Chapter 2

2163 Words
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman mula kaninang buhat nya ako. Bumibilis ang t***k ng puso ko para pa nga akong aatakihin. Dali dali kong inabot ang baso ng tubig mula sa waiter na nagiikot ikot. Para akong tinuyuan ng kalamnan. Halos bilaukan ako sa gulat dahil sa paghawak ng kaibigan ko sa aking balikat. "Ayos ka lang?" Nag aalalang tanong nya Paubo ubo pa ako habang sumasagot. "Oo naman ba't naman hindi". Sagot ko "Kanina ka pa namumutla dyan eh". Anito. "Pagod lang siguro sa byahe" Sabi ko nalang. "Gusto mo na bang magpahinga. Dadalhin na kita sa magiging kwarto mo." Puno ng pag aalalang sambit nito. "Im totally fine. Hindi pa tapos ang reveal party mo oh.Dont ruin it okay!" Pagsisigurado ko rito. Tumango na lamang ito at nagtungo sa gitna upang ituloy ang reveal party. Naging successful naman ang lahat. Babae ang ipinagbubuntis nito na hindi naman ako nagkamali. "Sabi ko na eh babae yan" Pagtutudyo ko pa sa kanya. " Oo na! For sure spoiled to sayo" Pang aakusa nito. " Naman anong ginagawa ng magandang ninang diba? " Pangbubuska ko rito. " Haha baliw" Sabay hampas sa balikat ko. Kasalukuyan na kaming nagdidinner sa long table kasama ata ang buong angkan ng Pamilyang Madrigal. May mangilan ngilan Ring bisita ang kumakain sa kabilang table at ang iba'y nagsi uwian narin. "Buti nakabisita ka hija" Tanong ng In laws ni Thania na si Tita Cecile. Nakilala ko sila noong kasal ni Thania at Austin yung iba kasama namin ngayon hindi pamilyar sa akin or maybe hindi sila nakaattend nung wedding. "Yes po tita, nagpumilit kasi tong babaeng to eh kaya pinagbigyan ko na" Aniko sabay sulyap sa bestfriend kong nagtatampong nakatingin sa akin. "So hindi mo ko na miss?" Pagtatampo nito. Tumaas ang isa kong kilay at nagkibit balikat. "Ouch your so bad. Nawalay lang ako ng dalawang taon sayo ganyan kana sa akin." Pagtatampo nito. " Wala eh malakas si Austin, Right Austin! " Sabi ko sabay sulyap kay Austin na gulat sa pagtawag ko. Napailing nalang ang huli. Tuluyan na ngang nagtampo ang buntis. "Grabe ka sa akin. Super insecure na nga ako sa sarili ko kasi feeling ko mukha na akong balyena,Tapos ganyan ka pa sa akin. " Mangiyak ngiyak na turan nito. " It's okay pagkapanganak mo, babalik rin naman sa dati ang katawan mo. Yun nga lang kung hindi masusundan! " Sabi ko na may pilyong ngiti. Nagsitawanan ang lahat at may kanya kanyang ngisi. "Ganda na eh! ganda na ng advice mo ba't may pasabit pa" Anito sabay hampas sa akin. Hindi ko maiwasang matawa sa itsura ng kaibigan ko. Miss ko na syang asarin. Haay kung pwede lang syang ipagdamot ginawa ko na. "Don't worry kapag nanaba ka, gagawan kita ng outfit.Dont be upset, you kow what trend ngayon ang mga chubby kasi sila ang tunay na sexy. " Pang aalo ko dito. "May mga model nga kaming chubby ang sesexy nila. Kaya nilang dalhin yung mga outfit na ginawa ko para sa kanila." Sabi ko pa " Talaga!" Hindi makapaniwalang sambit nito. " Mukha ba akong nagsisinungaling so dont bother your self.Your beautiful just the way you are.Hindi ka naman pakakasalan ng asawa mo kung hindi ka maganda sa paningin nya right?". Sambit ko na may ngiti sa mga labi. " Óo nga naman hon,kahit gaano ka pa tumaba ikaw parin yung mamahalin ko" Pagsisingit ni Austin. Napuno ng hiyawan ang buong hapag. Ang mga in laws ni Thania ay hindi magkamayaw sa ngiti dahil sa kilig. " Damn this hormones". Mangiyak ngiyak na sambit nito habang yakap yakap sya ng asawa. " Buksan mo na yung gift ko para sa inaanak ko at pati narin sayo." Sabay abot ko sa regalong kinuha ko sa mesa kung saan nakahalo ang iba't ibang regalo para sa kanila. Tumalima naman ito at dahan dahang binuksan ang regalo. "Oh my gosh!ang cute" Turan nito na may pagkamangha. "Nagustuhan mo?" Tanong ko "Syempre! teka paano mo nalaman na babae ang anak namin?" Takang sambit nito. "Ninang instinct" Sagot ko "Ooh that's amazing" Tanging na sambit nya " Kaya ngayon pa lang iready mo na ang inaanak ko para sa modelling." Sabi ko na may ngiti sa mga labi. "Grabe hindi ko palang nailalabas may kontrata na sayo!" . Natutuwang sambit nito. Napuno ng tawanan ang buong hapag sa turan nito at napapailing na lamang sila sa kalokohan naming dalawa. "Grabe yung saya ni Thania ngayon samantalang kanina parang hihimatayin na sya sa sobrang kaba sayo hija, wala kabang pwedeng makasama sa byahe friends, siblings or boyfriend? " Pambabasag ni Tito Armando sa tawanan namin. "Honestly po I have no friends except Thania, Im only child, and I have no boyfriend. For that Im sorry hindi ko po alam na mahirap ang signal sa mga karatig bayan dito. " Tanging sagot ko. Tumango naman ang huli. Despite of Strict aura I know he only concern to Thania because she is pregnant. Nagpatuloy na kami sa pagkain. "Thank you bab for the gift you give to my Baby huh. Ang cute ng bootie, pink, peach and yellow I love it" Sambit nito sa kabila ng pagsubo " Syempre gawa ko yan para sa inaanak ko. Kaya alagaan mo ang sarili mo huh. " Aniko sabay ngiti. Nang matapos na kaming kumain ay nilapitan naman ako ni Tita Cecile. "Im sorry sa nasabi ng asawa ko kanina hija you know we are only concern to Thania, because she is pregnant. I hope you understand. " Puno ng pagsusumamong turan nito. "No its okay tita.I know you only concern for the safety of Thania and the baby no need to worry. Im fine". Sambit ko Tumango naman ang huli at tuluyan ng umalis at nagtungo sa asawa nito. Sinamahan naman ako ni Thania sa aking tutuluyan. Dito kami matutulog sa Ancestral house ng mg Madrigal. Pagpasok ko sa mala palasyong bahay ng mga Madrigal ay hindi magkamayaw ang paghanga ko. Unang bubungad sayo ang napakalaking chandelier na pinasadya pa dahil sa sobrang laki. It made of crystal ang bawat bombilya nito at napapalibutan ng ginto. Maganda ang pagkaka set up dahil halata namang matibay at hindi agad agad mahuhulog ito. Mga mahahaling paintings, At napansin ko rin ang malaking portrait kong saan andoon lahat ng miyembro ng pamilya maski si Thania ay andun narin. Naagaw ng pansin ko ang malaking wedding portrait.Halatang magagandang lahi talaga sila. May mga mga antic jars din sila and grand staircase. Maraming kwarto na sakto sa boung angkan ng Madrigal kahit pa siguro apo sa talampakan ay magkakasya dito dahil sa lawak ng bahay. Palasyo talaga. "Let's go" Aya ni Thania sa akin patungo sa kwarto ko. Pagpasok namin ay namangha ko sa ganda at lawak nito. Kung sa ibaba ay may pagkaclassic dito naman ay pagka modern. Para akong matutulog sa isang Five star hotel sa ganda ng disenyo. Kulay puti ang bawat sulok ng ng kwarto. May malaking painting nanakasabit sa may bandang headrest ng kama.Na sumasabay sa kulay ng comforter. White And violet was perfect combination of it. May Violet orchid din ang nakalagay sa white vase na nakapatong sa isang coffe table.Maganda rin ang kurtinang tinatangay ng hangin it was lavender ang shade. Malawak rin ang bathroom may jacuzzi din ito at shower room. Kulay puti ang bawat sulok nito sobrang neat tignan. "Okay kana ba dito bab or may kailangan ka pa?" Tanong ni Thania. " Yeah! pahinga kana rin" Masuyong tugon ko. Tumango naman ito. "If you need anything just ask me tawagan mo lang ako sa phone mo sa ibaba kasi kami alam mo na buntis". Anito. Tumango na lamang ako saka ito tumalikod and we bid goodnight. I take a shower then I wear my sweatpants and white tunk top. Saka humiga. Nagpabiling biling mo na ako sa kama bago ko napagdesisyunang lumabas. Siguro namamahay ako kaya hindi ako makatulog sa ibang bahay. Ganito rin kasi ang naramdaman ko nung unang araw ko sa condo ko.Nung napag desisyunan kong maging independent. My parents was hurt but they let me go para daw masanay akong tumayo sa sarili ko. Nag aral akong magluto yung tipong nag enroll ako ng culinary. Natuto rin akong maglinis at maglaba. Hanggat sa magawa ko na ng maayos. Ang laking achievement din kasi kapag nagawa yung mga bagay na hindi mo nakasanayan. My parents are so proud noong pinatikman ko sila nang mga putaheng alam ko. Lalo din silang naging proud nung unti unti ng nakikilala ang mga gawa ko. Not only local but maging international trend ang mga fashion wear na nilalabas namin through online. Tita Ysabelle ang nakatuka sa international. Alam kasi nitong hindi ako gumagala so nag insist itong ipromote ang stuff ko.May sarili rin itong boutique kaya hindi mahirap sa kanyang tulungan ako. Pagkalabas ko ng pinto ay tahimik na ang buong kabahayan. Nakapatay narin ang mga ilaw. Dahan dahan akong bumaba sa hagdan at nagtungo sa pinto. At tuluyan na nga aking nakalabas. Sinalubong ako ng mayuming hangin. Ang lamig ng gabi at mga bituin sa langit na nagpapaganda sa gabi. Nahahalina ako sa mga bulaklak na nakatanim sa buong palagid. Sinundan ko ang mga nakahilierang magagandang bulaklak. Patungo ito sa isang pintong napapalibutan ng baging. At ibat ibang uri ng halaman na tumatabing rito. Mistulang misteryoso ang pintong ito kung kayat pipihitin ko na sana ang seradura ng may biglang humawak sa kamay ko. Na gulat ako sa kamay na nakahawak sa akin. Para akong hihimatayin sa kaba. Sobrang bilis ng pintig ng puso ko. Napalingon ako sa taong nagmamay ari nito. Napatitig ako sa kanyang mga mata, para akong nahihipnotismo sa ganda nito. Tanging sinag ng buwan lamang ang nagsisilbing ilaw sa buong paligid. Maaring hindi ko napansin ang buwan kaninang nakatingin ako sa langit dahil natatakpan ito manipis na ulap. Lalong naghuhurumintado ang puso ko sa bilis ng pagtiboko nito. Mga paru parong nagwawala sa loob ng aking tyan. Ano ba itong nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang ilapit ng husto ang aking mukha sa lalaking kaharap ko ngayon. Para akong naliliyo sa tingin nito sa akin. Unti unti na akong nanlalambot, nawawalan ng lakas, para bang hinang hina ako. Napapaatras pa ako dala narin ng panghihina. Hanggang sa.... hanggang sa.. May maramdaman akong malambot na naapakan sa aking kanang paa.. Dahan dahan kong tinignan at inisip na baka nagkakamali lang ako. Ngunit isang katotohanan ang sumampal sa akin. Nakaapak ako ng tae. Yes tae.. Gosh ang ganda na nung moment eh. Tapos masisira lang bwesit! "Miss are you okay". May pag aalalang sambit nito "Gosh napilay yata ako." Paika ika pa akong naglakad. " Let me see" Tinignan nito kung ano ang nangyari sa talampakan ko gamit ang ilaw ng phone nya. "f**k!" Sambit nito habang tawang tawa. Sumandig lang ako sa poste ng gazebo para di ako mawalan ng balanse. "Wow huh! Tawang tawa ka dyan eh kung tulungan mo kaya akong maghanap kung san ko lilinisin tong slippers ko. Napaka ungentleman naman." Puno ng iritasyong sambit ko " Okay fine! Fine! " Habang nagpipigil sa tawa. Inalalayan nya akong maglakad dahil paika ika ako. "Wait hindi ka naman napilayan eh bakit pa ika ika kang lumakad" .Sarkastikong sambit nya. Sinamaan kung lang ito ng tingin. Wala naman na syang nagawa kundi tulungan ako. Nakakita kami ng faucet malapit sa fauntain. Inalalayan muna nya akong umupo bago kinuha ang slipper kong may poop ng aso. Sya na ang naginsist maglinis nito. Infearness gentleman naman pala. Akala ko hindi hahambalusin ko na sana. Prente akong nakaupo sa fountain na may statwa ng isang babae na may dalang jar at mistulang binubuhos nito ang tubig sa buong fountain. May mga isda rin ito coi ata tawag sa mga makukulay na isda na ito. Naputol lang ang pagmumuni muni kong nang ibalik ng lalaki ang slipper ko. "Miss here is your slipper" Sabay lapag nito malapit sa paa ko. " Thank you,next time make sure na nililinis mo yung poop ng aso mo para hindi pakalat kalat" Litanya ko pa. " Yeah I will" Tipid na sagot nito. "Anyway anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?" Tanong nya. "Wala lang. Hindi kasi ako makatalulog kaya nagpahangin lang ako. " Tugon ko " Hindi mo ba alam na delikadong magpagala gala sa gabi at sa ganitong oras lalo't babae ka? " Panunumbat nito. " Eh bakit naman nasa loob parin naman ako ng Ancestral house hindi naman ako lumabas ng gate". Sagot ko hindi ko narin maiwasang mainis dito. "Maski na hindi ka parin pwedeng magpagala gala rito".Anito sa galit na boses " Ano bang problema mo bakit galit ka, Eh kaw din naman pagala gala ka kaya nga nagkatagpo tayo rito. Puno ng galit na tugon ko Napailing nalang ito siguro alama nyang di sya mananalo sa akin. "Or unless ikaw yung dapat katakutan ko!" Madiing paratang ko habang nakatitig sa mga mata nito. At tuluyan ko na nga itong tinalikuran at pumanhik sa aking kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD