HER POV
This is it!!
I'm here in front of the mirror,
suot ko ang napakagandang wedding gown na gawa ng lola ko.
"Ang ganda naman ng apo ko." sabi ni lola sakin.
siya ang lola ko, ang nag alaga sakin mula pagkabata.
because my mom died after she gave birth to me,
malungkot kasi hindi ko manlang siya nakilala pero masaya naman dahil nandyan si dad who always support me kahit palagi syang wala dito sa bahay ..
"thank you po lola at ang ganda po ng pagkakagawa nyo ng gown ko." sabi ko at sinalubong sya ng yakap pagkapasok nya pa lang sa kwarto ko.
"Anything for you iha, kung nandito lang sana ang dad mo siguradong tuwang tuwa yun para sayo."
"Oo nga po eh." nakayuko na sabi ko.
"Wag ka mag alala apo babalik naman daw sya agad diba?"
"Opo he promise me na hahabol sya sa reception."
"Yun naman pala eh, ano tara na?"
"Cge po."
ang dad ko kasi papuntang states actually kakaalis nya lang ngayong umaga, nandito na dapat sya ngayon sa araw ng kasal ko kaya lang may naging emergency sa other branch ng companya kaya he need to go there.
Nagkatampuhan nga kami dahil don, but I do understand him kaya si kuya nalang ang maghahatid sakin sa altar.
*knock knock*
"Come in!" masayang sabi ko sabay tingin sa may pinto.
"Naks! Ang ganda talaga ng kapatid ko mana sakin hahaha, so shall we?" sabi ni kuya sakin at nag-offer ng braso nya.
"Sus nambola kapa kuya! tapos sabay buhat ng sariling bangko haha." sabi ko habang lumalayo sa kanya baka kilitiin nya pa ko kahit naka-wedding gown ako eh at tumama ang hula ko ng akmang hahabulin nya ko.
"Oh mag aaway pa kayong dalawa dyan, tara na baka mahuli pa tayo." awat samin ni lola.
"Opo." sabay namin na sabi ni kuya.
tumigil na kami sa paghaharutan at sumunod na kay lola pababa.
Ang saya saya ko kasi finally ikakasal na kami ng lalaking mahal ko ..
tama nga ang kasabihang,
"SA HINABA HABA MAN NG PRUSISYON, SA SIMBAHAN DIN ANG TULOY."
akala ko hindi totoo ang happy ending pero mangyayari na ngayon sakin ..
Nothing can I wish for because I already have him ..
and of course, finally I'm Mrs.De Guzman soon.. this is what you called forever :'>
"Let's go! Asan ka na ba?!" sigaw sakin ni kuya panira talaga ng moment!
nasa dulo na pala sya ng hagdan habang ako nandito pa din sa tuktok.
as if makababa ako agad eh naka-wedding gown kaya ako tsk.
"Eto na nga! Wait lang!" pababa na sana ako nang ..
*KRINGG!! KRINGG!!*
"KUYA! May tumatawag sa telepono!"
"Sige sagutin mo na! hintayin ka na lang namin ni lola sa labas just lock the door."
"Ok kuya!"
Sino kaya yung tumatawag?
"Hello??"
(Is this Mr.Ronnie Elle Maximo?)
"Hindi po, pero ako ang kapatid nya bakit po?"
(Wag po sana kayo mabibigla. Nag crash ang sinasakyang eroplano ng daddy nyo. Dead on arrival na sya ng dalhin sa hospital kailangan nyo na pumunta dito ngayon din sa Roo--)
Naibagsak ko ang telepono na hawak ko..
NOOO!!! Hindi totoo 'to sabi nya babalik sya,
sabi nya pipilitin nyang humabol sa isa sa pinaka mahalagang araw ng buhay ko!!
my wedding ..
Hindi nya kami iiwan..
Hindi ko kay--
*BOGSSH*
"ALYYYY!!!!"
"Ouch! Kuya ano ba!!" galit kong sabi ayoko kasi talaga ng ginigising ako ng maaga!!
"Nananaginip ka na naman kasi eh." bigla akong nalungkot.
It's been 2 years, since that day happened.
Exactly on my suppose to be the happiest day of my life ..
"I'm here princess, nandito lang palagi si kuya ok?" sabi nya habang nakayakap sakin.
"Kuya, ang sakit sakit pa rin pala kahit ang tagal tagal na, nandito pa rin yung sakit na dulot ng pagkawala nya kailan ba mawawala to?" nakaturo sa may dibdib na sabi ko habang pinipigilan kong hindi umiyak pero hindi ko magawa.
"SSHHHH .. tahan na, sige ka baka magalit si dad kapag nalaman nyang umiiyak ka dahil sa kanya at multuhin ka naman ni Alex."
"Thank you kuya dahil hindi mo ko iniiwan ah."
"Asus! tama na nga drama! baka maiyak din ako!! Bumaba ka agad kakain na tayo nila lola, Sige na maligo ka na ang baho mo na oh!!" sabay tulak sakin papuntang banyo.
"Hays!! Kapal mo talaga kuya!" at pabagsak kong sinara ang pinto!
Naririnig ko pang tumatawa si kuya sa labas. Hay naku baliw talaga pero mahal na mahal ko yun.
Nakalimutan ko pala mag pakilala.
I'm Roxxen Alie Maximo. 19 years old, girl haha weird name diba? parang panlalake pero unique right?
Dad ko kasi nagpangalan nyan sakin eh..
hayy I miss my dad :( buti nalang nandyan si kuya at lola para sakin ..
dahil pagkatapos ng lahat ng nangyari sa mismong araw ng kasal ko di ko alam kung paano ko kinaya ..
Ronnie's POV
Malakas nyang sinara ang pintuan haha badtrip na yun niloloko ko lang eh ..
Btw, Ako si Ronnie Elle Maximo, ang kuya at protector ni Aly ako lang tumatawag sa kanya non.
She's so strong but after that incident akala ko pati sya nawala na sakin ..
*FLASHBACK*
2 years ago ..
Ang tagal naman ni aly sino ba yung tumawag na yun? hays malalate kami nyan sa kasal nya eh ..
Hayy parang kelan lang kalaro ko yun at iyakin pa,
kita mo nga naman naunahan pa ko magpakasal pero masaya ako para sa kapatid ko dahil sa mabuting lalaki sya mapupunta
kay Alex ..
Mapuntahan na nga sya.
"ALYYYYY!!!" sigaw ko nakita ko kasi syang nakaupo sa sahig, umiiyak at hawak ang telepono.
"Kuya ...*sob* w-wala na si d-dad i-iniwan nya *sob* na t-tayo." sabi nya habang umiiyak.
"P..paanong.." hindi ako makapaniwala kasama pa namin sya kahapon at ang saya saya pa namin.
"*sob* N-nag c-crash ang---"
"ALYYYY!!!" sigaw ko ulit bigla syang nawalan ng malay kaya nagmamadaling binuhat ko siya papuntang kotse.
"Anong nangyare??" sabi sakin ni lola habang papunta ako sa kanya.
"Nawalan po sya ng malay, kailangan po natin sya dalhin sa hospital." sabi ko habang nilalapag sa upuan si aly.
"Paano ang kasal nya?" nag aalalang sabi ni lola habang tinitignan ang kapatid ko na wala pa ring malay.
"Ako na po ang bahala lola tatawag na lang ako kay Alexis and i'll explain everything." natataranta man ako hindi ko na lang pinakita, siguro mamaya ko na lang din sasabihin sa kanya na w..wala na ang anak nya, wala na si Daddy..
pagkatapos ko sabihin yun pinaandar ko na ang sasakyan papunta sa pinaka malapit na hospital.
*At the hospital*
"She's fine now, she just need to rest but we need to observe her and do some test, after that she can go home." sabi ng doctor habang may tinitignan sa papel.
"Thanks Doc." sabi ko naman habang kinakamayan sya.
"Sige maiwan ko na ho kayo." sabi pa nya ulit bago umalis.
*After 10 hours*
Kanina pa kami ni lola dito sa hospital hinihintay na magising si aly, nag aalala na ko kasal pa naman nila sana ngayon,
wait hindi ko pa pala natatawagan si Alexis!
*RING!! RING!!*
Alexis Calling ..
speaking of ..
"Hello? Alex? Sorry hindi kami nakapunta sa simbahan may emergency lang na nangy---"
(Elle ..)
"Mae?? bakit na sayo ang cellphone ni Alex? nasan ang pinsan mo?" siya si Andie Mae Ramos ang bestfriend ko na mahal ko pero hindi nya alam at pinsan nya si Alex siya lang tumatawag sakin ng elle at ako naman mae sa kanya. biglang nag iba ang pakiramdam ko ng sabihin nya ang pangalan ko..
parang may gusto sya sabihin sakin pero nahihirapan sya sabihin bakit kaya?
(Elle *sob* w-wala na s-sya.) sabi nya habang naririnig kong parang umiiyak sya.
*dug dug dug*
"Wait are you crying? Is there something wrong?" bigla akong kinabahan at napatingin sa kapatid ko na hanggang ngayon hindi pa rin nagigising.
(si A-alex *sob* p-patay na sya.)
"WHAT?! bakit anong nangyari sa kanya?!" nanlamig ako at hindi nakagalaw sa narinig ko unang pumasok sa isip ko,
paano na ang kapatid ko?
(s-sumabog ang *sob* s-sinasakyang kotse ni alex at *sob* n-nahulog sa bangin.)
hindi na ko nakapagsalita kamamatay pa lang ni dad tapos ito pa?!
"kuya.." napatingin ako kay aly and finally she's awake!
"si dad.." pinipilit nya tumayo pero sadyang mahina pa sya kaya hindi din sya nakaupo.
"Sssh.. magpalakas ka muna at pag uusapan din natin yan.." assurance ko sa kanya habang tinutulungan ko syang makaupo.
"kuya si Alex?? Asan sya?? kailangan ko sya puntahan hinihintay nya na ko.."
"princess, you need to rest mahina ka pa.." pigil ko dahil tatayo na naman sya,ayoko muna sabihin ang totoo baka makasama pa sa kanya.
"No kuya. I need to see Alex.." pamimilit pa nya pero hindi ko yun mabibigay sa kanya all because hindi ko na maipapakita pa sa kanya si Alexis.
"ok lang sya don't worry."
"but--"
"no buts aly, just sleep." pagputol ko sa sasabihin nya at buti naman kumalma na sya at natulog hindi ko na alam ang gagawin ko..
"Ronnie.." napatingin ako at
"Lola.."
"Alam ko pinipigilan mo lang para kay roxxen pero may karapatan ka din umiyak." Sa sinabi ni lola hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.
*2 days later*
"When are you planning to tell the truth to her?"
"I don't know mae.." nalilitong sabi ko sa kanya nandito sya ngayon sa bahay, pinalibing na agad nila tita belle (mother of Alexis) ang katawan ni Alex kahapon dahil di na ma-identify ang bangkay nya at sunog na din ito kaya napagpasyahan nila tita na i-pacrimate na lang sya at ilagay sa isang puntod kasama sa sementeryo na pinaglibingan ni dad.
"But roxeen have the right to know lalo pa't hindi natuloy ang kasal nya." tama sya pero..
"I know pero masasaktan ang kapatid ko kamamatay pa lang ni dad tapos si Alexis din---"
*BOOOGGSHHHH!!*
napatingin kami ni mae sa bumagsak..
"Aly??" kinakabahan na sabi ko sabay tingin kay mae may narinig kaya sya??
"si A-alex .. ASAN SYA?! SABI MO MAY INAASIKASO LANG SYA! YOU LIED TO ME!!" pasigaw na sabi nya, totoo nga narinig nya eto na nga kinatatakutan ko eh ang magiging reaksyon ni aly once na malaman nya na.
"you don't understand aly, i just want the best for you, after what happened to dad, ayaw lang kita masaktan ikaw na lang natitira saki--"
"i don't understand? ayaw mo ko masaktan? the best for me? ha kuya?! para sakin?! look at me! hindi ba ko nasasaktan ngayon?! naglihim ka sakin eh..you know how much i love alex.. how much .. *sob* i love him T_T" oh god I can't bare to see my sister like this kung may magagawa lang sana ako..
"I'm so sorry princess but He's gone, we need to accept the fact that he won't come back anymore even if you love him..
you need to let him go." kahit ako hindi ko pa din natatanggap ..
He's not just my sister's fiance, Alex is my friend too before he came to aly's life.
"NO!!! H-HINDI YAN TOTOO!! *sob* H-HINDI NYA KO IIWAN! *sob* h-hindi.. pa sya patay.. S-SABIHIN MO SAKIN KUYA!!"
napaupo na sya sa sahig habang umiiyak tumingin ako kay mae at tumango lang sya na parang sinasabing magiging ok din ang lahat.
I'm sure gusto nya lapitan si aly pero natatakot sya na baka bumigay din sya at imbis na palakasin ang kapatid ko madagdagan nya lang ang sakit na nararamdaman ni aly.
kaya ako na lang ang lumapit kay as aly.
I hugged her tight, I want her to feel that she's not alone nandito pa ko na kuya nya.
Pagkatapos ng araw na yun,
Hindi na sya lumalabas ng kwarto hindi kumakain.
Tuwing pupunta ako sa kwarto nya at kakausapin, wala syang imik at palaging tulala..
I was so damn worried so I consult a doctor to check up on her..
"She has a psychological ethoptania based on her results, it's common to those who been through alot of stress.. I'll give you some medicine for her to take."
(A/N: gawa gawa ko lang po yung sakit na yan baka i-google nyo pa eh.)
"Hanggang kelan syang ganyan doc?"
"I can't tell the exact date.It may take a weeks, months or even years it defends on the patient."
"y-years??" nauutal na sabi ko pagkarinig ng sagot nya ..
"Yes." tumungo sya na parang nagbibigay ng symphathy para sakin.
but.. 6 months nakarecover din si aly I'm glad na hindi umabot ng taon kagaya ng sabi ng doctor pero tuwing nababanggit ang tungkol kay Alexis nagiging emotional pa din sya,
I can't blame my sister hindi madali ang pinagdadaanan nya ..