Mapang-api NAKAALALAY pa rin si Cristina kay Mireng habang tinatalunton ang makitid na daan papasok sa tinitirhan. Sa eskinita pa lamang ay dinig na dinig na nila ang malakas na boses ni Bridgette. Sumisigaw, galit, nagmumura at masasakit na salita ang lumalabas sa bibig. Nagkatinginan ang mag-lola. Nagkaraon agad ng hinala, na agad napatotohanang tama nga. Narinig na nila ang pag-iyak nina Romer at Mercedes. Kinakabahan nilang binilisan ang paglakad. Nanlaki ang mga mata ni Cristina! Nabitawan ang lolang inaalalayan at dali-daling sumugod nang makitang pinalo ni Bridgette ang mga kapatid gamit ang katad na sinturong hawak-hawak. “Bridgette!” Lumingon ang tinawag, naka-arko pa ang kilay. “Ate!” Sigaw ng dalawang bata pagkakita sa kapatid. Nagtatakbo ang mga ito at nagmamadaling sin

