ARAW NG SABADO madaling araw palang ay nagising na kami ni mama dahil maaga kaming mamamalengke kailangan kasi namin maabutan ang unang bagsakan ng gulay at mga fresh na karne para sa handaan kinabukasan
at dahil narin sa may responsibilidad pa si mama sa baranggay namin.
masyado itong naging abala nung mga nagdaang araw marami rin kasi silang inorganized na mga pakontes tulad ng Miss baranggay 20** ,Miss Gay 20**,pakontes sa kantahan mga palaro at padisco sa mga teenagers meron din sa mga matatanda.
kaya eto kami ngayon patungo na sa palengke at ng makarating kami ay sakto lang naman dahil marami na agad na bukas na mga tindahan
" anak san na ung pinahawak ko sayo na listahan ng bibilhin natin?" tanong ni mama
agad ko naman itong hinanap sa sling bag na dala ko
" eto na po ma" sabi ko dito sabay abot
ng makuha ni mama ay binasa na niya ito at nagsimula na kaming mamili
marami rin kaming nabili at sobrang bigat ng mga dala namin dapat pala sinama namin si mico para natulungan kami magbitbit
nang matapos na ay umuwi narin kami at inayos na ang mga pinamili sa kusina
" Mika magpahinga kana maya maya aalis ako maglinis ka ng bahay at umpisahan mo rin gawin ung ibang ihahanda para bukas" bilin ni mama sakin
" opo ma, sige po pasok na muna ako sa kwarto ko" paalam ko naman dito
pagpasok ko sa kwarto ay nagbihis lang ako at nahiga na mabilis naman akong dinalaw ng antok
NAGISING ako pasado alas otso na ng umaga bumangon na ako at naligo pagkatapos pumunta na ako sa kusina
naabutan ko naman ang kapatid ko na abala na sa pagkain ng agahan namin
" oh ate kain na"
" si mama?"
"kaaalis lang"
"ok" sabay upo at nagsimula narin kumain
" Mico tulungan mo ako maglinis ng bahay magpapalit din tayo ng kurtina at maghahanda ng panghanda para bukas"
" oo ate nabilinan narin ako ni mama"
"okey" sagot ko nalang dito at nagsimula na ulit na kumain
natapos na kami at sinimulan na nga naming magligpit ng pinagkainan,hinugasan ko na ito at pumunta na ng Sala
naabutan ko ang kapatid ko na inaalis na ang mga kurtina at mga punda ng unan sa sofa
sinimulan ko naman kunin ang mga gamit pang linis
binuksan ko ang radio napimi ng tugtugin na mapapaindak ka sa pagsayaw para naman hindi boring diba
kaya heto kami ngayon abala sa paglilinis sa buong bahay isinalang ko narin sa washing machine ung mga labahan para hindi sayang sa oras buti nalang hitech din tong nabili ni mama na washing machine
yung hindi mo na kailangan banlawan basta pagnilabas mo nadrayer na isasampay nalang oh diba ang galing
kaya ng matapos na kami sa paglilinis sa buong bahay ay naglagay naman kami ng malinis na kurtina at pillowcase na nilalagay sa sofa namin
malapit ng magtanghalian kaya nagsaing na muna ako at dahil kami lang naman ng kapatid ko eh nagprito lang ako ng manok at hinanda na sa lamesa
maya maya pa ay tinawag ko na ang kapatid ko para kumain
nang matapos na kami kumain ay tinapos ko narin ang paglalaba
kunting pahinga lang at inabala ko naman ang sarili ko sa paghahanda ng mga dapat iluto para bukas
sinimulan ko ng gumawa ng lompiang Shanghai, gumawa nadin ako ng Graham cake, buko salad at lecheplan para sa dessert
hiniwa ko narin ang mga karne at minarinate na ito pati narin ang gagawing fried chicken para bukas
naghiwa ako ng maraming bawang,sibuyas at luya.nilagay ko ito sa tupperware at nilagay sa ref
marami pa akong ginawa na hindi ko na namalayan ang oras at kinailangan ko naman maghanda ng hapunan
gabi narin nakauwi si mama kaya ng matapos na ako sa paghahanda ng hapunan ay tinawag ko na si mama at mico
nakatapos narin kami sa pagkain at pagliligpit
dumeretso na ako sa kwarto para masimulan narin ang paglilinis ng katawan
sobrang pagod ko ngayong araw kaya mabilis din akong hinila ng antok