Chapter 8- Alexis is already dead!

817 Words
Roxeen's POV "Rox! Partner tayo ah!" "Huh? Ano yun??" nagulat ako kasi biglang humarap sakin si jaizer at yun nga ang sabi nya. "Naku naman! *kamot sa ulo* Saan ka na naman naglakbay na planeta nyan? Sabi ni ma'am humanap na daw ng partner para sa File Sharing! May dala ka bang UTP at RJ?" "Hmm yup meron." nahihiyang sagot ko totoo kasi eh parang naglakbay ang utak ko. Nandito na ulit ako sa classroom buti na lang nag bell na kanina may reason ako para mag walk out talaga! Hiyang hiya na ko eh! "Pass your 1/4 sheet of paper. Nakalagay na dapat kung sino kapartner nyo."-Ma'am "Is there any problem? AGAIN?" pabulong na sabi ni jaizer habang sya na ang nagsulat ng pangalan namin sa 1/4 sheet kahit hindi nya ko tinignan nung sinabi nya yun alam kong ako ang kausap nya. "JL.." mahinang sabi ko dapat ko pa bang sabihin sa kanya? "Spill." humarap na siya sakin at tinignan nya na ko. "Magkikita kasi kami ni A-ate Andie mamaya girl bonding Hmm ano kasi ganto yun a-" "Tss hindi ko maintindihan." sabi nya pero sa white board sya nakatingin. "Susunduin ako ni Ate Andie mamaya dito sa school tap-" pinutol nya ang sasabihin ko >_< "tapos nag aalala ka na makita nya si Cain na kamukha ni Alexis?" "Let it be. Mangyayari ang mangyayari kahit ayaw natin, at tsaka ano naman inaalala mo don? na baka maging emotional din sya katulad ng una nyong pagkikita ni Cain?" teka bakit nya alam yun?? diba pinauna ko na sya sa room nun? "Oo nakita ko lahat. LAHAT-LAHAT sinundan kita dahil may naiwan din pala ako sa LR pero hindi ko gaano narinig pinag uusapan nyo pero mukhang alam ko na kung bakit at nang umalis sya, bigla ka na lang umiyak gusto kita lapitan pero sa tingin ko gusto mong mapag isa." nakita nya pala ako 0_0 "Thanks JL .." yun na lang nasabi ko sa kanya. "No need. You're my best friend I know you more than others are that's the least I can do for you." "H-hindi ko napansin na nandon k-ka.." "Hindi mo napansin dahil wala kang iniisip kundi sya, kung nakita mo man ako sigurado akong nasa kanya pa rin atensyon mo, pag dating kay Alex. I'm not mad I just want you to know what's running on my mind." He's right masyado akong pre-occupied kay Alexis, hindi ko na naiisip ang tao sa paligid ko hayy. Masama bang isipin na buhay pa sya? kahit impossible na? Alam kong sinabi ko nang papakawalan ko na ang pag-asa na yun pero minsan di ko talaga mapigilan masisisi nyo ba ako? kayo ba kung nawala bigla ang taong mahal na mahal nyo ang sakit diba? na parang bawat araw iniisip mo kung bakit sya kinuha agad na sana matagal mo pa sya nakasama? tapos hindi mo man lang nasabi sa kanyang mahal na mahal mo sya sa huling hininga nya? yung feeling na gusto mo sumunod sa kanya pero hindi mo magawa dahil alam mong magagalit sya kung sisirain mo ang buhay mo para sa kanya? "Hindi sya ang taong gusto mong maging SYA ..dahil PATAY na sya." pinagdiinan nya pa ang mga sinabi nya. pakiramdam ko tagos na tagos sakin lahat .. bakit ang dali nyang sabihin yun? walang nakakaalam kung gaano kasakit sakin ang nangyari .. na parang kahapon lang ang lahat kahit ilang taon na nakalipas nandito pa rin sya sa puso ko eh. mahal ko pa rin sya .. "Ma'am. Couch text me na may paguusapan daw ang team. Can I excuse myself?" "Sige kumuha ka na lang ng excuse clip sa G.O and give it to me." "Ok po." narinig ko na lang na nagpaalam si jaizer na lalabas sya. ngayon lang sya nag open sakin ng saloobin nya about sa pagkamatay ni Alex. at pakiramdam ko ang sama ko ang sama sama ko. kahit pa sabihing yung taong mahal ko yung nawala sakin kaya ganito kasakit .. Jaizer's POV Lumabas akong room pagkatapos namin mag-usap. I'm Jaizer Lexdon. Childhood bestfriend ni roxeen. 10 years ago .. kinailangan namin mag-migraine ni papa sa korea dahil don nabase yung trabaho nya. After 9 years bumalik ulit ako dito sa pilipinas dahil ako ang best man sa kasal nya. I'm so happy for her but something came up. An Accident changed everything. Her whole life suddenly turns down. Sinamahan ko sya ng mga araw na yun ng buhay nya, witness ako sa lahat ng nangyari. LAHAT-LAHAT .. pareho lang kami ni Ronnie na gusto lang syang protektahan dahil para ko na rin syang kapatid. kaya ng makita kong kausap nya si Cain sa may locker room nag-alala na ko .. higit sa sino man isa ako sa mga nakaalam ng nararamdaman nya, hindi sya nag iisa kung yun man ang inaakala nya. Dahil hindi sya si Alexis. Hindi talaga .. ------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD