Araw ng lunes ngayon at papasok nanaman sa eskwela maaga akong nagising dahil narin sa nagset ako ng alarm kagabi para hindi narin ako mapagalitan ni mama
bumangon na ako at naghanda sa pagpasok paglabas ko ng kwarto at nagtungo na sa kusina ay tapos narin sa paghahanda ng almusal si mama
"buti naman at nagkusa kang gumising ngayong araw" yan agad ang bungad ni mama sakin
" good morning mama syempre naman para di na po kayo magalit sakin" Sabi ko dito at niyakap pa ito sa likod
" oh siya kain na tawagin ko lang yung kapatid mo"
"sige po ma" Sabi ko at umupo narin para simulan ang pagkain
maya maya pa ay pumasok narin si mama at mico at nagsimula narin kumain napansin ko na nagmamadali din si mama kaya madali itong natapos sa pagkain at nagbilin sa amin
" Mika,Mico aalis na ako mauna na ako sa inyo at marami akong gagawin sa baranggay alam niyo naman malapit na ang fiesta dito sa lugar natin"
oo nga pala dahil si mama ay isang treasurer sa baranggay hall dito sa lugar namin at tutulong siya sa pagpaplano ng mga activities na gagawin para sa fiesta at syempre paghahandaan narin nila ang mga dapat na gagamitin
masaya ang fiesta dito sa amin may mga pakontes,palaro,parada at padisco narin
" okey lang po ma kami nalang po magsasarado dito sa bahay" sagot ko naman dito
"eto nga pala baon niyo at ung lunchbox niyo nakahanda narin mamaya baka gabihin din ako ng uwi ikaw na muna bahala mika maghanda ng hapunan natin" bilin nito at nagabot ng pera
"opo mama ako na po bahala ingats po kayo"
" Mico uwi agad mamaya ikaw din Mika"
"opo" sabay naman na sabi namin
ng umalis na si mama at ay natapos na ako sa pagkain ko kaya niligpit ko na at hinugasan sa sala nalang ako maghihintay sa kapatid ko
" mico ligpit mo yang kinainan mo,hugasan mo narin"
"oo ate ako na bahala dito"
"sa sala na kita hintayin"
"oo " sagot naman nito
lumabas nako ng kusina ilang minutow lang ay lumabas narin ito at sinarado na namin ang bahay
NAKARATING na kami sa school dumeretso agad ako sa room ko at dahil medyo maaga ako ngayon ay medyo kaunti pa ang mga kaklase ko at wala pa ni isa sa mga kaibigan ko
minabuti ko muna na kalikutin ang cellphone ko ng meron isang istorbo na tinatawag ako nung una di ko ito pinansin kasi di naman pangalan ko ang tinatawag niya
"Psst.....Psst...Psst" see ganyan tawag niya sakin eh ako pa naman ung taong hindi masyadong pinapansin ang mga nasa paligid pero dahil nakailan na siyang sitsit sakin nilingon ko ang nasa labas
then I saw him ung guy na naghatid sakin siniseniyasan niya ako na lumapit sa kanya
kaya lumapit naman ako
" bakit anu kailangan mo?" sabi ko rito parang ang suplada ng pagkakatanong ko pero ganun talaga eh
" ang aga aga ang sungit mo meron ka ba?" balik tanung niya sakin
parang naginit ang magkabilang pisngi ko dahil sa tanong niya nakakainis pero magtitimpi ako kaya sinagot ko nalang
"wala" sabi ko rito
ngumisi pa ang gago para akong napipikon sa kanya
" anu ba kasi kailangan mo?" ulit ko
" pwede bang pakibigay kay Erica itong libro nakalimutan niya sa bahay kahapon"
ninabot ko naman yun sa kanya
" sige salamat alis nako"
paalam nito sakin kaya bumalik nako sa upuan ko
maya maya sunod sunod ng nagsidatingan ang mga kaibigan ko
" hi mika aga natin ngayon ha" bati sakin ni Clarence
"nagalarm kasi ako" sagot ko dito
ng makalapit sakin si Erica ay inabot ko naman ung libro dito
"dumaan ung pinsan mo pinabibigay sayo"
"ah oo salamat" sabi naman nito
"Mika totoo ba na hinatid ka raw ng pinsan ko?"
tsismosa din ito eh noh
"sino may sabi?" tanong ko pa kahit alam ko naman na ang sagot
" sino pa edi ung pinsan ko"
"oo nagmagandang loob ung tao"
" feeling ko gusto ka nung pinsanw ni Erica" biglang sabat naman ni Cris
" hoy kayo gumagawa kayo ng issue jan mamaya makarating pa dun sa tao"
"sus gwapo naman dipa what if meron"
"tigilan niyo nga ako"
may sasabihin pa sana si cris ng dumating na rin ung teacher namin kaya nagsimula na ang lesson
salamat naman save by our teacher mga itsusera talaga