Third Person POV
“Drive faster! My daughter’s recital will be starting in an hour now!” maawtoridad na utos ni Stan sa driver niya. Maging ang PA niya sa harap ay biglang kinabahan. Kanina pa kasi aburido ang boss nila dahil naabutan pa sila ng traffic kanina, samantalang ang aga-aga na nga nilang lumabas ng opisina.
Kanina pa ito galit na nagko-komento at nagmumura dahil sa pagkainis. Nangako daw kasi siya sa kaniyang anak tapos ganito naman ang nangyari.
“s**t! Gago!” malakas na bulalas ng driver at nabangga nila ang sasakyan na nasa harapan.
At dahil mabilis ang takbo nila ay halos tumilapon iyon at nabangga rin ang iba pang nasa bandang harapan. Dahil doon ay bumangga rin sa sinasakyan nila ang kasunod nila kaya naalog silang tatlo sa loob.
Kitang-kita pa nila kung paanong nahulog ang hood sa likuran at mabasag maging ang salamin.
“What the hell happened?” nabiglang tanong ni Stan.
“Biglang huminto iyong nasa harap, Sir!” depensa agad ng driver niya. Nanginginig na ito sa takot ngayon at halos hindi na humihinga sa bilis ng pintig ng puso niya.
Sa tinagal-tagal kasi ng pagmamaneho niya ay ngayon lang siya nakaranas ng ganitong disgrasya. Siguradong nasaktan ang mga taong laman ng nabangga nila, lalo at nawasak ang likod nito.
Ngunit bago pa man siya makasagot ay bigla na lamang may sumabog sa bandang harapan at umalingawngaw ang sigawan ng mga tao. Ang ibang mga nakasakay sa kotse ay nagsilabasan sa mga sasakyan nila.
“Tingnan mo, bilis!” utos ni Stan sa driver. Mabilis naman itong nag-alis ng seatbelt at lumabas. May mga nagtatakbuhan sa gawi nila na tila takot na takot. Ang iba ay halatang kinakabahan pa.
Sinalubong ng driver ni Stan ang isa sa mga tumatakbo kaya ibinaba ni Stan ang bintana ng kotse para marinig ang sasabihin nito.
“May sumabog na kotse sa harap at nadamay pati iyong dalawang katabi. Umalis na kayo rito!” mabilis na salaysay ng babae at tumakbo na paalis.
“f**k! Tawagan mo ang helicopter at iyon na lamang ang maghatid sa akin sa PhilArt stadium! Sobrang traffic na at–”
“S-Sir, wala pong lalapagan ang helicopter dito. Iyong buong kalsada po ay puno ng na-stranded na sasakyan,” nahihintakutang sagot naman ng PA niya. Muli siyang napamura kaya napasinghap ito.
“Sir ang laki na ng sunog sa harap. Kailangan na po nating umalis dito!” halos pasigaw na tawag-pansin ng driver kay Stan. Nanlaki naman ang mga mata niya dahil kitang-kita na nga nila ngayon ang malaking apoy at ang napakakapal na itim na usok.
“Bakit wala pa ring mga bombero? Damn it!” inis na inis nang singhal ni Stan. Tinatawagan niya ang asawa ngunit hindi naman ito sumasagot. Saka niya naalalang bawal pala ang cellphone sa loob ng stadium. s**t!
“Sir, tara na po. Baka pati tayo ay madamay pa rito,” kahit nanginginig ay nagawa pa rin sabihin ng PA niya. Wala siyang nagawa kung hindi marahas na nagbuga ng hangin at padarag na lumabas ng kotse. Pabagsak din niyang isinara iyon.
Nadagdagan ang inis niya nang makita ang dagat ng mga sasakyan. At halos mapapikit na lang siya nnag makita ang damage sa harap at likod ng sasakyan niya.
Hindi na magawang umatras ng mga sasakyan dahil nga naipon na sila sa iisang lugar at mukhang may mga paparating pa na hindi aware sa nangyayari.
He is beginning to feel more frustrated as he walked farther away from the car. Napahinto rin sila sa paglalakad nang magsigawan ang mga nasa harapan at humingi ng tulong.
“Ano’ng nangyayari?” natanong niya. Ngunit wala namang makasagot dahil maging ang dalawa niyang kasama ay wala ring ideya.
“Sa dinami-rami ng araw, bakit kasi ngayon pa! Kasalanan talaga ng Villegas na iyon ang lahat ng ito! Hindi ko na sana kinailangang pumunta ng opisina kung hindi lang dahil sa katangahan niya! I am going to fire that stupid supervisor!” galit na galit na namang bulalas ni Stan.
Hindi na niya alam kung paano ilalabas ang galit niya sa sitwasyon niya ngayon. Ni wala siyang matawagan para ipaalam kay Raiza kung ano ang nangyayari sa kaniya ngayon.
“Tawagan mo ang driver ng Ma’am Raiza mo at sabihin mo ang sitwasyon natin. Damn it! Ten minutes na lang magsisimula na ang performance ni Lily!” utos niya sa PA.
Agad naman itong sumunod at may nginig pa ang mga kamay habang tinitipa ang pangalan ni Raiza sa search button.
“Iyong driver ang tawagan mo kasi walang hawak na cellphone si Raiza! f**k! Pati ba naman ikaw?” singhal ni Stan sa PA niya nang makita kung sino ang dina-dial nito.
“S-Sorry, Sir! Natataranta lang din po kasi ako,” naiiyak nang sagot nito. Muling aburidong nagmura si Stan. Napahilamos siya sa mukha at ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong klase ng kawalang pag-asa sa buong buhay niya.
“Kuya, Bert, pakipuntahan daw si Ma’am at sabihin mong medyo mahuhuli si Sir. Nagkaroon ng disgrasya rito at hindi kami makaalis agad hangga’t hindi nakakalarga ang mga sasakyan sa bandang harapan namin,” mabilisang paliwanag ng PA ni Stan sa driver ni Raiza.
“Naku, bawal nga kami papasukin doon, eh. Saka ang laki-laki ng stadium, saan ko naman sila mahahanap doon? Pili lang ang pinapapasok, eh,” paliwanag din ni Mang Bert. Napalunok naman ang PA ni Stan at kabadong nilingon ang amo.
“What? Papunta na ba siya kay Ma’am Raiza mo?” masungit na tanong agad ni Stan. He knew he should not lose his cool and vent his frustration on his employees. But he is just mad at this situation. He never wanted to disappoint Lily, but he guessed he just did again, now.
“S-Sir, hindi daw po pinapapasok sina Mang Bert doon. Iyon lang daw may mga invitation ticket at–”
“Damn!” malakas na bulyaw ni Stan na halos mag-echo pa sa lugar na kinaroroonan nila. At maging ang ibang mga naroroon ay napalingon sa puwesto nila.
“This is so annoying!” dagdag pa niya. Pinatay na ng PA ang number saka yumuko na lamang. Ayaw niyang maiyak dahil siguradong lalo lamang magagalit ang amo niya. Naiintindihan naman kasi nito kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman nito ngayon.
Ilang minuto pa ay narinig na nila ang wang-wang ng bombero. Gayunpaman ay pinapunta pa rin ni Stan ang helicopter para kunin siya rito kapag medyo lumuwag ang daan. Parating na rin ang mga bodyguard niya para lang siguruhing makakababa ang sasakyang panghimpapawid niya rito kahit ano pa ang mangyari.
Lily’s POV
“Lily, anak? Why did you stop playing?” nag-aalalang tanong ni Mommy kaya napaangat ang tingin ko habang patuloy na umiiyak.
“Mommy, he lied to me! He said this day will be mine, but he is nowhere to be found!”
Kumirot ang dibdib ko at nagpatuloy ang pag-alpas ng hagulgol ko. Lumapit naman agad si Mommy at niyakap ako nang mahigpit.
“Anak, baka naman may nangyari kaya hindi nakapunta agad ang Daddy mo. Hindi naman iyon basta-basta mangangako kung hindi niya tutuparin,” pang-aalo naman ni Mommy sa akin. Ngunit umiling ako at lalo lamang bumigat ang dibdib ko.
Parang gripo rin ang pag-agos ng mga luha ko dahil hindi ko lubos maisip na gagawin ulit ni Daddy sa akin ito. This is not even the first time, but the third already.
“That’s not true, Mommy! Sigurado ay hindi na talaga ako mahal ni Daddy! Mas mahal pa niya ang trabaho niya kaysa sa akin! Mas mahalaga pa ang negosyo niya kaysa sa recital ko!”
Parang nagdidilim sa galit at sama ng loob ang utak ko. I couldn’t even accept any reasoning. I just know that my heart is hurting so badly right now. So bad that I do not know how to handle it properly.
“Lily?”
“Lily!”
Sabay na humahangos papunta sa kinaroroonan namin ni Mommy sina Kuya Charlie at Ayanna. Lalong humapdi ang dibdib ko nang makita sila.
“Lily!” agad akong niyakap ni Ayanna at maging ito ay lumuluha na rin.
“I told you, Ayanna. I told you he’s not coming!” I blurted out like a little child. Being stood up by my dad for the third time cut differently.
“Tita, mabuti pa po siguro tawagan ay ni’yo po si Uncle Stan. Pakikiusapan ko po ang director na bigyan na lang ng time si Lily na magper–”
“Hindi na kailangan, Kuya Charlie. I won’t perform that instrument ever again!”
Putol ko kay Kuya Charlie at tuluyan na namang humagulgol sa sakit at hapdi ng dibdib ko.
“Let’s go home, Then, hija. You need to rest.”
Napatingin ako kay Mommy. Kita ko ang awa at kirot sa mga mata niya para sa akin. I suddenly realize that she’s hurting, too. And this is all because of my Dad. How could she do this to us!
Nakaalalay sa akin sina Kuya Charlie at Ayanna habang palabas kami ng stadium. Nasa sasakyan na raw ang mga kapatid ko. Pinakiusapan ako ng director kanina na ituloy pa rin ang performance ko, pero nawalan na talaga ako ng gana.
“Ma’am! Tumawag po ang assistant ni Sir kanina. May disgrasya raw po kaya hindi siya nakarating. At hanggang ngayon daw po ay naroroon pa rin sila!” mabilis na pagbabalita sa amin ni Kuya Bert.
“Ho? Ano’ng klaseng disgrasya? Where’s my phone?” tarantang tanong naman agad ni Mommy. Agad namang iniabot sa kaniya iyon at tinawagan nito agad si Daddy.
Nagkatinginan kami ni Ayanna at parehong napuno ng pag-aalala ang mga mata. Ngayon ko lang din napansing nakahawak pala sa baywang ko ang isang braso ni Kuya Charlie kaya banayad akong kumalas. Hinaplos naman nito ang ulo ko habang masuyong nakatingin sa akin.
“Ano? Nasaan ka na? hindi ba kayo nasaktan?” napalingon kami kay Mommy. Mukhang kausap na nito ngayon ang Daddy ko.
“Lily, may dahilan naman pala ang Daddy mo kaya hindi nakapunta,” bulong sa akin ni Ayanna.
Hindi ako nakasagot. Bigla kong nakalimutan ang sama ng loob ko at ngayon ay agad napalitan ng pag-aalala para sa Daddy ko.
“O sige, Mabuti naman. Sa bahay ka na lang namin hihintayin. You need to explain to your daughter. She stopped playing in the middle because you are absent,” narinig kong sumbat ni Mommmy kay Daddy. Saglit siyang tumahimik at nakikinig sa sagot ni Daddy.
“She doesn’t want to. She’s bawling her eyes out!” sagot ni Mommy. Pero hindi namin alam kung ano ba ang sinasabi ni Daddy sa kaniya.
“I will try to convince her again. Just make sure to be here in not more than thirty minutes!” utos naman ni Mommy kay Daddy. Muli kaming nagkatinginan ni Ayanna.
Humarap na si Mommy sa amin. Umayos naman kami ng tayo at hinintay ang sasabihin niya tungkol sa napag-usapan nila ni Daddy.
“How’s Dad, Mom? Is he injured?” agad kong tanong. Umiling naman si Mommy.
“No, hija. May sumabog daw na sasakyan sa daan kaya na-stranded sila at na-traffic nang husto. But he is on his way now through a helicopter. He is pleading if you can still play. Babawi na lang daw siya sa pagka-late niya,” mahinahong paliwanag ni Mommy.
Napayuko naman ako. Ngayon ay hindi ko na magawang sumama ang loob kay Daddy dahil mabigat naman pala ang rason kaya hindi siya agad nakapunta.
“But, Mom, I already quitted. I threw a fit already earlier and even the director was disappointed. How can I go back there?” nahihiyang tanong ko.
“Gugustuhin nila, iyon, Lily! Ang galing-galing mo kaya kanina. Ikaw na lang ang pang-finale. Kaya mo iyan!” muli ay pagpapalakas ng loob sa akin ni Ayanna.
“I agree, Lily. You should go back there and finish your recital! We all came here for you, and your Dad is coming over, too. You can do it!” sang-ayon naman ni Kuya Charlie.
Isa-isa ko silang tiningnan hanggang sa mapako ang paningin ko kay Mommy. Tumango at ngumiti ito sa akin.
“Make us all proud, baby!” may halong pakiusap na sambit nito.
Humigit ako ng hininga saka dahan-dahan iyong ibinuga. Inulit ko pa bago nag-angat ng paningin at ngumiti.
“Okay! I will do it…” sa wakas ay sagot ko. Bigla ring kumabog ang dibdib ko at lahat sila ay napangiti.
“Sige mauna na kayo roon at sasabihan ko lang ulit ang mga kapatid mo,” utos naman ni Mommy.
Hinawakan ni Ayanna ang kamay ko at hinila na ako pabalik sa backstage ng stadium. Kinakabahan ako kasi baka hindi na ako payagan ng director na mag-perform. Pero susubukan ko na lang din. Wala naman sigurong masama.
“Good decision, Lily! Now get ready! After Fred and Yumi, you will be next!” natutuwang sagot ng director nang sabihin namin ang dahilan ng pagbalik namin. Halos mapatili kami ni Ayanna at nagyakap pa.
“Sige na, babalik na ako sa upuan ko. Galingan mo!” bilin pa ni Ayanna. Tumango naman ako nang sunod-sunod.
“Good luck, Lily! I will always be very, very proud of you!” saad naman ni Kuya Charlie. Bigla na namang pumintig ng mabilis ang puso ko at parang tumahimik ang buong paligid.
Magkahinang ang mga mata namin at tila ba may mga salitang nais niyang sabihin sa akin ngunit ibinubuhos na lamang niya sa mga titig na iyon. Damn! Hindi naman siguro ako nagkakagusto kay Kuya Charlie, hindi ba?
***
Daily na po ang update nito guys... Pasensya na talaga kung tumagal ang pag-update. Nagkasabay-sabay ba naman ang trabaho huhuhu
Pero thank you po palagi sa paghihintay. Mag-update din po ako mamaya kay Ayanna. Ilang chapters na lang iyon at talagang end na.