Chapter 45

2252 Words
Napatingin si Marco kay Dana nang banggitin nito ang pangalan ni Paolo. Nagtatanong ang mga tingin nito kay Dana pero nakatingin si Dana sa dumating na lalake. “Wait! Is that Paolo Pats?” tanong ni maxine nang makita ang bagong dating na lalake. Ngintian naman siya ni Patsie. “Yes.. i invited him. Excuse me friend, puntahan ko lang siya.” Tugon ni patsie at agad siyang lumapit kay Paolo. “Hi Pao..i’m so glad you came.” Sambit ni patsie sabay beso kay Paolo. “Why not? We’re friends. Isa pa matagal na rin tayo hindi nagkita. Di naman pwedeng tanggihan kita.” Tugon nito. Nag-ngitian naman silang dalawa at napatingin si Paolo sa paligid at nahagip ng mata niya si Dana. “Pats, is that Dana Marie?” tanong ni paolo at sinulyapan ni Patsie si Dana. “Yes. I invited her also. kakarating lang din niya.” Sagot naman niya at ibinaling ulit ang kanyang tingin kay Paolo na may ngiti. **Patsie’s POV A week before My Birthday... Galing ako sa Office ni Marco to give him the invitation pero dumating si Dana and she ruined my mood. Pagalit akong umalis ng company ni Marco at dumiretso ako sa isang hotel kung saan naka-check in ang friend ko from New york para bisitahin siya. But accidentally, nakasalubong ko si Paolo sa lobby. At first ay hindi ko siya pinansin ang akala ko ay kamukha niya lang but when i glance at him again nagulat ako na it’s really Paolo Arevalo. Hindi ako agad nakapagsalita hanggang sa nakalagpas na siya sa akin. nilingon ko siya at tinawag. “Paolo?” tawag ko at napalingon naman siya sa akin. Tinitigan niya muna ako saglit at nakakunot ang noo na para bang nagtataka. Ngumiti naman ako at lumapit sa kanya. “Don’t you remember me? It’s me Patricia Bernardo.” Pakilala ko at nag-iba ang expression ng mukha niya at para bang inaalala niya pa ako. Ilang saglit pa ay ngumiti na rin siya. “Oh Pats. I’m sorry! Hindi kita agad nakilala. Kamusta ka na? Naka check-in ka rin ba dito?” tugon niya at napatawa naman ako sa pagpuri niya sa akin. “Hanggang ngayon malambing ka pa rin magsalita. I’m just here to visit my friend. Dito rin kasi siya naka check-in.” Tumango naman siya at ngumiti. “Kailan ka lang dumating dito sa bansa? Are you with your wife?” dugtong ko at biglang nawala ang ngiti niya sa labi. “No, I’m alone! I just arrived yesterday. And.... my wife died 2 years ago.” Sagot niya at di naman ako agad nakapagsalita sa pagkabigla sa sinabi niya. “Oh..i’m sorry! Hindi ko alam.” Ngumiti naman siya bigla at yumuko saglit. “No. It’s okay Pats. It’s nice to see you again but i have to go. I have a meeting with my friend.” Wika niya at hinawakan ko siya agad sa kamay. “Wait paolo..” at napatingin naman siya sa akin. Naisip kong imbitahan siya sa party ko dahil siguarado akong isasama ni Marco si Dana. Paolo is Dana’s first love at kapag nakita niya si Paolo sa party. Sigurado akong magugulantang si Dana at babalik ang sakit ng nakaraan niya. it’s a best revenge sa ginawa niya sa akin kanina. She loves paolo And she will probably choose Paolo over Marco. at kapag nangyari yon. Mapapasa-akin na rin si Marco. “What is it Pats?” tanong ni Paolo habang nag-iisip ako saka ako bumalik sa sarili ko. kinuha ko ang invitation card sa bag ko at inabot sa kanya. “Here..i want to invite you on my Birthday Nextweek. Sana makapunta ka.” Sambit ko at inabot naman niya ang card. “Okay. I will surely come.” Sagot naman niya. “Oh paano mauna na ako. I’ll see you nextweek.” Dugtong niya at nginitian ko naman siya at tumango. umalis na rin siya at diretsong lumabas ng hotel. Nakangiti naman akong nakatingin sa kanya. “Pag sinuswerte ka nga naman. Wait for my revenge Dana.” wika ko habang naka cross ang kamay ko sa dibdib at tumalikod na rin ako at pumunta sa Kwarto ng kaibigan ko.   * Nilingon naman ni Paolo si Patsie. “Excuse me..puntahan ko lang si Dana.” paalam niya. “Sure.” Tugon ni patsie at nagsimula namang maglakad si Paolo papalapit kay Dana. nakangiti namang nag cross ng kamay si Patsie na nakasunod ng tingin kay Paolo. Natulala naman at hindi makagalaw sa kanyang kinatatayuan si Dana. “Hi Dan..long time no see.” Bati ni paolo. Nakatingin lang sa kanya si Dana at di agad naka tugon. Napatingin naman si Marco sa kanyang asawa saka niya inilipat ang tingin sa lalake. “Dan?” tawag ni paolo saka siya natauhan. “Paolo?” sambit niya at natawa naman sa kanya si Paolo. “Yes.” Napailing naman si Dana at napatayo ng tuwid. “Anong ginagawa mo dito? I mean..kailan ka pa dumating?” tanong ni Dana. “kahapon lang. I’m happy to see you again. Kamusta ka na?” di naman malaman ni Dana ang kanyang sasabihin dahil after 10 yrs. ay bumalik at nakita niya ulit ang kanyang first love. Hindi naman nagsasalita at nakatingin lang si Marco na nasa likod ni Dana at seryosong nakatingin sa lalake. He’s tall and handsome. macho din ang katawan at mukha ding mayaman. He maybe my wife’s friend pero bakit ganyan siya makatingin sa asawa ko? sa isip ni Marco. “I’m fine.. i just... didn’t expect to see you here.” Tugon ni Dana. “Oh yes. Patricia invited me. We accidentally met last week.” Sagot naman niya. “So are you staying here for good? Are you with your wife?” tanong ni Dana ulit. “No. Ako lang..and Janelle died 2 years ago.” Mahinang sabi ni Paolo at napabagsak naman ng balikat si Dana sa pagkabigla sa narinig. “I’m sorry. I didn’t know.” Mahinang sambit ni Dana. “It’s okay.” Ani Paolo. Habang nag-uusap naman sina Paolo at Dana ay lumapit si Patsie kay Marco. “Do you know him?” tanong ni patsie at napasulyap naman sa kanya si Marco. “No. You know him? Who is he?” curious naman ni Marco. “He is Paolo Arevalo. Dana’s Childhood friend and her First love.” Awtomatiko namang napalingon si Marco kay Patsie sa sinabi nito. “Dana never had a boyfriend because of him. She is inlove with him since high school. And Dana had her first heart break when Paolo married Janelle after 2 years of our graduation. That is why never na nag-entertain ng manliligaw si Dana.” dugtong pa ni Patsie at napatingin si Marco kina Dana at Paolo na masayang nag-uusap at ang ganda ng ngiti sa isa’t-isa. Sa kabilang parte ng kanyang puso ay nasaktan si Marco at nagseselos dahil simula nang magsama sila ni Dana ay hindi pa siya tinitigan at nginitian ni Dana katulad ng pagtingin at pag-ngiti nito kay Paolo. Maya-maya pa ay nilingon ni Dana si Marco at nakita niyang katabi nito si Patsie kaya medyo nag-iba ang expression ng mukha niya at nilapitan si Marco saka niya hinawakan sa kamay at hinatak papalapit kay paolo. Nagulat namang napatingin si Marco sa kanyang kamay sa paghawak sa kanya ni Dana. di na rin siya nagsalita at sumunod na lang sa kanyang asawa. “Paolo..this is Marco Sandoval. My husband.” Pakilala ni Dana at mabilis naman siyang napatingin sa kanyang asawa. Tama ba ang narinig ko? she introduces me to his first love as her husband? Sa isip ni Marco. para namang lumundag ang puso niya sa tuwa. “Babe, this is Paolo. My childhood friend.” Pagpapakilala naman niya kay paolo. Parang nag-echo naman sa kanyang tenga ang tinawag sa kanya ni Dana. she called me Babe?  at Diretso lang siyang nakatingin kay Dana. inilahad naman ni paolo ang kanyang kamay para makipag shakehands pero nananatili pa rin siyang nakatingin kay Dana. nilingon naman siya ni Dana at nagtataka ito kung bakit nakatingin sa kanya si Marco. “Babe?” tawag niya dito pero hindi pa rin siya natitinag. Hanggang sa hinawakan ni Dana ng isa niyang kamay ang pisngi niya. “Babe are you okay?” tanong ni Dana saka siya bumalik sa sarili niya. “Oh yeah. I’m okay babe.” Nangingiting sambit ni Marco saka niya binalingan si Paolo at inabot ang kamay nito. “Nice meeting you Bro.” Bati ni paolo. “Me too.” Sagot naman ni Marco. napataas naman ng kilay si Patsie sa kanyang nakikita. Iniisip niyang kapag nakita ni Dana ulit si Paolo ay katulad pa rin ng dati ang feelings niya dito at magseselos si Marco kapag nalaman niyang first love ni Dana si Paolo pero sa nakikita niya ay mukhang nagawa pa rin ni Dana na i-manage ang situation. her plan was ruined kaya tumalikod siya at umalis na inis ang mukha. Masaya namang nakipag-usap si Paolo kina Dana at Marco. pansin naman ni marco ang kakaibang pagtingin ni Paolo sa kanya asawa ganoon din si Dana sa kanya. Tahimik lang siyang nakikinig sa dalawa. Paminsan-minsan ay tinatanong din naman siya ni Paolo at sumasagot din naman siya. Panay naman ang tingin ni Patsie sa mga ito at inis na inis ang mukha. Lumapit naman sa kanya si Maxine. “Did you planned it?” sambit ni Max sa likod niya at nilingon naman siya saglit ni Patsie. “What do you mean?” tanong niya. “Si paolo. Pinlano mong imbitahan siya dito para makita siya ni Dana. and you’re thinking na bibigay siya kapag nakita niya ang first love niya, right?” wika ni Maxine at nilingon siya ni patsie saglit at bumuntong-hininga. “Oh come on. I know you friend. I’m your bestfriend.” Dugtong ni Maxine at ininom naman ni Patsie ang wine sa hawak niyang baso. “I underestimated her.” Wika niya at tumawa naman si Maxine. “She’s clever than you thought Pats.” Tiningnan naman niya ang kaibigan at nahagip ng mata ni Patsie si Alfred na nakatingin kay Dana habang umiinom ng wine. “Hey Max. Isinama mo ba dito ang asawa mo just to stare at other woman?” ani Patsie at nilingon siya ni Maxine. “What do you mean?” bumuga naman ng hangin si Patsie at itinuro ng kanyang kamay si Alfred at sinundan naman ni Maxine ng tingin. “Look at your husband. staring at your brother’s wife.” Asar naman ni patsie sa kaibigan at napahinga ng malalim si Maxine at galit na nakatingin sa asawa niya. “I didn’t know that b***h will come here. Why did you invited her here?” “I didn’t invited her. Your brother brought her here.” Sagot ni patsie. “Well, fortunately. You’re kind enough for her to stay here. If it was me, i would have thrown her out.” Inis ni maxine at niyakap naman siya ni Patsie sa braso. “Hey Max. Calm down! There is a saying, keep your friends close and your enimies Closer.” Pangiting sabi ni patsie at nakataas naman ang kilay ni Maxine na tumingin sa kanya. “Ewan ko sayo!” wika ni Maxine at nginitian lang siya ni Patsie. Habang abala sa pag-uusap si Dana at Paolo ay nagpaalam muna saglit si Marco sa kanila para puntahan si Alfred. “Why are you alone? Where is my sister?” sambit ni Marco sa likod ni Alfred at humarap siya dito. “Hey Marco. She’s with Patricia.” Sagot naman niya. “I’m glad na bumabalik na kayo ni Max sa dati.” Ani Marco. “Perhaps. Who is that man with Dana?” tanong ni Alfred at kumislot naman ang kilay ni Marco at napatingin sa kanya ng diretso. Is he still likes my wife? Nilingon naman ni Marco ang kanyang asawa na masayang nakikipag-usap kay Paolo. “He is Paolo Arevalo. My wife’s childhood friend. He’s From Canada.” Pakilala naman ni Marco at napansin niyang masama ang tingin ni alfred kay Paolo saka niya ibinalik ulit ang tingin sa dalawa. Parehong naiinggit sina Marco at Alfred sa kung paano makipag-usap si Dana kay Paolo. Pinipilit ni Marco na maging open-minded dahil kaibigan ng asawa niya si Paolo but he can’t hide his jealousy. Hanggang sa lumalim na ang gabi at isa-isa na ring nagpapaalam ang mga bisita ni Patsie. Nauna na ring magpaalam si Paolo. “Mauna na ako Dan. It’s getting late. Nasa labas na rin ang pinsan ko para sunduin ako.” Paalam niya. “Sure. Ingat ka.” Tugon naman ni Dana. “labas tayo minsan. Matagal na rin tayo hindi nag date..i mean nagkwentuhan.” Napahinga naman ng malalim si Marco sa narinig. Hindi pa ba siya nagsawang makipagkwentuhan sa asawa ko? halos sila lang ang magkausap buong gabi. Pagtatampo ni marco. “Sige..” sagot ni Dana at napatingin naman sa kanya si marco. nagpaalam na rin at nakipag shakehands si Paolo kay Marco. pinuntahan din muna nito si Patsie para magpaalam bago umalis. Maya-maya pa ay nagpaalam na rin sina Marco kay Patsie. Panay naman ang tingin ni Alfred kay Dana pero iniiwas ni Dana  ang kanyang tingin dahil alam niyang nakatingin din sa kanila si Maxine. “Pats. We’re going. Thank you for inviting us. Happy birthday ulit.” Wika ni Marco. lumapit naman si Patsie at hinawakan sa braso si Marco at pinadausdos pababa ang kanyang kamay. Kita naman ni Dana ang ginawa ni Patsie at napanguso lang siya at napataas ng kilay. “Sure. Basta ikaw Marco. thank you!” halata namang nilalandi ni Patsie si Marco kaya hindi na nakapagpigil si Dana at hinawakan ang kamay ni Patsie para alisin sa pagkakahawak nito kay Marco. napatingin naman si Marco at inis na tiningnan lang siya ni Patsie. “Let’s go. It’s late.” Yaya ni Dana kay Marco at nagpaalam na ito ulit sa kanila saka sila lumabas. Inis namang nilingon ni Maxine si Alfred na halos hindi na kumukurap sa pagtitig kay Dana. “Let’s go home too. I really had a bad night.” Sambit ni Maxine at napasulyap sa kanya si Alfred. Ibinaling naman agad ni Maxine ang tingin kay Patsie at nagpaalam na sa kaibigan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD