Roxeen's POV
kakatapos ko lang maligo kahit minadali ko lang =_=
si kuya kasi eh kung sabagay late na kasi 7:10 am na, may pasok pa ko sa school >_
kung nagtataka pala kayo kung bakit sa office pupunta si kuya, sya na kasi ang nag take over ng company na naiwan ni daddy nag agree naman ang board dahil nasa legal age na din sya besides tapos na din sya sa college ..
Pero kahit hectic ang schedule nya hindi nya nakakalimutan magkaroon ng bonding time sakin.
kaya unti unti ko din natatanggap na wala na si dad at alex masakit pero ganun naman talaga ang buhay diba?
pero minsan nalulungkot pa rin ako, mas masaya kasi sana kung nandito si dad at alex ..
"Roxeen!!" may tumatawag sakin, nasan ako? nasa bulletin board hinahanap ko pa kung anong room ko remember first day ngayon?
"oh Jaizer ikaw pala! :)" siya si Jaizer Lexdon best friend ko ..
kaibigan din sya ni kuya pero magka-age kami bale 2 years ang gap namin kay kuya.
"Room 213 IT-2A ka din?" sabi nya habang tumitingin din sa bulletin board.
"Yeah, so classmate na naman tayo? *smile*" masayang sabi ko.
classmate ko kasi sya last sem.
Civil Engineering ang course nya last year ewan ko sa kanya bigla syang nag shift kagaya ng course ko.
"Oo nga eh kakasawa na haha! *smirk*Just kidding! to naman!" sabay bawi nang sinabi nya.
pano tinignan ko nga ng masama!
Aga aga nambibwisit pero wag ka! ganyan lang kami pero mabait yang loko na yan bangayan nga lang lagi haha ;)
*BELL*
"oh bell na! tara na roxeen." yaya nya sakin.
"Sige mauna ka na may kukunin lang ako sa locker room." nauna na nga sya at ako naman papunta na sa LR na nasa kabilang building pa tamad kasi ako mag uwi ng libro eh kaya iniiwan ko na lang para hindi din hassle.
-----
"Sabi ni mom hahatid mo ko! Whether you like it or not!"-Girl
"No."-Guy
"CAIN!! PLEASE!! ALAM MONG HINDI AKO SANAY MAG-COMMUTE!"-Girl
"Still No."-Guy
"I'll tell mom about this! I'm sure she'll cut your allowance and your precious credit cards!"-Girl
"Fine =_="-Guy
May narinig akong nag uusap.
Ahmf di ako nag-eavesdrop ok? Sadyang malakas lang yung boses ng babae ..
nasa grounds sila don sa may fountain wala ng tao dahil nag bell na siguro cutting tong dalawa na to first day na first day eh tsk tsk.
Nakaharap lang sakin yung girl, infairness she's cute! Yung guy naman nakatalikod sakin ang cold ng boses nya pero parang familiar??
medyo malayo ako sa kanila kaya di nila ako nakikita. Oh well nakuha ko na naman yung libro ko kaya makaalis na nga It's none of my business anyways ^_^
Paalis na sana ako ng locker room ng..
"AHHHHHHH!!!" pinikit ko na lang ang mga mata ko at hinihintay ang pagbagsak sa sahig dahil sa balat ng saging >__<