"I am going to forgive you for what you did, but it will be the last, Lily. Bakit ba ang hirap-hirap mong maintindihan ang nais ko?" Nilingon ko si Daddy. Sa pagkakataong ito ay hindi ko itinago ang mga pagluha ko. Labis-labis akong nasasaktan, hindi dahil napilitan akong saktan si Charlie nang gano'n. Sobra akong nasasaktan kasi alam kong nasira ko ang pangako ko kay Daddy. Totoong nadala ako ng pagmamahal ko kay Charlie, at alam ko ring mahal niya ako. Pero 18 pa lang ako at ngayon ay buntis. Parang wala rin akong ipinagkaiba sa mga kabataang maagang nabubuntis dahil lang sa ideya ng love. "I am really sorry, Daddy. Believe it or not, I do understand you. Ako lang po talaga ang matigas ang ulo at hindi iniisip ang pag-aalaga at pagpoprotektang ginagawa mo sa akin," sambit ko. Lumamb

