Roxeen's POV
4pm After Class
"Roxeen! Here!" sigaw ni Ate Andie habang kumakaway tumakbo pa sya palapit sakin at niyakap ako ng mahigpit.
"A-ate A-andie ..*cough* h-hindi ako m-makahinga."
"Ay! Sorry dear! namiss lang talaga kita! So shall we?" excited na sabi nya at hinatak ako papuntang sasakyan nya..
Pero bago pa kami makaalis may narinig kaming nag-aaway at nakita ko sya na nakikipagbugbugan..
huh? Anim laban sa isa? kaya nya ba yun?
Nagulat na lang ako ng napatumba nya lahat ng kaaway nya! Woah!! At siya? nakatayo lang take note kahit konting galos wala?
Wait gangster ba sya 0_o??
tumingin ako kay ate andie na nasa tabi ko at nakita kong nagulat din sya for sure magkaiba kami ng iniisip.
"A-ate andie hindi sya si Alexis." napatingin sya bigla sakin.
"Yup. I know nakita ko na sya, actually kaming dalawa ni ronnie two years ago sa hospital na pinagdalhan din ni Alexis at napaliwanag na sakin ang parents nya kung ano nangyari kay Cain same date na naaksidente din si Alex alam kong siya si Cain." huminga muna sya ng malalim bago tinuloy ang sasabihin nya.
"Ako ang nag-aalala sayo, nakita mo na pala sya? schoolmate mo din pala." A-alam nya? so all this time ako lang ang hindi nakakaalam? palaging ako na lang ba huli?
"Pero bakit parang nagulat ka din ng makita mo sya?"
"Dahil di ko alam na kilala mo na sya nag alala lang ako sa magiging reaction mo kilala nya na ko noon at sa pagkakaalam ko mabait na bata din yun." mabait? eh ang yabang kaya nga nun! >__>
tatandaan ko na hindi ko na sya gagalitin ..
malay mo kahit babae papatulan nya diba?
habang tumatakbo sya palapit samin nakangiti sya ..
wait!
NAKANGITI? at take note sweet smile pa yun ..
For a moment na tinignan ko sya parang huminto lahat,
sya lang ang nakikita ko bagay pala sa kanya naka smile lalo sya gumagwapo *_*
"Cain!" sabi naman ni Ate Andie habang nakatingin sa akin siguro tinitignan nya kung ano magiging reaction ko ..
ano ba dapat?
Cain's POV
3:30 pm
Palabas na ako ng school kahit hindi pa naman uwian nagtext kasi sakin yung pipitsugin na tauhan ng kabilang gang ..
naghahamon dahil last time natalo ulit sila of course aatrasan ko ba naman? syempre hindi no!
sakto paglabas ko nandon na sila sa parking lot ng school nagdala pa talaga ng back-up yung tabatsoy na yun! tsk ok lang kayang kaya ko naman sila! baka nga hindi pa ko pagpawisan =_=
Hindi ko na tinawagan si Russ at Lexus dahil alam kong may ginagawa silang pareho,
pare-parehas pa naman kami nag aaral magkaiba nga lang ng pinapasukan dahil si Russ may sarili silang school ang DC University short for Dela Cruz family name nya they owned 15 schools around the world 3 Malls in California, Seoul and here in the Philippines they're also famous in the Car Industry ..
at the same time nag aaral din sa DCU ako lang napahiwalay
sa kanila ..
gusto nya don ako mag aral pero naenroll na ko dito ni mom sa CSU (Castle Sand University) hassle kung lilipat pa ko weird lang ng name mahilig daw kasi sa beach yung may ari nito kaya ganun ..
si Lexus naman bc sa shipping line, family business din nila ..
kaya nga tuwing summer kung minsan sagot nya ang cruise ship namin, they also have their Italian Restaurant 7 branches also around the world plus some resto bar ..
ako?
My parents focus on the Fashion Industry bata pa lang ako,
palaging ako ang endoser sa commercial namin kahit ayaw ko pano pinapangiti nila ako pag ngumiti naman ako lagi nila pinapansin na ang cold ng mata ko kaya ang binibigay na lang nila sakin ay yung mga pang fierce look kahit sa fashion show ayaw ko din pero hindi ko ma-hindian si Mom kasama ko naman daw si Francine yup model din sya ..
bukod don, meron din kaming 10 museum international ..
14 resorts all over the world.
rich kid? yeah right kaya nga kung minsan ayoko umaaasa kila dad may sarili din akong condo binili ko gamit ang pera sa pag modelling ko minsan ..
"What now, COLD? natulala ka na? naduwag ka na ba? Hahaha!" tsk napahaba pala pagkukwento ko at nakalimutang nandito ako sa parking lot hindi naman kasi sila mahalaga para pag aksayahan ng oras ko =_=
"ME?? ha. are referring to yourself? so What's up piggy angry bird? Masarap ba ma-confine ng isang buwan sa hospital at gusto mo pa maging isang taon? *smirk*" pang aasar ko pa.
"Wag kang masyadong mayabang Oliver!" umuusok na ang ilong nya! sarap picturan! pero anong tinawag ng baboy na to sakin?!
"Don't you ever call me with that name! tapusin na natin to losers!" napikon yata sa sinabi ko kaya sinugod nya agad ako pero nakaiwas naman ako, sumunod yung isa sisipain sana ako sa mukha sinuntok ko nga sa tiyan at mukha nyang pangit!
puntiryahin daw ba mukha ko?! tsk.
After 30 mins ..
syempre napatumba ko silang lahat! mga wala naman binatbat!
"Now kneel infront of me." sabi ko sa kanila kahit hindi na sila makatayo psh lakas ng loob eh >_>
"M-masusunod C-cold.." at lumuhod nga sila kilala ako bilang COLD initials ko at codename sa RDG base na din siguro sa mga kilos at pananalita ko ..
"Now, Choose Run or D--" hindi ko pa tapos ang sasabihin ko nagkukumahod na silang tumayo at umalis agad sila dapat lang!
tumingin ako sa relo ko at 4pm na uwian na pala lumingon ako sa may bandang kanan at nakita ko ang kotse ni ..
"Ate Andie!!" nakangiti na tawag ko sa kanya nakilala ko sila ni Kuya Ronnie nung naaksidente ako akala ko nga sila eh bagay kasi silang dalawa ..
para ko na syang Ate kaya masaya ako na nagkita ulit kami hindi ko na kasi sya macontact ..
"Cain!" sabi ni Ate Andie pero hindi sya sakin nakatingin kundi kay roxeen ..
oo alam ko naman ang pangalan nya classmate ko sya eh.
magkakilala pala sila?
bakit naman kay roxeen sya nakatingin eh pangalan ko ang sinabi nya diba dapat sakin?
tinignan ko ulit si roxeen at sakin naman sya nakatingin?
hindi pala nakatingin, nakatitig pala sya sakin at tulala 0_o??