Chapter 32 It’s Over

2246 Words

“A-anong ginagawa mo?” Napaigtad ako pero mabuti na lang at naisara ko na agad nang maayos iyong water container. “Mom, ano po bang iniisip ninyo? Umihi lang po ako!” pagdadahilan ko. Dinakot ko ang gilid ng skirt na suot ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at hindi ako makatingin ng diretso sa Mommy ko. “Mag-usap tayo dito sa labas,” sagot niya at iginala pa ang mga mata sa loob ng banyo. Noong masigurong wala namang kakaiba ay nauna na siyang lumabas. Doon lang ako nakahinga nang maluwag at agad na rin akong sumunod sa kaniya. Nakakailang hakbang pa lang siya paglabas ng banyo ay humarap na siya sa akin. At napasinghap ako nang makitang puno ng luha ang mga mata niya. May pagmamadaling lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang isang kamay niya. “Mommy, sorry na po. Alam ko pong pinag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD