Winter Pov.
(His Scent)
Nakatulala lang ako sa mga papel na nasa aking mesa. Nangalahati na ang aking ginagawa ngunit Hindi pa rin nawawala sa isip ko ang pinag-usapan namin ni lola.
Medyo gumaan ang pakiramdam ko ngunit hindi ko maisip kung ano ngayon ang nararamdaman ni Lola.
Alam kong maraming gumugulo sa isip nito simula ng ipagtapat ko sa kanya ang katotohanan. Ito rin naman ang s'yang gusto ko, Ang masabi lahat kay lola upang wala na akong itago sa kanya kahit ano. Ayoko sa lahat ay ang nagsisinungaling kay lola. Importante s'ya sa akin kaya't nararapat lamang na malaman niya ang totoo kung anong nangyayari sa amin ni ashong.
Napabuntong hininga ako. Yumuko ako sa aking mesa dahil sumasakit ang sintido ko. Wala pa man ilang minutong nakayuko ako ng mag vibrate ang cellphone kong nasa mesa.
Kinuha ko iyon habang nakayuko ako. Matamlay kong sinilip ang caller na nagbigay sigla sa mukha ko. Awtomatiko akong napaayos ng upo habang nakatingin sa pangalan ni ashong na nagtataas baba sa aking screen. Ilang segundo din ng mamatay iyon dahil natulala ako sa pangalan n'ya. Hindi ko man lang nakuhang sagutin dahil pinakikiramdaman ko pa ang t***k ng puso ko.
Siguradong nagsasalubong na naman ang magagandang kilay ng lalakeng iyon.
Muli ay nagvibrate ang aking cellphone. Hindi ko na iyon pinatagal pa, sinagot ko na ang tawag habang patungo ako sa aking kama.
Hindi ko alam kung bakit may tumutusok sa aking tiyan, hindi naman ako gutom. Kinain ko pa ang mga pagkaing ibinili sa akin ni ashong. Pero bakit ganon pa rin?
Dinig ko ang pagbuntong hininga n'ya sa kabilang linya. Nakasandal na ako sa headboard habang hinihintay siyang magsalita.
"What are you doing?" Hindi ko alam kung bakit nag iiba para sa akin ang tinig ni ashong. Oh baka sadyang naiiba lang talaga ang boses n'ya sa kabilang linya?
Muli ay bumuntong hininga ito ng hindi ako sumagot. "Natutulog ka na ba?" He asked me. Malambing ang boses niya na lalong nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa sistema ko.
"H-hindi pa." Napapikit ako dahil sa pagkaka-utal ko. kinagat ko pa ang aking labing habang hinihintay ang sasabihin n'ya.
"Can you go outside?" Napamulagat ako sa tanong nito.
"Huh?"
"Labas ka."
Napalunok ako. Tuluyan ng nagrambolan ang samut saring reaksyon sa aking puso. Hindi ko iyon lahat mapangalanan dahil may kilig, kaba at sabik itong nararamdaman. Para akong maiihi na hindi ko malaman, tumayo ako. Ilang segundo akong palakad lakad sa kwarto habang nasa tenga ko pa rin ang aking cellphone. Nang silipin ko iyon ay wala na ang katawagan ko. Nalukot ang mukha ko, pinatayan niya ako ng linya? Nainis ba ito dahil hindi ako sumasagot?
Hinawakan ko ang doorknob at pinihit iyon pabukas, nakapatay na ang ilaw sa sala at tahimik na sa paligid, hindi ako sigurado kung Bakit kailangan kong lumabas.
Ngunit naroon ba si ashong?
Masyado ng gabi at bakit bibisita s'ya dito ng ganitong oras?
Marahan ang aking paglalakad maging ng buksan ko ang front door. Sumalubong ang malamig na hangin sa akin bago ko ipunin ang buhok ko sa gilid.
Isinara ko ang pintuan at agarang tumungo sa labas ng aming bakuran. Natanawan ko si ashong na nakasandal sa kanyang kotse doon mismo sa tapat ng paupahan.
Hinahampas n'ya ang kanyang braso dahil para siyang dinudumog ng lamok. Napailing ako, bakit hindi s'ya naghintay doon mismo sa loob ng kanyang kotse? Gusto niya bang ubusin s'ya ng mga lamok?
Gumawi ang ulo n'ya papunta sa akin na maramdaman niya ang aking presensya.
Naging tuwid ang kanyang pagtayo habang nakatingin sa akin.
"Anong ginagawa mo dito?" Pinilit kong maging kaswal ngunit hindi na umuubra ang pagmamatigas ng loob ko. Hinihigop ako ng mga titig ni ashong, hindi ko alam kung bakit ibang iba siya ngayon sa paningin ko. Ako lang yata ang nagkakaganito dahil sa ayos n'ya. Pero, Isang simpleng jeans at t-shirt lamang ang kanyang suot, anong nangyayari sakin?
"Namiss lang kita." Para akong kandila na biglang inihipan at nawala sa tamang pagiisip dahil sa sinabi n'ya. Kumurap ako bago mag-iwas ng tingin.
"Nagkita pa lang tayo kanina."
"Yeah." Bumuntong hininga ito. Muli akong sumulyap sa kanya at doon nadatnan ko pa rin itong nakatingin sa akin. Ngunit may nababasa ako sa kanyang mata. Iba ang kislap nito at mukhang malungkot ang kanyang mga mata. Hindi ko maiwasang mag-usisa dahil hindi ako sanay sa ganiton emosyon ni ashong.
"May problema ba?"
Tipid s'yang ngumiti. "It seems you read my mind."
"Anong nangyari?" Muling tanong ko na hindi pinansin ang sinabi n'ya.
He just let out a heavy sighed before turn down his gazed.
"Sa bahay lang." Sagot nito, tipid na tipid na may halong mabibigat na paghinga.
"Nagtalo na naman ba kayo ng mommy mo?"
Umiling ito bago tumingin sa akin. "Si daddy, he wants me to do the other paper works. Pero umayaw ako, ayun at nag away na naman kami."
Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi n'ya. Tiyak na pinairal na naman nito ang init ng ulo niya.
"Bakit tinanggihan mo?"
"Pagod lang ako, ang dami kong tinapos. And besides, I want to see you. Hindi kita makikita sa oras na magfocus ako sa binibigay n'yang trabaho."
"But you need to do that, ashong. Hindi mo dapat ako ginagawang rason para lamang madismaya ang ama mo."
"Galit ka ba? I'm sorry, Ikaw kasi ang priority ko." naisara ko ang bibig dahil sa sinabi niya. Nagustuhan iyon ng pandinig ko ngunit hindi iyon dapat sumobra. Kailangan n'yang ilugar kung anong nararamdaman n'ya para sakin.
"Hindi pwedeng ganon, ashong. Importante ang negosyo n'yo. Walang gagawa nito o hahawak kung hindi ikaw dahil nag-iisang anak ka lang." napabuntong hininga s'ya.
"I know."
"Kung ganon, bakit ka pa nakipagtalo sa daddy mo?"
"I thought your going to be happy when you see me. Pero, mukhang hindi ka natutuwa."
Sumama ang tingin ko dahil sa sinabi niya. "Hindi sa ganon, ashong. Why don't you think first the most important in life?"
"Ikaw ang importante sa buhay ko."
Napalunok akong muli dahil sa sagot n'ya. Kahit anong klaseng pagpapaliwanag yata ang gawin ko ay hindi s'ya tatablan.
"Importante ako sa'yo?" tumango sya, walang pag-aalinlangan sa sobrang bilis. "Kung ganon, sundin mo ako."
"Sinusunod ko naman lahat ng gusto mo, winter. I already learn the basic part of arts. Kahit hindi mo ako tinuturuan, nagfofocus din ako sa pag-aaral dahil bussiness din naman ang babagsakan ko. Pagod lang talaga ako ngayon dahil sa dami ng tinapos ko, but they're just keeping shouting like i'm not doing well. Mali ba ang mag-aral muna?"
Wala akong naisagot sa sinabi n'ya. Naalala ko pa ang sinabi niya kanina na marami siyang assignment na gagawin. Idagdag mo pa na naghahanda ito sa kanilang thesis.
"Nag-aaral ako, tinutulungan ko naman sila. Ayoko lang mawalan ng oras sa'yo."
"I'm okay, ashong..Hindi mo ako kailangan intindihin, mag-aral ka lang."
Napabuntong hininga s'ya. Nag-iwas ito ng tingin na pinaresan ng pagkakakunot ng noo. Siguradong hindi n'ya nagustuhan ang sinabi ko.
"Kung sasagutin mo lang sana ako, edi makakampante na ako. Baka, maagaw ka kasi ng iba.. Maging kriminal pa ako." umirap pa siya. Natawa lang ako dahil sa pinagsasabi n'ya.
"Malabong magkagusto ako sa iba, ashong. Huwag mo ng isipin pa iyon."
"Paanong malabo? Baka may manligaw na ibang lalake sa'yo sa oras na magfocus ako sa pag-aaral, ayoko 'non."
Napailing ako. "Wala pa naman akong nakilalang katulad mo, kaya malabong magkagusto ako sa iba." nakatitig s'ya ngayon sakin na para bang tinatansya pa ang aking sinabi. Iniintindi n'ya ng mabuti hangga sa mag-iwas siya ng tingin.
"You really want me to die huh, do you?"
"Ano?" nagsalubong ang kilay ko.
"Huwag mo akong masyadong pakiligin, winter. Baka hindi makayanan ng puso ko."
"Hindi kita pinakikilig."
"Iyon na 'yon. Nandoon ka na sa mismong part na nagiging malambing ka na sa akin pag nag-aalala ka."
"Dahil iyon ang iniisip mo." natawa s'ya. Napailing bago ako titigan.
"Ginagawa mo kasi, winter. Bakit hindi mo na lang ako sagutin?"
"Masyado pang maaga." nangiwi siya sa sagot ko.
"Wala naman sa maaga o huli ang pagsagot sa manliligaw, ang importante. Mahal natin ang isa't isa.."
"Hindi ka ba makapaghintay? Naiinip ka?"
"Ofcourse not, kahit bukas mo na lang ako sagutin mahahalikan pa rin naman kita."
Hiniklat niya ang pulsuhan ko upang mapalapit rito. Hindi ako nakapaghanda kaya nabunggo ako sa dibdib nito, he just laugh like enjoying the moment when i bumped his chest. Pero kakaiba ang gamit n'yang pabango, sobrang matapang ngunit hindi ganoon kasakit sa ilong.
"Mabango?" humalakhak s'ya dahil napansin nitong napapikit ako sa amoy ng tshirt niya. Hinampas ko ang kanyang dibdib but he just hold my hand to stop me. "Gusto mo? Sa'yo na."
"Hindi ako gumagamit ng panlalake."
"No, I mean. Yung damit ko, para ibalot mo sa unan mo."
Hinampas ko siyang muli ngunit tawa lang ang naging sukli ng ginawa ko. Sinamaan ko pa ito ng tingin ngunit hinahapit lalo niya ang bewang ko upang mapalapit ng todo sa katawan n'ya.
"Your too small, walang makakakita kung i-uuwi kita." he whispered. trying to teased me but i give him a hard punch. "Sh*t. Bakit amazona ang asawa ko?"
"A-ano?"
"Kung hindi hampas, suntok. Pwedeng kiss naman?"
"Umuwi ka na." i step back. Tuluyan ng dumistansya dahil nararamdaman ko ang bagay na nasa pantalon n'ya. I closed my eyes, I'm expecting to forget that but it's still showing on my mind. Bakit ganon 'yon?
"Uuwi lang ako pag may goodbye kiss ako."
"Baka may makakita, ashong."
"Kung wala ba, hahalikan mo ako?"
"Hindi rin." sumimangot ang gwapo niyang mukha dahil sa sinabi ko.
"Ang kuripot mo, pag naging tayo. Hindi lang kiss ang aabutin mo."
"A-anong sabi mo?"
He look at me half smiling. Trying to look innocent but still naughty.
"May sinabi ba ako?"
"Hindi pa malabo ang pandinig ko, ashong."
He nodded. "Magkita tayo bukas, wala ka naman lakad."
"Hindi ako pwede."
"Bakit laging hindi?"
"Sa sunday na lang, marami akong gagawin. Hindi ko pa natapos yung mga test paper kanina."
Napabuntong hininga s'ya. Hindi na nagsalita kundi nakatitig lang sa akin.
"Mas mabuting maglaan ka ng oras sa negosyo n'yo. O kaya, doon sa kumpanya n'yo para makabawi ka sa daddy mo."
"Fine." he sighed. Almost defeating before grab my hand again. "Kiss mo na ako, uuwi na'ko."
"Ang pagkaka-alam ko, hindi pa tayo."
"Nagkiss naman tayo noon kahit hindi tayo."
Niyapos n'ya ako ng tuluyan at sumubsob sa leeg ko. Halos mapasinghap ako dahil sa ginawa n'ya. This is the first time who give me a sharp feeling, dumapo lang ang hininga n'ya doon ay para akong kakapusin ng hininga.
"Nahihiya ka ba? Gusto mo ako na lang."
"Hindi ka ba makakauwi kung wala 'non?"
"Pamasahe ko iyon." he giggled like a child. Hindi pa rin dumidistansya at halos isubsob pa ang mukha sa akin.
"M-may kotse ka, ashong." nauutal na ako dahil humigpit lalo ang yakap n'ya.
"Edi gas na lang." humirit ito, inamoy n'ya ang aking leeg na naging sanhi upang maitulak ko siya. He bite the lower part of his lips. Mapungay ang mata niya bago mag-iwas ng tingin. "D*mn. Ang bango mo."
"Umuwi ka na o tatadyakan kita?!"
"Tsk. Sadista." napailing s'ya. Matalim lang ang aking titig ngunit walang ubra sa ngisi niya. Yumuko ito sa akin at hindi ko inakalang makakakuha siya ng mabilisang halik sa labi ko.
He give me a handsome smirk before open his car. "Makakatulog ako ng hindi sawi."
Tuluyan na siyang pumasok sa kotse. Nakatulala lang ako habang binubuhay n'ya ang makina. Bago ito umalis ay dumuwang pa muna s'ya sa bintana.
"Did you know how hot my feelings now?"
"Pinagsasabi mo?"
Umiling siya. Nakangiti na parang natutuwa talaga dahil sa sinagot ko.
"Hangga ngayon naamoy pa rin kita, baka hindi lang lalo ako makatulog."
"Kasalanan ko pa?"
"Yes. Kung gusto mo akong makatulog, ibigay mo yang damit na suot mo sakin.."
Napakurap ako..
Seryoso s'ya o niloloko niya ako?
"Hindi ito fit sa'yo. May maluwang na damit ako 'don."
"Sh*t." natawa s'ya. "Hindi 'yon."
"Pinagloloko mo ba ako?"
"Maybe next time? Ipaiintindi ko sa'yo. But for now, goodnight. Pumasok ka na."
Naguguluhan lang ako lalo sa sinabi niya. Tuluyan na nitong pinaandar ang kotse habang tulala lang ako sa dinaanan n'ya.
Bago ako pumasok ay natanggap ko pa ang huli niyang mensahe.
"Ibigay mo yang damit mo sakin bukas, ipapalit ko lang doon sa punda ng unan ko."
*********
to be continued....