“Mabuti naman ho, Mrs. Makhalov at naririto na kayo. Sa palagay ko naman po ay nasabi na sa inyo ng anak ninyo ang buong pangyayari?” banayad na tanong ni Ma’am Marcelieno sa Mommy ko. Bahagya akong sinulayapan ni Mommy bago tumango.
“Yes, Ma’am. She already told me everything.”
Ngumiti pa si Mommy pagkatapos ng kumpirmasyon niyang iyon. Tumango-tango naman si Mrs. Marcelieno.
“Kung gano’n, dalawa lang po ang puwedeng mangyari sa kasong ito. Una, dahil unang offense pa lang naman ito, I will not suspend Braun but only task him to do a community serv–”
“Hey! Teka nga ho, Ma’am. Mawalang galang na po, ha? Why would my son be punished when it is so clear that he is the victim here?! They assaulted Braun and now he is penalized, what stupidity is that?” putol ng mahaderang Mommy ni Braun kay Mrs. Marcelieno. Bahagya namang nagulat at napanganga ang discipline committee chairman namin.
“Calm down, Mrs. Soler. It was your son who harassed Lily and in return this man,” itinuro niya si Kuya Charlie, “punched him. And of course, it is already in your hands if you want to file a case against Mr. Ty. I can only give my decision between Braun and Lily,” mahinahong pahayag ni Mrs. Marcelieno kahit halatang medyo na-offend siya sa pagtataas ng boses ng Mommy ni Braun.
“Wait, Ma’am! My son said, he asked her nicely but got rejected rudely. But he didn’t do anything to Lily until this man came and hurt him. My son was punched because of Lily. So, she should be punished as well!” pagmamatigas naman ng Daddy ni Braun.
“Are you sure about that?” taas ang kilay na tanong naman ni Mommy. Tinaasan lang siya ng kilay ni Mrs. Soler.
“Saang iskwater ba kayo nanggaling at mukhang hindi mo naturuan ng tamang disiplina ang anak mo? This international school is the most prestigious one in the country. Hindi nababagay ang mga tulad ni’yo rito!”
Napaawang ang mga labi ni Mommy sa tinanggap niyang insulto mula sa Mommy ni Braun. Maging si Braun nga ay nagulat at tila kinabahan sa ginawa ng Mommy niya. Si Kuya Charlie naman ay nanlilisik ang mga matang tumitig sa Mommy ni Braun at halatang pinipigilan nito ang magwala.
“Sandali lang, Mrs. Soler. For your information, hindi kami nakatira sa iskwater and we never lived in any of those places. Pero hindi iyon ang point dito. Ang point ay binastos ng anak mo ang anak ko, kaya siya mapaparusahan. Huwag ni’yo kaming atakehin personally!” mahinahon pa ring sagot ni Mommy. Ngunit alam ko, kapag ganito na kakalmado si Mommy ay mainit na ang ulo nito. Ganitong-ganito kasi sila ni Daddy. The calmer they get, the more dangerous they become.
“Mom, stop it! Let’s just accept the punishment and sue that bastard!” pakiusap ni Braun sa Mommy niya. Ngunit agad namang umiling ito at naningkit pa ang mga mata sa amin.
“Hindi ako papayag na ang mga katulad ni’yo lang ang aapi sa amin. Hmp! Baka hindi ni’yo kami kilala. My uncle is the Chief Justice of the Supreme Court. Kaya kung gugustuhin ko, puwede kayong mabulok sa kulungan at maging impyerno ang mga buhay ninyo!” bulyaw sa amin ng Mommy ni Braun.
“Mom!” saway ulit sa kaniya ng anak niya. Ngunit ang asawa niya ay nakangisi lang at tila proud pa sa pagmamayabang ng asawa niya.
“Who cares even if you own the Supreme Court? That doesn’t change the fact that your son harassed my daughter and now the school already decided to punish him. Wina-warningan na kita, Mrs. Soler, kapag hindi ka pa tumigil kaya ko ring gawin ang lahat para sa anak ko!”
Tumayo na si Mommy at galit na tinapunan ng tingin ang pamilyang nasa harapan namin ngayon.
“Calm down, Tita Raiza. I would like to see how his uncle would react on this,” balewalang sabad naman ni Kuya Charlie.
“Please, if you are not satisfied with my decision, you can appeal to the director of this school. Braun, you will clean the school corridors three hours a day for the whole week,” mariing pahayag na ni Mrs. Marcelieno at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa niya.
“Makikita ninyo! Gaganti kami sa inyo!” galit na galit na asik sa amin ng Mommy ni Braun. Hindi naman siya pinansin ni Mommy habang inaalalayan naman akong tumayo ni Kuya Charlie.
“Ah!” napadaing ako at napangiwi nang masagi niya ang braso kong nahaklit ni Braun kanina. Maging ang pamilya Soler ay napahinto sa paglabas dahil sa daing ko at lumingon sa amin.
“What’s wrong, hija?” nag-aalalang tanong agad ni Mommy. Sinimulan kong ililis ang sleeve ng uniform ko.
Malakas na suminghap si Mommy at napatakip pa sa bibig nang tumambad sa mga paningin namin ang mapulang marka sa braso ko. Ang ibang bahagi pa nga niyon ay tila nagkukulay-blue na.
Marahas na nilingon ni Mommy si Braun. At ngayon ay nagtataas-baba na ang dibdib niya. Matalim na rin ang mga mata niya kaya napalunok si Braun.
“Ngayon ninyo sabihin sa akin na hindi sinaktan ng anak ni’yo ang anak ko!” hindi na napigilan ni Mommy ang mapalakas ang boses nang sumbatan sila.
Nagkatinginan ang mag-asawa bago nila tiningnan si Braun. Napayuko naman ang huli at halatang guilty sa ginawa.
“Well, she deserves it! Nasaktan siya, nasaktan ang anak ko! Quits na!” nang-uuyam pang pahayag ni Mrs. Soler kaya doon na napatid ang lahat ng pagtitimpi ni Mommy. Akmang susugurin at sasampalin niya sana ito ngunit mabilis siyang pinigilan ni Kuya Charlie.
“Tita, don’t waste your time with trash like them. They are nothing but dust beneath our feet!”
Napanganga ako at nanlaki ang mga mata sa pinakawalang insulto ni Kuya Charlie. Si Mommy naman ay binawi ang braso mula sa pagkakahawak ni Kuya Charlie.
“Matabil din talaga ang dila mo, ha? Ano na ulit ang pangalan mo?” tanong ng Daddy ni Braun. May panunuya ang tingin nito at kung hagurin kami ng tingin ay bakas ang pangmamaliit.
“Charlie Ty! I am the eldest son of Charles Ty! Remember that name because I will be glad to see you again, asshole!”
Nakakaloko siyang tiningnan ni Kuya Charlie matapos sabihin iyon. Tumiim ang mukha niya habang si Mrs. Soler ay tila hindi makapaniwalang nakatikim siya ng pang-iinsulto mula kina Mommy at Kuya Charlie.
“Yes, we will remember! Hintayin ni’yo lang ang ganti namin!” asik pa ni Mrs. Soler at padarag nilang binuksan ang pintuan at tuluyan nang lumabas ng opisinang iyon.
“Mrs. Makhalov, I am very sorry for that. Isa talaga ang pamilyang iyan sa kinatatakutan dito sa school, lalo na ng mga teachers dahil sa mga koneksyon nila.”
Lumingon kami kay Ma’am Marcelieno nang marinig ang sinabi niya. Narinig kong bumuntong-hininga si Mommy.
“Don’t worry, Ma’am, hindi po kami natatakot sa kanila. Wala naman kaming ginawang masama para kabahan sa kung anumang balak nilang gawin,” sagot naman ni Mommy.
“Mukhang hindi po niya kayo kilala. Hindi kasi nire-reveal ang true identity ng mga estudyante rito kasi ilan-ilan lang din talaga sa kanila nag nakaaalam ng tunay na estado ng bawat isa. Mag-ingat na lamang po kayo, Ma’am.”
Tumango si Mommy at ngumiti. “Thank you, Ma’am. We will go now.”
Magalang na rin akong nagpaalam at ganoon din si Kuya Charlie. Paglabas na paglabas namin ng opisinang iyon ay agad na tiningnan ulit ni Mommy ang pasa ko.
“Siguradong magagalit ang Daddy mo kapag makita niya ito.”
Doon naman ako kinabahan. Nawawala pa naman sa sarili si Daddy pagdating sa aming magkakapatid. Kahit ang masaktan kami ng bahagya ay hindi niya pinapayagan.
“Tita, Huwag ni’yo na pong alalahanin ang pamilyang iyon. Kayang-kaya ko na po sila. Gusto ni’yo po ba ihatid ko na kayo pauwi?” maginoong presinta ni Kuya Charlie.
“We are okay na, hijo. Thanks, by the way. Ayaw ko nang isipin pa ang pamilyang iyon. Kaya, sige, ikaw na ang bahala, okay?” tanggi ni Mommy.
“Noted, Tita! Sige po, ihatid ko na lang po kayo hanggang sa gate,” magalang niyang tugon. Tumango lang si Mommy at ngumiti lang din ako sa kaniya.
Ilang beses kong ninanakawan ng tingin si Kuya Charlie habang naglalakad kami papunta sa may gate. Naririto na naman iyong kakaibang damdaming hindi ko maipaliwanag.
Sa totoo lang, kaninang dumating siya ay biglang lumakas ang loob ko. At nang makita ko siya ay para bang napanatag ang loob ko na walang puwedeng manakit sa akin.
“Lily? Are you sure na okay ka lang? Sumabay ka na lang kaya sa akin pauwi?”
Bahagya akong napailing para iwaglit ang iniisip ko. Bakit nga ba pumasok na naman sa isip ko ang gano’n?
“Yes, Mommy, I’m alright. May group performance po kami mamaya kaya hindi pa po ako puwedeng umuwi. Na-absent na nga po ako sa isang subject dahil sa nangyari.”
Nalukot na naman ang mukha ko at humaba ang mga nguso ko. Banayad namang ngumiti si Mommy at hinaplos ang pisngi ko.
“Okay, sige. Take care, okay? See you at home,” hinalikan niya ang pisngi ko at marahang tinapik ang balikat ko.
“Ingat din po, Mommy!” kumaway pa ako sa kaniya. Sinamahan na siya ni Kuya Charlie hanggang sa labas ng gate habang ako naman ay lumakad na pabalik sa classroom namin.
Nang sumunod na araw ay nagulat ako nang salubungin ako ni Braun pagdating ko sa school. Pero mukha itong kabado kaya kunot-noo ko siyang tiningnan.
“Lily, please help us. I know who you are and what kind of family you have. Please spare my parents! Kahit ano, gagawin ko,” bigla ay pagmamakawa niya. Labis naman akong nagulat sa inaakto niya kasi hindi ko siya maintindihan.
“What do you mean? Saka wala namang ginagawa ang Mommy ko sa inyo, ha?” depensa ko naman agad.
“Please, Lily! Ngayon lang ay biglang umurong ang mga suppliers ni Daddy ng mga gagamitin para sa ipinagagawa niyang mga project. Wala ring gustong magbenta sa kaniya kahit saan siya mag-inquire. Alam ko, may kinalaman kayo rito. Please, Lily. Sorry na! sabihin mo lang sa akin ang dapat kong gawin para hindi na kayo magalit sa amin.”
Kulang na lang ay maglumuhod na siya at maging sa mga mata niya ay may sumungaw nang mga luha. Ngunit ako ay labis-labis pa ring nagtataka sa kaniya.
“Teka lang, Braun, walang kinalaman ang Mommy ko diyan. Kahit mismong ang Daddy ko nga ay hindi pa niya alam ang nangyari!” katuwiran ko pa. Aburido siyang napahilamos sa mukha niya.
“Kung gano’n ay sino ang gagawa no’n? Kayo lang naman ang may galit sa amin at isa pa–”
“Puwede ba, Braun… hind isa iyo umiikot ang mundo. Uulitin ko lang, wala kaming kinalaman sa nagyayari sa kumpanya ng Daddy mo! Huwag mo iyang ibintang sa amin!” inis ko nang angil sa kaniya at tinalikuran na siya.
Ngunit pilit pa rin itong humahabol. Kahit bilisan ko ang paglalakad ay nagawa pa rin niyang harangan ang dinaraanan ko.
“Ano ba, Braun! Male-late na ako dahil diyan sa ginagawa mo! May absent na nga ako sa isang subject kahapon, eh!” singhal ko na sa kaniya. Nakakapikon na kasi siya.
“Please, Lily! Please naman, oh!” patuloy niyang pakiusap. Umikot na ang dalawang mata ko saka marahas na nagbuga ng hangin.
“Napakakulit mo, Braun! Wala nga kaming alam sa sinasabi mo. Tigilan mo na ako kung ayaw mong madagdagan pa ang kaso mo sa discipline committee!”
Muli ay nilampasan ko na siya at ngayon ay halos patakbo nang tinungo ang classroom namin. Hindi ko na siya pinansin pa kahit ilang beses niyang tinawag ang pangalan ko.
Pagdating ko sa room ay iilan pa lang kaming naroroon. May 15 minutes pa kasi bago magsimula ang klase. Inagahan ko lang talaga ang pumasok para magawa iyong ilang hindi ko nagawa kahapon. Ngunit bago iyon ay tinawagan ko muna si Mommy. Kailangan kong malaman kung totoo ba ang ibinibintang sa amin ng Braun na iyon.
“O? Bakit bigla kang napatawag agad? May problema ba?” nag-aalalang tanong agad ni Mommy.
“Mom, Braun just approached me a while a back and begging me to help him. Did you do something on his father’s company?” diretsahan nang tanong ko.
“What? Of course not! Why would I do things like that?” tanggi agad ni Mommy.
“Kung gano’n sino ang–”
Napahinto ako sa sasabihin nang biglang pumasok sa isip ko si Kuya Charlie. Hindi kaya… siya ang may kagagawan?
“Tita, Huwag ni’yo na pong alalahanin ang pamilyang iyon. Kayang-kaya ko na po sila. Gusto ni’yo po ba ihatid ko na kayo pauwi?”
Iyan ang sinabi ni Kuya Charlie kahapon. Oh, my gosh!
“Lily? Lily are you still there?” untag ni Mommy sa akin.
“Yes, Mom! I will hang up for now. I just need to call someone,” may pagmamadaling paalam ko. May itatanong pa yata si Mommy pero pinatay ko na ang tawag.
Continuation of Chapter 5
“Hi, Lily! Why is my beautiful Lily calling?”
Ako lang ba o sadyang napakalambing ng pagkakatanong ni Kuya Charlie? Tumikhim ako para mabalik ang isip ko sa dahilan ng pagtawag ko.
“K-Kuya, ikaw ba ang may kagagawan kaya nag-backout daw ang mga supplier ng Daddy ni Braun? Tapos wala rin daw ibang kumpanya ang gustong magbenta ng mga materials na kailangan nila,” agap kong tanong. Tumawa agad ito sa kabilang linya kaya napakunot ang noo ko.
“Now they already know how to be afraid? Don’t concern yourself about it, Lily. Ako na ang bahala… let them taste and swallow the dose of their own medicine.”
Napasinghap naman agad ako sa sagot niya. Mukhang naaaliw pa ito sa mga nangyayari. At kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ngayon ay alam kong nakangiti siya.
“Pero, Kuya, nasaktan mo naman na si Braun, eh. Tapos nagko-community service na rin siya. I think okay na iyon na parusa niya. Huwag na nating idamay ang business nila,” pakiusap ko. I heard him sneered on the other line.
“Lily, lily… my sweet Lily… you are so innocent, my little peach. Have you forgotten how they insulted you and your mom? Turuan lang natin sila ng kaunting leksyon, okay? Hindi ko naman pababagsakin ang negosyo nila. Not unless mas paiiralin nila ang pride nila kaysa magpakumbaba,” katuwiran naman niya.
I bit my lip and breathed a sigh. “Okay. Pero hindi naman na pinansin ni Mommy ang mga sinabi nila. My mom is very cool, and she doesn’t go down on their level.”
“That’s right! How about you? How are you now?” may lambing na naman ang tanong niya kaya lang papasok na sa pintuan ang teacher namin.
“Kuya, I will hang up now. Nandito na ang teacher namin. Bye!” pinatay ko na ang tawag at agad na itinago sa bag ko ang cellphone.
Lumipas pa ang tatlong araw at nagulat ako nang puntahan ako ng mga magulang ni Braun habang nasa music class kami ng hapon.
“Puwede ka bang makausap, hija?” mababa ang boses na tanong ni Mrs. Soler. Napalingon naman ako sa mga kaklase ko. Maging sila ay tila nagulat na naririto ang mga magulang ni Braun. Absent kasi ito ngayon at napapansin kong araw-araw na malungkot.
“Ano pong kailangan ni’yo? Nagpa-practice po kasi kami para sa recital namin sa Sunday.”
Nagkatinginan naman silang mag-asawa. Pagkatapos ay muling bumalik ang mga tingin sa akin. Magkasalikop ang halos hindi mapakaling mga kamay ni Mrs. Soler. Ang asawa naman niya ay nalalambungan din ng lungkot ang mukha.
“Kahit sandali lang…” pakiusap naman nila. Saglit akong nag-isip bago tuluyang tumango.
“S-Sige po. Doon na lang po tayo sa labas para hindi po tayo makaabala sa iba,” sa wakas ay pagpayag ko naman.
Tumango lamang sila at mabuway na ngumiti. Nauna silang lumakad palabas at sumunod naman ako. Huminto kami sa may pasilyo kung saan tahimik at walang dumaraang kahit sino. Oras kasi ng klase ngayon kaya bihira ang pakalat-kalat na estudyante.
“Ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?”
Muntik pa akong mabulol nang magtanong. Pero at least mas magaling ako ng kaunting magtagalog kaysa kay Ayanna. Madalas lang talaga na nabubulol din ako.
“We are very sorry for what we did to you. Hindi namin alam na tatay mo pala si Stan Makhalov at ang Mommy mo ang may-ari ng RM Science laboratory. Please, tama na ang pangtitikis ninyo sa amin. Hindi namin kayo kayang kalabanin sa lawak ng impluwensyang mayroon kayo,” diretsahang pagmamakaawa agad ng Daddy ni Braun.
Umawang ang mga labi ko at hindi ako makapaniwalang tumitig sa kanilang dalawa. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
“Teka lang po, una sa lahat binalewala lang ng Mommy ko ang pang-iinsultong ginawa ninyo sa amin. Pangalawa, nagso-sorry lang kayo dahil nalaman ninyo kung anong klaseng pamilya mayroon kami. Pangatlo, paano kung hindi nga kami mayaman at maimpluwensya? Eh, di tatapak-tapakan ni’yo lang kami dahil kayo iyong mas nakakaangat. At panghuli, wala po kaming kinalaman sa pagpapahirap sa negosyo ninyo. Si Kuya Charlie ang dapat ninyong kausapin tungkol diyan!” mahabang paliwanag ko.
Sa totoo lang, okay na sana ang paghingi nila ng sorry. Kaya lang, nagso-sorry sila dahil Mommy ko si Raiza at Daddy ko si Stan Makhalov. Iyong sincerity ng sorry nila ay nakadepende lang sa kapangayarihan at kayamanan ng mga magulang ko sa lipunan?
“I am very sorry, hija, if you felt that way. Alam na namin ang naging pagkakamali namin dahil sa naging mapagmataas kami. Please, patawarin ni’yo na kami. We will never do it again,” halos lumuhod nang pakiusap ni Mrs. Soler.
“That is right, hija. Sa totoo lang, hindi naman kami ipinanganak na mayaman, ngunit labis kaming nagsikap para maipundar ang negosyong mayroon kami. Kaya sana ay patawarin ni’yo na kami at huwag ninyong hayaang tuluyang ma-bankrupt kami…” sang-ayon naman ng Daddy ni Braun.
“Hindi nga po kami ang may kagagawan kung hindi si Kuya Charlie. Siya po ang puntahan ninyo at kausapin,” giit ko naman.
Muli silang nagkatinginan at kumunot ang mga noo. Para bang napapaisip sila sa sinabi ko.
“Charlie? Iyan ba iyong lalaking sumuntok sa anak ko?”
Agad na nagdilim ang mga mukha nila pagkasabi ni Mrs. Soler ng tungkol doon.
“Yes po. Siya nga po,” kumpirma ko.
“At ano naman ang magagawa ng lalaking iyon? Maghintay lang siya dahil hindi pa namin naaayos ang problema namin. Haharapin din namin siya kapag maresolba lang ang problema sa kumpanya,” matigas na pahayag ni Mrs. Soler. Ako naman ngayon ang natawa.
Sabi na nga ba at humihingi lang ng tawad ang mga ito para sa pakinabang at hindi naman bukal sa kalooban nila.
“Nasabi ko na po ang dapat kong sabihin. Uulitin ko lang po, wala kaming kinalaman sa problemang kinakaharap ng kumpanya ninyo. Dahil kapag ang Daddy ko ang makaalam ng ginawa ninyo sa amin ng Mommy ko, hindi na po kayo aabutin pa ng tatlong araw. Ilang oras lang po, nasa kalye na kayo at namamalimos. Kaya kung ako po sa inyo, gawin po ninyong sincere ang apology ninyo at mas maging maayos kayo sa pakikitungo sa ibang tao,” pagbibigay-diin ko.
Tila naman sila napahiya at natakot sa sinabi ko. Nagtataka nga rin ako na hindi sila aware sa apilyedo ni Kuya Charlie, samantalang hindi naman ganoon kalaki ang angkan nila rito. Kahit nga ordinaryong tao kilala sila.
“Fine. Saan namin puwedeng puntahan ang Charlie na iyon?” mahinahong tanong ni Mrs. Soler. Napangiti naman ako at ngayon pa lang ay nakikini-kinita ko na ang reaksyon nila kapag nakilala nila si Kuya Charlie.
“Sa Ty Tower po. Pero ang alam ko po ay kailangan ni’yo munang magpa-appointment bago ni’yo siya makausap.”
Pigil na pigil ko ang mapangiti. Totoo naman ang sinabi ko. iyong iba nga ilang linggo o buwan pa bago magkaroon ng appointment kay Kuya Charlie. Ganoon din iyong iba sa Daddy ko.
“Appointment? Kailangan pa ng appointment? Bakit, sino ba siya?” naguguluhan nang tanong ni Mr. Soler.
“Siya po si Charlie Ty. Ang may-ari ng Ty Tower at ang CEO na ngayon ng Asia World Banking Corporation,” nakangiting sagot ko.
Sabay silang suminghap at laglag ang pangang tumitig sa akin. Iyong mga reaksyon sa mukha nila ay tila ba may bombang sumabog sa harap nila. ni walang nangahas na makapagsalita agad.
“Siya iyong isa sa mga kambal ni Mr. Charles Ty?” halos hindi na humihingang tanong ni Mrs. Soler. Tumango naman agad ako na nakangiti.
“Siya nga po iyon. Nagtataka nga rin po ako na hindi ni’yo siya kilala,” sabi ko pa. Nakakaaliw kasi na halos lumuwa na ang mga mata nila.
“I heard his name before, but I just forgot it. He was deemed as one of the most ruthless man in the business world. Ang sabi pa nga nila ay mas malala siya kaysa sa Daddy niya,” hindi makapaniwalang bulalas ni Mr. Soler.
Kumibot naman ang kilay ko sa sinabi niya. Iyan talaga ang image na binuo ni Kuya Charlie para sa sarili niya. He really is so cold outside, but very sweet and kind to us.
“Gano’n na nga po. Kaya siya po ang kausapin ninyo dahil wala po kaming kinalaman sa nangyari sa negosyo ni’yo. Please lang po, huwag ni’yo na akong guguluhin ulit,” pakiusap ko pa at akmang tatalikuran na sila para bumalik sa klase ko. Pero pinigilan ako ni Mrs. Soler.
“Please, hija, tulungan mo kaming makausap siya…” pakiusap nito sa akin. Pero mapait akong ngumiti.
“Sorry po. Ayaw ko na pong ma-involve dito dahil baka po malaman pa ng Daddy ko ang nangyari. Sana po ay magsilbing lesson na po ito sa inyo,” magalang ko pa ring sagot.
Pagkatapos ay lumakad na ako pabalik sa auditorium. Tinatawag pa nila ako pero hindi ko na sila pinansin pa. Ang sabi naman ni Kuya Charlie ay tinatakot lang niya ang mag ito. kaya sana nga ay matuto na silang huwag mangmaliit ng tao kahit sino pa ang kaharap nila.
Dumating ang araw ng linggo at kanina pa nanlalamig ang mga kamay ko habang inaayusan ako ng make-up artist. Naririto rin si Ayanna para manood.
“Ayanna, nasa labas na ba si Daddy? Kumpleto na ba sila?” kabadong tanong ko. Kanina pa ang bilis-bilis ng t***k ng puso ko at hindi ko mapakalma ang sarili ko. My feeling is a mix of excitement and nervousness.
“I haven’t notice him, yet, when I got here. But your Mom and brothers are already there,” sagot naman ni Ayanna. Bahagyang lumaylay ang balikat ko.
“Parang hindi na naman makakarating si Daddy, eh! He promised me, but he is about to break it again,” nakalabing saad ko. hindi ko mapigilan ang biglang malungkot at ma-disappoint kay Daddy. Lagi na lang siyang busy sa mga negosyo niya.
“Don’t worry, Lily. I’m sure Uncle Stan will be watching you. Isa pa, galingan mo, ha? I always love seeing you play your cielo,” pagpapalakas ng loob sa akin ni Ayanna. I still frowned as I looked at myself in the mirror.
I felt like I am also looking at my Dad’s eyes now. I got my blue eyes from him. This is something that my classsmates are envying from me.
“Iyan, finished! Kahit kailan talaga ang ganda-ganda. Ang gaganda ninyong dalawa kaya ang sarap-sarap ninyong ayusan!” sabi ng make-up artist. pareho naman kaming napabungisngis ni Ayanna.
“We got our looks from our dads. Thanks to their genes!” nakangising sagot naman ni Ayanna.
“True! Hay, naku, iyong mga Daddy ninyo parang hindi tumatanda! Ang sasarap, este, ang popogi pa rin!” bulalas pa ulit nito. Nagkatinginan na lamang kami ni Ayanna sa salamin at ngumiti. Kasunod niyon ay humugot ako ng hangin saka ibinuga. I smiled at myself in the mirror.
“Tara na! good luck, ha? Fighting!” nakangiting yaya sa akin ni Ayanna. Itinaas pa niya iyong dalawang kamao niya para palakasin ang loob ko.
“Thanks, my best friend! Mabuti na lang talaga at lagi kang nasa tabi ko. I love you so much, Ayanna!” pahayag ko.
“And I love you, too, Lily! You can do this!” patuloy na pagchi-cheer nito sa akin.
Medyo napasinghap ako nang nang may tumawag sa akin sa backstage pagkatapos akong ihatid ni Ayanna doon.
“Hi! I just came here to say good luck!”
Malapad ang ngiti ni Kuya Charlie habang sinasabi iyon. Napatango naman ako.
“Thanks for coming to watch, Kuya! Are you with your family?” tanong ko.
“You’re always welcome. And yes, nandito silang lahat. Pati ang lahat ng mga Uncles and Titas natin with some of their sons and daughters,” masiglang tugon niya.
“Talaga? Si Daddy nandiyan na rin?” tanong ko. Bahagya namang natunaw nag ngiti niya.
“Hindi ko yata napansin. Pero I’m sure kasama na iyon ng Mommy mo,” pang-aalo naman niya sa akin. “Lily, I know how good you are at this. Kaya alam kong kaya mo ito. I love your music and I know you can make the crowd applaude you with a standing ovation,” seryosong pahayag pa niya.
Ang hindi niya lang alam ay naiiyak na ako sa loob-loob ko dahil mukhang wala pa nga si Daddy.
“Salamat, Kuya. Sige po, kasi magsisimula na po iyong moment ko. Baka tawagin na ako sa stage,” paalam ko sa kaniya. Nahihirapan na kasi akong pigilan sa pag-alpas ang mga luha ko.
Naninikip ang dibdib ko at sumasakit ang lalamunan ko. I don’t want the crowd’s resounding applasue and heartwarming standing ovation. I just need my Dad here. I want him to watch me and see that proud look in his eyes.
“Okay. Good luck again, my Lily!”
Tumango na lamang ako kay Kuya Charlie at pinanood itong mawala sa paningin ko. Muli akong nagbuga ng hangin bago pinuntahan ang cielo ko.
“So, our next perfomer for today is non other than, Lily Eshtrin Sylverio Makhalov!” anunsyo ng emcee. Umingay agad ang palakpakan habang papalabas na ako papunta sa stage. Nakasunod din sa akin ang kaklase ko na maghahatid ng cielo ko sa gitna.
I immediately searched for my family’s seat. They are on the fourth row – my Mom, Ziran and Skylar, but my Dad isn’t with them.
“He’s on his way.”
My Mom mouthed. Sa palagay ko ay alam na niya ang iniisip ko ngayon. Lahat kami ay mayroon lamang tigli-limang piece na tutugtugin. Baka matapos ko na ang lahat ng piece ko ay hindi pa nakakarating si Daddy.
“You may start now, Miss Makhalov,” banayad na saad ng director. Tumango na lamang ako sa kaniya. Napadako pa ang tingin ko kay Kuya Charlie at kitang-kita ko ang masuyong tingin niya sa akin.
I closed my eyes, trying to summon the courage to play, but my mind was consumed with worry. What if something had happened to my father? What if he never showed up?
Gayunpaman ay sinimulan ko nang tumugtog. Pumailanlang ang matamis na musikang nanggagaling sa cielo ko at bigla na lamang pumasok sa isip ko si Daddy noong bata pa ako.
Sa bawat notang tinutugtog ko ay bumaha ang mga alaala ko kung paano kami mag-bonding ni Daddy noong bata ako. Iyong binubuhat niya ako at binabasahan ng kuwento habang ako ay nasa kandungan niya. He was also playing with me, watching me when I am running, jumping or doing many things as a kid.
But as the minutes stretched on, my heart grew heavier, the absence of my Dad in the audience is a painful reminder of my deep loneliness now. I miss the old times when I was just a little girl. Those golden moments when my Dad’s eyes are all on me.
Tears stung my eyes as I continue to play, my music a fragile expression of my longing and sadness. Each chord was a plea, a silent prayer for my father's presence. But as the final notes faded into the stillness of the hall, I knew he wasn't coming. And in that moment, my heart shattered into a million pieces and I couldn’y play my other piece anymore.
Binitiwan ko ang instrument ko at tumayo. Pagkatapos ay patakbo akong nagtungo sa backstage habang hilam na hilam ang mga mata ko ng mga luha.
“He’s a liar! He lied to me! He promised but he didn’t fulfill it!” usal ko sa sarili habang tinitiis ang matinding sama ng loob ko.
***
Pasensiya na po kung natagalan ha? Sobrang busy lang talaga sa school. Halos puro madaling araw na ang uwi ko nitong dalawang araw huhuhu