CHAPTER 5: MANA

1519 Words
MABILIS na lumipas ang tatlong buwan, tahimik at nasanay mang mamuhay si Orah sa Marina Azul. Sa tulong na din ng pamilya Mangahas. Apat na buwan na rin ang kanyang tiyan. "Mang Isagani, ako na po muna ang mag-aalaga kay Nanay Merlita. Wala naman po akong ginagawa dito sa bahay." Prisinta ni Orah. Nilapitan niya ang matandang nag-alaga sa kanya noong maliit pa siya. "Naku, senyorita. Nakakahiya naman sa'yo. Bisita ka pa namin, hindi ata maganda ikaw pa mag-alaga kay Merlita." Ani ni Isagani na napatingin sa asawang nasa wheelchair. Hindi na ito nakakalakad at nakakapagsalita dahil sa dementia. 'Di na rin nakakilala, kahit pa ang pamilya nila. "Okay lang po, Mang Isagani. Ibinabalik ko lang po ang pag-aalaga at pagmamahal niya sa akin noong malusog pa siya." Nahihiyang saad ni Isagani. May pupuntahan sila ni Khal na trabaho at naghahanap silang mag-ama ng titingin sa kanyang asawa ngayong araw. Napangiti si Isagani. Mabuting bata talaga ito si Orah. Sa magkapatid na Burton mas palagay ang loob ni Merlita kaysa kay Zaylee. May pagka-maldita kasi ang panganay na anak ng mga Burton. "Sigurado po ba kayo, senyorita? Baka po mahirapan kayo lalo na sa kalagayan mo. Buntis ka pa naman." "Maagan lang po si baby at kayang- kaya ko po ang mag-alaga," paniniyak na sabi ni Orah. "Orah, kung anuman tumawag ka kaagad sa amin ni tatay. Uuwi ako agad," wika ni Khal. "Sige, Kuya Khal. 'Wag kayong mag-alala kay Nanay Merlita. Ako ng bahala sa kanya." Ngumiti siya para hindi mag-alala ang mag-ama. Humalik si Khal sa ina, at pagkatapos ay lumapit si Isagani para humalok din sa noo ng asawa. Humanga si Orah sa pagmamahalan ng pamilya Mangahas sa isa't isa. Mahirap ang buhay at maysakit ang ina ng tahanan pero nanatili silang buo at nagmamahalan. Nilapitan ni Khal si Orah at marahang hinaplos ang tiyan ng dalaga. "Huwag mong pahirapan si mama mo. Behave ka lang d'yan, baby," sabi niya na yumuko pa. Napaigtad si Orah sa ginawang 'yon ni Khal at 'di siya kaagad nakapag-react. "Tayo na, Khal. Umalis na tayo para makauwi ng maaga." Napaayos ng tayo si Khal. Nagtama ang mga mata nila ni Orah. Saglit na napatitig sa isa't isa. "Mag-iingat kayo dito nina nanay. Alagaan mo ang baby mo," bilin pa niya. Marahan na tumango si Orah. Hindi niya talaga alam ang ikikilos sa harapan ng binata. Napapiltan siyang lawakan ang ngiti. Tumalikod ang mag-ama at lumabas na ng bahay. Sinusundan na lang ng tingin ni Orah sina Khal at Mang Isagani na paalis. PALAKAD- LAKAD si Valentino, pabalik- balik. Kanina pa siya nag-iisip ng malalim, hanggang ngayon ay wala pa ring balita sa kanyang anak na si Zipporah. Nag-hire na siya ng mga imbestigador para hanapin ang nag-layas na si Orah. "Hindi ka mapakali, Valentin? Maupo ka nga. Nahihilo ako sa'yo kalalakad mo," saway ni Zelda sa asawa. "Paano ba naman palpak lahat ng mga inupahan ko na hanapin si Orah? Hindi ka man lang nag-aalala sa nawawala mong anak." Napakibit lang ng balikat si Zelda. Wala talaga siyang pakialam kay Orah. Kahihiyan lang ang dala ng anak ni Valentino sa kanilang pamilya. "Kasalanan ng anak mo 'yon. Nagkamali siya. Paano hindi ko siya palalayasin sa mansyon?" Malamig na sabi ni Zelda. Napatiim si Valentin. "It is your faul!Alam mo na nagdadalang-tao ang anak natin. Mas ginusto mong paalisin siya kaysa ang tulungan! Kung umasta ka parang hindi mo anak si Orah, Zelda!" Nanlilisik ang ang mata ni Zelda na tumingin sa asawa. "Totoo naman, ah. Hindi ko anak si Zipporah! Anak mo sa ibang babae ang bunso mo! Manang- mana talaga siya sa ina niyang haliparot. Maagang lumandi kaya 'yan, buntis!" Napatiim si Valentino, hinihingal na pinipigil ang matinding galit sa kanyang dibdib. "Nakalimutan mo din atang hindi ko anak si Zaylee. Ang ina ni Zipporah ang mahal ko! Pero, anong ginawa mo, ninyo ng pamilya mo? Ipinaako mo sa akin ang pinagbubuntis mo! Akala mo siguro hindi ko alam na anak mo si Zaylee sa ibang lalaki!" Nanlalaki ang mga mata ni Zelda na nagulantan sa sinabi ni Valentino. Inilihim niya ang totoong pagkatao ng kaniyang anak na si Zaylee. Walang siyang kaalam- alam na matagal nang alam ni Valentino ang lahat. "Kung tutuusin si Zipporah ang mas may karapatan sa mansyon na 'to kaysa sa inyong mag-ina ni Zaylee. Pero, nanaig ang pagmamahal ko sa anak mo. Kahit alam ko na hindi siya sa akin nanggaling. Itinuring ko siyang tunay na anak. Kung hindi ay baka sa kalsada kayo ngayong mag-ina natutulog!" Biglang tumulo ang luha ni Zelda. Nangngingitngit ang kanyang kalooban. Ipinamukha ni Valentino kung sino ang may mas may karapatan sa mansyong ito, bastarda nitong anak— si Zipporah. "Labing-walong taon, Valentino. Napakahaba na ng panahon tayong nagsasama. Hanggang ngayon hindi mo pa rin nakakalimutan si Oriza. Siya pa rin ang mahal mo hanggang ngayon!" Hinanakit ni Zelda. Marahas na napabuntong hinonga si Valentino. Twenty years man ang nakalipas, hinding- hindi niya makakalimutan ang babaeng kanyang minahal. Sayang lang dahil maaga siyang nawala sa kanila ni Orah. Nalaman niyang may anak sila ni Oriza, noong makapanganak na ito kay Orah. Pinuntahan niya ang dating kasintahan sa ospital pero huli na ang lahat. Namatay sa panganganak si Oriza. "Sinubukan ko naman, Zelda. Sibubukan ko na mahalin din kita. Pero, mahirap mapilit ang puso. I'm sorry, si Oriza pa rin talaga ang mahal ko..." napayuko si Valentino. Naging totoo lang siya sa kanyang damdamin. Kung noon hindi niya nagawan ipaglaban si Oriza, ngayon aaminin niya sa sarili niyang mahal na mahal pa rin niya ang namayapang dating kasintahan. Lumapit si Zelda sa asawa at isang malakas na sampal ang ibinigay niya. Napabiling lang ito at hindi ininda ang pagkakasampal niya. "Ang kapal ng mukha mo! Patay na si Oriza. Ako andito sa tabi, kasama mo sa lahat! Pagkatapos, sasabihin mong mahal mo si Oriza." "I'm really sorry, Zelda. Nasa iyo kung gusto mo pang manatili sa pagsasama natin. Pero, ako, wala na talaga. Hahanapin ko si Orah, hihingi ako ng tawad sa ginawa mo. Iuuwi ko siya dito sa mansyon." Tila nabagabag si Zelda. Lalo nang mawawalan sila kung babalik sa mansyon at sa buhay ni Valentino ang anak. Napailing- iling siya. "Hindi ako papayag na umalis ako sa buhay mo, Valentino. Dito lang kami ni Zaylee sa mansyon," madidiing saad niya. "Kung iyan ang desisyon mo, wala akong magagawa. Pero, ibabalik ko ang anak." Tugon ni Valentino. Hahanapin niya si Orah. Hahalughugin niya ang lahat ng lugar sa buong bansa para lang mahanap ang anak. "Basta ibigay mo ang nararapat para sa anak kong si Zaylee. Dalhin mo dito ang anak mo sa pamamahay ko at sa pagbabalik niya ay maging pantay ang tingin mo sa dalawang bata." Napataas ang sulok ng labi ni Valentino. "Lumalabas na desperada ka sa pera. Gagamitin mo pa ang anak mo para lamang makakuha sa akin ng mana. 'Wag kang mag-alala, si Zaylee ay bibigyan ko pa rin ng mana. Pero hindi kapantay ng para sa anak ko. At wala kang makukuha sa akin." Madidiing sabi niya at umalis sa harapan ng asawa. Natigilan si Zelada. Tuluyan na siyang kinalimutan ni Valentin. Tinanggalan pa siya ng mamanahin. Hindi naman ata siya makakapayag niyon. Gagawin niya ang lahat upang mapasa kanila ni Zaylee ang buong kayamanan ng mga Burton. Isa pa, hawak pa niya ang pangalang Burton. Kasal pa rin sila ni Valentino. May karapatan pa rin siya sa lahat ng mayroon ang kanyang asawa. "NAALALA mo pa ba ako, Nanay Merlita? Ako po si Orah," nakangiting sabi niya habang pinupunasan ang kamay ng matandang babae. Walang reaksyon ito at nakatingin lamang sa kanyang mukha. "Natatandaan ko po noon, palagi n'yo akong ipinagluluto ng lugaw. Paborito ko po iyon sa lahat. Kaya pinag-aralan kong lutuin. Kayo naman ang ipagluluto ko ng lugaw," maluha- luhang sabi pa niya. Wala pa rin siyang makuhang reaksyon sa matanda. Inilagay niya ang pamunas sa palanggana at pumunta sa kusina. Sandali lang naman magluto ng lugaw. Hinugasan niya ang bigas "Orah... Orah..." napapunas siya bigla ng kanyang kamay nang marinig ang pagtawag sa pangalan niya. Bumalik siya sa sala at nagulat nang makita si Khal na nasa harapan ni Nanay Merlita. "Bakit umuwi ka kaagad, Kuya Khal?" Untag niya. Napaangat ang tingin ng binata sa kanya. "Wala kasi kayong kasama ni nanay. Nagsabi ako kay tatay na mauuna nang umuwi. Hindi din ako mapapalagay doon sa palengke. Kaya, eto. Umuwi na ako." "Ganoon ba? Tamang- tama, magluluto ako ng meryenda namin ni nanay. Ikaw na muna ang tumingin kay nanay." Malawak na ngumiti si Khal. Kanina pa niya naririnig ang salitang nanay kay Orah at paglulutuan pa siya ng meryenda. Isang mayamang babae ang pinagsisilbihan sila. Bagong- bago sa kanyang karanasan. "Sige, Orah. Ako na ang bahala kay nanay. May pasalubong pala akong manggang hilaw para sa'yo." Itinaas niya ang plastic na dala. Nagningning naman ang mga mata ni Orah nang makita ang mga mangga. "Maraming salamat. Pinag-iisipan ko ngang magpabili sana ng mangga. Sa kusina lang ako, kuya." Tumango- tango si Khal na hindi maalis ang ngiti sa labi. Pumunta na sa kusina si Orah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD