bc

It Follows

book_age12+
24
FOLLOW
1K
READ
dark
tragedy
twisted
mystery
spiritual
like
intro-logo
Blurb

Nakikita mo siya pero hindi mo nahahawakan. Kahit saan ka magpunta ay susundan ka, kahit magtago ka ay mahahanap at mahahanap ka pa din niya. Hindi ka niya titigilan hangga't hindi ka namamatay.

chap-preview
Free preview
Simula
November 05, 1999 - Baguio City "Mama?" Isang batang babae ang tumawag sa kanyang Ina. Naglakad ito sa kanilang salad para hanapin ang mga magulang pero hindi pa din sumasagot ito.  "Mama? Natatakot ako." Nanginginig ang mga tinig nito habang binabanggit ang mga salita.  Madilim ang paligid, malakas ang ulan sinasabayan pa ng malalakas na kidlat. Umihip ang malamig na hangin sa kanilang bintana, umalon ang kurtinang nakasabit dito.  "Mama?" Muling tawag ng bata. Nakita niyang may babaeng nakatayo malapit sa bintana kung saan umaalon ang kulay puting kurtina.  Niyakap ng batang babae ang dala niyang teddy bear. Unti-unti siyang humakbang papalapit sa kinaroroonan ng babae. Nanatiling tahimik ang babae habang papalapit ang bata.  "Ma? Natatakot ako. Walang ilaw." Ani ng batang babae habang tuloy pa din ang paglapit.  "Yoli?!" Napalingon ang bata sa tumawag sa kanyang pangalan. Mula sa kinaroroonan niya ay naaninag niya ang kanyang Ina sa kanilang silid.  "Mama?!" Sigaw niya. Naguluhan ang bata tila nakita niya kanina ang kanyang Ina sa may bintana.  Muli niyang nilingon ang bintana kung nasaan kanina ang babae kaso wala na doon. Muli niyang nilingon ang kanyang Ina at ganun na lang ang panlalaki ng kanyang mga mata ng may makita siyang isang babae sa likod nito.  Nakatalukbong ito ng kulay itim habang nakasuot ito ng puting bistida hanggang sa paanan. "Mama!" Agad na tumakbo ang bata papunta sa kinaroroonan ng kanyang Ina.  Bago pa ito makapasok ay sumara na kaagad ang pintuan. Pilit niyang kinakalampag para mabuksan pero wala itong magagawa.  "Wa—wag!" Sigaw ng Ina nito sa loob. Tanging pag-iyak na lang ng bata ang nagawa. Pilit niya pa din kinakalampag ang pintuan pero hindi pa din bumubukas.  "Ma—mama." Patuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha. Naka-upo na siya ngayon sa pintuan habang nakasandal ang kanyang ulo.  Muling sumigaw ang Ina nito. Nakarinig siya ng lagabog at kusang bumukas ang pintuan. Muli siyang humagulhol ng makita niya ang katawan ng kanyang Ina sa sahig.  Umaagos ang pulang likod na nagmumula sa kamay at leeg nito. Bakas ang paghiwa ng kutsilyo sa leeg niya. Nakabukas din ang mga mata nito habang nakatingin sa kisame.  "Ssshhh." Isang haplos ang naramdaman ni Yoli mula sa balikat.  Nilingon siya nito. Nagulat ang bata ng makita niya ang babae na nakasuot ng puting bistida. Humagulhol muli ng iyak ang bata.  "Wag ka ng umiyak. Andito ako." Lumuhod ang babae. Hinawakan niya ang basang mukha ng bata at ngumiti sa kanya. Niyakap niya ito.  "Yoli?" Bumukas ang pintuan ng kanilang bahay at tumambad dito ang kanyang Ama.  Hinawakan ng babae ang kamay ng bata at ibinigay ang isang bagay. Bumulong ito sa kanya ng kung ano hanggang sa nawala na ang babae.  "Yoli? Anak?" Tawag ng kanyang Ama at dali-daling humakbang papunta sa kinaroroonan niya pero agad din siyang napatigil ng makita niya ang katawan ng kanyang asawa.  Halos malagutan siya ng hininga sa nakita. Agad niyang kinuha ang kanyang Anak para matabihan. Lumuhod ito at inayos ang sumasagabal na buhok sa kanyang mukha.  "Yoli, anong nangyari? Sino ang may gawa nito?" Tanong niya.  Gumalaw ang mga mata ng bata at tinignan niya ang kanyang Ama.  Agad niyang niyakap ang kanyang anak habang umiiyak sa pagkawala ng kanyang asawa.  "Yoli, sino ang guma—" Hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng naramdaman niya ang pagsaksak ng isang matalim na bagay sa kanyang puso. Napa-ubo ito kasabay ng pag-agos ng dugo na nagmumula sa kanyang bibig.  Tinignan niya ang kanyang anak. Muling naramdaman ang ilang muling saksak na tumama sa kanyang katawan.  Bago siya malagutan ng hininga ay nakita biyang nakangiti ang anak nito habang sa likod ay ang babaeng nakasuot ng puting bistida.  ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.9K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.4K
bc

His Obsession

read
104.5K
bc

The naive Secretary

read
69.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook