“Kamusta ang landi?” Bungad sa akin ni Sam pag pasok ko sa condo.
“Anong landi ka diyan?” Dinner lang naman 'yun with co-workers, eh. Hindi naman landi 'yun.
“Yung paglabas niyo na yan ni James?” Nang-aasar pa yung tono ng boses niya!
Inis ko niyang nilingon, “Alam mo ikaw, Sam? 'Wag ka nalang bitter. Hanap ka rin iyo.” sarkastiko kong sabi sa kanya. Nakakabwisit na eh.
Napalingon ako kay Sam ng makitang malalim ang iniisip. “Buhhhh!” Ginulat ko siya.
Napatalon pa ang puta. Natawa ako sa naging reaksiyon niya! “Anong meron? Lalim ata ng iniisip mo diyan? Nakakalunod ba 'yan?” pagbibiro ko sa kanya.
“Wala! Tabi nga diyan! Baka masipa pa kita, eh.” Naiilang niyang sabi at dumiretso sa kwarto.
Pag dating ko galing dinner, ganito na ang inaasal nito? Ano bang problema, nakakainis ha!
Sinundan ko pa siya sa kwarto, hindi ako mapapalagay nito, eh! “Sam, anong problema?” seryoso kong tanong ng makapasok sa kwarto.
“Wala nga kasi!” pilit niya pero hindi ako nakumbinsi. Halata naman kasi sa mukha niya, eh. Nakakainis, ayaw pang sabihin parang hindi ako kaibigan.
“Sabi mo, eh.” May tampo kong sabi. Sasabihin lang naman, anong mahirap doon?
Lumabas nalang ako ng kwarto at nanood ng TV doon, nagpapalipas ng inis. Nang na e-enjoy ko na ang panonood, saka lumabas si Sam. Kaya ayun! Nanumbalik na naman ang inis ko.
Inirapan ko lang siya tumabi siya sa akin. “Hoy, sorry na,” panunuyo niya habang sinusunggo ang braso ko.
“Ano ba? Matulog kana lang doon!” Naiinis na talaga ako.
“Sasabihin ko na nga, eh!” Parang labag pa sa loob niya. Pero dahil sa sobrang curious ko, ipinagsawalang bahala ko nalang.
“Mabuti talaga hindi ka sumabay sa akin pauwi, nakita ko si S-sky.”
Nabingi ata ako bigla. Ha? Nakita niya si Sky? Huling balita ko doon, eh, nasa London, kasama si Jean. Nakita ko 'yon sa IG niya. Kaya nga nuong nakita ko 'yon, nag detox na ako.
“Nagbibiro ka na naman ba, ha, Sam?” nabubwisit kong sabi. Narinig ko na naman kasi ang pangalan niyan.
He’s a f*****g cheater, you know.
Naalala ko na naman ang kadiring pangyayari, five years ago. Ginawa ko talaga 'yon? Na-stress ako bigla ng maalala 'yon!
“Oo nga! Nakita ko siya, nasa isang convience store pa nga, eh. Siya lang mag-isa, girl!” Intriga niya.
Anong paki ko naman? “Edi good! Hahahaha! Ano namang paki ko Sam? May kanya kanya na kaming buhay, pwede ba?”
“Hindi ko naman sinabing pakialaman mo, eh. Bakit ka affected?” sabi niya, nang-aasar.
Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Ibig sabihin ay nandito na rin siya sa Pilipinas? Kaya nga ako umuwi dito dahil alam kong wala na siya eh! Bakit naman ganon? Bakit ako sinusundan ng malas?
“Problema mo, Sam?” Kanina pa siya pabalik-balik dito sa cubicle ko. At kapag tinatanong ko kung bakit, ang isasagot niya lang chine-check niya lang daw if okay lang daw ba ako.
“Wala! Bye!” Nawala naman agad siya at ipinagpatuloy ang
Isa pang ewan 'to! Araw araw nasa cubicle ko, “Ano na naman 'yon, James?”
“Aw, ayaw mo ba akong nandito?” Pag iinarte niya.
Oo, ayaw ko! Nakakainis ka! “Hindi naman, sige go lang as long as hindi mo ko maiistorbo sa trabaho at hindi ka mapapagalitan.” I gave him a small smile at nag tipa ulit sa computer.
“Sam! Tara na, marami pa akong gagawin sa condo,” pag-aaya ko kay Sam ng hapon na. Uwian na namin.
Ang totoo niyan, ayoko na sumabay kay James! Napaka daldal niya, and makes me irritate!
“Mamaya na! Mauna kana,” sabi niya hindi manlang ako tinignan. Busy duon sa ginagawa niya.
Shit! Ang layo layo ng office work na'to sa condo, eh! Mag t-tren pa if commute lang, para mabilis lang makarating duon.
“Okay!” Kahit mahirap mag commute, ayos lang. Ayoko lang makasabay si James. Ang awkward, eh.
Pagdating sa estastyon ng tren, kumuha na ako ng ticket at nag-intay ng oras.
Maya-maya ay pumunta na ako sa sakayan para kung mag time man, mauna na ako sa loob. Hindi ako ma-rush.
Nang umandar na ang tren, sumandal nalang ako at pumikit, ang daming stress pala kapag may work na. Hindi ko inaasahang ganito. Hay! Pero ayos lang atleast nakakatulong ako sa condo.
Napadilat nalang ako bigla ng huminto ang tren! Stranded pa ata! Kamalas-malasan namang buhay 'to!
May in-annouce duon sa speaker na stranded nga daw. Marami ang nagrereklamo dito sa loob.
Napayuko nalang ako bigla ng makakita ako ng pamilyar na pigura— si Sky! Nandito nga siya! Tama nga si Sam! Yumuko nalang ako ng hindi ako makita!
Kunwaring nag-abala ako sa phone. “Ah Miss, baligtad phone mo.”
Napapikit nalang ako ng malaglag sa sahig ang phone sa gulat. Aabutin na niya sana pero naunahan ko na siya. Hindi ko nalang siya pinansin at hindi nag-angat ng tingin.
Umayos naman na ang tren at mabilis na nakauwi. Buti nalang hindi ko na siya nakita.
Bwisit akong umuwi sa condo. “Ba't ngayon ka lang? Anong oras na?” bungad sa akin ni Sam.
Sinamaan ko siya ng tingin, “Na stranded ako! Tangina nandon pa si Sky!” stress kong sabi.
“Omg! Nagkita kayo?” Kinakabahang tanong ni Sam.
“Hindi! Yumuko lang ako, pero kinausap niya ako. Hindi niya alam na ako 'yon.” paliwanag ko.
“Nasaan yung papeles?” pagiiba nalang ni Sam. Alam niya kung gaano ko gustong kalimutan yung lalaki na 'yon.
Kinapkapan ko ang sarili ko ng ma-realize na naiwan ko sa loob ng tren ang tote bag ko!
“Holy crap! Naiwan ko sa tren!” Nandon pa ang mga ID’s ko! Sana naman nasa mabuting kamay 'yon! Kahit sa office lang sana maibalim. Nakalagay naman duon ang ID ko sa office.
“Hala! Paano 'yan? Kailangan na i-submit 'yon bukas! Saan tayo kukuha ng copies?” Stress na rin niyang sabi.
“I’m sorry Sam! Gagawan ko ng paraan!” aligagang sabi ko.
Tangina mo, Sky! Kasalanan mo'to!
Hindi na naman ako nakatulog kakaisip sa bag ko kung saan napunta!
Pumasok ako sa office na bangag. “Ma'am! May nag-iwan po ng bag niyo dito kahapon! Ang gwapo Ma'am! Yummy!” sagot ni Stella, assistan ni Sam.
Landi mo, pakshit ka. Gusto ko sanang sabihin pero ang rude naman non.
“Anong pangalan ng nagsoli? Pasasalamatan ko,” walang emosyong sabi ko. Sa sobrang bangang hindi na ako makasabay sa tao. Wala kong energy.
“Ako.”