Chapter 4 Stan’s Intuition

4996 Words
“I am asking why Charlie is here? Gabi na…” ulit na tanong ni Daddy. Kumunot naman ang noo ni Mommy kasi masiyadong seryoso ang pagkakatanong ni Daddy at halata sa pagkakalukot ng mukha niyang tila hindi siya masayang makita si Kuya Charlie dito ngayon. Kung bakit, hindi ako sigurado. “What’s your problem? Dati naman nang pumupunta si Charlie dito kahit noong mga bata pa sila,” balik-tanong ni Mommy. Hindi naman agad nakasagot si Daddy at pirmeng nakatitig lang kay Kuya Charlie. “Those were family gatherings or special occasions. So, anong meron at magkasama sila ni Lily sa ganitong oras?” nangangatuwiran niyang tanong. Bahagya namang umawang ang labi ni Mommy. Ako naman ay medyo nahihiya kasi ni hindi man lang niya imbitahang pumasok muna si Kuya Charlie. Ni wala nga yatang balak na papasukin siya rito, eh. “Stan, okay ka lang? May problema ba sa mga negosyo mo at pati itong bata ay pinag-iinitan mo?” medyo galit nang tugis ni Mommy sa kaniya. “Hay naku, pumasok na kayo at lalamig na ang mga nakahaing pagkain,” anyaya na niya sa amin. Lumingon naman ako kay Kuya Charlie. Kitang-kita kong matapang niyang sinasalubong ang tingin ni Daddy pero hindi pa rin maitatago ang kaba sa mga mata niya. Maging ang mga kamay at daliri niya ay hindi mapakali na senyales na medyo hindi siya komportable ngayon. “O? Ano ba ang tinatayo-tayo mo riyan? Tumabi ka at nang makapasok na sila,” taboy ni Mommy kay Daddy. Marahas pa itong bumuntong-hininga bago tumabi. Mababakas sa hilatsa ng mukha ni Daddy na labag sa kalooban niya ang patuluyin si Kuya Charlie. Ipinagtataka ko talaga ang inaakto ni Daddy ngayon. Hindi naman siya ganito kay Kuya Charlie dati. Isa pa, hindi naman na bagong bagay na pumupunta rito si Kuya. “Lily, when will be your final recital?” tanong ni Daddy habang kumakain na kami. Ngumiti naman ako sa kaniya. “On Sunday, Dad! Make sure that you will be there. if I don’t see you, I won’t play any piece,” nakalabing sagot ko. Dalawang Cielo recital ko na kasi ang hindi niya napuntahan dahil sa mga international business trip na hindi daw maipagpaliban. Wala namang problema sa pagiging sweet at mapagmahal na ama ng Daddy ko. Kaya lang minsan, dahil sa lawak ng negosyo niya, nagkukulang na siya ng time sa amin. May mga pagkakataon pa nga na kahit kami mismo ay dapat magkaroon pa ng appointment para lang makausap siya. “Of course! I already missed your two performances. Hindi naman ako papayag na hindi ko mapanood ng live ang recital mo ngayon,” pangako niya. Nagkatinginan kami ni Mommy at binigyan niya ako ng nakauunawang tingin. “Ganiyan din sinabi mo noong huli. Tapos noong biglang nagkaroon ng emergency sa kumpanya mo, hindi ka naman nanood,” may pagtatampong saad ko. I was so excited that time because everyone is present, including our family and friends. But Daddy wasn’t there, and it felt so incomplete and sad. “I promise, Lily. This time, whatever happens, my schedule will be yours,” paniniguro pa ni Daddy. Bahagya akong tumitig sa kaniya saka bumuntong-hininga. Tumango-tango ako. “Aasahan ko iyan, Dad!” nakangiti nang saad ko at ipinagpatuloy na ang pagkain. How about you, Charlie? Hindi ka ba busy at nagkaroon ka pa ng panahong samahan ang anak kong manood ng art exhibit? I don’t remember that you are into arts, too?” seryosong tanong naman ni Daddy kay Kuya Charlie. “I am indeed busy, but I accompanied Lily to relieve some stress. I am not so much into arts, but I found a sculpture there that I really want,” magalang na tugon naman ni Kuya Charlie at tumingin pa sa akin. Ngumiti at tumango naman ako sa kaniya. “Ang ganda ng binili niyang eagle sculpture, Daddy! Tapos iyong–” “Still, that is not enough reason for you to go to Lily’s school more often and take her into snacks and other stuff,” putol sa akin ni Daddy. Ngayon ay may makahulugan siyang tingin kay Kuya Charlie kaya kumunot ang noo ko sa pagtataka. Bakas naman ang kaba kay Kuya Charlie lalo at dalawang beses pa itong napalunok. “I just like her company, Uncle. Masaya po siyang kasama at–” “Stop it, Charlie,” pigil din ni Daddy sa kaniya. Maging si Mommy tuloy ay napatingin sa kaniya. “Hindi ako tanga para hindi malaman ang totoong intensyon mo. Lily is not like your mother, if you are trying to follow your father’s footsteps. I won’t allow it. Maybe ten years from now or more. I still want to see Lily succeed in her chosen career and enjoy her life like her mom before getting into any serious relationship,” maawtoridad na pahayag ni Daddy. Nanlaki naman ang mga mata ni Mommy habang ako ay lalong walang naunawaan sa ibig sabihin ni Daddy. Si Kuya Charlie naman ay napaiwas ng tingin at yumuko. “I am sorry, Uncle, if you are thinking that way. Pero wala po akong masamang intesnyon kay Lily,” kabado man ay magalang pa ring tugon ni Kuya Charlie. Ano ba ang nangyayari rito? Mayroon ba silang away ni Daddy na hindi ko alam? “I am just making myself clear, Charlie. Your Tita Raiza is already 31 years old when we got married. I want that for Lily as well. I want her to become a self-made woman just like her mom,” pagbibigay-diin pa ni Daddy. Ngayon ay nakukuha ko na ang ibig niyang sabihin. Pero ang hindi ko ma-gets ay kung bakit kailangan niya itong sabihin ngayon at sa harap pa mismo ni Kuya Charlie. “I truly understand, Uncle Stan. You don’t have to worry about that,” sagot naman ni Charlie. “By the way, thanks for the food. I have to go now,” bigla ay paalam niya kaya umawang ang mga labi ko. “Hindi ka pa tapos kumain, hijo,” pansin naman ni Mommy sa kaniya at nilingon pa ang pinggan niya. “It’s okay, Tita Raiza. Tama si Uncle Stan. It’s already late and I don’t want to give any of you a discomfort because of me,” magalang namang paliwanag ni Kuya Charlie. Tuloy lang sa pagkain si Daddy, habang ako ay nagtataka pa rin sa mga nangyayari. “Sige. Mag-iingat ka, ha? Say ‘hi’ to your Mom and Dad for us…” pagpayag na rin ni Mommy. “Uncle, mauuna na po muna ako,” paalam niya kay Daddy at tumango lamang ito. “Lily, thanks for today. Bye,” nakangiting pamamalam din niya sa akin. “I should be the one thanking you for accompanying me, Kuya. Please take care on your way home,” tugon ko naman. Lumapad ang ngiti nito at tumango habang nakatitig sa mukha ko. Pagkaalis ni Kuya Charlie ay ibinaba ni Mommy ang hawak niyang kutsara at tinidor saka hinarap si Daddy. “Ano’ng problema mo, Stan? Ano iyon? Do you really have to embarrass the child that way?” usig ni Mommy kay Daddy. “I did not humiliate him. I just stated some facts. He should know his place, Little Fairy…” matigas na sagot ni Daddy. “He was just being concerned with our daughter. Wala siyang ginawang masama para pagsalitaan mo siya ng gano’n,” patuloy na sermon ni Mommy kay Daddy. Napahinto rin sa pagkain si Daddy at bumuntong-hininga. “My little fairy, napaka-obvious naman na hindi lang simpleng pagkakaibigan ang gusto ng lalaking iyon kay Lily. Kung akala niyang magagaya niya ang galawan ng Daddy niya kung paano nito nakuha si Kristine, ay hindi pupuwede sa akin iyon!” maawtoridad nang pahayag ni Daddy. Ako naman ay napasinghap at kumibot ang kilay. “Dad? What do you mean by that? I am just 16! Are you saying that Kuya Charlie likes me? Ang OA ni’yo naman po, Daddy…” natatawang pakikisabad ko na. Naningkit naman ang mga mata ni Daddy sa akin kaya napalunok ako at kinabahan. “Your Tita Kristine was only eight years old when Charles started desiring her. And when she turned 18, he did everything to force her to marry him. Kristine eventually fell for him, maybe because she’s too innocent to fend for herself. Pero sila iyon, at hindi ako papayag na gano’n din ang gawin ni Charlie sa iyo,” diretsahang pahayag ni Daddy na nagpasinghap sa akin. I saw my Mom frowned. “Bakit, Stan? Nagagalit ka ba kasi naunahan ka ni Charles kay Kristine? Hanggang ngayon ay masama pa rin ba ang loob mo kasi hindi ikaw ang nakakuha sa kaniya?” bigla ay sumbat ni Mommy kay Daddy kaya mabilis na nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Daddy. “Hey! That’s not what I meant!” depensa naman agad ni Daddy sa sarili. “Totoo naman, eh… ‘di ba, Stan? You fell for Kristine, too, but sadly she was already married at the time. Kung hindi naman siya kasal kay Charles ay gagawin mo rin ang lahat para ariin siya, ‘di ba?” naluluha nang asik ni Mommy kay Daddy. Napanganga naman ako at hindi makapaniwala sa mga narinig ko. Ngunit mas bumaha ang sakit sa dibdib ko nang makita ang namuong luha sa mga mata ng Mommy ko. And she’s obviously hurt. “Teka lang, Little Fairy. This is not about me or Kristine. This is about Charlie and Lily. I was just trying to protect our daughter and–” “Liar! Madalas, ipinagwawalang bahala ko lang kasi alam ko namang mahal na mahal mo ako. Pero may pagkakataon pa ring nilalamon ako ng multo ng nakaraan. Na sa isang bahagi ng buhay mo, may isang babae ang nagkaroon ng malaking bahagi sa puso mo. At ngayon, sa ginagawa mo kay Charlie, pakiramdam ko ay gumaganti ka lang kay Charles dahil hindi napasaiyo si Kristine!” masamang-masama ang loob na angil ni Mommy kay Daddy. Mabilis siyang tumayo at nag-walkout. Maagap din namang napasunod si Daddy sa kaniya. Ako ay naiwang tulala at hindi alam kung ano ang gagawin at kung ano ang iisipin sa mga sinabi ni Mommy. “Ate? Ano’ng nangyayari? Bakit narinig kong bumagsak iyon pintuan ng kuwarto nina Mommy?” tanong sa akin ng kapatid kong si Ziran. Kalalabas lang nito sa silid niya at ngayon ay pati si Skylar ay nandito na rin. “Ah, you both return to your room. It’s almost nine o’clock. You should be sleeping by now,” maawtoridad ko namang utos sa kanila. Tinaasan lang ako ng kilay ni Ziran habang inosenteng nakatanghod naman si Skylar sa akin. “But, are Mommy and Daddy fighting?” tila nalulungkot na tanong ng bunso naming si Skylar. Mabilis naman akong umiling. “No! Of course not. Since when Mom and Dad fight? They were just discussing something. Be a good boy now guys and go back to your room,” muli ay utos ko sa kanila. Nilingon pa ni Ziran ang pintuan ng kuwarto nina Mommy sa may third floor bago halos padabog na bumalik sa kuwarto. “Good night, Ate Lily,” sambit pa ni Skylar bago bumalik sa silid niya. Ngumiti at tumango naman ako sa kaniya. Napatingin