Winter Pov.
(First Date)
Araw ng linggo.
Nakapag-simba kami ni lola ngayong umaga matapos naming mag-almusal. Sinamahan ko siyang mamili ng mga pagkain maging ng ilang tela na gagawin niyang punda. Madalas kasi itong manahi, iyon na ang ginagawang libangan ni lola simula ng mapag-isa ito sa bahay.
Nais ko ngang alukin si lola na tumungo na lamang ng probinsya at huwag na akong hintayin pang makapagtapos.
Ngunit hinihintay niya pa ang anibersaryo ng kamatayan ni lola.
"Gusto mo ba ito apo?" tinitigan ko ang hawak na blouse ni lola. Maayos naman at simple lang, kaso hindi ko gusto ang tela niya. May lace ito sa ilalim at iyon din ang hindi ko gusto.
"Huwag na po kayong mag-abala, la. Marami po akong damit sa bahay."
Binaba niya ang hawak na blouse. Bumuntong hininga siya bago nito ibalik iyon sa pagkaka-hanger.
"Ayaw mo ba ng bagong damit?"
"Hindi na po, la. Ayos lang."
"Halos pinaglumaan na iyong mga damit mo, malapit ka ng mag-graduate at hangga ngayon ay sinusuot mo pa rin iyon." bahagyang humaba ang nguso ko sa sinabi ni lola, hindi naman kasi ako mahilig bumili ng damit. Ayos lang sa akin ang mga damit na siyang ginagamit kong pang-araw araw.
"Pag may sarili na akong trabaho, la. Gamitin niyo na lang ang perang ipagbibili niyo diyan."
"Iyon ba ang iniisip mo? Kung ganon, kukunin ko na 'to."
Muling kinuha ni lola ang blouse, tinanggal na niya iyon sa pagkakahanger at agarang isinabit sa kanyang braso. Wala na lang akong nagawa, alam kong sasakit lang ang loob ni lola sa oras na tumanggi pa ako.
Bumili din si lola ng ilang bistida niya pambahay, binili niya ako ng pabango na hindi ko naman din inayawan. Si lola lahat ang nagbayad at ako ang nagdala matapos namin umalis sa pila.
Nasa labas na kami ng malaking marketing kung saan naghihintay kami ng jeep na masasakyan, walang gaanong dumadaan na taxi o tricycle dito dahil karamihan ay jeep lang na puno ng mga pasahero.
Hindi pa naman gaanong kainitan, alas nuebe pa lang siguro ng umaga dahil medyo malamig pa ang sinag ng araw.
Tumabi kami sa gilid ng may pumaradang kotse doon. Huminto siya malapit sa amin bago bumukas ang pintuan nito.
Hindi ko naman inaasahang si ashong ang lalabas doon. Iba na naman kasi ang gamit n'yang kotse, hindi ito nakabihis pang-alis kundi isa lang jogger pants at jacket na may hood.
Lumapit siya sa amin at madaling nagmano kay lola. Ngumiti ito sa akin bago mapansin ang mga dala ko.
"Naghihintay ba kayo ng masasakyan? Ihahatid ko na kayo." Aniya bago sapilitang kunin ang mga dala kong plastic bag. Hindi na ako umangal pa ng kunin niya iyon. Hindi rin naman nakasagot si lola dahil ipinasok na niya iyon sa likuran ng kotse.
"Mabuti na lang at napadaan ka." ani lola ng tumungo kami sa backseat. Ngumiti si ashong bago sumagot.
"Bumili lang po ako dito malapit sa bookstore, nagtingin din ako ng bagong laptop."
"Wala ka na bang pupuntahan?" umiling si ashong sa tanong ni lola.
"Pupunta ho sana ako sa inyo, pero nakita ko na kayo dito.."
Tumama ang tingin niya sakin habang nakayuko sa pintuan, iniwas ko lamang ang tingin. May sinabi pa si lola rito ngunit hindi ko na siya muling tiningnan pa. Umikot rin ito upang tumungo sa driverseat, binuhay niya ang makina at banayad na nagmaneho.
Kaswal lamang ang takbo ng kotse hangga sa makauwi kami, siya muli ang nagdala ng mga pinamili namin. May mga paperbag din sa passengerseat na nakita kong kinuha niya. May iba pa siyang dala na hindi ko alam kung ano iyon.
Naunang tumungo si lola sa pintuan upang buksan iyon, mabilis na pumasok si ashong dala ang mga pinamili namin at ang gamit na dala niya.
Hindi na ako nagbihis dahil dumiretso na ako sa kusina upang maghanda ng maiinom. Nagtimpla ako ng juice at naglabas ng babasaging baso.
Inilapag ko iyon sa gitnang mesa sa sala kung saan nakaupo si ashong habang pinapanuod ang kilos ko. Nasa mahabang mesa si lola habang binubuksan ang mga pinamili namin, agad niyang inilabas ang mga tela na gagawin niya malamang buong maghapon.
"Maiwan ko na muna kayong dalawa riyan." aniyang paalam ni lola habang dala ang maraming tela na nabili namin doon sa bangketa. Tuwing linggo kasi ay maraming paninda doon na galing pa sa ibang lugar, malapit lang sa simbahan maging doon sa market na pinuntahan namin.
Napasulyap ako kay ashong ng tumikhim ito. Hawak na niya ang paperbag na nakita ko kanina sa passengerseat kung saan inaabot niya iyon sa akin.
"Anong gagawin ko diyan?" ngumiti lang ito na tila hindi pinansin ang tanong ko.
"Para sa'yo." itinaas niya iyon habang nakaupo sa single sofa. Nakatayo ako malapit sa kanya habang nakatingin lang sa hawak nitong paperbag. "Ayokong bigyan ka ng bulaklak, paborito mo ang tulips gaya ni trixie. Madalas kang bigyan ni calix ng ganon kaya mas minabuti kong ibahin ang akin."
Naisara ko ang bibig dahil sa sinabi niya. Kailan niya pa nalaman ang totoong tulips?
"Nagtataka ka ba? I tried to search what is the real tulips, nagtataka din ako kung bakit ganun ang madalas na ibigay sa'yo ni calix. Yun pala, tulips na 'yon?"
Hindi ako sumagot. Naalala ko pa ang nangyari noon sa flower shop ng nagpasama siya sa akin. Hindi totoong tulips ang sinabi ko ngunit halatang hindi na niya iyon babanggitin pa.
"Mas hilig mo naman ang magbasa hindi ba? So, I decide to buy you some new books."
Sinilip ko ang laman ng paperbag at doon nakitang mga libro nga ito. Limang piraso iyon na hindi ko alam kung ano ang nilalaman. Pero mas natutuwa ako dito sa binigay niya, hilig ko naman din ang bulaklak kaso libangan ko na rin ang pagbabasa sa tuwing wala akong ginagawa.
"Nagustuhan mo ba?" Muli ay sinara ko ang paperbag. Inilapag ko iyon sa gilid ng sofa bago tumango.
"Oo, salamat."
"Ilang libro ba ang gusto mo para sagutin mo ako?" natawa ako bago mag-iwas ng tingin, heto na naman ang makulit na ashong.
"Bakit ba gustong gusto mong sagutin na kita?"
"Dahil gusto na kitang maging akin, winter. Hindi mo na dapat itinatanong iyon."
Napailing ako. "Hindi pa kita pwedeng sagutin, gusto kong maging maayos kay lola ang lahat. Hindi ko pa nasabi kay mama ang tungkol sa paghihiwalay namin ni calix."
Bumuntong hininga si ashong. Dalawang beses s'yang tumango bago muling magsalita.
"Sasabihin ko kay lola perla." aniya. Nakantingin sa akin.
"Nasabi ko na ang tungkol doon, hindi ko lang masabi kung ayos lang ba sa kanya. Iniisip ko rin ang mama mo."
"Bakit kailangan mong alalahanin si mommy kung tayo naman dalawa?"
I sighed before looked away. "Ayoko lang na may iniisip pag naging tayo."
"Kasama iyon sa relasyon, winter. Hindi mawawala ang pag-iisip, pero kung mahal naman natin ang isa't isa hindi mo na dapat isipin pa ang pwedeng mangyari."
"Paano kung may humadlang?" matagal bago ang naging pagsagot ni ashong.
Nakatitig ako rito ngayon, nilalabanan ko ang mga mata niyang nakatingin sa akin bago ito sumagot.
"Kaya naman kitang ipaglaban sa magulang ko kung sila ang iniisip mong hahadlang sa relasyon natin, maiintindihan nila iyon."
"Paano kung hindi mangyari ang bagay na magiging maayos sa kanila ang relasyon natin?"
Napapikit siya sa isang katanungan ko. Hinagod niya ang kanyang buhok bago muling tumingala sa akin.
"Pwede bang tigilan mo na ang lahat ng what if mo? Hindi pa natin sinusubukan, at kahit anong hadlang iyang iniisip mo kaya kong kalabanin iyon. Basta't mahal mo lang ako, iyon na 'yon."
Naiwan akong walang imik sa sinabi n'ya. May punto naman siya. Ang inaalala ko lang ay ang mga taong nakapalibot sa amin, lalo na ang mama niya. Alam kong hindi niya ako gusto, siguradong magagalit ito sa oras na malaman niyang magkakaroon kami ng relasyon ni ashong.
"Huwag mo ng isipin iyon, winter. Hindi ba't gusto mo naman ako? Magiging maayos din ang lahat, sa ngayon. Ilalabas muna kita."
Muli ay sinulyapan ko siya ng tingin, nakangiti na siyang muli. Gwapong gwapo sa ngiti niya na kahit sino nga namang babae ay matitipuhan ito. Hindi ko lang talaga alam kung anong nagustuhan niya sa akin, hindi naman ako katulad ni trixie. Hindi ako gayang manamit ng ibang babae dahil napaka-simple ko lang talaga. Marami pa akong naiisip ngunit hindi ko na iyon inabala pang ibahagi sa kanya.
"Ngayon na ba tayo lalabas?" tanong ko, lalong lumapad ang ngiti niya sa hindi ko malaman na dahilan.
"Payag ka?"
"Hindi ba't may usapan naman tayo ngayong linggo, nakapag-paalam na ako kay lola kaninang umaga."
Kinagat niya ang labi, tumango siya bago tumayo upang hilain pababa ang suot niyang jacket.
"Ang saya ko naman dahil makakasama kita."
Nangisi lang akong nailing sa sinabi niya. "Hindi pa kita sinasagot niyan, huh?"
"Oo nga, paano pa kaya kung sagutin mo ako? Sh*t. Baka mahimatay ako."
Hindi talaga ako makapaniwala sa sinabi niya. Dinaig pa nito ang babae, ang pagkaka-alam ko ay simple lamang kiligin ang mga lalake at hindi gaanong nagpapakita ng reaksyon sa tuwing umaapaw ang kanilang saya. Ngunit ang lalakeng ito, naiiba talaga siya.
"Saan mo nga ba ako dadalhin?" muli ay iyon ang isiningit ko. Hindi nawawala ang paningin niya sakin at wala na yatang sawang tumitig sa akin ano mang oras.
"Marami tayong pupuntahan, I consider this as our first date."
Bahagya akong natawa. Nailing ako ngunit hindi na rin nakasagot ng marinig namin ang yapak ni lola. Palapit na ito sa amin, nakapagbihis na ito ng isang pambahay bago tuluyang tumungo sa pwesto ko.
"Aalis ba kayo ngayon?" maayos lamang ang pagkakatanong ni lola. Hindi halatang tutol sa plano namin at wala akong nakikitang negatibo sa kanyang reaksyon.
Si ashong na ang sumagot.
"Opo, ipagpapaalam ko ulit si winter."
Nabaling ang atensyon ni lola kay ashong. Naupo ito sa mahabang sofa na hindi inaalis ang paningin sa lalakeng nakatayo pa rin.
"Maitanong ko lang, hijo. Paano mo nagustuhan ang dalawang apo ko?" napasulyap na rin ako kay ashong dahil iyon din naman ang gumugulo sa isip ko kanina. Alam kong aksidenteng nahulog lamang ang loob sa akin ni ashong, may hula na ako kung kailan nangyari iyon. Sigurado akong gumaan ang pakiramdam niya sa akin ng mga panahong tinutulungan ko ito at sinasamahan sa tuwing nagtatalo sila ng kanyang magulang.
"I don't have feelings on trixie, lola perla. Si winter po ang gusto ko."
"Bakit ka nakipag relasyon kay trixie kung ganon?"
"I didn't expect that we're going to open our relationship. Hindi ko inisip iyon dahil matagal akong nanligaw kay trixie, nang mga panahong iyon si winter na po ang nagugustuhan ko."
Bumuntong hininga si lola. "Nagugustuhan mo ba talaga ang apo ko? Hindi mo ba ito pinaglalaruan?"
Namilog ang mata ni ashong bago ilang beses na umiling. "Ofcourse no, lola perla. Bakit ko naman gagawin iyon?"
"Dahil kay angelina, wala ba itong sinabing paibigin mo ang babaeng anak ni henry?"
Natawa si ashong bago umiling muli. "Wala pong ganon nangyari, la. Hindi ko iniisip ang nakaraan nila tito at mommy, sa totoo lang hindi ko iyon inaalala dahil mas nakatuon po ang atensyon ko sa nararamdaman ko para sa apo n'yo."
Tumango si lola bago magbaba ng tingin, malalim ang kanyang paghinga na tila kinukumbinsing paniwalaan lahat ng sinabi ni ashong.
"Alam n'yo naman sigurong pareho kung gaano kakumplikado ang pinapasukan ninyo hindi ba? Maaaring hindi maganda ang kahahantungan nito dahil sa magulang mo hijo, kung si henry at elena ay maiintindihan naman nila kayo."
"Kakausapin ko po si mommy pag nakakuha ako ng magandang pagkakataon, ngunit kahit ano pong sabihin niya. Mas paninindigan ko ang nararamdaman ko para kay winter."
"Sigurado ka ba diyan, hijo? Ayokong masaktan ang apo ko, alam kong may pagkakamali siya sa desisyon nito kay calix. Ilang linggo pa lang ng maghiwalay sila, baka may pagkakamali na naman kayong magawa."
Ngumiti si ashong. "Sa tingin ko naman po ay hindi na iyon mauulit pa, siguro nga nagkamali lang din ako kay trixie. Hindi ko lang po alam kung may ideya na kayo kung anong ginawa nila sakin."
Tumango si lola bago bumuntong hininga. "Alam ko, nasabi sa akin ni winter. Hindi ko inakalang maiisip gawin iyon ni raquel, pero kilala mo naman na siguro ang apo kong si trixie kahit papaano, siguradong napilitan lamang siya sa pagsunod nito sa kanyang ina."
Tumango lamang si ashong sa sinabing iyon ni lola. Nanatili akong walang imik dahil nais ko lamang marinig lahat ng isasagot ni ashong.
"Siguro ay dapat ko na lamang ipanatag ang loob ko sa'yo. Ayoko lang masaktan ang apo ko, pero sa lahat ng mga sinabi mo. Ipagkakatiwala ko siya sayo."
Malaki ang naging pag ngiti ni ashong dahil sa sinabing iyon ni lola. Nakaramdam din ako ng tuwa dahil kahit papaano ay may sumusuporta sa aming dalawa kahit hindi pa kami. Nararamdaman ko ang sensiridad ni lola sa bawat katagang sinabi niya, maraming beses na nagpasalamat si ashong na halos hindi niya tigilan si lola dahil sa sinabi niyang iyon.
Natutuwa ako. Medyo naibasan ang negatibong nararamdaman ko kanina lang dahil sa kung sino man ang hadlang sa pagkakagusto sa akin ni ashong. Hindi ko rin maintindihan ang sarili dahil kahit isipin kong maraming hahadlang ay ang nararamdaman ko pa rin kay ashong ang mas nangingibabaw sa akin.
Nang umagang iyon ay dinala ako ni ashong sa malaking mall kung saan ipanasok niya ako sa sinehan. Hindi na ako nag-abalang mag-usisa kung saan niya ako naiisip dalhin, wala din naman akong maisasagot kung sakaling itatanong niya sa akin kung saan kami pupunta.
Isang lovestory ang pinili niyang panoorin namin, hindi na rin ako magugulat na ito ang pipiliin niya dahil kung ako. Baka iyong action movie lang ang ituturo ko.
He seem enjoying the whole time while we're watching the movie. It's a happy ending, full of inspiration and lesson for trials in life and love. Alam kong magkadikit ang buhay at pagmamahal sa pagsubok na darating sa isang tao. Ang pagmamahal sa pamilya ay mararamdaman mo rin iyon sa isang taong hindi mo kaano-ano. Maybe that person is the love of your life, even what hard the situation is you still want to pursue your feelings on that person. Kahit iniisip mo lahat ng what if sa mundo, doon pa rin ang bagsak mo kung anong nararamdaman mo sa isang tao.
Kumain kami sa loob ng mall sa isang hindi gaanong kalakihang restaurant. It's a simply and nice place, alam kasi ni ashong na hindi ako pamilyar sa ibang pagkain kaya't mas pinili nito ang mga putaheng madalas ko ng kainin.
We take almost four hours in that mall. Ang dami lang niya kasing alam puntahan at halos ilibot niya ako sa kabuuan 'non. He buy something for me, a cute couple watch na agad niyang sinuot sa pulsuhan ko. It's color black. Ang ganda ngunit ayos lang naman ang presyo, he choose a couple shirt too. Ngunit hindi ako pumayag na isuot iyon dahil nahihiya ako, besides. Were still not inrelationship, ang dami lang talaga niyang nalalaman.
"Saan na naman tayo pupunta?" i asked him while his busy driving the car. Nakalabas na kami ng mall, lahat ng binili niya ay nasa backseat at halos nasa walong libo lahat yata 'yon. Sino bang tao ang gagastos ng ganong kalaki sa isang araw? Well, magtataka pa ba ako. Ashong is rich, baka barya lang iyon sa kanya o kaya di naman ay sobra lang niya iyon sa pitaka niya.
I sighed when ashong not answer my question, nangiti lang ang mok*ng ng humarap sa akin habang nagmamaneho.
"Saan nga?" tanong kong muli ng bumaling siya sa daan.
"Sa park tayo."
"Anong gagawin natin doon?"
"Marami tayong gagawin, winter. I won't let you sick on this date, gusto ko pag-uwi mo naiisip mo pa rin ang buong araw na nangyari."
Natawa ako. "Bakit ganon ka ba?"
"Absolutely yes, lagi naman kitang iniisip. Madalas kang pumasok sa isip ko, ipinagdarasal ko nga na sana ay lagi kang nakadamit."
"Ano kamo?" umiling lang siyang natawa, kalaunan ay kinagat niya ang labi bago iliko ang kotse sa malawak na lugar. Ipinarada niya iyon sa mga kotseng nakahilera sa gilid. Hindi na niya ako tuluyan sinagot ng lumabas ito ng kotse upang umikot sa pwesto ko, pinagbuksan niya ako ng pinto. Inalalayan niya pa akong lumabas habang nililibot ng mata ko ang kabuuan ng lugar.
Malaking parke ito na may maraming punong masisilungan, ngunit sa isang banda. May magkasintahan doon sa silong ng puno na nagyayakapan, magkaharap silang pareho at kahit hindi ko sila titigang mariin ay alam ko na kung anong ginagawa nila.
Nilingon ko si ashong, ngumiti lang ito ng pilit sa akin dahil maski ito ay nakita niya iyon.
"D-doon tayo." aniya habang nakaturo sa palihis na daan kung nasaan ang dalawang magkasintahan. Hindi na ako kumontra pa, tinungo namin ang daang iyon na hindi gaanong kainitan. Medyo makulimlim ang kalangitan, swerte kami dahil hindi kami maiinitan habang naglalakad kami sa kahabaan ng park.
Maraming taong narito, karamihan ay magkapareha na namamasyal din tulad namin.
I was supposed to asked ashong if where our next destination again. Pero flash lang ng cellphone ang nagpapikit sa akin.
Dinig ko pa ang pagtawa niya before saying sorry. "Hindi ko alam na naka-on pala ang flash." aniyang muli habang nakatingin na ako sa kanya, he captured me again even my reaction is just normal. May kinalikot pa ito sa cellphone niya bago itapat ang camera sa aming dalawa.
"Smile." he took a photo many times, hindi yata magsasawa ang lalakeng ito sa kakakuha ng pictures. Kung hindi ko lang nakita ang stall ng ice cream ay hindi siya titigil.
Lumakad ako patungo doon, nakasunod siya sa akin habang tinitingnan ko lahat ng flavor sa itaas.
"Anong sa'yo miss?" bumaba ang tingin ko sa lalakeng nagtitinda. It's a young guy and i think his under 18 in age. May kasama siyang kasing edad ni papa at sa tingin ko'y mag-ama silang dalawa dahil magkamukha sila.
"Magkano ito?"
"Thirty pesos na lang sayo, miss." aniyang sagot na nakangiti sa akin, bago ko tanungin si ashong kung anong gusto nito ay pumalupot na ang kamay niya sa bewang ko.
I looked up at him, masama na ang tingin niya sa nagtitinda at kulang na lang ay suntukin niya ito.
"Hoy, anong gusto mo?" bumaba ang tingin niya sakin, salubong pa rin ang kilay na tila hindi may nagugustuhan.
"Ayoko dito." aniya habang pilit akong inaalis doon, ngunit umiling ako.
"Ayaw mo ba? Bibili sana ako."
"Mabubusog ka ba diyan? Hindi naman mukhang masarap ang tinitinda ng lalakeng 'yan!"
Siniko ko ito dahil sa sinabi niya, sinamaan ko siya ng tingin ngunit umismid lang ang mok*ng.
Ngunit hindi ko na pinatulan kung anong topak ang meron siya. Bumili ako ng dalawa, aakma pa lang akong kukuha ng pera ng maglahad na siya ng isang daan sa lalake.
"Keep the change." aniya at agaran na akong hinila doon bago niya kunin ang icecream na binili ko para sa kanya.
Nauna niya pang nilasahan ang icecream habang hinihila ako patungo sa bench malapit sa mga nakahilerang bisikleta. Naupo siya doon, nabahiran pa ng icecream ang pisngi niya na hindi naman daw nakakabusog at hindi masarap, tsk.
"Bakit may topak ka?" tanong ko, hindi ako naupo kundi nanatili lang akong nakatayo sa gilid niya. Nilingon niya ako, namimilog ang mata niya habang may dumi na ng icecream sa mukha.
"S-sinong may t-topak?"
"Ikaw."
"Bawiin mo nga yang sinabi mo, hindi ako tinotokapak dahil wala ako 'non!"
Natawa ako. "Bakit nagagalit ka?"
"I just don't like that guy, nagpapacute siya sa'yo!"
"Mukhang hindi naman."
Tinikman ko ang icecream, may dumaang babae sa pwesto namin na napatingin kay ashong. Natawa sila dahil nga sa itsura niya, napailing ako. Lumapit ako rito upang punasan ang pisngi niya maging ang gilid ng kanyang labi
Ramdam ko pang natigilan siya habang natulala sa akin, naupo ako sa tabi niya at hangga doon ay sinundan niya ako ng tingin.
"Why did you do that?" aniyang tanong na para bang intensyon ko lang hawakan ang pisngi niya. Ngumiti ito, nagbago na ang mood niya from tinopak to nakangiti. Umiling ako pero hindi na nabubura ang ngiting meron siya. Tsk, may topak talaga.
"Kinikilig ako..”
Nilingon ko ito dahil sa kanyang sinabi, alam kong mababaw talaga ang kaligayahan niya ngunit sobra ang pagkakangiti niya ngayon. Napangiwi ako sa pagkagat niya sa kanyang labi na halatang nagpipigil ng ngiti.
"Bakit ka kinikilig?” ani ko kunwari na naging sanhi upang ismiran niya ako.
"Dahil pinunasan mo ang gilid ng labi ko, ang lambot ng kamay mo ng dumampi iyon sa pisngi ko. Dahil 'don nararamdaman kong mahal mo ako..”
Napakurap ako sa sinabi niya.
So, iyon pala ang iniisip ng lalakeng 'to?
”Kahit sino naman gagawin ang ginawa ko, hindi naman pwedeng hayaang kitang maglakad na may ice cream sa mukha..”
Naging malamya ang mukha ni ashong sa sinabi ko, tila hindi niya gusto iyon ngunit natawa lang ako sa itsura niya.
”Napaka-sweet mo talagang babae ka, kinikilig ako.. wag mong sirain ang moment..”
Napailing ako, kinikilig talaga sa simpleng kilos ko. Paano ko pa pipigilan ang nararamdaman ko kung sa bawat ngiti niya ay nahuhulog ako lalo.
Ang kulit pa.
Nakuha niyang ubusin ang kanya habang nakaupo pa rin ako sa bench. May sinasabi ito tungkol sa kabilang dulo dahil may wishing well daw doon, kaso malayo daw at baka mapagod ako.
"Ayos lang, gamitin na lang natin 'to." tumayo ako, lumapit ako sa mga nakahilerang bike at tinanong kung magkano ang upa doon, ngunit humirit si ashong matapos sumagot ng babae.
"Marunong kang magbisikleta?" nilingon ko ito.
"Oo, ikaw hindi ba?"
Umiling siya, bahagyang nakakunot ang noo. "No."
"Nakapagmamaneho ka pero hindi ka marunong magbike?"
"May pidal ba ang kotse?"
"Tsk. Bakit mo pa ako inimbitahan dito kung hindi ka rin naman pala marunong?" napabuntong hininga ako, nasabi ng babae na mamaya na lang kami magbabayad. Tinanguan ko siya, kinuha ko ang bisikletang may upuan si likuran bago senyasan si ashong na umupo doon. "Sakay ka na lang."
Nagsalubong ang kanyang kilay "Wag mong sabihin na ihahangkas mo ako?"
"Ano pa ba? Alangan namang maglakad ka?"
"Mabubuhat mo ba ako?" natawa ang babae dahil sa tanong niya.
Tsk.
"Sinong nagsabing bubuhatin kita? Umupo ka dito sa likuran."
Napabusangot siya. "Iyon nga sana ang ibig kong sabihin, napaka-ano mo talaga sakin!"
"Anong napaka-ano?"
May oras pa siyang umirap na lalong nagpapatawa sa babaeng nagbabantay ng mga bisikleta. "Wala. Kahit tarayan mo pa ako o pilosopohin ayos lang, yan din naman ang gusto ko sa'yo."
"Sasakay ka pa ba?" ani ko, naiinip na.
Nilingon niya ako, sinuro nito ang bisikleta na nakangiwi.
"Tch. Hindi ba ako mahuhulog diyan? Baka mauntog ang ulo ko at makalimutan kita, magsisi ka pa na inangkas mo ako."
"Bakit ba advance ang utak mo?"
"Syempre, wala bang helmet dito?"
"Bahala ka na diyan."
"Hey wait!" hinawakan niya ang dulo ng bisikleta ng umakma akong aalis, nilingon ko siya. Pasakay na ito sa likuran na halos isalampak niya ang sarili. "Sigurado ka bang hindi ako mahuhulog dito?"
"Humawak ka lang, nasa sayo na kung sesemplang ka."
"Ano! Hahayaan mo talaga akong mahulog!"
"Nasa sayo nga hindi ba? Humawak ka ng mabuti." hindi pa man ako nakakapag pidal ng yumakap na ito sa bewang ko, napaka-higpit. Iyong tipong hindi na ako makakahinga.
"Ashong, huwag mo akong sakalin. Luwagan mo ang hawak mo at huwag kang yumakap!"
Sinunod nito ang gusto ko, hindi ko makita kung anong reaksyon niya ngunit dinig ko ang mapang-asar niyang halakhak.
"Gusto kitang kagatin, winter." aniya habang nasa bewang ko ang mga kamay niya. Hindi ako makapag-cocentrate dahil hinihigpitan lang nito ang hawak 'don.
"Manahimik ka." niliko ko ang manubela kung saan diretso pa ang daan patungo sa pupuntahan namin. Ngunit dahil sa pagkakaliko ko ay lalo lang hinigpitan ni ashong ang hawak sa aking bewang.
Hindi ako mapakali lalo na ng maramdaman kong nakikiliti ako, I use my one hand to remove his hand on that part. Pero may nasagasaan akong bato dahilan upang lumiko ang manubela at mawalan ako ng balanse. Natumba kami malapit sa damuhan, nakuha akong hilain ni ashong upang hindi madaganan ng bisikleta.
He place me on the top of him. Nararamdaman ko pa ang pagkabog ng aking dibdib dahil sa pagkakatumba namin.
Ngunit nawala iyon ng tuluyan at napalitan muli ng ibang pakiramdam dahil sa titig ni ashong ngayon sa akin.
"Nasalo kita." aniya habang nakatingin sa akin, wala itong pakialam kahit nakadagan ako at nakahiga siya sa damuhan. Ngunit hindi ako kumportable sa posisyon namin.
Umamba akong aalis ngunit hinawakan niya ako upang ipagpalit ang pwesto namin. Ako ngayon ang nakahiga sa ilalim niya, bukod tanging pagkagulat lang ang aking naging reaksyon habang seryoso lang itong nakatitig sa akin.
"Once i'd said i want to bite you, I mean it." hindi siya nagkaroon ng oras upang hintayin ang isasagot ko. Inangkin ni ashong ang labi ko at gaya ng sabi niya ay kinagat nga nito ang pang-ibabang labi ko.
It's just a smooth bite. Binitawin niya rin iyon bago yumakap at sumiksik sa leeg ko. Akala ko'y yayakapin niya lang ako at tatayo na ito, but he bite me on that part to make my eyes widened.
Ang hapdi 'non ng dumistansya siya. Namimilog ang mata ko bago siya mapura habang nakatingin sa leeg ko.
"Sh*t. I didn't mean to put that." napaupo ako dahil sa sinabi niya.
Anong hindi sinasadyang inilagay niya?
************
to be continued...
Winter may kissed mark sa leeg. ?