Araw ng Sabado ngayon maaga akong nagising para makapaglinis ng kwarto ko at makapaglaba narin dahil aalis ako mamayang hapon dahil pupunta ako sa kaarawan ni Erica pero bago ako bumangon ay kinuha ko muna ang cp ko para maitext ito
gusto ko muna itong batiin ng happy birthday
hindi naman nagtagal ay sumagot na ito ng salamat at pinaalala na pumunta ako mamaya.. eto talaga parang sirang plaka na paulit ulit na nagpapaalala
kala mo naman makakalimutan ko
nangingiti nalang ako na bumangon at nilapag ang phone sa bedside table at lumabas na ng kwarto
nagtungo ako sa banyo para gawin ang morning rituals ko at magbihis ng short at t shirt tinali ko ng maayos ang buhok ko at nagtungo na sa kusina
At dahil wala pang almusal ay ako na ang naghanda nito
nagluto lang ako ng sinangag na kanin at pritong itlog may nakita rin ako na Tuyo kaya prinito ko narin
Nakarinig ako sa labas na may sumisigaw ng pandisal kaya dali dali naman ako lumabas at tinawag ito
"Manong....Manong" tawag ko sa naglalako ng pandisal na nakasakay sa likod ng bisikleta nito pero dahan dahan lang ang pagbibisikleta dahil sumisigaw ito ng pandesal
narinig naman ako nito kaya bumalik ito at nagtungo sa may gate namin kung saan ako nakatayo
" Ilang pandesal sayo ineng?" tanong sakin ni manong
" bente lang po manong,wait lang po kuha lang po ako ng pambayad"
sabi ko dito
"sige babalot ko na habang naghihintay sayo" Sabi naman nito
"sige po wait lang po" ulit ko naman dito at tumakbo na papasok dumeretso ako sa kwarto ko at kumuha ng bente pesos sa wallet ko
pagbalik ko ay inabot ko na dito ang bayad at binigay na nito sakin ang binili kong mainit pa na pandesal
" salamat po" nakangiti kong Sabi dito at pumasok na sa loob
dumeretso na agad ako sa kusina nagtimpla ng kape,naglagay ng mga Plato,nilabas ang palaman na cheese whiz, kumuha ng tubig at ng nakahanda na ang lahat ay umupo na ako para kumain
maya maya ay pumasok na sa kusina si mama
" good morning Po Ma" bati ko dito ng madako ang mata ko sa pinto ng pumasok ito
"good morning naman nak bakit pag walang pasok eh maaga kang nagigising" puna naman sakin ni mama totoo naman yun pero ewan ko nga ba bakit ganun.
" Mama talaga" sabi ko nalang at napanguso pa
natawa naman si mama sakin at naupo na para sumabay sa pagkain
"Ma punta po pala ako sa bahay ng kaibigan kong si Erica birthday niya po kasi" sabi ko dito
" anung oras ka aalis?" tanong naman ni mama sakin
" Mga 3:30pm po" sagot ko naman dito
" gagabihin ka ba?" tanong ulit nito sakin
" hmmm... mga 6 po siguro uwi narin po ako" sagot ko naman dito
" sige magiingat ka pero wag ng lalampas ng 6 ha" Sabi naman ni mama
"opo,thank you po" Sabi ko naman dito na nakangiti pa
ng matapos na kami kumain ay saka naman pumasok ang kapatid ko at umupo naman para kumain
niligpit ko na ang pinagkainan namin ni mama at hinugasan na ito
" Mico hugasan mo yang pinagkainan mo at takpan yung pagkain na matitira" bilin ko naman dito bago ako lumabas ng kusina
"Oo ate" sagot nito habang naglalagay ng pagkain sa plato
pumunta na ako sa kwarto dala ang mga gamit panglinis at nagsimula ng linisin ito nilabas ko na rin ang mga gamit na labahin
pinunasan ko ang mga maalikabok na gamit at nangagiw sa kisami ng maayos na ay naglagay na ako ng bagong sapin sa kama at punda sa unan pinalitan ko narin ang kumot ko,nagpalit narin ng kurtina sa may bintana
nang okey na ang lahat sa kwarto ko ay nagsimula naman akong maglaba
ng matapos na ay naligo na ako kumain ng tanghalian at pumasok na sa kwarto naisip ko kasi na magpahinga na muna dahil mamaya pa naman ang birthday ni Erica nagalarm nalang ako ng 2:30 para magising ako
sobrang napagod talaga ako kaya mabilis akong nakatulog.
nagising ako dahil sa alarm na nagmumula sa phone ko kinapa ko ito at tiningnan ang orasan pinatay ko na rin at bumangon na naligo ulit ako para fresh ulit ang pakiramdam ko
nagsuot lang ako ng t shirt at skinny jeans tinernohan ko ito ng sniker nagayos ng buhok at nagpulbo
ng ma satisfied sa itsura ay kinuha ko na ang sling bag at paper bag na naglalaman ng regalo
nakita ko naman si mama sa may Sala na nanonood ng t.v
" Ma alis na po ako" paalam ko naman dito ng makalapit ako
"sige ingat ka wag lalampas ng 6 pm." paalala naman nito
"opo ma" sagot ko dito at lumabas na ng bahay
may nakita naman ako na tricycle kaya pinara ko na ito. ng huminto ito sa harapan ko ay sinabi ko dito kung saan ang punta ko.
tinext ko naman ang mga kaibigan ko na papunta na ako
guys on the way na ako papunta kila Erica
dito na Me...sagot ni Clarence sakin
me to on the way palang kami ni Cris...sagot naman ni Grace
lapit na ako sa kanila....sabi naman ni Robert
okey guys....sagot ko sa kanila