Kabanata I

650 Words
*** Present Hinugot ko ang kulay itim kong panyo sa aking bulsa at idinampi sa aking noo sa mga namumuong pawis. Dinampot ko ang isang bottled water sa aking gilid at agad na nilagok ito. "Ate." Nilingon ko si Kaiden na kakapasok lang habang buhat-buhat ang isang kahon. Agad nitong nilapag sa gilif ng sofa at umupo.  "Madami pa tayong mga gamit sa ating lumang apartment?" Tanong ko dito.  Tamad siyang tumango sa akin at agad na hinilig ang kanyang ulo sa sofa. Pumikit ito.  Kumuha ako ng isang bottled water at ibinato sa kanya. Agad naman niyang nasalo at agad na binuksan.  "Meron pa. Bukas na lang natin kunin." Tamad na sagot nito.  Bumuntong hininga at pumikit muli. Umupo ako sa tabi niya at binuksan ang cellphone para matignan ang ilang mensahe na galing sa kaibigan o sa mga magulang.  Ngayong araw na ito ay lumipat kami ng apartment. Nahihirapan kasi itong kapatid ko sa pagcocommute araw-araw papunta sa eskwelahan at ako din naman papunta sa trabaho kaya napagpasyahan naming lumipat ng matitirahan dito malapit sa town.  Mahal ang renta pero kinuha na lang namin atleast dito hindi kami mahihirapan, pwede naming lakarin.  Dito kasi sa Baguio kapag malayo ang kukunin mong apartment or boarding ay mas mura ang renta kapag malapit naman sa town ay talagang mahal.  "Te wala pa bang padala sila Mama?" Tanong nito habang kumakain kami ng pananghalian.  Nilingon ko siya at agad na nilunok ang aking nginunguyang pagkain.  "Wala pa baka bukas pa daw."  Pagkatapos naming mananghalian ay nilinis ko ang bahay. Madami na kasing alikabuk ang bawat sulok nito animoy hindi natirahan ng ilang taon.  Isang palapag na bahay ang nakuha namin at may dalawang kwarto. Ang mga mesa naman ay halatang luma na pero nakakaya naman ng magbuhat ng mga pinapatong naming mga bagay.  Wala din itong mga gamit pero okay lang naman iyon sa amin kasi may mga gamit naman kami na binuhat galing sa lumang apartment namin.  Tinanggal ko na din ang mga putibg kurtina na ngayon ay kulay grey na. Nilagay ko ito sa labas para kunin na lang ng landlady para ipalaundry.  Pagkatapos kong maglinis ay inayos ko na ang kwarto ko kung saan ako matutulog, ganun din naman ang aking kapatid.  "Ate lalabas ako. Jan lang sa Town." Paalam nito paglabas ko ng banyo.  Ibinalot ko ng tuwalya ang aking basang buhok at tinignan siyang ayos na ayos.  Tumango ako habang nakatingin sa salamin at nilagyan ng moisturizer ang aking mukha.  Buong araw ay wala lang akong masyadong ginawa. Rest day ko ngayon kaya naglinis lang ako dito sa bagong bahay.  Lumabas ako sa pintuan para tignan sana ang labaa ng may tumambad sa akin na isang matandang babae. Puti na ang mga buhok nito at nakahawak na ito ng saklay.  "Hello po." Bati ko sa kanya.  Lalapit na sana ako ng bigla siyang umatras kaya naman napatigil ako.  "Hindi na kayo makakatakas. Hindi na kayo titigilan." Aniya.  Tumindig ang balahibo ko sa kanyang sinabi. Napatingin pa ako sa paligid kung ako ba talaga ang kinakausap niya.  "Ano po, La? Hindi ko po kayo maintindihan." Tumawa ako para maibsan ang aking kabang nararamdaman. Napakamot pa ako ng aking ulo.  "Hindi na sana kayo dapat lumi—" "Lola!" Hindi natuloy ng matanda ang kanyang sasabihin ng biglang may isang Binata ang tumakbo papunta sa kinaroroonan namin.  "Lola, kanina pa kita hinahanap. Bakit ka andito?" Hinawakan niya ang matanda at inilalayan. Nagulat pa siya ng makita ako.  "Sorry. Matanda na kasi itong Lola ko kung ano ang sinasabi. Pagpasensyahan mo na, Miss." Aniya at ngumiti sa akin.  Nag alinlangan pa ako at ngumiti na lang din sa kanya.  Hindi na ako nakapagpaalam dahil bigla na lang silang umalis at nagmamadali.  Hindi ko maintindihan ang sinabi ng matanda.  Napailing na lang ako at tumalikod na sana para pumasok pero nagulat na lang ako ng may makita akong parang anino sa may kusina.  Napapikit pa ako ng ilang beses kaya bigla itong nawala.  Guni-guni ko lang ata iyon kaya hindi ko na lang inintindi at dumiretso na ako sa aking kwarto para ayusin pa ang mga gamit kong hindi pa naayos.  ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD