
Hi! I'm Mikaela Faye Garcia Soler,16 years old umibig sa Isang Carlos Fernandez.
Masasabi ko na sa murang edad ko ay kapansin pansin na agad ang angkin kong kagandahan palibasa ang aking ama ay banyaga at ang aking ina ay pilipina.
May maganda akong mangangatawan,matangkad,maputi,matangos ang ilong,may magandang mga mata at matalino pa, kaya naman kahit 16 palamang ako ay marami na ang gustong manligaw sakin pero hindi ko sila pinapansin hanggang sa nakuha ng isang lalaki ang aking atensiyon siya ay si Carlos Fernandez apat na taon ang tanda niya sa akin pero magkabatch kami palibasa hindi siya masyadong nagseseryoso sa pagaaral niya kaya hindi agad nakapagtapos ng high school.
Gwapo ito matangkad din,may kayumangging kulay,matangos ang ilong at may maganda ding mga mata at ang mas nagustuhan ko sa kanya ay ang mahabang pilikmata dinaig pa ang babae.hahaha
ito ang manliligaw ko na sobrang pursigido kahit hindi ko naman pinayagan na manligaw sakin....
ewan ko ba pero mainit ang dugo ko sa lalaking ito nung una kaming magkakilala masyado kasing bolero at marami ring mga babae na umaaligid sa kanya.
Pero dahil masyadong porsigido ang lalaking ito ay di kalaunan ay nahulog din ang loob ko sa kanya....
Maalaga siya at malambing pa, pagnalulungkot ako ay madalas na siya ang nagpapatawa sa akin,nasasabihan ko rin ng mga problema ko.
Hindi ko lang siya boyfriend kundi best friend narin.sa sobrang pagmamahal ko sa kanya ay nagpadala ako sa kapusukan na nagpabago ng buhay ko.
dahil dito ay maghihiwalay kami ngunit pagtatagpuin ulit ng tadhana pero hindi magiging successful ang magiging pagsasama namin.
pero ang hindi ko alam may iba pa palang dadating sa buhay ko na nakalaan talaga sa akin
Would I give myself a chance to love again?.…....