ako sa ibaba dahil papunta sa dining area iyong dalawang katulong. Sinabihan ko sila na ligpitan na ang lamesa. Pagkatapos ay nagtungo ako sa third floor, kung nasaan ang kuwarto nina Mommy at Daddy. Sinubukan kong idikit ang tainga ko sa may pintuan pero wala talaga akong marinig. Hindi ko tuloy malaman kung ano na ang nangyayari sa kanila. Nakaramdam din ako ng pangongonsensiya kasi pakiramdam ko ay kasalanan ko kaya nag-away sina Mommy at Daddy. Ito ang unang pagkakataong nakita kong nagsagutan ng ganoon sina Mommy at Daddy. Never pa silang nag-away sa harap naming lahat. As in hindi talaga sila nag-aaway. Kinabukasan ay maaga akong nagising at naabutan ko si Daddy sa kusina. Napangiti ako nang makitang siya ang nagluluto at hindi ang mga chef. “Good morning, Dad!” bati ko sa kaniya. Napalingon ito sa akin. Lumapit ako sa kaniya at yumuko ito para mahalikan ko ang pisngi niya. “Good morning, baby! Ang aga mo yatang nagising?” tanong niya sa akin. “Mas maaga ka, Dad… at ikaw pa ang nagluluto, ha?” nakangiting pansin ko. “Peace offering to your mom,” nakangiting sagot niya at ipinagpatuloy ang ginagawa. Lalo namang lumapad ang ngiti ko. “Okay na po kayo ni Mommy, Daddy?” kinakabahang tanong ko. “Yeah! Hindi ako matitiis ng Mommy mo kasi alam naman niyang mahal na mahal ko siya,” buong kumpiyansang saad pa ni Daddy. Napanatag naman ang loob ko kasi sa totoo lang hindi ako halos nakatulog kakaisip sa kanila. “Ikaw kasi, Dad, eh… bigla ka na lang nagsungit kagabi,” nakalabing komento ko naman. Napahinto aman si Daddy at bumuntong-hininga bago humarap sa akin. “Lily, nangako ka sa akin, ‘di ba? Those are not just empty words, right?” seryosong tanong niya sa akin. Tumango naman agad ako sa kaniya. Ang promise ko kina Mommy at Daddy ay magtatapos muna ako ng pag-aaral bago mag-boyfriend. “Siyempre naman, Daddy. Ano po bang ikinawo-worry ni’yo?” ako naman ang nagtanong. Sa pagkakataong ito ay humarap na siya sa akin. Lily Eshtrin, you are my only daughter and my eldest. Wala akong ibang gusto para sa iyo kung hindi ang ikabubuti mo. Kaya please lang, layuan mo muna si Charlie. I don’t want you getting close to him,” pakiusap ni Daddy. Natigilan naman ako at nagsalubong ang mga kilay. “What’s wrong, Dad? They’re more like a family to us, right? You are very close to Uncle Charles and Tita Kristine,” katuwiran ko naman. Nagbuga siya ng hangin. “I am just afraid that Charlie has a secret liking of you. At hinding-hindi ako papayag na guluhin ka niya sa mga goals mo,” giit naman ni Daddy. “Dad, I am just 16. At wala pa sa isip ko ang mga ganiyan. Don’t you trust me?” nagtatampo nang tanong ko sa kaniya. Umiling naman siya. “I trust you, Lily. God knows I do… but I don’t trust Charlie. Kaya sundin mo na lang ako at layuan mo siya. Huwag na huwag ka na ulit sasama sa kaniya, lalo kung kayo lang dalawa,” mahigpit na bilin ni Daddy. Mataman akong nakatitig sa kaniya bago sunod-sunod na tumango. Hinaplos niya ang pisngi ko at saka hinalikan ang noo ko. “Okay, Daddy… I promise, I will do as you wish…” pangako ko naman. “I will rely on your words, hija. Sige na, maligo ka na para eksakto lang sa breakfast mamaya,” sagot niya, pagkatapos ay bumalik na siya sa ginagawa. “Okay, Dad! I love you!” malambing kong saad at niyakap siya mula sa likuran. “I love you more, my baby girl. Go on…” hinalikan pa niya ang noo ko. Kahit kailan talaga ay napaka-sweet ng Daddy ko. Continuation of Chapter 4 “Hi, Lily!” napalingon ako nang makarinig ng isang boses ng lalaki. Nang tingnan ko ay agad kong nakilala kung sino ito. “Braun? Hi!” bati ko rin sa kaniya. Classmate ko siya sa music class ko. Ang instrument naman niya ay piano. “Can I ask you something?” nakangiting tanong niya. Agad naman akong tumango. “Yes. What is it?” ganap na akong humarap sa kaniya. “Well, I heard that you need a pianist in your recital. Can you consider me?” hiling niya. Nananatili ang masayang ngiti sa mga labi niya. His eyes are looking hopeful, and I suddenly got confused. “Why do you suddenly want to join me? Narinig ko, pinakiusapan ka rin ni Thalia na maging pianist niya last week in her recital but I heard you refused her,” sagot ko. Actually, medyo na-off ako noong malaman kong hindi niya pinagbigyan ang hiling ni Thalia. “She is not talented enough for me, Lily. Unlike you, I admire your love of music and how you play your Cielo,” diretsahang sagot niya. I scoffed at his arrogance, and I honestly got annoyed immediately. “Well, I am very sorry, Braun. But I do not like to work on someone with that kind of attitude. Maaaring ikaw ang pinakamagaling na pianist sa batch natin, pero sa palagay ko hindi tayo magkakasundo in terms of music. Just find someone else who is more talented in your eyes,” tanggi ko sa kaniya. Mabilis na nabura ang ngiti niya at nagdilim ang mukha niya. Kasunod niyon ay tila nang-uuyam siyang ngumiti sa akin. “Tama nga ang sabi nila. Masiyado ngang mataas ang tingin mo sarili mo, Lily” bigla niyang hinaklit ang braso ko kaya nanlaki ang mga mata ko. “You can’t say no to me because–” Natigil siya sa pagsasalita dahil malakas ko siyang sinampal at marahas na binawi ang braso ko. “Hoy, Braun, kung akala mo magagawa mo sa akin ang nagagawa mo sa ibang babae, nagkakamali ka!” singhal ko agad sa kaniya. Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang akma niya akong susunggaban. Nakahanda na rin naman ako para sa self-defense na alam ko ngunit biglang may humablot ng damit niya mula sa likuran. “Bastard!” malakas na asik ni Kuya Charlie sa kaniya at para lang siyang manikang ibinagsak nito sa lupa. Napatili pa ang ilang nakasaksi sa nangyayari. “Ahh, f**k!” malakas namang dumaing si Braun dahil malakas yata ang pagkakabagsak ng balakang niya. “Yeah, f**k you! Come here!” kinuwelyuhan siya ni Kuya Charlie at biglang sinuntok sa mukha kaya pumutok agad ang mga labi nito nang bumagsak sa lupa sa ikalawang pagkakataon. Malakas akong napasinghap at napatakip sa nakaawang kong mga labi. “Teka, sino ka? Bakit ka ba nakikialam dito, ha? I will sue you for assault–ahh!” Malakas siyang sinipa ni Kuya Charlie sa sikmura. “Go, sue me, asshole!” bulyaw naman ni Kuya Charlie sa kaniya. Napaangat ang tingin ko nang makitang patakbong lumalapit ang dalawang bodygurads ko. Bawal silang pumasok dito sa loob ng campus kaya hindi ko alam kung paano silang nakapasok. Siguro ay nakita nila ang nagaganap ngayon kaya napilitan na rin silang magpunta rito. “Mem, chto zdes' proiskhodit (Ma'am, what is happening here?),” may hingal na tanong ng isa sa mga bodyguard ko. “Eto bylo prosto nedorazumeniye. Teper' vy mozhete vernut'sya k svoyemu postu na ulitse, potomu chto vam zdes' ne razresheno. (It was just a misunderstanding. You can now go back to your post outside because you are not allowed here.),” sagot ko naman. Nagpalipat-lipat sila ng tingin sa akin at sa nakahiga pa rin si Braun sa semento at dumaraing. Kumabog din nang malakas ang dibdib ko nang mamataang papalapit na ang mga guard ng school namin. Si Kuya Charlie naman ay tumayo na sa tabi ko. “Vy uvereny, mem? Etot chelovek pytalsya prichinit' vam vred? (Are you sure, Ma'am? Did that man try to harm you?),” may pagdududa pa ring tanong ng isa sa mga bodyguard ko. Sa pagkakataong ito ay nakalapit na sa puwesto namin ang mga guard ng school. “Miss, napakakulit nitong mga guwardiya mo. Tinakbuhan pa kami at pilit na pumasok rito. Aba, kami naman ang makagagalitan ng admin kapag ganiyan. Saka, ano ba ang nangyayari rito?” nayayamot na sita agad ng isa sa mga school guard. Alanganin naman akong ngumiti at sasagot pa lang sana pero naunahan ako ni Kuya Charlie. “This student was trying to harass Lily. He should be dealt with accordingly by the discipline committee office,” maawtoridad na saad ni Kuya Charlie. Nanlaki naman ang mga mata ng mga bodyguard ko pero agad akong umiling. Sigurado kasing magagalit si Daddy kapag malaman niyang may nambastos sa akin at hindi ko agad naipagtanggol ang sarili ko. “Hindi totoo iyan! Siya ang dapat ireklamo dahil nananakit siya ng minor! Wait for my Dad to know this at may kalalagyan ka!” marahas na sigaw ni Braun para kontrahin ang sinabi ni Kuya Charlie. Hirap man ay bumangon na siya at medyo napapangiwi pa rin. “Go, call your dad! If he is an asshole like you, he might believe your rubbish!” nanunuyang sagot lang sa kaniya ni Kuya Charlie at lumingon na sa akin. “Okay ka lang ba talaga? Wala bang masakit sa iyo?” nag-aalalang tanong niya. Umiling ako kahit medyo nananakit iyong braso kong hinaklit ni Braun kanina. “I am alright, Kuya. Huwag mo na siyang patulan. Kaya ko na ito. Please, umalis na kayo at isama mo na rin sa paglabas itong mga bodyguard ko,” pakiusap ko naman. Hindi naman siya agad tuminag at matamang nakatitig lang sa akin. “Sir, lumabas na kayo,” agaw-pansin sa kaniya ng mga guard ng school. “At kayo rin. Hindi kayo dapat naririto,” baling din nila sa mga bodyguard ko. “Pozhaluysta, ukhodite seychas. Ya ne khochu bol'she problem zdes'. (Please, go now. I don't want any more trouble here.),” pakiusap ko naman. “S vami deystvitel'no vse v poryadke, mem? My soobshchim ob etom bossu Stenu. (Are you really okay, Ma'am? We will report this to Boss Stan.),” halos hindi pa rin naniniwalang tanong nila, kaya tumango na ako. “Da. YA deystvitel'no v poryadke. Pozhaluysta, ne soobshchay ob etom pape. (Yes. I am really fine. Please do not report this to Dad.) Nagkatinginan silang dalawa at tila nagtatalo ang mga isipan kung pagbibigyan ang kahilingan ko. “Pozhaluysta? (Please?)” patuloy ko pang pakiusap. Halos sabay silang bumuntong-hininga at tumango. “Khorosho, mem. My poydem seychas i budem zhdat' tebya snaruzhi. (Okay, Ma'am. We will go now and wait for you outside.)” Tumango lamang ako sa kanila at muling nagpasalamat. “Ikaw din, Kuya. Please, umalis ka na. Kaya ko na ang sarili ko. Saka, ‘di ba sinabi ko nang huwag ka nang pupunta rito? Kapag nalaman ito ni Daddy, tiyak mapapagalitan na naman ako,” nakalabing saad ko. Pairap naman siyang umiwas ng tingin. “I just… never mind. I am sorry if I put you in tight spot with your Dad. Sige, magpapaalam na ako,” sambit niya at tuluyan na ngang umalis. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya kaya tila kinurot ang puso ko. Ipinagtabuyan ko na siya nang hindi man lang nakakapagpasalamat sa pagtatanggol niya sa akin. “Kayong dalawa, tara na sa discipline committee,” utos ng isang guard sa amin kaya naputol ang pag-iisap ko at nabaling ang atensyon ko dito. Bantulot naman akong tumango at sumunod na lamang sa kanila. “Lily? Lily!” narinig ko ang pagtawag ni Grace sa pangalan ko kaya napalingon ako sa kaniya. Patakbo naman siyang lumapit sa akin. “Hoy, ano’ng nangyari?” agap niyang tanong sa akin. “Si Braun kasi… binastos ako,” pabulong kong sagot sa kaniya habang patuloy na naglalakad pasunod sa mga school guard na kasabay ni Braun. Kita kong nagda-dial sa cellphone niya si Braun at marahil ay ipinaaalam na sa mga magulang niya ang nangyari. “Mayabang naman talaga ang lalaking iyan. Porke guwapo, mayaman at matalino, akala mo siya na ang hari rito. Balita ko, jutay naman iyan,” inis na pahayag ni Grace. Pero kumunot ang noo ko sa huling sinabi niya. “Jutay? Ano iyon?” naguguluhang tanong ko. Bumungisngis naman ito at tinakpan ang bibig niya. “Basta! Inglesera ka kasi kaya hindi mo alam iyon,” natatawa pa ring sagot niya. Napapailing na lamang ako sa kaniya. Marami talagang salitang ginagamit ang babaeng ito na hindi ko naiintindihan. Pagdating namin sa discipline committee office ay ipinaiwan na sa labas si Grace. Hindi pa rin ako tumitingin sa gawi ni Braun kasi baka masapak ko lang siya. “Miss Makhalov? What are you doing here? At ikaw, Mr. Braun Soler, bakit ganiyan ang hitsura mo?” tanong agad ni Ma’am Marcelieno. Siya ang head ng discipline committee ng school. “Ma’am, Mr. Soler tried to harass me,” sumbong ko naman agad. “That’ not true, Ma’am! I just asked her nicely if I can be her pianist in her upcoming recital, but she insulted me!” pagsisinungaling naman ni Braun kaya napanganga ako. “Hoy! Kalalaki mong tao, napakasinungaling mo!” sigaw ko bago muling tumingin kay Ma’am Marcelieno. “I refused him, Ma’am, because he was too arrogant. Then, he couldn’t stand being rejected and started to grab my arm painfully!” depensa ko naman agad sa sarili. “No, Ma’am! She’s the one lying. She even called for someone and assaulted me. Look at me now. I am the victim here!” giit pa rin ni Braun. Sasagot pa lang sana ako pero itinaas ni Ma’am Marcilieno ang dalawang kamay niya. “I will be needing your parents for this. The other one is telling a story and the other one is also telling a different story,” deklara niya. Kinabahan naman agad ako kasi hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Daddy. Kaya napagpasiyahan kong si Mommy na lang ang tawagan. “What? Sino ang bastos na batang iyan at ako mismo ang bubugbog sa kaniya?” galit na galit na tanong ni Mommy pagkatapos kong ikuwento sa kaniya ang buong pangyayari. Bigla ay bumigat ang dibdib ko at sumungaw na ang luha sa mga mata ko. “Mom, they need you here in the discipline committee office. Please don’t tell Dad about this. I don’t want him getting mad at me because of this,” pakiusap ko kay Mommy. Narinig ko ang marahas na pagbuga nito ng hangin. “Hija, bakit naman magagalit ang Daddy mo, eh, ikaw na nga ang biktima? Wait for me at papunta na ako riyan!” sagot naman niya. “Mabuti na nga lang po at dumating si Kuya Charlie. He helped me out, but he punched Braun on the face. Now they called him here, too… kawawa naman siya, Mommy. Nadamay pa ng dahil sa akin,” nalulungkot kong sumbong sa kaniya. She heaved a heavy sigh before answering. “Don’t worry, hija. As long as you are telling the truth, you have nothing to worry about,” payo naman ni Mommy. Tumango ako at pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi ko. “Don’t cry, okay? I will be there now,” dagdag pa niya. “Okay, Mommy! Take care,” tugon ko at pinatay na nito ang tawag. Dumating na rin dito si Kuya Charlie at puno pa rin ng pag-aalala ang mga mata para sa akin. Mabuway ko lang siyang nginitian. Halos labing limang minuto lang ay dumating na ang mga magulang ni Braun. Si Mommy naman ay medyo na-traffic pa raw pero malapit na rin siya sa school. “So, Miss Makhalov, where is your Mom? You said earlier that she’s on her way already?” tanong ni Miss Marecilieno. “Medyo na-traffic lang daw po, Ma’am. But she’s already around the area,” magalang ko namang sagot. Ramdam kong nakatingin sa akin si Braun at ang mga magulang niya pero pinanindigan ko talagang huwag magawi sa kanila ang paningin ko. “By the way, while we are waiting for Miss Makhalov’s mom. Let’s talk about you, Mr. Ty. Why did you enter our school premises and hurt one of our students. He is only seventeen and–” “I did not hurt him on purpose,” putol naman agad ni Kuya Charlie kay Ma’am Marcelieno. “He was too arrogant and even proud for harassing Lily. I am willing to accept any punishment that you will give me. But this jackass must face the consequences of his actions, too!” matapang na pahayag ni Kuya Charlie. Namula sa galit at tumalim ang mga mata ng mga magulang ni Braun. Maging siya nga ay nanlilisik ang mga mata habang nakatitig kay Kuya Charlie. “Mukhang mayabang ka, ha? Baka hindi mo kilala ang binabangga mo, hijo? I can make you rot in jail!” nang-iinsultong banta ng Daddy ni Braun kay Kuya Charlie. Napasinghap naman ako. Pero si Kuya Charlie ay pinagtawanan lang ang pahayag ng Daddy ni Braun na labis rin namang ikinagulat hindi lang nito kung’di maging ako rin at ng iba na kaharap namin. “Why the hell would I be interested to know you? Just do what you want and make sure that you can stand with every decision that you will make. Dahil kapag ako ang gumalaw, kahit lumuha pa kayo ng dugo, hindi ko kayo patatawarin!” ganting banta na rin ni Kuya Charlie. Napalunok naman ako at lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Kilala ko ang ugali ni Kuya Charlie. Hindi ito mahilig makipagsigawan o makipag-away sa salita. Ngunit kapag gumawa siya ay talagang nagiging malupit siya at sadyang nakatatakot. Ipinaglalaban talaga niya, lalo na kung alam niyang siya ang tama. “Aba’t talagang…” akmang tatayo at susugurin ng Daddy ni Braun si Kuya Charlie pero nginisian lang siya nito. “Mr. Soler, calm down. Nandito po tayo para ayusin ang gulong kinasasangkutan ng anak ninyo. Please lang po,” pigil ni Ma’am Marcelieno. Inis na tinapunan niya ng masamang tingin si Kuya Charlie pero ito ay nag-poker face lang sa kanila. Sa wakas ay dumating na rin si Mommy at agad niya akong hinanap ng tingin. “Good morning po. Ako po si Mrs. Raiza Makhalov. Ako po ang Mommy ni Lily,” pakilala agad ni Mommy at lumapit sa puwesto ko at naupo. Kitang-kita ko kung paanong hinagod nang nanlalait na tingin ng Mommy ni Braun si Mommy. Simple lang talaga kasi itong manamit at hindi rin mahilig sa mga designers’ clothes at bags, lalo na kung hindi naman malalaking okasyon ang pupuntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD