CHAPTER 13 - Tulong ng Ama

1292 Words

Tulong ng Ama INABANGAN ni Manding ang dalaga sa labas ng eskinitang nakitang pinasukan nang sundan sa pag-uwi. Madilim-dilim pa nang magtungo siya roon at matiyagang hinintay ang paglabas ng anak. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib nang makita si Cristina. Hindi siya pinatahimik ng kunsensiya at buong magdamag inisip kung paano ito malalapitan. Nangilid ang luha sa sulok ng kanyang mga mata, dalagang-dalaga na ang anak na tinalikuran niya sa loob ng mahabang panahon. Naisip niyang huwag muna magpakilala. Ipaparamdam muna niya sa dalaga ang pagmamahal na hindi niya naipadama. Uunti-untiin niya ang anak, hanggang sa matanggap siya at mapatawad. “Magandang umaga, Cristina!” Masigla niyang bati sa nagulat na dalaga. “Ay, kayo pala! Tagarito rin pala kayo?” nakangiti nitong tanong. “A

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD