Chapter 3 Invited

4307 Words
“Lily, may guwapong naghihintay sa iyo sa labas ng gate. Everyone is losing their sanity because of him,” kinikilig na pagbabalita sa akin ng classmate kong si Grace. “Sino naman iyon at ganiyan na lang kung kiligin ka?” naiiling na tanong ko. Kung mayroon man akong definition ng guwapo, siyempre iyong Daddy ko lang iyon. No one is more handsome in my eyes than my Dad. “Halika na, tingnan mo na kasi! Come one, Lily!” pamimilit pa nito sa akin. I rolled my eyes and a little bit annoyed. “Who is it, ba? I still need to finish this essay or else I will be doomed in our English class!” inis na tanong ko. “Let’s go, para makita mo!” hinila na niya ako kaya wala na akong nagawa at sumunod na lamang ako sa kaniya palabas ng classroom namin. Hindi ako makapaniwalang nagkukumpol-kumpulan nga ang mga estudyante at hindi ko mawari kung sino ang pinagkakaguluhan nila roon. “Excuse me, make a way guys! Nandito na ang kailangan ni Mr. Hotness…” saad ni Grace habang hinahawi iyong mga estudyante. Hanggang sa makita na namin kung sino ang pinagkakaguluhan nila. “Kuya Charlie?” gulat kong tanong. This is so unexpected because this is also the first time that he went to my school. “Oh, ‘di ba, ang pogi? Besides, he looks familiar,” komento ni Grace. Nag-alis naman ng shades si Kuya Charlie at maluwang ang ngiting bumaling sa akin ang tingin niya. “Si Kuya Charlie iyan. Anak ng kaibigan ng Daddy ko,” sabi ko. “Yeah! The heir of the Asia World Banking Corporation! Wow! Bigatin ka talaga, Lily…” halos mamilipit sa kilig na saad ni Grace. Ang ibang naririto naman ay hindi magkamayaw, makapagpapansin lang kay Kuya Charlie. “Hi!” lumapit na siya sa amin. At gumilid naman ang mga nagkukumpulang estudyante para ganap siyang makalapit sa akin. “What are you doing here, Kuya?” tanong ko. Ngumiti naman siya sa akin habang matamang nakatitig sa mga mata ko. “I had a business meeting around the area, and I remembered you. So, I tried to come here and maybe have a snack with you,” simpleng tugon niya. Naging alanganin naman ang ngiti ko. “Ah, pasensiya na, Kuya… may tinatapos pa kasi akong essay at mamayang hapon na ang deadline no’n. next time na lang,” maayos kong tanggi. Sa totoo lang, ipinanganak akong English ang ginagamit na salita sa bahay pero hindi ko maintondihan kung bakit karaniwang mabababa ang mga outputs ko sa English. Pero pagdating sa Math and Science, okay naman. “Sandali lang iyon. Besides, I can help you with your assignment. I can give you some inputs and ideas. What do you think?” mahina at sigurado akong ako lang ang nakarinig. Nakagat ko ang pang-ibabang labi kasi hindi ako makaisip ng idadahilan para hindi sumama sa kaniya. Kaya sa huli ay wala na akong nagawa kung hindi ang tumango. Tumikhim ako ng kaunti. “Sige na nga. Wait here, Kuya, I will just get my bag,” sabi ko. Tumalikod na ako ngunit napahinto nang biglang magsalita si Grace. “Puwede rin ba akong sumama diyan?” matamis ang ngiting tanong niya at nagbu-beautiful eyes pa nga. “I’m sorry, but I am not comfortable with strangers,” medyo masungit na sagot ni Kuya Charlie kaya nanlaki ang mga mata ko. Kitang-kita ko kasi kung paanong napahiya ang kaibigan ko sa ginawa niya. “Lily, I will wait for you in the car,” seyosong saad niya at tumalikod na. Napabuntong-hininga naman ako at biglang pinagsisihang pumayag akong sumama sa kaniya. “Ang sungit naman pala niya. Gano’n talaga siguro kapag sobrang guwapo at mayaman…” nakalabing komento ni Grace. Ako naman iyong parang nasaktan para sa kaniya. “Pasensiya ka na, Grace. Medyo cold talaga iyon. Kahit nga sa amin minsan, eh, ganiyan, nagsusungit. Baka may regla lang ngayon,” pabirong saad ko para kahit paano ay pagaanin ang pakiramdam niya. Mukhang effective naman dahil natawa siya. “Okay lang iyon. Ako naman kasi itong assuming. Sige na, kunin mo na iyong gamit mo at baka pati ikaw ay tarayan din no’n,” udyok niya sa akin. Napatango naman agad ako. “Grace, pasensiya na talaga, ha? Sige, mauna na muna ako. Kita na lang tayo mamayang last period natin ng hapon,” paalam ko sa kaniya. Tumango at kumaway lamang ito. “Saan ba tayo magmi-miryenda? Iyong sa malapit lang sana Kuya, kasi ayaw kong masyadong magtagal sa labas at baka mag-alala iyong mga bodyguard ko. Baka kung ano pa ang isumbong nila kay Daddy,” tanong at pangangatuwiran ko. Medyo naiinis pa rin kasi ako sa ginawa niyang pamamahiya kanina sa kaibigan ko. “I know an exclusive café around this area. Bakit ang seryoso mo?” nakangiting tanong niya kaya kumunot ang noo ko. Bigla ay tila nalito ako sa pagbabago ng mood niya. Kanina lang ay para siyang malamig na yelo kay Grace. Ngayon naman ay nakangiti na siya na parang excited o ano… “I don’t like it when you embarrassed my friend a while a back. You were too rude to her,” paninita ko sa kaniya. Binagalan niya ng kaunti ang pagpapatakbo at lumingon sa akin. “You know I don’t like obvious girls. And she was overdoing it. A fine lady should always know her boundaries so she can maintain her dignity and elegance in front of everyone,” paliwanag naman niya. Saglit akong natahimik at tumingin sa daan. Kung aalalahanin ko ang ginawa ni Grace kanina ay normal lang naman iyon sa edad namin. Itong si Kuya Charlie lang talaga ang may problema. “She was just admiring you. Maybe you were just accustomed with women of your age who are obviously desiring you…” katuwiran ko naman. Marahas siyang napatingin sa akin pero hindi ko siya nilingon. “The word ‘desiring’ is too huge for your age, Lily. Oh, by the way, let us not talk about other people. Let us just talk about us,” maya-maya ay sabi niya. Kumibot naman ang isang kilay ko. Ano namang kailangan naming pag-usapan ‘tungkol sa amin’ kung sakali? Hindi na ako nagsalita pa kasi hindi ko naman talaga gustong makausap siya sa ganitong mga bagay. Kung si Josh ang kasama ko ngayon ay baka mas masaya pa ako. Josh might not be as handsome and as wealthy as Kuya Charlie, but I like his humbleness and gentleness. I admire a man like that. I do not like red flag men. Narating namin ang isang café na iilan lamang ang customer. Kabisado ko rin ag lugar na ito dahil ilang beses na rin kaming tumambay ni Ayanna rito. We love their muffins and cookies here – aside from their milk tea and iced coffee, of course. “What will you be having?” tanong niya sa akin. “Iced coffee and a slice of mocha brown loaf,” tugon ko. Hindi ko pa rin siya tinitingnan at nagpapalinga-linga sa paligid. “Don’t look around. We will take the VIP room,” tawag-pansin niya sa akin. Tumango na lamang ako at sumunod sa kaniya. Pagkakuha ng waiter sa order namin ay naka-receive ako ng message kay Ayanna. Ayanna: I will be flying back to Switzerland tomorrow for my final registration. ‘Saan ka? Kita tayo. Wala kang klase ng ganitong oras, ‘di ba? Napangiti naman ako at nagtipa ng ire-reply ko. Me: Yeah. I am here at Ridge Café. Nagyaya si Kuya Charlie na mag-snack. Halika na. What will I order for you? Ayanna: Gosh! Really? Kuya Charlie is there? I will have same with what you ordered. Will be there in three minutes. Me: Alright. Take care. I pressed sent. Pagkatapos ay tumayo ako. Nagsalubong naman ang kilay ni Kuya Charlie pero nginitian ko lang siya. “I will just order another set for Ayanna,” sabi ko. Umawang naman agad ang mga labi niya. “What do you mean?” gulat niyang tanong kaya lalong lumapad ang ngiti ko. “Papunta na si Ayanna rito. Aalis na kasi siya bukas papuntang Switzerland kaya gusto niyang mag-bonding kami saglit,” sabi ko lang at lumabas na ako ng VIP room. Ngunit ikinagulat ko ang bigla niyang pagsunod sa akin. “Maupo ka roon at ako na lang ang mag-oorder. Ano ba ang sa kaniya?” tanong ni Kuya Charlie. “Same with mine,” malapad ang ngiting tugon ko. “Bakit ba palagi na lang kayong pareho ng gusto sa halos lahat ng bagay?” naiiling na komento niya. Napabungisngis naman ako. “I know right? We are like twin sisters!” sabi ko naman at bumalik na sa loob ng VIP cubicle. “Lily, where do you plan to study in college?” tanong sa akin ni Kuya Charlie pagbalik niya galing sa pag-order. Umangat naman ang magkabilang gilid ng mga labi ko sa pagngiti. “Switzerland, of course! Para magkasama na kami ulit ni Ayanna,” mabilis ko namang tugon. “And what are you planning to get as your course?” seryosong tanong naman niya. “Well, I have three choices now. Flight Attendant, Business Administration or maybe, Broadcast Journalism na lang din kaya, para pareho kami ni Ayanna?” ngumit ako sa sarili ko. Sa totoo lang, excited na rin akong mag-aral na hindi binabantayan ng mga guwardiya. “You should choose a course that you really like. Something that will make you happy and will make you proud of your choice. Bakit hindi ka na lang mag-doctor gaya ng Mommy mo? I think bagay sa iyo ang maging pediatrician or cosmetic doctor,” suhestyon naman niya. Napangiti rin ako at nasundan pa ng pagtango. Maganda rin naman ang mga sinabi niya pero undecided pa kasi talaga ako. “Okay. I will take note of that,” sagot ko na lang. Sa ngayon, ang goal ko lang muna ay maka-graduate ng senior high school. Inilabas ko na ang notebook ko kung nasaan iyong nasimulan ko nang essay kanina. Siya din namang pagdating ni Ayanna na talagang maaliwalas ang mukha. “Hi, Ayanna! Masaya ka yata?” hindi ko maiwasang maitanong. Nangingislap kasi ang mga mata niya at bakas ang tuwa sa mga labi niya. “You are both here, so I am happy!” agad niyang sagot. “Hello, Kuya Charlie!” bati niya rito. Agad namang tumango at ngumiti sa kaniya si Kuya Charlie. “Hi, Ayanna! Please take your seat,” tugon nito. Kaya umupo na siya sa tabi ko. Sa wakas ay dumating na rin ang order namin. “Teka, ano iyan? Nandito tayo sa café tapos may mga nakalabas na notebook?” nagtatakang tanong ni Ayanna. Umikot naman ang mag mata ko. “Ito ang essay ko. Mamayang 3:00 PM kasi ang deadline. Kaso bigla namang nagyaya si Kuya Charlie dito,” nakalabing sagot ko. Bumuntong-hininga naman si Kuya Charlie saka tahimik na humigop ng kape niya. “Tungkol ba saan iyan? Akin na, ako na gagawa para i-transfer mo nalang sa paper mamaya,” presinta naman ni Ayanna. Natatawa ako kasi napipilipit na naman ang dila niyang magtagalog. “Just be yourself and speak English. You’re always having a hard time speaking tagalog,” natatawang udyok ko pa sa kaniya. “I am practicing because Mom required me to be well-versed in Filipino before I can continue studying in Switzerland. Kaya pagbigyan mo na ako,” giit naman niya. “Kuya Charlie, don’t you have work at this hour?” tanong ni Ayanna. Umiling naman si Kuya Charlie. “I had a meeting around the area, and I just thought of asking Lily for a snack. We’re glad that you’re here as well,” masiglang sagot ni Kuya Charlie. Pero bakit kaya pakiramdam ko ay hindi bukal sa loob niya ang sinabi niya. “Wow! Thanks, Kuya. Lily and I are really happy that you’re with us now,” malambing na saad naman ni Ayanna. “Will you be working at MBS after you graduate?” tanong pa niya kay Ayanna. “Yeah. Maybe to get some experience and exposure to the field. But I am dreaming to be a news anchor at BBC,” excite dna tugon naman ni Ayanna. Uminom pa siya ng drinks niya. “I guess you can be a good CEO of MBS and–” “No way, Kuya! Let us leave the management of MBS to Axton,” putol naman ni Ayanna sa kaniya. “But Axton is dreaming to become a pilot and not a business man. So, naturally, since you are the one taking the journalism course, MBS will be yours. You the heiress of it,” giit naman ni Kuya Charlie. Biglang natameme si Ayanna at napapaisip na tumingin sa akin. Nagkibit-balikat lang ako kasi gaya niya ay wala rin akong hilig sa negosyo. Mabuti na lang at may mga kapatid akogn lalaki na sila na ang bahala sa mga business ni Daddy kapag nag-retire na ito sa CEO and chairman. Nang sumunod na mga araw at linggo ay mas napapadalas ang pagpunta-punta ni Kuya Charlie sa school ko. Minsan pa nga ay siya na rin ang naghahatid sa akin sa bahay. “Bakit hindi ka makakasabay sa akin?” bigla ay naguguluhan niyang tanong. “Ah, pupunta kasi ako sa exhibit ngayon sa Manila Hotel,” tugon ko. Excited na nga ako. Sayang nga lang kasi wala na si Ayanna dahil nakalipad na ito patungong Switzerland. “Sasamahan kita,” agad naman niyang sagot kaya napakurap ako. “Ha? Eh, hindi ka naman mahilig sa arts, Kuya. Mabo-boring ka lang doon. Huwag kang mag-alala, okay lang ako. Pumayag na rin naman si Mommy at Daddy na mag-attend ako,” katuwiran ko naman. “I insist. Let’s go!” sabi lang niya at hinila na ang kamay ko papunta sa sasakyan niya. Medyo may pagkayamot man akong nararamdaman ay sumunod na lamang ako. Minsan nga lang, pakiramdam ko ay mas mahigpit pa siya sa mga bodyguard ko. Nakakapagtaka lang talaga na napapadalas ang pagkikita namin samantalang alam kong napaka-busy niya ring tao. “Damn it!” mahinang usal niya ngunit nakaabot iyon sa pandinig ko kaya gulat ko siyang nilingon. “What’s wrong, Kuya?” tanong ko habang nakapila na kami dito sa may entrance. “Are you really sure na art exhibit ang ipinunta mo rito o iyong Josh Espinosa na iyon?” paasik niyang tugis sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na kumabog ang dibdib ko. uUmiwas ako ng tingin sa kaniya “Of course, it’s the art exhibit!” depensa ko naman agad sa sarili. Ibinaling ko ang pansin sa kabuuan ng venue. Nag-uumpisa nang kumapal ang mga taong naririto at ang ilan ay nakatanghod na sa mga malalaking paintings na nakasabit sa dingding. Ang ilan ay nagpapakuha ng pictures at ang ilan naman ay nagtatanong na ng presyo ng mga iyon. “Ma’am, your invitation ticket, please,” narinig kong tanong ng guwardiya kaya napatingin ako sa kaniya. “There is a ticket for this?” kunot-noong tanong ni Kuya Charlie kaya tumango agad ako. “Yup. Don’t worry, Kuya. I have two tickets here. They are supposed to be for me and Ayanna but she’s not here so you can just use it,” mabilis kong tugon habang inilalabas ng mga ticket sa bag ko. “Only those who are invited are allowed to join here. Exclusive kasi ang exhibit na ito,” pagbibigay-alam ko pa sa kaniya noong papasok na kami sa entrance. Malalim lang siyang bumuntong-hininga. Halata namang wala talaga siyang kahilig-hilig sa mga ganito kaya nagtataka ako kung bakit nagpumilit pa siyang sumama. “Lily! The most beautiful flower is already here!” Agad akong napangiti nang mapagsino ang pinanggalingan ng boses na iyon. Binilisan ko ang lakad para salubungin siya. Ang ilang tao sa paligid ay nagsimulang mapasinghap at napuno ng kinikilig na bulong-bulungan ng mga naririto. “Hi, Josh! This exhibit is so amazing! I couldn’t wait to see all your works here!” masayang sambit ko agad nang magkalapit na kami. “Yeah! Estella Gavin and Tim Elorde has three paintings each here for the bidding later,” pagbibigay alam niya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. “Seriously?” bumilis ang t***k ng puso ko kaya napuno ng excitement ang dibdib ko nang tumango siya. “Yes! That is the reason why all the tickets are sold out after the day of announcement. It was supposed to be a surprise, but you know how powerful and capable the media is,” nailing pa niyang saad. Ang dalawang binanggit niyang artists ay parehong mga Filipino pride. Sikat sila sa buong asya at nakatanggap na rin ng ilang mga prestihiyosong awards dahil sa mga gawa nila. “Yeah. And, oh by the way, this is Kuya Charlie Ty. I bet you already knew him,” pakilala ko sa kaniya kay Kuya Charlie. “Hi, Charlie!” inilahad niya ang kamay dito ngunit nagulat ako nang tingnan lang siya ni Kuya Charlie. “I don’t shake hands with strangers,” pormal na saad ni Kuya Charlie kaya agad din namang binawi ni Josh ang kamay niya. Tumaas naman ang kilay ko at hindi nagustuhan ang inasal niya. “He is not a stranger, Kuya. You two have met during my 16th birthday party,” paalala ko. Ako na kasi iyong biglang nahiya para kay Josh. “It’s alright, Lily. Sa dami ba naman ng mga nakakasalamuha ni Mr. Ty, I’m sure hindi niya natatandaan ang lahat gaya ko,” sabad naman ni Josh. Nag-iwas lang ng paningin si Kuya Charlie at hindi na nagsalita pa. Nag-umpisa na naming tingnan isa-isa nag mga paintings at art products gaya ng drawings, crafts at iba pa. “I like this one for my house,” maya-maya ay sambit ni Kuya Charlie kaya napalingon ako sa tinutukoy niya. “Wow! A golden eagle sculpture. Ang ganda nga, Kuya!” bulalas ko. Nilapitan ko pa iyon at hinaplos ang ulo. “Yeah. I like how the material mimics the gleam of sunlight on real feathers. The eagle is depicted with its wings unfurled to their full span, embodying the essence of freedom and strength. Look here, the individual feathers carefully sculpted to replicate the natural layering and texture, creating a dynamic sense of movement as if the bird is about to take flight from its perch,” pahayag niya. Bakas talaga ang pagkamangha sa kaniya kaya napangiti ako. “I agree. You’re not interested in paintings, but sculptures like this got your eyes,” komento ko. Nakangiti siyang tumango sa akin. And at that moment, I don’t understand why my heart suddenly beat differently. It was as if someone had flipped a switch inside me, illuminating the corners of my heart with a warm glow that I hadn't known were dark. The air around me seemed to buzz with a new energy, making the hairs on my arms stand on end, my breath catching in my throat. “Lily? Are you alright?” tanong niya sa akin. Tumikhim ako at sinubukang magsalita ngunit tila walang lumalabas na boses. “Ah, I am just happy that you like that. You should get it,” suhestyon ko. Bahagya akong umatras dahil pakiramdam ko ay nagiging masikip ang espasyo sa pagitan namin. “Damn… I still need two more years to wait for you,” maya-maya ay mahinang sambit niya sa tila namamaos na tinig. Kumunot naman ang noo ko at bahagyang nalito sa sinabi niya. “Wait for what?” tanong ko. “Wait to–” “Sir? Will you be getting that?” naputol ang isasagot niya sana nang lumapit sa amin ang isang babaeng nakasuot ng formal suit. Nakangiti ito kay Kuya Charlie at ni hindi man lang yata napansin ang presensiya ko. Nagbuga ng hangin si Kuya bago sumagot. “Yeah. How much will this one cost?” pormal ding tanong ni Kuya Charlie sa babae. “This eagle is based on minimalist sculpture, ensuring all attention remains fixed on the eagle. It is a polished stone and a representation of the rugged cliffs and craggy landscapes these magnificent birds often inhabit. This golden eagle sculpture not only showcases the physical attributes of the bird but also invokes the spirit of untamed wilderness and the unbreakable bond between earth and sky. It serves as a powerful symbol of sovereignty, precision, and grace, capturing the awe-inspiring beauty of one of nature's most formidable aviators,” mahabang paliwanag ng babae. Ako iyong biglang kinabahan dahil parang hindi naman nagustuhan ni Kuya Charlie ang pagpapaliwanag nitong babae at dumilim ang mukha nito. “I did not ask for your opinion about this eagle sculpture. I was asking how much?” maawtoridad niyang sagot. Bumalatay naman ang kaba sa mukha ng babae at bahagya pa siyang napalingon sa akin. “This is 450,000 pesos, Sir. And it will be–” “Fine. I will get it and please just shut up,” maagap na sagot ni Kuya Charlie kahit hindi pa nakatatapos magsalita ang babae. Ako na lang iyong ngumiti sa babae para naman malubag ang loob nito. “Kuya, bakit ang init ng ulo mo? Hindi mo naman kailangan magtaray, eh!” medyo nayayamot ko nang usig sa kaniya. “I told you, I hate obvious women. Kung sinagot na lang niya ng diretso ang tanogn ko, wala na sana kaming naging problema,” katuwiran naman niya. Mariin na lamang akong napapikit at tumahimik. Ang sweet-sweet naman niya sa amin, sa akin, pero pagdating s aiba ang sungit. Kaya laging nasasabihang arrogant at intimidating. Hindi kais siya kagaya ni Kuya Christian na palaging nakangiti at magiliw sa lahat ng taong nakakaharap niya. Itong si Kuya Charlie ay parang laging may sumpong. Dumako na kami sa mga hilera ng paintings ni Josh at napasinghap ako nang makitang dalawa roon ay ako. Ang isa ay nakaupo ako sa isang tila lumang upuan at may hawak na bouquet ng mga bulaklak. Medieval period ang damit ko roon. Ang isa naman ay nakahiga ako sa gitna ng napakaraming nagkalat na pulang rosas. Sadyang napakaganda ng pagkakagawa niyon at kuhang-kuha niya ang asul kong mga mata. “My muse is here!” deklara ni Josh kaya napalingon ang mga onlookers sa gawi ko. Mabilis namang nakalapit sa akin si Kuya Charlie at hinapit ang baywang ko para ilayo ako sa papalapit na si Josh. “Kuya, ano’ng ginagawa mo?” gulat kong tanong. “Just stay here. I don’t want that man getting near you,” masungit niyang saad. “She’s even more beautiful in person,” komento naman ng isang naroroon. “I know right. That is why she is my muse,” sagot naman ni Josh sa kanila. “How much will those two paintings cost?” maawtoridad na tanong ni Kuya Charlie kay Josh. Ngunit matamis lang na ngumiti ito sa kaniya. “They are not for sale. They will be displayed in my own art gallery in Makati,” sagot naman niya. Kitang-kita ko kung paanong nagdilim ang mukha ni Kuya Charlie at naningkit din ang mga mata niya. “Based on Lily’s reaction, she didn’t consent on this. You used her face without her consent. She can sue you for this,” galit nang pahayag ni Kuya Charlie kaya maging ang mga tao sa paligid ay halatang kinabahan. Lalo na at ilan sa kanila ay mukhang kilala siya. “Wala naman siyang problema sa paintings ko, hindi ba, Lily?” baling sa akin ni Josh. Agad naman akong tumango. “Tama siya, Kuya Charlie. Isang karangalan pa nga sa akin na maging muse ng isang sikat na painter gaya niya,” katuwiran ko. Napatitig naman sa akin si Kuya Charlie. Hindi ko ma-gets kung ano ang iniisip niya ngayon, pero isa ang sigurado ako. Hindi siya masaya at lalong hindi niya gusto na ipininta ako ni Josh. Kung ano man ang dahilan niya, iyon ang hindi ko alam. Habang nasa biyahe na kami pauwi ay tahimik lang si Kuya Charlie. Actually, after the incident with Josh, hindi na siya nagsalita pero ramdam ko ang malamig na pakikitungo niya. Hindi ko tuloy alam kung ano ang gagawin. Hanggang sa marating na namin ang bahay ay hindi siya umiimik kaya lalong naging awkward ang pakiramdam ko. Naghihintay sa labas ng pintuan ang Mommy ko kaya napangiti agad at kumaway pa ako sa kaniya habang ipinaparada ni Kuya Charlie ang sasakyan. “Hi, Charlie! Thanks for accompanying my daughter!” bati agad ni Mommy sa kaniya. Parang biglang nagtransform naman ang awra ni Kuya Charlie at naging masaya. “You’re welcome, Tita. It’s just happened that my schedule is free tonight,” masiglang sagot ni Kuya Chalrie at bumeso pa nga kay Mommy. “Would you like to join us for dinner? Or did you two have dinner already?” tanong pa ni Mommy. “I would love that, Tita. Hindi kami nakapag-dinner kasi halos ayaw nang iwan ni Lily ang mga naroroon. Kulang na lang yata ay bilhin na niya lahat,” pabirong komento ni Kuya. Namula naman ang mukha ko at biglang nahiya. “Ang gaganda kasi lahat ng naroroon, Mommy!” depensa ko naman agad. “Masanay ka na, Charlie. Sobrang engrossed sa arts ang batang iyan. Sabi ko nga ay fine arts o fashion design na lang ang kunin niya, eh,” natatawang sagot nam a nni Mommy. “Anong ginagawa ni Charlie dito?” nagtatakang tanong naman ni Daddy nang bumungad ito sa may pintuan. Kitang-kita kong agad na nabura ang ngiti ni Kuya Charlie at biglang kinabahan. *** Dinner with pressure ka sa next update Charlie... Charot hahaha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD