(If you have something worth fighting for, then fight for it) AYVA’S POV TAHIMIK AKONG lumulan ng sasakyan ni Calix. Pinili ko ng sumang-ayon sa lalaki na sabay naming ihahatid si Troy dahil iyon ang mas tamang gawin. Nasa front seat ako nakaupo dahil sakop ni Troy ang buong back seat kaya kahit ayaw ko ay napilitan akong tumabi kay Calix. “Alam mo ba kung saan nakatira si Troy?” “Sa bahay na lang muna siya mag-stay. Makikiusap na lang ako kay Papa.” “Kailangan siyang maihatid sa kanila,” mariin nitong sabi. Bumaling ako sa likuran. “Paano ko siya matatanong sa ganyang lagay?” “So, hahayaan mo na lang na sa inyo siya magpalipas ng gabi, ganoon ba iyon?” “Ano pa nga ba? Hindi naman pwede sa kalsada hindi ba?” “Doon na rin ako muna sa inyo magpapalipas ng gabi,” anito. Ano na naman

