Chapter 7 Morning Birthday Scene

3207 Words
Lumipas pa ang dalawang taon at ngayon nga ay naghahanda na kami para sa eighteenth birthday ko this week. Isang linggo lang ang pagitan ng birthday namin ni Ayanna at siya naman ang magse-celebrate sa susunod na linggo. “Anong sabi ng Daddy mo?” tanong ni Ayanna sa akin. Napagkasunduan kasi naming dalawa na sa Switzerland na lang din ako magka-college kaysa sa Amerika. Ayaw ko rin talagang malayo pa kay Ayanna, lalo at malaki ang naitutulong niya sa akin lalo na pagdating sa Math. “Of course, pumayag siya! Besides, this week na ang birthday ko kaya hindi niya ako mahihindian,” buong pagmamalaking sagot ko. Napangiti si Ayanna at naupo na sa ibabaw ng kama ko. Naririto kasi kami ngayon sa condominium na iniregalo sa akin nina Mommy at Daddy para sa 18th birthday ko. “Sana nga payagan na rin ako ni Daddy na magkaroon ng sariling condo sa birthday ko. Ang sarap ng ganito, iyong malaya ka at hindi nababantayan ang bawat kilos mo!” nangangarap na pahayag naman ni Ayanna. Hindi ko naman napigilan ang matawa sa sinabi niya. “As if naman malaya talaga tayo. Kita mo naman, oh, dala-dalawa ang bodyguards ko. Buti nga sa iyo, isa lang.” Napalabi ako. Sa totoo lang, minsan hindi ako natutuwang magkaroon ng bodyguards kasi nga lumalayo ang iba sa akin. Para bang natatakot sila sa mga bodyguards lalo na at puro Russian pa naman ang mga ito. “Ewan ko ba sa mga magulang natin bakit kailangan pa natin ng bodyguards, eh, hindi naman na tayo mga batang paslit. Hanggang sa college nga may bodyguards pa rin ako,” nayayamot ding sang-ayon ni Ayanna sa sinabi ko. I rolled my eyes. “Ano pa nga ba? Kasama sa mga kondisyon ni Daddy ang pagkakaroon ko pa rin ng bodyguards kung gusto kong sa ibang bansa mag-aral.” “Ano ba ang plano sa birthday mo? Saan gaganapin?” tanong ni Ayanna sa akin. Napabuntong-hininga ako at ngumiti. “Manila Hotel daw sabi ni Mommy. Ayaw ni Daddy ng masyadong maraming bisita kaya closest friends and relatives lang ang invited. Okay lang din naman sa akin iyon.” Hinaplos ko ang alon-alon na buhok ni Ayanna. Gustong-gusto ko ang buhok nito kaya dati pa nga ay ipinakulot ko na ang kalahati ng mahaba kong buhok. “Lily, may sasabihin ako sa iyo,” maya-maya ay pabulong na sambit ni Ayanna. Tumaas naman ang kilay ko at agad akong na-curious. Mahilig kaming mag-chismisan minsan ni Ayanna lalo na kapag tungkol sa ibang mga pinsan namin o kaya sa mga mean girls sa school. “Di ba nabanggit ko sa iyo dati na may super crush ako mula pa noong elementary tayo? Pakiramdam ko, habang tumatanda ako, hindi na lang crush iyong nararamdaman ko para sa kaniya. Feeling ko nga, eh, in love na yata ako,” nahihiyang pagtatapat ni Ayanna at agad na namula. Nanlaki naman ang mga mata ko at mas ganap na lumapit sa kaniya. “Wow, talaga? Alam mo, ako rin. Kaya lang nahihiya akong sabihin. Saka natatakot din akong malaman ni Daddy. Bawal pa raw kasi akong mag-boyfriend hangga’t hindi pa ako nakaka-graduate ng college,” nakalabing saad ko. Maging si Ayanna ay maluwang ang ngiti at halos mamilipit sa kilig. Habang lumilipas ang mga taon, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para kay Kuya Charlie. May mga pagkakataon pang siya na lamang ang hinahanap ko at gustong makita kapag may mga family events. Idagdag mo pa iyong pagiging masyadong maalaga at sweet niya sa akin. Kaya lang ay kailangan kong itago ang nararamdaman ko para hindi makahalata ang sinuman, lalo na sina Daddy at Mommy. “Actually, kilalang-kilala mo siya. Kasi magkakaibigan ang mga pamilya natin,” pagpapatuloy ni Ayanna. Lumalim ang kunot ng noo ko at bigla akong napaisip. Marami naman talaga kasi sa mga anak ng mga kaibigan ni Daddy ay mga boyfriend material. “Sino nga? Hoy, sabihin mo na! Akala ko ba no secrets tayong dalawa?” kusang lumabas ang hagikgik ko. Marami ang lumiligaw kay Ayanna pero wala talagang nagtatagumpay kahit isa. Iyon naman pala ay may iba na itong napupusuan. Kapag nagtapat na talaga siya ngayon, sasabihin ko na rin sa kaniya ang pagkagusto ko kay Kuya Charlie. I’m sure matutuwa siya kasi idol niya si Kuya Charlie sa maraming bagay. “Basta secret lang nating dalawa, ha? Walang ibang dapat makaalam?” mahigpit na bilin ni Ayanna at itinaas ang pinky finger niya para sa nakasanayan naming pinky promise. Ayanna and I were more like sisters. Our bond is unbreakable, so is our trust to each other. Kaya nga palagay talaga ang loob ko rin na sabihin sa kaniya ang lahat-lahat na hindi ko masabi sa iba – kahit sa mga parents ko pa. “Don’t worry about me. Kilala mo naman ako, ‘di ba? I always keep our secrets and until my grave pa,” pangako ko. Humigit siya ng hininga pero mababakas ang kilig sa mukha niya. Maging ang mga mata niya ay nakangiti. “Si Kuya Charlie!” pabulong na bulalas niya. Napatakip pa siya sa bibig nang sabihin iyon at lalong namula ang mga pisngi niya. Ako naman ay natigilan at biglang napalunok. Bumilis din ang t***k ng puso ko dahil sa pag-atake ng kaba sa dibdib ko. Ngunit nang muling tumingin sa akin si Ayanna ay agad akong ngumiti nang maluwang para itago ang tunay kong nararamdaman. Biglang-bigla ay parang naumid ang dila ko. Hindi ko alam ang gagawin at kung paano ba ako dapat mag-react sa sinabi niya. Bakit kailangang mangyari ang ganito? Bakit kailangang iisang lalaki pa ang magustuhan namin ni Ayanna? “Wow! Ang galing mo namang pumili! Kaso nga lang, playboy si Kuya Charlie. Sa dami ng babae niya, sa palagay mo ba ay mapapansin ka pa niya?” sinubukan kong tanungin. Nakadama ako ng matinding pang-uusig ng konsensiya. Hindi ako sigurado kung gaano kalalim ang nararamdaman ni Ayanna para kay Kuya Charlie, pero nangniningnig ang mga mata niya na nagpapahiwatig ng tunay na kaligayahan. “Those are just his flings. Alam mo ba na lagi niya akong pinupuri kapag nagkikita kami sa mga family gatherings. Kaya palagay ko, he likes me, too. Nagpipigil lang iyon dati kasi nga minor pa ako. Kaya sa birthday ko, siya ang final dance ko. I will make him confess his feelings for me!” pabungisngis na sabi ni Ayanna. Tuluyan na akong nawalan ng sasabihin. Tila ba kalahati ng puso ko ang namatay. May nagsabi dati na first love never works. At totoo iyon sa Daddy ko. si Tita Kristine ang first love niya pero kasal na ito sa iba noon. Pero nakilala niya ang Mommy ko at siyang naging true love niya. Ganoon din ba ang mangyayari sa akin? Will Kuya Charlie be Ayanna’s beau ang not mine? Agad na gumuhit ang hapdi sa puso ko at parang damay pati ang ibang bahagi ng katawan ko. Ngunit hindi ako puwedeng maiyak sa harap ni Ayanna. “O? Bakit natahimik ka? Huwag mong sabihing hindi ka boto sa kaniya? Please, Lily, support mo ako rito! Hayaan mo na maging playboy muna iyang si Kuya Charlie. Sigurado, kapag nasa right age na ako ay magseseryoso na siya,” pansin naman ni Ayanna sa sa akin. Medyo nagulat pa nga ako dahil kasalukuyan akong nasa malalim na pag-iisip. “S-Siyempre, I will support you,” medyo nautal kong sagot at pilit na ngumiti ng matamis. “Kaya lang huwag ka munang masyadong mag-invest ng feelings sa kaniya kasi paano kung ma-disappoint ka? Ayaw kong masaktan ka, Ayanna,” payo ko sa kaniya. Tinawanan lang niya ako. Pero sa puso ko, totoo ang sinabi ko. Di bale na ako na lamang ang masaktan, huwag lang si Ayanna. She deserves to be happy because she is a very nice person. At alam ko, kung siya ang nasa kalagayan ko ngayon, mas pipiliin na lang din niya ang magbigay. “Huwag kang mag-alala, sure na sure akong type din ako no’n. Saka, ‘di ba, medyo close din kayo? Wala ba siyang nababanggit sa iyo tungkol sa akin?” Namilog ang mga mata ko at nataranta. Pilit pa rin akong ngumiti para itago ang pagkagulat sa inamin ng pinsan ko. Sa totoo lang, alam na alam ko ang totoong feelings ni Kuya Charlie para kay Ayanna. He only looked at her as a little sister like me. Ngayon ay natatakot akong malaman ni Ayanna ang totoo at baka labis itong masaktan. That is something I will never want to see. “Lagi niyang sinasabing maganda ka at matalino. Totoo naman iyon, eh,” sagot ko. “Sana nga, maging masaya ka sa kaniya, Ayanna. Alam mo naman kapag happy ka, ako iyong unang matutuwa,” sinserong pahayag ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at sunod-sunod na tumango. “Thank you so much, Lily! Hindi na ako makapaghintay pa na sabihin kay Kuya Charlie ang feelings ko. I will soon be Mrs. Ty gaya ni Tita Kristine. Excited na talaga kao!” Tango at ngiti na lamang ang naitugon ko, pagkatapos ay niyakap na niya ako. hindi maitago ni Ayanna ang matinding sayang nararamdaman niya ngayon. Dumating ang araw ng birthday ko at ang unang tumawag sa akin para batiin ako ay walang iba kung hindi si Charlie. Sa totoo lang, matagal nang Charlie lang ang tawag ko sa kaniya kapag kami na lamang dalawa. Nakasanayan ko na iyon kaya ingat na ingat ako kapag may iba kaming kaharap. Lalo na nga kapag nariyan si Ayanna na puwedeng makarinig. “Happy legal birthday, gorgeous! My gift for you is on the way,” sabi nito agad nang sagutin ko ang tawag niya. “Charlie, puwede ba tayong magkita? May kailangan akong sabihin sa iyong importante,” pakiusap ko naman imbes na tugunin ang pagbati ni Charlie. Kailangan ko na kasing linawin ang lahat sa kaniya para maiwasan na ring masaktan si Ayanna. “Sure! I have something to confess to you, too, my beautiful, Lily. Finally, you’ve already grown into a very fine and enchanting young woman,” papuri pa nito sa akin pagkatapos pumayag. Ngunit binalewala ko na lamang iyon, lalo at laman pa rin ng isip ko ang mga ipinagtapat sa akin ni Ayanna noong isang araw. “Doon na lang sa dating café na pinupuntahan natin. Mga 9:00,” pormal kong tugon. Dati-rati ay parang may ipo-ipo sa loob ng dibdib ko sa tuwing pupurihin ako ni Charlie o kaya ay magiging sweet siya sa akin. Ngayon ay mas gusto ko na lang na huwag bigyang-pansin. “You have no idea how happy I am now, Lily,” makahulugang pahayag ni Charlie. Napalunok naman ako at umiwas ng tingin. Hindi ko kayang tapatan ang mga titig ni Charlie kahit noon pa. Naririto na kami ngayon sa pinag-usapan naming café. Kailangan kong tatagan ang loob ko at ipagtapat sa kaniya ang lahat. “Charlie, hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Kailangan mong malaman na–” “Me too…” putol niya sa akin. Nabigla naman ako at namilog ang mga mata. “I won’t beat around the bush. Although you’re ignoring my hints, I believe you already knew what I really feel for you,” pagpapatuloy pa ni Charlie na lalong nagpagimbal sa akin. Mabilis akong umiling at pigil ang mga luhang tumingin sa mukha niya. Nakangiti at masuyong nakatitig lang din naman siya sa akin. “Hindi puwede, Charlie. Hindi puwede,” nausal ko agad. Awtomatiko namang nagsalubong ang mga kilay ni Charlie at naguguluhang lalong napatitig sa akin. “Why not? You’re legal now. You have no idea how many years I waited for your 18th birthday to come and besides–” “No! Wala akong gusto sa iyo. At kahit kailan hindi kita magugustuhan, Charlie. I only look at you as a friend and an older brother,” salag ko na agad sa sinasabi niya. Lalong napatda si Charlie at mabilis na umiling. “That’s not true! I don’t believe you, Lily. Baka nakakalimutan mo, hindi ka makakapagsinungaling sa akin. I can read you easily, my beautiful Lily. Hindi rin ako papayag na hindi ka maging akin. I know you feel something for me, too! You can never deny that!” dire-diretsong pahayag ni Charlie. Nanikip ang dibdib ko at nagtagis ang mga ngipin. Ngunit kahit anong pigil ang gawin ko ay bigo akong hindi makaalpas ang mga luha ko. Suminghot ako at tumingala para pagbawalan ang mas masaganang luha na dumaloy mula sa mga mata ko. “Hindi puwede, Charlie. Hindi puwede…” patuloy ko namang sambit. Sumidhi ang pagtataka sa mukha niya at tila nalilito siya kung ano ang pumipigil sa akin para tugunin din ang nararamdaman niya para sa akin. “Ayanna likes you. No. It is more than liking. I think she’s in love with you. At hindi ako papayag na ako ang magiging dahilan para masaktan siya. Ibaling mo na lang sa kaniya ang pagtingin mo. Tutal maganda rin siya at matalino. Isa pa–” “No! How dare you na ipamigay ako?! Feelings are not something you can force. It’s a natural thing felt by heart!” katuwiran naman ni Charlie. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko na nasa ibabaw ng mesa. Malamig ang mga iyon at ramdam ko ang paghigpit ng pagkakahawak niya. “Pero ayaw kong masaktan si Ayanna. Kailan lang niya ipinagtapat sa akin na ikaw ang gusto niya mula pa noong mga bata kami. Please, Charlie. Kung hindi mo maibibigay ang gusto niya huwag mo na ring ituloy kung ano man iyang sinasabi mong nararamdaman mo para sa akin. Hinding-hindi ako magiging dahilan para masaktan si Ayanna.” Matatag na desisyon ko at binawi ang mga kamay ko na hawak ni Charlie. Tumiim naman ang mga bagang niya at marahas na nagbuga ng hangin. “That is a ridiculous thing to even mention, Lily! If Ayanna really likes me, then she can understand that feeling very well. Kaya dapat ay alam din niyang tumanggap na ikaw ang gusto ko at alam kong gusto mo rin ako Lily. I will never give up on you! You’re mine!” deklara niya. Napasinghap naman ako at napailing. “Hindi ko matatanggap, Charlie. Ayanna is a sister I never had. At hindi ko siya sasaktan!” Tumayo na ako at tumalikod para umalis. Ngunit mabilis ding nakatayo si Charlie para pigilan ang braso ko. May pagmamakaawa ko siyang tiningnan. “I can’t. Please, Charlie…” Halos magmakaawa na ako. Lumamlam naman ang mga mata niya at patuloy na umiiling. “I won’t let you go, Lily. Never!” Nagulantang ako nang bigla niya akong hilahin at pasakayin sa sasakyan niya. Ibinigay ni Charlie ang susi ko sa driver at inutusan itong iuwi na ang sasakyang dala ko dahil siya na raw ang maghahatid sa akin. “Saan tayo pupunta?” kinakabahang tanong ko nang mabilis na patakbuhin na ni Charlie ang sasakyan niya. Hindi niya pinansin ang tanong ko at nakatutok lang sa daan ang mga mata niya. Muli akong napasinghap nang huminto kami sa isang bakanteng lugar na walang kabahayan o sasakyan man lang na dumaraan. Bumilis ang t***k ng puso ko dahil kitang-kita ko ang galit sa mukha ni Charlie. “There’s no escaping from me, my beautiful Lily,” saad ni Charlie at mabilis na kinalas ang seat belt niya. Bago ko pa mamalayan ang sumunod na kaganapan ay pinaupo na niya ako sa kandungan niya at nakalapat na ang mga labi nito sa mga labi ko. Namilog ang mga mata ko. This is my first kiss – ever! At nagugulo ang utak ko kung ano ang gagawin at kung ano ang nararamdaman ngayon. Napatingin ako sa napakaguwapong mukha ni Charlie. Nakapikit ito. Hindi naman gumagalaw ang mga labi niya at nakalapat lang sa mga labi ko ngunit talagang hindi mapigil sa pagwawala ang puso ko. Marahil ay wala siyang nakuhang pagtanggo sa akin kaya bigla na lang gumalaw ang mga labi niyang nakalapat sa mga labi ko. “Lily…” usal niya kaya para akong inaantok na kusang napapikit. Unti-unting lumalalim at dumidiin ang hagod ng mga labi niya. May kung anong init ang hindi ko mapigilang lumulukob sa p********e ko. “Kiss me back, baby… please…” masuyong pagsusumamo ni Charlie. Mahinang suminghap ako ngunit sinubukan kong gayahin ang ginagawa ng mga labi nito. “C-Charlie…” kinakabahang pigil ko sa malalim at ngayon ay agresibong paghalik ni Charlie sa akin dahil naramdaman ko ang matigas na bukol nito na ngayon ay nakasentro sa p********e ko. At sa paghigpit ng yakap niya sa baywang ko ay nakikiliti ako roon at may mainit na likidong bumabasa na ngayon sa panty ko. “Oh!” napatingala ako at nakangangang umungol. Mas hinapit niya ako palapit sa kaniya saka niya iginalaw ang balakang ko. Dahil doon ay sumidhi ang kiliti sa pagitan ng mga hita ko. Humigpit din ang kapit ko sa mga balikat niya. “Damn! I’m going crazy with you, Lily. You taste so good like a drug or something,” usal ni Charlie at ngayon ay ang leeg ko naman ang napagtuunan niya ng pansin. Ang isang kamay niya ay nasa batok ko at maging ang galaw ng ulo ko ay kontrolado niya. Bumagal ang paghinga ko. Damang-dama ko ang lalong pagkabasa ng pagitan ng mga hita ko dahil sinasadya ni Charlie na madikit sa akin ang bukol niya. Ngunit mas nagimbal ako nang hindi ko namalayang naalis na ni Charlie ang butones sa harap ng dress ko at mabilis lang din nitong nakalas ang bra ko. “Charlie, no! Natatakot ako. Papatayin ka ng Daddy ko,” pigil ko sa kamay nito. Mahinang tumawa lang naman siya at tila walang takot na nararamdaman. “Don’t worry, Lily. We will not do that – yet. Just a taste of you please…” banayad na ibinaba ni Charlie ang malambot na kamay kong pumipigil sa kaniya at tuluyan nang inalis ang tumatakip sa mga dibdib ko. Namula ako at biglang nahiya. Nakalatag na kasi sa paningin niya ang hubad kong harapan ngayon. Lalong umigting ang panga ni Charlie at mas nanigas ang alaga niya na nakadaiti sa p********e ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko sa tuwing gagalaw siya dahil para niya akong binabaliw sa ginagawa niya. Maingat niyang hinaplos ang mga dibdib ko kaya muli na naman akong napaungol. Nakatingala pa rin ako ngayon at mariing magkadikit ang mga labi. Lalong namasa ang p********e ko at ibayong kiliti ang bumabalot sa buong pagkatao ko. “Ahh… goodness!” malakas kong singhap nang parang kendi na isubo ni Charlie ang isang u***g ko at maingat na sipsipin iyon. Ginawa niya iyon pareho sa magkabilang dibdib ko habang patuloy na iginagalaw ang balakang niya upang lalong maikiskis ang katigasan niya sa akin. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na pangyayari. Basta ang huling natatandaan ko ay may kung anong sumabog sa puson ko nang dumiin ang pagsipsip ni Charlie sa dibdib ko. Inantok ako at pagkatapos ay nagdilim na ang lahat sa akin. *** Mamayang gabi po ako mag-update sa Hot Broken Heiress... Malapit-lapit na talagang harapin ni Charlie ang galit ni Stan... Hay naku, pasaway talaga itong anak ni Charles haha
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD