INTRAMURALS na next week at karamihan ng mga studyante ay abala sa pagaasikaso ng mga event na gaganapin at maging ang mga sasali sa mga naturang event
tulad ng mga sports,Mr and Miss intrams,mga booth na itatayo sa may field at iba pa
kaya halos wala ring matinung leksyon ngayon dahil maging ang mga teacher ay abala din.
Si Carlos naman ay nagpapractice ng sinalihan nitong basketball kaya medyo naging bc talaga ito paminsan minsan ay nanonood ako ng practice nila at masasabi ko na magaling talaga ang boyfriend ko pagdating sa sport na yun
ang mga kaibigan ko naman na sila Erica Grace at Robert ay abala din dahil kasama sila sa mga officers ng school namin. si Cris naman ay nagpapractice ng volleyball at si Clarence ay basketball din ang nasalihan
Ako lang ata ang hindi bc saamin wala kasi akong hilig sa sport at hindi rin ako officer
may nanghikayat nga sakin na sumali sa Miss intrams dahil sayang naman daw ang ganda ko ngunit tumanggi ako dahil wala din akong hilig sa ganung bagay
tutulong nalang naman ako sa itatayo naming booth at manonood lang sa mga event
Sa ngayon ay kasalukuyan akong nakaupo sa isa sa mga bench dito sa may malapit sa field nagbabasa ng libro
siguro ay iniisip niyo na masyadong boring ang buhay ko well hindi ko naman itatanggi dahil totoo naman
may talent ako pero hindi ko pinapakita sa karamihan, maganda ako pero mas gusto ko lang eh maging simpling studyante
nasa ganun akong pagiisip na hindi ko manlang namalayan ang paglapit ni Carlos sakin na tumabi pa sa upuan na inuukupa ko
"nagbabasa kaba talaga para kasi nakatutok lang ang mata mo sa libro pero ang layo ng iniisip mo"
"nagbabasa ako"ani ko rito para pagtakpan ang pagkapahiya dahil sa napansin nito sakin at ayoko naman na magtanung pa ito ng kung anu anu
napansin ko na bagong paligo ito marahil ay tapus na ang practice nito
"tapos na kayo magpractice?" tanong ko kahit obiyus naman eh
"oo tapos na kami kumain kana babe"
"hindi pa kasi di pa naman ako nagugutom" pero nakaramdam na ako ng gutom ang totoo ayoko kumain kasi wala akong kasama
"halika kain na tayo tanghali na kaya"
hinawakan na ako nito sa kamay para makatayo naglakad na kami
akala ko eh pupunta kami ng canteen pero lumampas kami doon at nagpunta sa nakaparada niyang motor
"San tayo pupunta?" tanong ko dito
"kakain" sagot nito sakin
" eh bakit lalabas pa tayo eh diba may practice kapa pagkatapos ng lunch break baka malate kalang kung lalabas pa tayo"
"wala nakong practice mamaya saka babe time muna namimiss na kita"
napangiti naman ako abot langit nanaman ang kilig ko kainis namumula nanaman ako
"ang cute mo talaga pagnagbublush"
"halika na nga" yaya ko na dito kasi naman eh nagpapakilig nanaman
"babe naman sure ka halikan kita" nagbibirong turan nito kaya lalo pa tuloy akong namula kaya hinampas ko na siya sa braso niya
"Isa aalis naba tayo o iiwanan nalang kita dito"
"ito na po aalis na nga po tayo.susungit kananaman babe oh suot muna itong helmet"
sinuot na niya sakin yung helmet tapos ay sumakay na kami pareho at pinaandar na niya ito
huminto kami sa isang fastfood chain at nagtake out lang kami sabi kasi niya sa tree house nalang kami kumain
kaya pumunta na kami dun at ng makarating ay hinanda na namin ang mga kakainin namin at nagsimula ng kumain