Ashton Philip Pov
(She Response)
I was thinking at the whole day when i heard the past about my mom and tito henry. I can't believe that they had a relationship before. I can't even imagine that mommy had been here when she was a teenager.
As far as I know, tita Elena is a native in nueja ecija. Ang mommy ni winter. And also lola perla is the owner of their entire land the whole farm.
And tito henry was just their old worker. Nagsisilbi dito sa tito henry noon habang ang namayapa kong lola ay madalas tumungo rito dahil magkaibigan sila ni lola perla.
Iyon ang kwento sa akin ni tita elena dahil nahiya siya bigla sa inasal ni tita raquel, ang mommy ni trixie.
Nasabi nito sa akin na madalas bumisita dito si lola kasama si mommy. Nagkakilala sila ni tito henry hangga sa ligawan niya ito.
Ngunit inaamin ni tita elena na nagkamali siya. Dahil sa pagkakagusto nito kay tito henry ay kapwa sila nagkasala kay mommy.
Iyon ang araw na nasira ang pag-iibigan nila mommy at tito henry dahil nga nabuntis si tita elena at ang bunga nito ay si winter.
I understand their situation. I didn't hold a grudge because I had no rights to get mad at them.
The only problem is that I don't know if the situation will be better if my mom finds out that I headed here again to the villapanias land.
I sighed heavily.
I was here under the tree and felt the strong wind while sitting. It's December twenty-fifth but I can't even think to celebrate the Christmas.
Something seems to be missing with me. I don't know that but I try to be fine. Sigurado akong nagagalit na si mommy sakin dahil wala na naman ako sa bahay. Ayoko rin naman manatili doon kung ang pag-uusapan ay ang tungkol sa kanilang negosyo.
I'm getting tired about business talk. I cant no longer feel how to have a happy family. I can already said that i have a complete family but there is something missing in our union.
Kumpleto ngunit hindi masaya, May pera ngunit may kulang. Hindi sapat, dahil ang kanilang prayoridad ay ang paglago ng negosyong kanilang itinayo.
Inihilig ko ang buong katawan sa puno. Abala ang mga tao sa loob dahil kaya nilang ipagdiwang ang pasko kahit sila lang. Masaya sila, kahit simple lamang ang kanilang buhay at kaya nilang maging makulay ang kanilang pagsasama. Hindi nila kailanman mararanasan kung anong meron ako.
"Nagmumukmok ka diyan.." nag-angat ako ng tingin sa babaeng nagsalita. She wasn't looking at me. She looked straight ahead while carrying a plastic bag containing seedlings.
"I couldn't do anything inside, I was getting bored.." Winter scoffed before laughing a bit. It seems to be insulting me through mediation.
"May araw ka para makauwi ng manila. Ngunit mas ginusto mo pang manatili dito kesa makasama ang pamilya mo.."
"I didn't have any family at home either. After Christmas they will leave to spend time with the employees"
"Kung ganon, bakit hindi ka makisama sa kanila. Nilalayo mo ang sarili mo, ashong. Ano na lamang ang sasabihin ni angelina kung sakaling malaman niya na narito ka?"
Natawa ako sa itinawag niya kay mommy. Wala man lang tita, maam, madam o Mrs?
Ibang klase.
"I just want to stay here. I can still see you, I'm satisfied because I'm with you."
She just rolled her eyes. She didn't give any answer for what i said.
She turned her back on me and went down under the huge land.
Tumayo ako, sinundan ko siya habang sinasagka nito ang sinag ng araw sa kanyang palad.
"Saan ka pupunta?"
"Huwag mo ng alamin, umakyat ka doon at huwag mo akong sundan.."
"May kinuha ka sa akin, susundan kita dahil nasayo yan.." she stopped for walking. She faced me with her eyebrows furrowed.
"Wala akong kinuha sayo, ashong. Bumalik ka na.." I smirked when i got closer to her. Nasa balikat ko lamang ang taas niya, sakto sa tangkad ko. Ang cute niya, ngayon ko lang todo na-appriciate kung anong meron siya.
Her hair was blowing the fresh air. The smell of her hair never leaves my system. Her natural scent always makes me lose my sanity.
Tuluyan na akong nahuhulog kahit pinipigilan ko. Hindi ko magawang kontrolin, may sariling buhay na kahit hindi ako kumilos ay kusang nangyayari.
This girl in front of me has completely stole my heart.
"Hindi ko sinabing ngumiti ka, ashong. Wala akong pera upang ipadala ka sa mental. Umakyat ka na.."
"You make me this crazy, winter. How could you do that?"
"Sarili mo lang yan, iniisip mo lang yon.."
"Yes, exactly. Thats what im thinking. You always appeared on my mind even im trying to be busy. How can you make fall harder?"
Her lips formed with a amusement. Kalaunan ay nailing bago matawa.
"Wala akong maisusukli sayo, ashong. Kung nahulog ka man, hindi ko na iyon kargo. Mas mabuting kalimutan mo na lang yan.."
Hindi ako apektado sa sinabi niya. I know she still pushed me away. But I don't give up that easily. I want to pursue her because I know she is worth it. I know that what im doing will not be wasted. I wont stop her until she becomes mine.
"Kung kailan mo ako itinutulak palayo winter. Ganun din kalakas ang kapit ko patungo sayo, It's a shame to you to pushed me away. Because no matter what you say, I'm fully yours. Because you already took my heart.." she pursed her lips as she stared at me. I stared back for causing her to look away first.
She swallowed and stroked her hair before leaving me where I was standing. Napailing ako, sinundan ko siya ng tingin kung saan pumasok siya sa mga halamang naroroon.
Lumakad ako at hindi siya nilubayan. Tahimik na lamang siya ng makita ko itong ilapag ang dala niyang plastic bag. Naglalaman iyon ng mga punla maging ng kagamitan sa pagtatanim.
Nagbungkal siya ng lupa at agarang tinanim doon ang kanyang dala. Matapos nito ay wala siyang imik na lumakad palayo sa akin.
Nakasunod lamang ako hangga sa marating namin ang centro. May poso doon kung saan maaari kang kumuha ng tubig. Doon siya lumapit, hinugasan nito ang kamay maging ang paa niya. Napaka-putik ng daan patungo rito kayat hindi maiwasang madumihan ang suot kong sapatos.
Nagsisi pa ako kung bakit ako nagsapatos ngayon. I step forward to approached her. Ngunit nagkamali ako ng apak sa lupa kayat nadulas ako at napaupo sa putikan.
She looked at me with a blank stared. Ngunit kinagat niya ang labi bago mag-iwas ng tingin, nagpipigil na ng ngiti dahil sa natamo ko.
"Why dont you just help me instead of laughing secretly?" I mocked, still lying in the wet ground with a mud.
She glanced at me. Still bitting her lips to resist her smiled. Ngunit lumapit rin ito upang ilahad ang kamay sa akin, tutulungan din ako pero tatawanan muna. Ibang klase talaga.
"Sino ba kasing nagsabing mahiga ka diyan?" Masama ang tingin ko rito dahil natatawa na siya. She is still in a condition to tease me kahit na napaupo na ako sa putikan. Pasalamat talaga siya at patay ang puso ko sa kanya.
"Tulungan muna lang ako, winter.."
"Ilan ba ang nahuli mong palaka?" she kept laughing as she extended her hand to me to help me stand.
I grabbed her hand while i was sitting. Dahil sa tawa niya ay tuluyan ng gumaan ang pakiramdam ko. I pulled her so she could also sit where I fell.
Napamaang siya ng tuluyan itong mapaupo rin sa putikan. Namimilog ang kanyang mata habang nakatingin sa akin.
"See. Masaya kung may kasama.." itinikom niya ang labi. Hindi na mangiti habang inilalapit ko rito ang aking kamay upang bahiran siya ng lupa sa kanyang pisngi.
Hinampas niya ako ng napakalakas.
"Ano ba!"
"Your still cute, winter.."
Hinampas niya ako sa ikalawang pagkakataon, hindi rin siya nakatiis at tinapunan rin ako ng putik.
She hit my forehead with the mud. I was able to hold it before she stood up to run away.
Tumayo ako. Hinabol ko ito upang gantihan.
She totaly have fun while walking away to escape me. But she was too fast that she tripped which caused me to catch up with her.
Pinahiran ko ito sa pisngi. Nagreklamo siya bago nito ako sabunutan. Napakasadista at ang bigat ng kamay, hindi pa nakuntento at nilagyan na ako sa buong mukha.
I stood up to stay away because she already ruin my face. Ngunit ayun siya at tinatakasan na ako. I walked to hold her hand, pinagtatawanan na niya ang itsura ko bago niya bawiin ang kanyang kamay. Ngunit nadulas siya habang hinila nito ang kamay niyang hawak ko.
Kapwa kami napahiga dahil sa pwersang kanyang ginawa. Wala akong nagawa kundi
isuporta ang palad sa gilid upang hindi siya tuluyang madaganan.
She lay under me. She felt her fall before I looked at her faced. Our faces were so close, even her didn't move as I stared at.
Madumi ang kanyang mukha dahil sa ginawa ko. Alam kong kapwa na kami nanlalamig dahil sa kanina pa ang kabasaan namin sa katawan.
But I don't feel that way. Winter has a different effect on me. Not like the other women who can't satisfy me.
Winter is strange, she's not like the girls I've been with. I respect her but her lips attracted me.
I can't control myself. I keep losing myself just because I like her. I don't think that someone owns us anymore. All I could think of was that I wanted to kiss her.
I want to feel again how to kiss her. how soft her lips are. How is the true love that I only experienced with her.
Hindi siya nagprotesta sa pagtangkang halik ko rito. Hinayaan niyang magdampi ang labi namin sa ilang beses ng pagkakataon. I can't name what I feel. I felt like I was floating in the air as our lips touched. Tumugon ito sa aking halik, marahan lamang na tila hindi sanay. Ngunit napasabik niya ako ng todo. Napakasimple lamang ng kanyang ginawa ngunit triple iyon sa pakiramdam ko.
I kissed her deeply. That's the only reason why she pushed my chest to break our kisses. She was panting with her lips half open. She couldn't look at me before she stood up to run away from me.
*************
HINDI ko na naabutan si winter ng makauwi ako. Nagtataka si tita elena ng makita akong marumi. I explain to her about what happen, tumango ito bago ko itanong kung nasaan ba si winter. Ang sabi nito ay hindi pa umuuwi ang kanyang anak. Nangunot ang noo ko bago magpaalam upang makaligo saglit.
Wala na ang mga tao rito matapos kong maligo. May nangyaring party dito kagabi at masasabi kong masaya silang kasama. Nagtalo man sila noong isang linggo ngunit kinalimutan din nila ang nangyaring iyon.
Tumungo ako ng resthouse dahil inaasahan kong naroon si winter. Ngunit si trixie na ang sumalubong sa akin habang nakanguso na.
"Where have you been, philip?" she immediately put her hand on my arm. I didn't complain as my eyes searched for the missing girl. Nasaan siya? "Im looking for you. Aalis na sila mommy bukas.."
"What?"
"They have a client to assist. Hindi rin naman makakatagal sila mommy dito.."
"Ang bilis naman?"
"Yes. Are you going to stay here until newyears come?" hindi ko alam ang isasagot lalo na ng magfocus na ako ng tingin rito. Hindi ko alam kung makakatagal pa ba ako hangga sa bagong taon.
"Im not sure. Trixie. Where's lola perla?" iyon na lamang ang tinanong ko kahit na nais kong ideretsong hanapin si winter. She sighed before looked away.
"Sinundo sila ni calix. Kasama nito si winter, they're going to visit tita leonore.."
Matindi ang pagkakunot ng noo ko. Ngunit hindi ko na nagawang mag-usisa pa habang pilit kinakalma ang sarili.
Inalok din ako ni trixie na pumasok sa loob. Naroon na silang lahat maliban kay lola perla at winter. Ngunit hindi ko magawang ibaling ang atensyon sa kanila. Lumilipad na ang isip ko kung bakit pa kailangan ni winter pumayag makasama si calix.
Namamatay na ako kakaisip. Wala naman kaming relasyon ngunit daig ko pa ang boyfriend nito kung makaramdam ng selos.
Seven thirty in the evening when they decide to go back home. Sarado na ang flowerfarm ngunit hinayaan ko silang mauna. Samantalang si trixie ay simahan ako ngunit halatang pagod na dahil sa pag-aasikaso ng ilang turista kanina.
"Inaantok na ako, philip. Hindi na kita masasamahan dito.." tinanguan ko si trixie.
"Ihahatid na kita pauwi."
Tumango si trixie. Halata nga sa mata nito na inaantok na siya. Sinamahan ko itong maglakad pauwi, The way its too dark. Ngunit ni wala sa isip ko ang maging clingy kay trixie. Naiinis ako, hindi tulad noon na nais ko ng sagutin niya ako upang maging girlfriend ko na siya. Ngunit ngayong kami na ay tila ako na ang unang sumusuko.
"Hindi ka pa ba matutulog?"
I shooked my head while looking at trixie. Nasa harapan na kami ng bahay. Ang hangin dito ay lalong lumamig. Niyakap niya ang sarili habang humihinga ng malalim.
"Ayos ka lang ba?" she seems notice my mood. Tumango lamang ako. "Hindi ko alam kung anong nasa isip mo. Its been months seen you've change.." hindi ako makapagsalita sa sinabi ni trixie.
Yumuko siya. Ilang segundo ang katahimikan bago muli itong mag-angat ng tingin sa akin.
"Are you sure you want us to be together?"
"Why are you asking me abou that?"
"I just want to know. You know i choose you over apollo." hindi agad ako nakapagkomento. She choose me over him? Akala ko ay tumigil sa panliligaw si apollo dahil ako ang gusto niya. "He decide to stop even he helped me about my studies. You know, apollo is nice guy too. But i like you more than i like him.."
"Im sorry.." iyon na lamang ang nasabi ko. "Im sorry if im not in the mood today. But im fine, were cool."
Ngumuso na lamang siya bago magpakawala ng malalim na paghinga.
"Matutulog na ako sa loob." iyon lamang ang sinabi niya. Hindi na ito naghintay ng sagot ko bago siya tumuloy sa loob.
Naiwan akong tulala sa kinatatayuan niya kanina. Iniisip ko ang sitwasyong nangyari sa akin habang ninanamnam ang malamig na hangin. Hindi ko gustong maramdaman ni trixie ang panlalamig ko, ayoko rin naman masaktan siya. Pero paano ang nararamdaman ko para kay winter?
I cant replace my feelings.
Hindi ko kayang pigilan ito dahil kusa ko iyong nararamdaman.
I close my eyes before brushed my hair. Doon lamang may tumigil na kotse sa harapan ng bahay kayat napalingon ako.
Bumaba doon si lola perla kasama ng hindi pamilyar na lalake. Naghihintay ako sa pagsunod ni winter ngunit umalis na ang kotse ay hindi ko nakita ang hinihintay kong babae.
"Bakit narito ka pa?" iyon ang tanong ni lola perla na hindi ko agad sinagot.
"Nasaan po si winter?"
"Kasama nito si calix, may pinuntahan lamang sila.."
"Saan sila pumunta?" hindi ako makapaniwala sa narinig. Saan dadalhin ng lalakeng iyon si winter?
"Hindi ko na naitanong. Ngunit surpresa yata iyon ni calix dahil sa ikatlong buwan nila ngayon ni winter.."
"Bakit po hindi kayo sumama?"
"Para sa kanilang dalawa lang 'yon, hijo. Atsaka, wala namang gagawin si calix sa apo ko. Matagal ko ng kilala ang batang 'yon.."
"Paano po kayo nakakasiguro la?" natawa si lola sa reaksyon ko. Hinawakan niya ang aking balikat bago iyon tapikin.
"Mabait na bata si calix. Marespeto iyon at malaki ang tiwala ko rito.."
Hindi ko na sinagot pa si lola perla. Kung sila ay may tiwala pwes ako, wala!
Sa itsura ng lalakeng yon! Baka kung anong gawin niya kay winter habang silang dalawa lang?
Sh*t. Paano ko ba pakakalmahin ang sarili?
"Pumasok ka na hijo, uuwi din si winter.."
tumango ako. "Dito lang po muna ako, Magpahinga na kayo.."
"Sigurado ka ba?"
"Yes lola. Magpahinga na po kayo.." nginitian ako ni lola.
"Sige. Maiwan na kita riyan.." lumakad na si lola papasok. Muli akong naiwan na halos hindi mapakali. Todo na ang namumutawing selos sa akin dahil naiisip kong nasa ibang lalake si winter. Gusto kong manggulo, ngunit hindi ko alam kung paano! Naiinis ako, naiinis ako sa sarili ko dahil bakit ko ba nararamdaman ito!
I want this feelings. But i dont want this d*mn jealousy! Its going to kill me hardyl!
Fvck!
________
Pasado alas diyes ng makarinig ako ng makina sa labas ng bahay. Nasa sala ako habang kasama si tito henry. Maging siya ay hindi pa natutulog dahil hinihintay rin nito ang kanyang anak.
Samantalang ang iba ay mahimbing ng natutulog dahil na rin naghahanda sila para bukas sa pag-alis nila ni tita raquel.
Tito henry sit beside me before he place the cup of coffee in the center table.
"Magkape ka muna.." i grab the coffee he made for me. Iba ang pakiramdam nito para sa akin. Hindi ko kailanman naranasan ito kay daddy, ngunit hindi ko kailangan silang ikumpara. Dahil si daddy ay laki sa mayamang pamilya, hindi ko na kailangan asahan pa itong ginawa ni tito henry.
"Bakit wala pa ang batang 'yon? Pinayagan ko siyang umalis ngunit ginabi na siya.."
Agaran kong ginatungan ang galit ni tito. "You should get mad at her tito, babae siyang tao at hindi ito dapat umaabot ng dis-oras ng gabi kasama ang boyfriend niya..."
"Hindi ko nga ba alam kung bakit wala siya. Hindi naman niya ito ginagawa noon.."
"Mabuting tawagan na natin si calix.."
"Maganda ang naisip mong yan.." nilahad ko ang cellphone sa kanya upang matawagan niya si calix. Kinuha nito ang numero ni calix sa kanyang cellphone bago i-type sa telepono ko upang tawagan niya.
"Hello calix, ako 'to.." nakikinig ako sa usapan nila. Ngunit hindi klaro dahil hindi naka-loud speaker ang cellphone. "Ganun ba. Mag-ingat kayo.." pinatay niya ang tawag. Nagtataka ang tingin ko bago ibalik ni tito ang cellphone sa akin.
"Nasaan na po sila?"
"Pauwi na daw ang mga ito.."
"Talaga? malapit na ba?"
"Oo, Tumungo lang sila sa kabilang bayan para mag date.." hindi na ako naka-imik pa sa sinabi ni tito. Nag-iinit na lamang ang ulo ko kahit hindi dapat.
Huminga ako ng malalim. Sumimsim ako sa aking kape at hinintay na lamang ang pagdating nila calix at winter.
Kalahating oras bago ko marinig ang makina ng kotse sa harapan ng bahay. Tumayo kami ni tito upang silipin kung sila na nga ba ito, sa bungad ng pinto ay natanawan ko na si winter na bumaba ng kotse.
Pinagbuksan siya ni calix. May mga hawak itong regalo maging bulaklak na siguradong nagmula kay calix.
Kunot ang noo ko habang nakatayo ako malapit sa pintuan. Lumabas si tito at sinalubong ang anak. Humingi ng dispensa si calix na siyang pinaboran naman ni tito.
Napapailing ako. Sumakay na sa kotse si calix at agarang lumisan. Nakaakbay si tito sa anak habang may suot na mahabang jacket si winter.
"Uuwi na bukas si calix, pinagbigyan ko lang siyang mamasyal.." umikot ang mata ko sa sinabi ni winter. Hindi ko na ginawa pang hintayin na makapasok siya.
Lumakad na ako paakyat patungo sa kwarto ko upang magpahinga na. Ayokong nararamdaman ito, pero hindi ko mapigilang magalit dahil lamang nakipag-date siya sa lalakeng 'yon.
Pabagsak akong humiga sa kama. Kunot na kunot ang noo ko habang nakatingin sa kisame. Hindi pa ako inaantok, gusto kong pasukin ang kwarto ni winter upang itanong kung anong ginawa nila, kung saan sila eksaktong pumunta ni calix. Ngunit napahilamos ako sa aking mukha, bakit ko ba kailangan gawin 'yon!
"Sh*t. Nasisiraan na ako!" ginulo ko ang buhok. Tumayo rin ako dahil hindi talaga ako makatulog. Lumabas ako ng kwarto at dumaan sa silid ni winter. Sarado na iyon at tahimik, natutulog na siya? Napagod ba ito?
Napailing ako. Normal pa ba ang nararamdaman kong ito? Hindi ba at sobra sobra na yata ako.
This is not normal.
Bumaba ako ng hagdan habang minamasahe ang aking noo. Dumiretso ako sa kusina at agarang binuksan ang ref. May nakita akong juice doon na agaran kong kinuha. Nilalagok ko ang laman nito bago isara ang ref, ngunit nasamid ako ng makita kung sino ang taong nasa gilid ng ref habang nakatayo at nakatingin sa akin.
"Bakit mo ba ako ginugulat?"
Hindi ako kinibo ni winter. Lumapit siya sa ref ng walang imik. Binuksan niya iyon sabay tingin sa mga nakahilerang can juice.
"Saan kayo pumunta ni calix?" hindi siya lumingon sa akin. Kumuha siya ng inumin at agarang isinara ang pinto ng ref. "Bakit ang haba yata ng oras niyong magkasama?"
Nilingon niya ako. "Magkasintahan kami, matagal man kaming magsama walang problema iyon.."
"Normal ba na tumagal ang pagsasama niyo sa dis-oras ng gabi?"
"Normal iyon sa magkasintahan."
"Ngunit napaka-babae mong tao. Iyan ang hindi normal."
"Hindi mo na dapat problemahin iyon. Ashong. Alam kong marami ka ng naging babae, nasabi sa akin ni calix na kaya mong pagsabayin ang tatlo sa loob ng isang buwan. kayat huwag mo na akong isali pa sa koleksyon mo.." nakuha niya akong lagpasan matapos sabihin iyon. Ngunit hindi pa man ito tuluyang nakakalayo ng higitin ko ang kamay niya pabalik sa akin.
"Yes. Im collecting girls before, you know that. Inamin ko iyon sayo bago ko makilala si trixie. Ngunit nagbago iyon, lalo na ng makilala kita. Hindi na ibang babae ang gusto kong kolektahin, dahil pag-angkin na sayo ang balak ko.."
I saw her expression change. Kahit pilit niyang patigasin ang sarili ay nakukuha ko siyang palambutin. Nakukuha ko ang lahat ng kahinaan niya, alam kong apektado siya sa akin. Alam ko iyon dahil nararamdaman ko.
"I can have you even your calix property, winter.."
Ngumisi ako bago yumuko sa babaeng gusto ko.
"Because i dont want to be a collector of girls now. Dahil ang babaeng villapania na ang gusto ko.."
*********
to be continued.