga at nanood na lang ng TV. 5pm na ng pumasok siya sa kwarto. “Mag prepare ka na babe. Aalis tayo ng 6PM.” Wika niya habang papasok siya at may dalang naka-hanger na dress at nakabalot. Nilapag niya iyon sa Bed. “That is your dress.. pinahatid na lang dito ni Allison dahil may ka-meeting siya.” Dugtong niya. tumayo na rin ako at tiningnan ang dress. It was a Black sexy lace spaghetti straps bodycon dress. Napabuga na lang ako ng hangin. Ayoko pumunta sa party ni Patsie but i can’t say no to him. Inilapag ko naman ulit ang dress at tinungo ang banyo. Ilang sandali pa ay lumabas na rin ako at sumunod naman siyang naligo. Una ko munang tinapos ang make up ko bago ko kinuha ang dress para isuot. And it fits on me. Alam talaga ni Allison ang body size ko at hanggang tuhod ang haba ng dress. The design is actually nice, i like it!. Maya-maya pa ay lumabas na rin siya sa banyo at pumasok sa walk in closet para kumuha ng masusuot niya. napalingon naman ako sa kanya ng lumabas siya suot ang Black vested double breasted suit and it really looks good on him. Ilang sandali pa akong nakakatitig sa kanya. Why is he so handsome? sa sobrang pagtitig ko sa kanya ay hindi ko na namalayang malapit na pala siya sa akin. “Do you like the dress babe?” tanong niya saka lang bumalik ang ulirat ko. “Yes..i like it.” Tugon ko. “Siya nga pala..about yesterday. Thank you sa pagtatanggol mo sa akin sa kapatid mo.” Dugtong ko. “Don’t worry. Maxine can’t hurt you again. I’ll protect you. But i’m still hoping na darating ang panahon na magkakaayos din kayo. Max is really stubborn but i know one day,magkakaayos din kayo.” Sambit niya at huminga naman ako ng malalim. I don’t think that day will come. Sa isip ko sabay talikod ko at humarap ako sa salamin. “How do i look?” tanong ko habang nakaharap sa salamin at nasa likod ko siya. “You look beautiful in every dress.” Tugon niya at napangiti naman ako. “But you miss something..” dugtong niya at napakunot-noo naman akong nakatingin sa kanya. Nakatingin din naman siya sa akin sa salamin at lumapit ng konti sa likod ko. nagulat ako nang isuot niya sa akin ang Necklace na hawak niya. “When did you buy it?” nakangiti kong tanong sa kanya. She look at me at the mirror and he smiled at me. “It’s not the point. The point is that you love it or not?” ngumiti naman ako at humarap sa kanya. “I love it! Thank you.” Sambit ko at hinawakan niya ako sa pisngi at hinimas. Inalis niya rin agad ang kamay niya sa pisngi ko. “So, are you done? Shall we?” tanong niya at tumango naman ako. Kinuha ko na muna ang phone ko at inilagay sa purse ko. sabay na rin kaming lumabas ng bahay. Nakasakay na kami ng elevator pababa nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. nagulat ako at napatingin sa kamay ko. tiningnan ko naman siya at wala naman siyang reaksyon at diretso lang na nakatingin sa pinto ng elevator. Hindi na rin ako pumalag pa at hinayaan ko na lang siya. Dumiretso na kami agad sa sasakyan. Nauna naman siya sa akin para buksan ang pinto at pinaupo muna ako bago niya isinara at mabilis siyang lumipat sa drivers seat at nag seatbelt. Nakasunod lang akong nakatingin sa kanya. “Let’s go?” sambit niya at tinanguhan ko lang siya. Pagdating namin sa venue ng party ay nakatingin sa amin ang ibang bisita na nasa labas pa. Hinawakan naman ako ni Marco sa kamay. Nilingon ko naman siya at nginitian. Pumasok na rin kami agad sa loob at lahat ng bisita ni Patsie ay nakatingin sa gawi namin. Halos lahat ng bisita niya ay kasamahan namin sa modelling industry. Lumapit naman sa amin ang photographers at kinuhanan kami ng litrato. Habang kinukuhanan ng litrato sina Marco at Dana ay napatingin naman sa gawi  nila si Patsie at Kamila. “What is she doing here? Did you invited her?” tanong ni Kamila kay patsie. “Actually, I invited Marco. syempre given na yung andito din siya dahil asawa siya ni Marco. but it’s okay. It’s a good thing that she’s here. I also want to see her reaction when she sees her past.” Tugon ni Patsie at salubong naman ang kilay ni Kamila na nagtataka. “What do you mean?” nilingon naman siya ni Patsie at binigyan ng makahulugang ngiti. “Just wait and see.” Wika niya at lumapit naman ito sa dumating na sina Marco at Dana. “Hi Marco.. Thank you for coming! Oh hi Dana..i didn’t expect that you’re coming too.” Sambit ni Patsie. Wala namang reaction ang mukha ni Dana at nakatingin lang ito sa kanya. “Happy birthday Pats.” Bati ni Marco sabay abot sa kanyang regalo. “Oh thank you..” napatingin na lang ako sa kabila at napabuntong-hininga. Kinikilabutan ako sa inaasal ni Patsie. Lumapit naman sa amin ang photographer. “Excuse me Ms. Patricia. Can we take a photo of you together with them?” wika nito. “Sure..” tugon niya at tumabi naman siya kay Marco. napatingin naman ako sa kanya nang humawak siya braso nito. Bumitaw naman ako sa kamay ni Marco pero agad niya akong tiningnan at hinatak ako sa beywang papalapit sa kanya. Wala na rin ako nagawa dahil nakahawak na siya sa beywang ko. Napatingin naman si patsie sa ginawa ni Marcong paghatak kay Dana at napataas siya ng kilay. Pinilit na lang ni Dana na ngumiti kahit naiilang na siya sa sitwasyon nilang tatlo. Ilang sandali pa silang kinuhanan ng litrato nang magsalita si Patsie. “Excuse me..asikasuhin ko lang ang ibang bisita. Please enjoy the party. Ikaw rin Dana..enjoy the party.” Wika niya at pilit na ngiti naman siya. nginitian lang din siya ni marco. umalis din ito agad at pinuntahan ang ibang bisita. Naghanap na rin ng magandang pwesto si Marco para sa kanila ni Dana. ilang sandali pa ay dumating si maxine kasama si Alfred at napalingon naman silang dalawa sa gawi nila Maxine. Napansin naman ni marco na biglang nag-iba ang expression ng mukha ni Dana at napabuga ng hangin. “Are you okay?” tumingin naman ako sa kanya. “No! I don’t want to pretend here Marco. can we just go home?” tugon ko. “Pero kakarating lang natin. Natatakot ka ba dahil andito si Max at alfred?” tanong niya. “I just don’t want trouble. You know your sister.” Wika ko at hinawakan niya ako sa baba. “Don’t worry. I’m here. I will not leave you.”napatingin naman ako sa mga mata niya at ngumiti ng tipid. Pinilit ko na lang umakto ng normal. Lumapit naman si Patsie kina Maxine at parang may sinabi ito at napatingin sa gawi namin si Maxine. Nakita ko namang mukhang nagulat si Alfred ng makita kami at agad siyang hinawakan ni maxine sa kanyang braso. Napalingon sa kanya saglit si Alfred at tumingin ulit sa amin. Una na lang akong umiwas ng tingin at hinarap si marco. pormal na ring nag-umpisa ang party at nagbigay lang ng konting speech si Patsie at nakipag-usap sa kanyang mga bisita. Nanatili lang kami ni marco sa table namin at tahimik na inoobserbahan ang mga bisita. Paminsan-minsan ay may lumalapit din kay marco na mga kakilala niya at pinapakilala naman niya ako. Nahahagilap ko din minsan na nakatingin sa amin si Alfred. Nagkukunwari na lang akong hindi ko siya napapansin. Nakita ko namang lumapit ulit si Patsie kay Maxine at may binulong. Maya-maya pa ay may biglang pumasok sa pinto at napansin kong nakatingin halos ang mga bisita doon kaya napalingon ako. Bahagya naman akong nagulat at di ako agad nakapagsalita ng makilala ko ang lalakeng dumating. “Paolo?” mahina kong sabi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD