YUN NGA ANG GINAWA ko tatlong araw ko na siyang iniiwasan at thank God dahil nagagawa ko ng maayos
hindi ako sumasabay sa mga kaibigan ko pagbreak time para lang makaiwas sa kanya at iniiba ko rin ang ruta ng pagpunta ko sa room di rin ako maagang pumapasok pero maaga naman ako umuuwi
buti nalang hindi nangungulit ang mgae kaibigan ko hinahayaan nalang ako sa gusto ko na pinagpapasalamat ko naman
at least hindi sila dumadagdag sa iniisip ko
PERO nung pangapat na araw ay hindi na ako nakaligtas kaya ito ako ngayon pauwi na habang siya sumusunod sakin at kahit bilisan ko ang paglakad ko ay hindi ko siya maiwasan
" Mika kausapin mo naman ako anu ba ang problema? anung nagawa ko? hinayaan kita ng tatlong araw na iniiwasan ako pero di ko na kaya kung may nagawa ako sabihin mo naman. para maexplain ko naman ang side ko hindi yung ganito tayo nababaliw nako kakaisip"
napahinto ako sa paglalakad dahil sa mga sinabi niya
mali nga siguro ang ginagawa kong pagiwas sa kanya dahil sa nakikita ko parang pareho pa nga kaming nahihirapan
dapat siguro ay kinausap ko siya ng saganun ay nakapagexplain siya what if nagassume lang pala ako
nagpadala ako sa matinding sakit na nararamdaman ko na hindi ko na naisip kung anu bang dapat kung gawin na ang gusto ko lang ay mailigtas ang sarili ko sa mas matinding heartbroken
at dahil lang yun sa matinding selos na kung tutusin eh nagkwewentuhan lang naman sila, nagtatawanan at ung girl lang naman ung touchy masyado sa kanya
sa mga naiisip ko hindi ko namalayan na tuluyan na siyang nakalapit sakin at nakahawak na sa braso ko
"please Mika usap naman tayo oh" pagsususmamo pa ito na mas lalo ko tuloy ikinahabag
tumango nalang ako at nagpatinanod na lang ng hawakan niya ang kamay ko at iginaya na sa paglalakad
nakarating kami sa isang park at umupo sa may sementadong upuan na may senmentadong lamesa rin
wala naman masyadong tao sa parteng yun
hinarap niya ako at hinawakan ang kamay ko
" Mika anu ba ang problema please tell me so that I know what to do or what to tell?" sabi nito malungkot ang mga mata na tiningnan ko ito
hindi ko alam kung pano ko sasabihin ang nararamdaman ko
nahihiya ako pero kung hindi ko sasabihin hindi nya maiintindihan kung bakit nagngingitngit ko to ginagawa
"kasi....." hindi ko maituloy ang sasabihin ko napapikit pa ako dahil sa hiya na nararamdaman ko
"kasi?"ulit niya sa sinabi ko
huminga ako ng malalim at napayuko pa ako bago nagsalita
"kasi nakita ko kayo ni Tricia na magkausap nagtatawanan pa tapos may pa hawak hawak pa siya sa braso mo"
sinilip ko siya at nakita ko na may pinipigilan na siyang ngiti sa labi at magsasalita na sana siya ng unahan ko na
" fine nagseselos ako kaya kita iniiwasan kasi baka napagod kana sakin at si Tricia na ang gusto mo
I admit na dapat hindi ko ginawang iwasan ka dahil baka anu...hmmm.. baka nagassume lang ako
na dapat kinausap muna kita
hindi kasi ako nakapagisip ng tama. mas gusto ko na agad iligtas ang sarili ko sa sakit na nararamdaman kaysa ang makita ka na kausap nanaman ung Tricia na yun dahil alam ko na may gusto yun sayo" habang paliwanag ko dito
nang tinan ko ulit ang mokong nato ay mas lalong lumawak ang ngiti nito
kinabig niya ako at magligpit na niyakap
" first of all wala akong gusto kay Tricia nagkakwentuhan lang kami at yun lang yun
second hindi ako napapagod sayo okey
at masaya ako na nagseselos ka it means may gusto ka narin sakin and I'm thankful that you admit na talagang nagassume ka nga"
pinalo ko to sa braso niya na ikinatawa lang nito
"nakakainis ka"sabi ko dito
hinawakan nito ang magkabilang pisngi ko para magkaharap kami nakangiti siya sakin at nakatingin kami sa mga mata ng isa't Isa then he said those 3 worlds na nagpapakabog sa dibdib ko
"I love you" hindi agad ako nakapagreact sa sinabi niya nakatulala lang ako sa kanya then he say it again
"I said I love you" ulit niya and this time ay gusto ko narin tugunin ang mga salitang iyun na gusto ko narin sabihin sa kanya at iparamdaman kung anu ang nararamdaman ko para sa kanya
"I love you to" at unti unting sumilay ang ngiti sa labi ko
hindi ako makapaniwala na ang saya pala sa pakiramdam na mailabas mo kung anu yung nararamdaman mo para sa taong minamahal
mas lalo nya akong niyakap
"So it means it's a yes so tayo na"
" bakit tinanong mo ba ko" biro kong sabi dito na may malawak ng ngiti
napasimangot naman ito at biglang sumeryoso ang muka
umubo pa ng peke na waring kinokondisyon ang boses
"ehemm..ehem"
" Mikaela Faye Garcia Soler will you be my girlfriend?" taanong nito sakin
ngumiti na ako dito
hinigpitan ang hawak sa kamay nito bago sumagot
"Yes Carlos Fernandez" sabi ko dito
ngumiti naman ito at niyakap ako sabay halik sa noo ko
sobrang saya ko sa mga oras na yun
"kain muna tayo bago kita ihatid let's celebrate coz your my girlfriend now"
tumango naman ako at naglakad na kami kagaya ng dati ay sa isang fastfood chain kami kumain
ng matapos bumalik kami sa school para kunin ang motor niya
hinatid niya ako sa bahay
"pasok kana"
"ingat ka paguwi"
"I will"
pumasok na ako bago ito umalis at ng makapasok ay dumeretso na ako sa kwarto ko nagbihis at humiga sa kama nakatingin sa kisame pero may mga ngiti sa labi hindi ako makapaniwala na kami na
minabuti ko ng bumangon at bumaba para makapaghanda ng hapunan ng sa ganun ay may kakainin na paguwi ni mama