Winter Pov.
(Traydor)
Hindi ko hiniling na maging marangya ang buhay ko tulad ng iba. Sapat na kasi sa akin na mayroon akong masayang pamilya at mapagmahal na ama't ina. Kuntento na ako sa buhay na kung anong meron ako.
Nakakapag-aral ako sa magandang unibersidad na ninais pasukan ng karamihan. Kumakain ako ng sapat sa isang araw, may nag-aalaga at umaantabay sa akin.
Simpleng buhay lamang ang gusto ko. Tulad ng aking kinalakihan sa probinsya na minulat na sa akin ni mama.
Ngunit kung gaano kasimple at kapayapa ang buhay ko ay kabaligtaran naman nito ang takbo ng pag-ibig ko.
Normal lang sa akin noon ang magkaroon ng hinahangaan, crush kung tawagin ng mga kabataan. Hindi rin naman ako naghangad na magkaroon ng gwapong nobyo. Ang siyang nais ko lang din ay ang mapagmahal gaya ni erpats.
Ngunit napakagulo nitong nagdaang araw. Masasabi ko naman na todo kung iparamdam sa akin ni calix ang feelings niya. Ngunit para sa akin ay walang impact iyon sa puso ko. Naiinis ako, nais kong gantihan ang sarili dahil bakit kailangan kong maguluhan?
Si ashong mismo ang gumugulo sa isip ko. Alam kong mali ito, Hindi ito tama dahil may kapwa na kami kasintahan. Hindi maaaring may masaktan kami sa dalawang ito dahil si trixie at calix ay importante sa akin.
Napabuntong hininga ako habang nakapangalumbaba sa cafeteria. Maaga akong pumasok dahil hindi ko nais mahuli sa unang klase. Alas sais 'y medya pa lamang ay narito na ako kasama si calix.
Maaga itong pumunta ng bahay kanina. Nakapagluto na rin naman ako 'non kayat maaari ko ng maiwan si lola.
Back to normal ang lahat. Nasa ibang bansa na muli sila tita raquel maging si tito frank. Si lola ay muling sumama sa akin dahil napag-usapan namin na magtatapos na ako dito sa fatima. Napagkasunduan rin nila mama at erpats na ipagbibili na itong bahay sa oras na makapasa ako ng bar exam.
"Anong oras ang unang klase nyo?" may inilapag na inumin si calix sa harapan ko matapos niyang magtanong. Hindi gaano maraming studyante rito dahil karamihan ay nasa kani-kanilang silid na.
"Alas siete. Uubisin ko lang 'to bago ako umakyat.."
Tumango si calix. "Im sure magiging busy na tayong pareho sa mga lessons this month. Lalo na at magkakaroon ng finals ang fatima at holycross.."
Umiinom ako habang nakikinig rito. Hindi din naman ako interesado sa finals ng varsity nila. Naiinis lang ako dahil kasali pa ako sa cheering, ayoko na.
"Hindi na ako sasali.."
"Bakit naman?" Nag-angat ako ng tingin dito. Pwede naman siguro 'yon, ayoko na lang kasing mag-aksaya pa ng oras para lamang tumungo sa anibersaryo ng unibersidad na 'yon. Hindi ko na rin nais pang isuot ang unipormeng iyon.
"Ayoko lang. Hindi na ako makikipag-cooperate pa. Hindi ka na rin naman kabilang sa team hindi ba?"
"Kinausap ako ni coach, baka magjojoin na ako.." bumuntong hininga ito. "Ayoko lang kasing magtalo pa kami ni philip kaya nag-quit ako sa group noon. Pero mukhang maayos naman na kayo.."
Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Para sa akin ay isang kasinungalingan na ang ginagawa ko. Maayos kami ni ashong, dahil may gusto ito sa akin.
Hindi ko masabi iyon kay calix.
Ayoko ng malaman niya pa ang tungkol doon.
"Sumali ka na rin, wen. Wag ka ng umalis.."
Hindi ako sumagot rito. Inubos ko na lamang ang aking inumin bago mapatingin sa babaeng kakaupo lang sa harapan namin ni calix.
Maayos ang kanyang buhok na madalas nitong itali. Bagsak iyon at lalong naging makintab sa itim nitong buhok. She applied a slight blush on. May pink siyang lipstick maging ang pilik mata nito ay curly.
"Hi, winter. Kumusta bakasyon?" hindi ako makangiti kay deborah. Tila nag-iba bigla ang trato niya sa akin. Nitong huling pagkikita namin ay hindi niya ako kinakausap ng maayos dahi sa pagtrato ko kuno kay calix.
"Oh, what? Hindi ba uso sa inyo ang sumagot?" natawa siya sa reaksyon namin. Hindi rin naman kumibo si calix kundi nakatitig lamang siya ng blanko kay deborah.
"I saw calix post noong pasko. Mukhang enjoy na enjoy kayo. Kasama niyo pala si philip?"
Tumango ako. "Inimbitahan siya ni tita raquel, ang mommy ni trixie.."
"Ow. Talaga? Akala ko ikaw ang rason kaya siya naroon.." nangunot ang noo ko sa sinabi ni deborah. "Mas close pa kasi kayo ni philip kesa sa girlfriend niyang pinsan mo.."
"What are you saying, deborah?" si calix.
Nilingon ko si calix sa matigas niyang pagkakasabi sa pangalan ni deborah. Kunot ang noo nito sa babaeng nakataas ang kilay.
"Gusto ko lang naman sabihin na mas close sila ni philip. Hindi ba winter?"
Nakatitig lamang ako kay deborah. Wala akong planong sagutin ito dahil tila may nalalaman siya na hindi ko masabi.
"Winter and philip is already friends now. Humingi ng dispensa si philip sa mga nagawa niya sa girlfriend ko.." madiin ang pagkakasabi ni calix sa huling salita nito. Hindi na nagbigay imik pa si deborah bagkus titig lamang ang iginanti niya kay calix.
Hinarap ako ni calix at binalewala ang presensya ni deborah. Hindi ko rin naman alam kung paano kumilos dahil nararamdaman kong may pagtingin si deborah sa boyfriend ko.
"Ihahatid na kita?"
"Sabay na lamang kami ni deborah.." pansin kong natigilan si calix sa sinabi ko. Ramdam ko rin ang pagbaling sa akin ni deborah na halatang nabigla rin. "Mauna ka na, baka mahuli ka pa sa unang klase mo.."
"Are you sure?"
"Oo naman. Madalas namang si deborah ang kasabay ko hindi ba?"
"Yes but.." nilingon nito si deborah. Hindi ko alam kung anong totoong nangyari sa kanilang dalawa dahil sa pagbabago bigla ng kanilang kilos.
"What?" natawa si deborah dahil sa tingin nitong kaharap ko. "Wala naman akong gagawing masama kay winter. Were friends right?" tumingin sa akin si deborah. Hindi ko na nararamdamang magkaibigan kami. Ngunit naging totoong kaibigan ba siya sa akin?
"Text me after your class, baka makuha kong makasabay sayo ng lunch.."
Tumango na lang ako sa sinabi ni calix. Tumayo na rin kami, sumabay na si deborah bago nito kami tuluyang lapitan.
Bahagya pa akong natigilan dahil sa suot nitong uniporme. Bagong bago iyon, pinasadya niya ito na todo kung umiksi sa normal naming skirt. Her cycling is almost showing up, nakikita na iyon. Lalo na ang longsleeve nito na humahapit lalo sa katawan niya.
Her upper button is half open. Sumisilip ng bahagya ang gitnang dibdib nito.
"Let's go?" hinawakan niya ako sa kamay. Hindi na ako nakatanggi pa bago niya ako igaya paalis. I saw her smirked to calix. Hindi ko na iyon binigyang meaning pa dahil sa kamay niyang nasa braso ko.
"How was your firstboyfriend winter?" naglalakad kami patungong silid. Nilingon ko siya, naghihintay ito ng sagot ko habang nagiging banayad ang aming paglalakad.
"Ayos lang naman, walang pinagbago.."
"What do you mean walang pinagbago?"
natatawa siya.
"Normal lamang ang relasyon namin ni calix. Walang nagbago sa pagtrato nito sa akin.."
Tumango tango siya. "So, Hindi pa kayo nagkiss?" hindi ako nakasagot dahilan upang matawa siya lalo. "Mahigit tatlong buwan na kayo, mag-aapat na niyan pero wala pa kayong kissing scene?"
Nag-iwas ako ng tingin. Calix never try to kiss me, He respect me like her mom. Hindi siya lumalagpas sa limitasyon nito. Ngunit hindi ko alam ang gagawin sa oras na hilingin na niya iyon.
"My god, winter. Kung sabagay, si philip naman pala ang first kiss mo.." namilog ang mata ko kay deborah. Para akong sinabugan ng bomba sa dibdib dahil sa aking narinig.
Natawa siyang muli. Napapailing pa bago ako akbayan. "Hindi bat hinalikan ka naman ni philip noon sa cafeteria, bakit ganyan ang reaksyon mo?" muli akong napa-iwas ng tingin. Kinabahan ako dahil buong akala ko ay may nalalaman na siya sa mga nangyaring halikan namin ni ashong.
Bakit hindi ko nga ba naisip na hinalikan ako ni philip at kumalat iyon noon sa social media.
"Dont tell me may ibang scene pa kayo ni philip?"
"A-ano bang sinasabi mo?" huminto ako. Hinarap ko siya ng tuluyan habang bahagya siyang nakangisi.
"Wag kang mag-alala. Hindi ko naman sasabihin lahat kay calix. I know your having a good time with philip. Hindi ba at sumama ka sa kanya noong tinulungan mo akong mag-gardening?" nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ko iyon nabanggit dito dahil hindi ko nais malaman iyon ng lahat.
"Were friends winter. Nakita kitang sumakay sa kotse niya. Nitong mga nagdaang buwan ay pumasok rin kayo sa restroom hindi ba?"
"Paano mo nalamang pumasok kami roon?"
"Because i saw you and philip entering that restroom. Suot mo ang longsleeve nito.."
"Kung ganon. Ikaw ang naglock ng pinto?" natigilan siya sa tanong ko. Kitang kita sa mata niya ang pagkahuli dahil lamang sa mga salita niya. Ngunit pinilit niyang matawa ng sarkasmo.
"Syempre ako. Baka may pumasok na lang bigla hindi ba?"
"Bakit mo ginawa 'yon?"
"I already told you, winter. Pasalamat ka at isinara ko iyon kundi mahuhuli kayo ni calix.." hindi na ako nakasagot rito. Nais ko siyang kwestyunin kung ano pang nalalaman niya. Ngunit natatakot akong kumpirmahin dahil alam kong traydor ang babaeng ito.
"You already have calix, right? Pero, kung gusto mo si philip. Pwede mo rin namang ipaubaya na sa akin si calix.." tinapik niya ang balikat ko bago lumapit at bumulong sa tenga ko. "Calix is screaming my name in the midnight blue.."
Tinalikuran na niya ako. Nauna itong umakyat ng hagdan habang sinusundan ko lamang siya ng tingin.
Hindi pinahupa ng tensyon ang nararamdaman ko. Nais kong magalit kay deborah ngunit nagdadalawang isip ako. Alam kong may nalalaman siya, huling huli ito sa kanyang mga sinasabi.
ILANG segundo ng sumunod ako sa silid. Nakaupo na si deborah sa pwesto niya kung saan magkakrus ang hita nito.
Wala siyang lingon sa akin ng maupo ako sa tabi niya. Kung may choice lang ako ay hindi ko pipiliing maupo rito. Nag-iiba ang pakiramdam ko. Feeling ko ay may malaking sisira sa akin sa susunod na araw.
Dumating ang professor limang minuto ng makapasok ako. Nagbigay siya ng surprise recitation na siyang kinagulat ng karamihan.
Malaki ang pasasalamat ko dahil nakapag-basa ako nitong nakaraang gabi. Hindi ako nahirapan sa tanong, maging si deborah ay napadali nito ang mga katanungan na agaran niyang nabibigyan ng sagot.
Halos ganon ang eksena sa mga sumunod pang klase. Umabot ang lunch na naging lanta ang mga classmate ko dahil sa karamihang tanong na hindi nila naisagot.
"Alam mo ba. Si Trixie at philip mag-on na pala?"
"Talaga, kailan pa?"
"Hindi ko nga alam e, sabay silang pumasok kaninang umaga. Ang sweet nga nila.."
Matindi ang paghawak ko sa ballpen dahil sa narinig. Nasa cafeteria na ako ngunit nagsusulat ako ng notes habang kumakain.
Ngunit hindi ko mawari kung bakit nagkaganito bigla ang mood ko. Sweet sila? Samantalang sinabihan ako nito na ako ang gusto niya, napailing ako bago matawa. Bakit ko ba iniisip ito? Dapat lamang na maging masaya ako kung malambing nga ito kay trixie.
"Heres your food.." may kumuha ng pagkain ko bigla. Pinalitan niya iyon ng bago at tuluyang itinapon ang unang order ko sa basurahan.
Napamaang ako habang nakatingin kay ashong. Nakatingin din ang ilang studyante sa amin dahil sa biglaang eksenang ginawa niya.
"Why are you not using my card?" nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kasi ginamit ang binigay niyang ATM card sa akin kapalit ng tulong ko noon. Hindi ko iyon gagamitin kahit alam kong libo-libo ang budget na nakapaloob doon.
"Ibabalik ko na iyon sayo, umalis ka na.." yumuko akong muli sa isinusulat ko. Naaamoy ko man ang chicken fillet na paborito ko ay dinedma ko iyon sa ngayon.
"Kumain ka muna.." nag-angat ako ng tingin rito. Nananatili siyang nakatayo sa harapan ko at wala yatang balak umalis.
"Lumayas ka dito.."
"I wont leave if you dont touch that foods i prepared for you.." kinagat ko ang labi bago haplusin ang sintido. Pasimple pa akong bumaling sa mga studyante na hindi na pansin ang presensya ni ashong.
"Pinsan kasi ni trixie yan.."
"Alam ko, magkamukha nga.."
"Pero, matalino si villapania. Top one yan.."
Iyon pa ang naririnig ko sa mga bulungan sa likuran ko. Napapikit ako, hinayaan kong nakatayo si ashong bago ko ilipat ang pahina na papel upang isulat ang pangalan ko.
Naupo siya sa harapan ko. Pinagmamasdan nito ang isinusulat ko bago siya magsalita.
"Mukhang nahihirapan kang sumulat ngayon.." nag-angat ako ng tingin, bukod tanging mata lamang ang gumalaw sa akin habang nakayuko ang ulo ko. "Masyadong mahaba ang apelyido mo, gusto mong paiksihin ko?"
Umismid ako.
"Madali lang naman isulat ang falcon upang ihalili sa apelyido mo.."
Lumayo ako sa mesa bago siya samaan ng tingin. Ngunit nakangisi lamang ito sa akin.
"Winter Villapania Falcon, its suits on you.."
"Umalis ka dito bago magdilim ang paningin ko.."
Natawa siya. Kinagat niya ang labi bago mangalumbaba. Pinanlakihan ko siya ng mata bago hampasin ang kamay.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan dito!"
"Ayos lang magdilim ang paningin mo. Ako naman din ang magbibigay ng liwanag sa madilim mong mundo.."
Bumuka ang labi ko sa sinabi niya. Kinilabutan pa ako bago matawa ng bahagya.
"Hindi ka naman madalas kumain ng mais hindi ba?" natatawa ako habang tinatanong iyon.
"Dipende, hindi madalas ngunit gusto ko.."
"Kaya pala ang corny mo.."
"Mas gugustuhin ko ng maging corny, kesa maging bitter. You make me like this, hindi naman ako ganito noon.."
"Kung ganon kasalanan ko kung bakit hibang ka ngayon?"
"Yes. Sino pa ba?" ngumisi siya, kinuha niya ang papel ko na naglalaman pa lamang ng aking pangalan. May isinulat siya doon. Matapos iyon ay inilapag niyang muli sa mesa bago mangiti sa akin.
"Im leaving. Eat well.." tumayo na siya. Nakangiti na parang timang bago maupo sa pwesto nilang dalawa ni giovanni. Pinagtatawan siya ni giovanni ngunit ayos lang sa kanya.
Magkaibigan nga sila.
Mga tinopak, pero gwapo.
Napahawak ako sa noo ko. Anong gwapo? Tsk. Gwapo nga siya!
"Hey.." napalingon ako sa babaeng naupo sa tabi ko. Its trixie. "What are you doing?" nasa papel na ito ngayon nakatingin.
May dala siyang pagkain na nailapag na nito sa harapan niya. Mukhang sasabay ito sa akin.
"Wow. Sinong may gawa nito?" nanlaki ang mata ko ng binabasa nito ang papel na nasa mesa ko. Hindi ko alam kung anong naroon at wala akong ideya kung anong isinulat ni ashong kanina.
"I love you three times a day.." natawa pa si trixie dahil sa nabasa. Samantalang napapakurap na lang ako dahil sa isinulat ng lalakeng 'yon.
I love you?
"Bakit ganito gumawa ng letter si calix? Pang-bata lang ito.."
Nameke ako ng ngiti kay trixie ng lingunin niya ako. Nais kong sabihin na literal na isip bata ang may gawa niyan.
Walang iba kundi ang boyfriend niya.
*****
to be continued.
Ibang klase ang leading man natin. Iba ma-fall. Pero, masakit lang sa part na may kanya kanya na silang lovelife. I know this is hard for them, paano ba sila magkakatuluyan ng walang nasasaktan? ?