Ngunit ang pangako kong hindi ko sasaktan si Ayanna ay hindi ko natupad. Dahil sa mismong birthday niya ay nalaman niya ang totoo. Ang masayang party ay naging isang bangungot para sa kaniya at wala akong ibang masisi kung hindi ang sarili ko. “Ayanna!” tawag ko sa kaniya nang halos maabutan ko na itong papasok sa mansion nila. Huminto naman siya sa pagtakbo nang mabosesan ako. She turned around to face me. I almost lost my footing when I saw her grief-stricken face wet with so much tears. My heart clenched in pain like I was stabbed many times. “Lily, he doesn’t like me. He said he’s in love with someone else! Sino ang babaeng iyon? Mas maganda ba siya sa akin? Mas matalino ba at mas mayaman? Ano’ng meron siya na wala ako at mas pinili siya ni Charlie?” nagdadalamhating mga tanong ni

