Chapter 3

2346 Words
Nagising ako sa sikat ng araw na dumadampi sa aking mukha.Kaya napagdesisyun ko ng bumangon. I take a shower at nagsuot ng bakless white dress. I do my morning rituals at voila maganda pa sa umaga. Inayos ko muna ang pinaghigaan ko, at nakarinig ako ng tatlong katok. Agad ko itong pinagbuksan. " Ma'am mag aalmusal na po pinapatawag na po kayo sa ibaba." Sambit ng kasambahay " Sige po susunod na po ako" Tugon ko at tumango lang ito. Dahan dahan ako bumaba at nagtungo sa Dining area kung saan naririnig kong masayang nagkwekwentuhan ang pamilya. I greeted them good morning bago ako nagtungo sa bakanteng upuang katabi ni Thania. "Oh hija kumusta ang tulog mo". Tanong ni Tita Cecile. Kumusta nga ba ang tulog ko? Ewan ko ba kung nakatulog ako sa sobrang inis sa lalaking yun. Nilibot ko ang buong hapag hanggat sa mapagtanto kong katabi ko pala ang lalaking nasa isip ko. Nakangisi pa ito ng mapasulyap ako sa kanya halatang nang aasar. Siniko naman ako ni Thania upang sagutin ang tanong ng in laws nya . "Ahmm A-ayos naman po tita" I stutterd a bit "That's good, I heard one week ka dito. Sana magustuhan mo at bumalik ka" Paganyaya ni tita Cecile " Sige po tita" Aniko " Dont worry po Mama ipapakilala namin sya ni Austin sa mga kaibigan nya, baka malay nyo dito rin makapag asawa to. Kaya di na kami magkakahiwalay. " Pagsingit nga mahadera kong bestfriend Sinamaan ko sya ng tingin at ang gaga tawang tawa pa. Napapangiti at napapailing nAlang si Tita sa turan nya. "Bakit mo pa sya ipapakilala sa iba kung single naman ang mga pinsan ni Austin. Si Ian, Ethan o di kaya naman si Cyrus "Sambit nito na kamuntik pa ako mabulunan. "Are you okay hija" May pag aalalang sambit nito. Dali dali kong kinuha yung tubig at uminom. "Dahan dahan kasi", Mahina ngunit rinig na rinig kong sambit ng mokong na katabi ko . Kung hindi lang nakaharap ang buong angkan nya naihambalos ko na tong baso sa mukha nya sa sobrang inis ko. Inirapan ko na lamang sya. Isipin mo Sybil na nasa kuta ka nila. Kapag kinanti mo hindi kana makakalabas ng buhay. Hindi karin matutulungan ni Thania dahil buntis sya. No choice ka kundi magpakabait. " Pag alo ko sa sarili ko. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain at binalewala ko na lamang kung anong sinabi ni Tita Cecile. "Alam mo kanina ko pa tinitigan yang suot mo. Peach&Glam ba yan? " Tanong nong babaeng pinsan ni Austin if Im not mistaken, Athena is her name. "Yeah" Simpleng tugon ko "Oh my gosh! I know it magaganda talaga ang gawa ng Peach&Glam. Bagay sayo gusto ko din ng ganyang style kaso out of stock. " Nagtatampong turan nya " Gusto ko ngang ma-meet yung owner ng Peach&Glam siguro sobrang ganda nya kasi ang gaganda ng mga gawa nya. "Turan nya pa. Di ko maiwasang mapatingin kay Athena sa pagiging fan girl na, fan girl nya. "Alright after you eat you can take a pic of your idol! " Masayang turan ni Thania kay Athena. Kumunot naman ang noo ng huli. Tila nagtataka ito sa ina akto ni Thania. "Alam mo ate kulang kana ata sa tulog, pinuyat ka naman siguro ni kuya Austin no. Kung maka-ungol kayo akala nyo walang tao sa kabilang kwarto" Turan ni Athena na ikinapula ng mukha ng dalawang mag asawa. Napapailing nalang ako sa kanila.Natahimik ang buong hapag at lahat nagpipigil sa pagtawa. "Hoy grabe ka ha! hindi kaya!" Paninindigan pa ng kaibigan kong talandi "Oo kaya, grabe nilapastangan nyu ang tenga kong virgin pa sa mga ganyan" Pagdadrama pa ni Athena na tila ba nasasaktan sya ginawa ng dalawa. At hindi na nga napigilan ng lahat na tumawa. Napuno ng malulutong na halakhak ang buong hapag. Pulang pula ang mukha ng dalawa. Napapailing na lamang kami. "Bakit ka pa mangangarap makaharap yung owner ng Peach&Glam eh kaharap mo na. " Turan ng kaibigan ko na hindi halatang galing sa pagkapahiya. "Naku ate tulog mo na mamaya yan" Sabat ni Athena. " Hindi nga.. Eh ang owner lang naman ng Peach&,Glam ay walang iba kundi itong katabi ko".Sambit nito Laglag panga sa pagkagulat ang buong hapag. "Really ate! Oh. EeeM. Geeee!" Sigaw ni Athena at dali daling hinigit ako sa aking kinauupuan. "Oh my! oh my! Ate sya ba talaga to. Si Ms. Sybil. " Mangiyak ngiyak na turan nya. Para syang na starstruck. Tumango lang ang huli. Hindi magkamayaw si Athena sa pagkuha ng picture sa akin. "You know what Ms. Sybil, I admire all your works. Kaya hindi ako tumitigil sa pagsketch kasi inspired ako". Sabi nya pa " Im glad to hear that, At tawagin mo na lang din akong ate wala naman tayo sa workplace para maging pormal. " Turan ko na ikinagalak naman nya. " Yes ate Sybil" Masayang turan nito saka bumalik sa upuan. "Were so glad na ikaw pala ang owner ng Peach& Glam, Hindi kasi namin alam at wala namang nababanggit si Thania. " Turan ng Ginang na katabi ni Athena. " Tita Amanda pasensya na po at pa famous kasi tong kaibigan ko ayaw isa publiko ang pagkakakilanlan nya. " Sagot ng napakabait kong kaibigan. " Ohh! Im sorry hija". Sambit ng Ginang "It's okay po Tita" Tanging tugon ko. "Anyway ilang days nalang manganganak na si Thania, are you excited hija? " Tanong ni Tita Cecile " Sa totoo lang po natatakot po ako na baka hindi ko po kayanin. Kaya nga po Sinakto ko sa kabuanan ko ang reveal party para makapunta po si Sybil dito at masamahan po ako sa panganganak. Sobrang natatakot po ako" Malungkot na turan ng kaibigan ko. " Hon andito naman kami ah. Ako, si Mama, Papa, Kylie ang buong angkan ng Madrigal. Andito kami lahat kaya 'wag matatakot okay! " Masuyong sambit ni Austin sa asawa habang hinahaplos ang likod nito. "Thanks hon, Natatakot lang ako lalo na first time ko diba. Maraming nagsasabi mahirap daw manganak". Sabat ni Thania " Wag kang panghinaan ng loob kung kaya nila kaya mo rin. Yung iba nga sinasabing ang sakit manganak eh pagkapanganak buntis ulit. Kaya you can make it" Aniko sabay yakap sa kaibigan ko. " Alam mo minsan panira ka ng moment eh, yung tipong nag e-emo ako tapos bigla mong babasagin. Sabat nito sabay hampas sa likod ko. "Aray ha! Ang sakit na. Bakless tong damit ko kung makapalo akala mo namalo ka ng pader. May masama ba sa sinabi ko? " Patay malisya sa sinabi ko. " Eh sino bang may sabing magbackless ka, mamaya nyan magkapulmonya ka. At saka nagmamaang maangan ka pa sa sinabi mo kanina eh parang sinasabi mong pagkapanganak ko mabubuntis ulit ako.! " Singhal nito sa akin. " Alam mo that could Fashion. Ano pa at naging Fashion designer ako kung hindi ako mag uumpisa sa sarili ko. And to answer your accusation, yes hindi malabong mangyaring mabuntis ka ulit. " Sabat sabay tawa. Dahil sobrang namula ang mukha nito. "Grabe huh sobrang talik talaga kitang kaibigan." Sarkastikong sabat nya. " Hindi! hindi pwera biro. Kaya mo yan, kung gusto mo ipagcheer pa kita sa delivery room para lang di ka kabahan eh". Seryosong sabat ko pero pigil na pigil akong tumawa. " Baka hindi naman ako mapaanak nyan kasi kakabagin ko sa sobrang tawa sa gagawin mo. " Tawang tawang turan nya. "Tawang tawa ka ah!. Ngayon masaya kana siguro naman okay kana." Sarkastikong turan ko " Oo na ito naman hindi mabiro. Basta ha extend mo vacation mo pagkapanganak ko." Pagdadrama nya habang hila hila ang braso ko. "Oo na , apaka demanding. One month okay na siguro yun!" Sagot ko rito " One month lang! Di ba pwedeng 2 months" tawad nya " Nasa palengke tayo, kung makatawad wagas.Tinalo ko pa ang nagmaternity leave kapag ganon ako nawala."Turan ko rito. " Oh sige na nga kaysa wala." May himig ng pagtatampo "Haynako Thania Raye Fontanilla Madrigal hinding hindi mo na ako mags-scam sa ganyan tama na yung one month. Super tambak na ako ng trabaho non. " Aniko at tumango nalang ang huli. "Okay lang yun hija marami ring trabaho si Sybil so you couldn't blame her. Unless makahanap sya dito baka mapapayag mo syang dito nalang magstay." Malisyusong turan ni Tita Cecile Aba! aba! hanep din dalawang magbiyenan at pinagkaisahan pa ako. "Yes Mama gagawan ko po ng paraan" Anito na desididong disidido. "Wow! Try harder my friend." Sarkastikong saad ko Natapos ang masaganang usapan este masaganang almusal. Nagtungo kami sa garden ni Thania upang magpahangin. Hindi nga ako nagkamali sa ganda ng harden. Ibat ibang uri ng bulaklak ang nakatanim rito. Halatang alaga dahil mayayabong ang mga ito. Naupo kami Sa gazebo kung saan mas lalong mabibighani ka sa ganda ng desinyo. Iba't ibang klase ng orchids ang nakapalamuti sa bawat sulok. Animoy nasa ibang dimension ka ng mundo. Nagawi ang tingin ko sa misteryusong pinto. Na kung saan napapalibutan ito ng mga halamang gumagapang. Ibat ibang klasen halaman ang nakapalibot rito. "Bab nakapasok kanaba sa pintong yan?" Tanong ko sa aking kaibigan " Hindi pa bab, pero alam ko ipinagbabawal dyang pumasok". Sagot nito " Bakit naman bawal? " Balik tanong ko Nagkibit balikat na lamang ito. " Sinubukan ko na ring tanungin kay Austin yan kaso maging sya hindi rin pinapayagang pumasok dyan" Sagot uli nito. " Baka naman may tinatago sila dyan. May sinasalvage tapos tinatapon nalang dyan. " Paratang ko " Hoy grabe ka! mababait ang mga madrigal no! ".Pagtatanggol nito " Eh bakit bawal pumasok kung wala naman talaga silang tinatago riyan diba?" Pagpupumilit ko pa. " Alam mo wala akong alam dyan ang mabuti pa tanungin mo si Cyrus malamang sya ang makakasagot sa tanong mo". Sagot nito. Napatango na lamang ako. " Bukas nga pala pupunta tayo ng beach makakapamasyal kana rin sa Casa Madrigal at syempre makapag house tour kana rin sa bahay namin"., Masayang turan ng kaibigan ko. Napatango na lamang ako at ngumiti. Hindi parin mawala sa isip ko kung ano nga ba ang hiwaga sa likod ng pintong iyan. Kaylangang makapasok ako dyan mamayang gabi. Baka hindi ko na ito magawa sa susunod na mga araw kung lilipat na kami bukas sa bahay nila Thania. Yeah. I have mission tonight. Matapos makapag dinner ay nagtungo na ako sa aking silid upang maghanda. I take a shower first. At nagsuot ako ng black leggings, black tunktop at itim na Jacket na my hoodie. Siniguro kong all black lahat para hindi ako makita. Siniguro kong tulog ang lahat bago ako bumaba.Kung susumahin para akong kaanib sa Charles Angels. Dahan dahan ang aking paglalakad upang hindi lumikha ng anumang ingay. Pagkalabas ko ay dali dali akong nagtungo sa mahiwagang pinto na yun.Sobrang kabado ako habang pinipihit ang seradura. Nang sa wakas ay nabuksan ko na saka namang may biglang tumakip sa bibig ko. Sobrang gulat na gulat ako.Pakiramdam ko mahuhulog ang puso ko sa sobrang kaba. Magiging katapusan ko na ba? Pilit akong tumatakas mula sa pagkakatakip nya ng bibig ko. Natatalo ako sa lakas nya.Sobrang malakas sya. Dahil hindi ako makaalis,isang idea ang pumasok sa aking isipan. Ayaw mong alisin ah..1..2..3.. Sabay kagat ng kamay nya napasigaw ito sa sakit. Huli ng napagtanto kong si Cyrus pala ito.Napahiga sya sa sobrang sakit. Ayan kasi patakip takip ka pa sa akin. Ngisi ko habang nakatingin sa kanya. Ngunit bigla naman akong naawa sa kanya dahil sobarang nasaktan yata sya. Kung kaya't Tinulungan ko syang makatayo.Pinaupo sa gazebo,tumalima naman ito.Dali dali akong nagtungo sa loob upang kunin ang first aid ko. Agad kong ginamot ang kamay nyang dumugo dahil sa sobrang pagkagat ko. "What the f**k! Are you a dog?" Galit na turan nya. Aba sama rin ng ugali nito ah buti nga at ginagamot na nga. Kasalanan ko bang gulatin at takpan ang bibig ko. " Hoy! Ang arte mo ha!Ikaw na nga tong tinutulungan ikaw pa ang galit! Kung hindi mo sana tinakpan ang bibig ko idi sana kita nakagat! " Singhal ko rito " Ano ba kasing gingawa mo rito sa ganitong oras tapos naka all black ka pa, para kang magnanakaw! " Sabat nito. " Gusto ko lang naman malaman kung anong nasa likod ng pinto na yan. Bakit sobrang tayog ng mga pader na nakapalibot sa bawat sulok. May tinatago ba kayo riyan? " Litanya ko habang dinadampihan ng betadine ang sugat nito. "Bakit ba interesado ka dyan? " Tanong nito " Iniisip ko lang baka anong gawin nyo sa kaibigan ko. Baka pagkapanganak nya eh papatayin nyo sya at itatapon nalang sa loob. " Pagpapaliwanag ko . Maya maya kunti, biglang gumalaw ang balikat nito at malulutong na halakhak ang maririnig mula rito. Seriously tinatawanan lang ako ng mokong na to. Ah ganun ha! diniinan ko pa lalo ang pagdampi ng bulak sa sugat nya. " Ouch! ouch!" Sambit nito habang walang humpay ito sa pagtawa. Halos mangingiyak na ito hawak pa ang tyan. "Ano bang nakakatawa ha! " Galit na turan ko habang walang humpay sa paghampas ko ng braso nya. "Seriously kami mamamatay tao" Natatawang sambit nito. " Oh bakit ayaw mo kong payagang tignan kong ano ang nasa loob. " Sabat ko habang tinatakpan ng gauze ng sugat nya. "Because it's prohibited" Simpleng sagot nya. "At para sa ikakapanatag mo hindi kami mamamatay tao. Nagtatrabaho kami at lahat ng ari arian namin ay pinaghirapan ng aming kanununuan. Kung kaya't inaalagan lang namin kung anong binigay sa amin." Saad nito Tumango na lamang ako. "And Miss, sinabi ko na saiyong huwag kang magpagala gala." Aniya pa Sinulyapan ko lang sya at tumalikod dala ang aking first aid kit. Saktong pag akyat ko ng hagdan ay nakasalubong ko ang isa sa mga pinsan ni Austin. Ian ata ang pangalan nakangisi pa itong nakatingin sa akin. Binalewala ko lang ito at nagtungo sa aking silid at humiga. Mission failed. Pero hindi parin ako kumbinsido habang naririto ako gagawa't gagawa ako ng paraan upang makita ang misteryo sa likod ng pintong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD